You are on page 1of 5

Paaralan: DAYAP ES - ANNEX Baitang: LIMA

LESSON Guro: BERNIE S. BORGOÑOS Asignatura AP 5


EXEMPLA Petsa: MARCH 13, 2023 Markahan: IKATLO
R Oras: 1:50PM – 2:30PM Blg. ng Araw: 1

I. LAYUNIN
a. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga pagbabago sa lipunan ng
sinaunang Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang pangkat na mapanatili ang
kalayaan sa Kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya nito sa kasalukuyang
panahon.
b. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pagganap Nakakapagpakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga
Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
c. Mga Kasanayan sa Ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
Pagtuturo 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng nasyonalismo.
2. Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino.
3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa nasyonalismong Pilipino.
d. Pinakamahalagang Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng
Kasanayan sa nasyonalismong Pilipino.
Pagtuturo
(Kung mayroon, isulat
ang pinakamahalagang
kasanayan sa pagtuturo
o MELC)
e. Pampapaganagng Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong ng
Kasanayan nasyonalismong Pilipino.
f. (Kung mayroon, isulat
ang pampaganang
kasanayan)
II. NILALAMAN Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag usbong ng Nasyonalismong Pilipino
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay MELC p. 44-45
ng Guro AP BOW p. 205
b. Mga Pahina sa Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong
Kagamitan ng Markahan – Modyul 1: Tugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol Unang
Pangmag-aaral Edisyon, 2020
c. Mga Pahina sa AP5 Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina 224-243
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Learning Resources
Portal
Listahan ng mga Kagamitang tartpapel, powerpoint presentation, larawan, activity cards, text selection sheet, strip
Panturo para sa mga Gawain of paper, marker,laptop, videos
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
a. Panimula A. Panalangin
B. Pagtatala ng liban sa klase
C. Paalala sa mga mag-aaral

Ang guro ay magbibigay ng paalala sa mga mag-aaral tungkol sa


panuntunan habang nasa loob ng silid aralan at habang may klase:
1. Maupo ng tuwid.
2. Makinig habang may nagsasalita.
3. Itaas ang kamay kapag gusting sumagot at intayin na matawag ang
pangalan.
4. Aktibong makibahagi sa lahat ng Gawain sa klase.

D. Balitaan
Ipabasa sa isang mag-aaral ang isang artikulo ng balita na may kinalaman sa
aralin. Matapos basahin ang balita magbibigay ang guro ng katanungan
tungkol sa narinig na balita.

Sa araling ito, matutunan mo ang kahalagahan ng pakikipaglaban ng mga


Pilipino sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino. Kaya bilang mag-aaral
ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng nasyonalismo.
2. Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa
pagusbong ng nasyonalismong Pilipino.
3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa nasyonalismong Pilipino
E. Pagganyak
Panuto: Ayusin ang mga gulong titik upang mabuo ang salita na may
kinalaman sa aralin. Magpapakita rin ang guro ng mga larawan na makakatulong sa
mga bata upang mabilis na makuha ang tamang salita. (Integrasyon ng Literacy and
Numeracy)

Gawain
Basahin ang teksto tungkol sa Nasyonalismo.
Ano ang Nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa bansang
England noong noong ika-18 siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay
kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan (Gabuat et
al. 2016). Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng
kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang nilang nilabanan ang mga
mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at kasanayan.
Ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak sa mga
Pilipino upang mag-alsa at magsagawa ng pakikipaglaban sa kolonyalismong
Espanyol. Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling pamamalakad at
pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga pinunong Espanyol. Ang mga mapang-
abusong patakaran at mga kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan
ng mga Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng mga
pag-aalsa at pakikipaglaban. Ang ipinamalas na kagitingan sa pakikipaglaban ng
mga Pilipino ay nagpamalas ng matinding pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais na
muling maibalik ang nawalang kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol at
muling mamuhay ng payapa at may dangal maging kapalit man ito ng kanilang
sariling mga buhay ay sadyang hindi matatawaran.
Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong kuwaderno. (Integrasyon
ng Literacy and Numeracy)
1. Ano ang nasyonalismo?
2. Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga sinaunang
Pilipino?
3. Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang kalabanin ang
mga mananakop na Espanyol?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Pagsusuri ng pahayag. Basahin at unawaing mabuti ang ipinahahayag ng
bawat pangungusap. Isulat ang salitang NASYONALISMO kung ang pahayag ay
lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo at HINDI NASYONALISMO kung hindi
lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo. Isulat ang sagot sa iyong kujwaderno.
(Integrasyon ng Literacy and Numeracy)
1. Ito ay ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18 siglo.
2. Paggamit ng kapangyarihan sa marahas na paraan.
3. Pagtutol at paglaban sa kalabisan na nararanasan laban sa mga makapangyarihang
bansa.
4. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay iniuugnay sa lugar na pinagmulan.
5. Pagpapatupad ng mga patakarang kokontrol sa mamamayan.
6. Pagsasamantala sa kahinaan ng maliliit na bansa.
7. Pagpapasailalim sa kagustuhan ng mas makapangyarihang bansa.
8. Pagpapamalas ng malalim na pagmamahal para sa bayang sinilangan.
9. Pagtatanggol ng karapatang mamuhay nang malaya upang mapaunlad ang
pagkakakilanlan.
10. Pagpapanumbalik ng hangaring pamunuan ang sariling bayan sa pamamagitan
ng mga pag-aalsa.
b. Pagpapaunlad Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino.
Basahin ang teksto sa ibaba.
Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
Ang mga Espanyol ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo sa
Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at iba’t ibang mga patakaran tulad ng
reduccion, polo y servicio, tributo, at ang sistemang encomienda upang mapasunod
ang mga sinaunang Pilipino at mapasailalim sa kapangyarihan nito. Dahil sa
kahirapang naranasan sa mga patakarang ipinatupad ng kolonyalismong Espanyol ay
maraming mga Pilipino ang nagnais makawala sa kapangyarihan ng Espanya.
Nagbigay daan ang kolonyalismong Espanyol upang matuklasan ng mga Pilipino
ang kaya nilang gawin. Hinamon nito ang kanilang katatagan at nagbigay daan
upang mapaunlad ang pagkakakilanlang Pilipino.
Iyong balikan ang mga isinagawang sinaunang pakikipaglaban at ang mga dahilan
ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol na nagpakita ng
kanilang pagmamahal sa bayan at simula ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
bilang paghahanda sa pag-aaral ng modyul na ito. Tunghayan at suriing mabuti ang
nilalaman ng bawat teksto at subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa
iyong sagutang papel.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino?
2. Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo?
3. Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga
Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino?
4. Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at kalayaang
muling mamuno?
5. Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila ang hangaring makipaglaban
ng mga Pilipino?
6. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga
sinaunang Pilipino? Bakit?
(Integrasyon ng Literacy and Numeracy)
c. Pakikipag-palihan Pangkatang Gawain
Hahatiin ang mga bata sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng activity
card. Nakapaloob sa activity card ang gagawin ng bawat pangkat. Pipili ang bawat
pangkt ng mag-uulat sa harapan.

Pangkat 1
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang bubuo sa paksang
napag-aralan. Itala ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Pangkat 2
Panuto: Ipaliwanag mo kung paano naipamalas ng mga sinaunang bayaning Pilipino
ang kanilang pagmamahal sa bayan.
1. Diego at Gabriela Silang (1762-1763) Pag-aalsa ni Diego Silang nang dahil sa
mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-
mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang kanyang pangkat sa pamahalaang
Espanyol noong 1762 ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela ang pag-aalsa
ng siya ay masawi.
2. Francisco Maniago (1660-1661) Pinangunahan ni Francisco Maniago mula
Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab ang pag-
aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng
pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa.
3. Juan Sumuroy (1649-1650) Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na
magpadala ng mga polista na taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko
ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-Samar. Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy,
lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at namundok bilang
mga rebelde.

Pangkat 3
Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na lilinang sa paksang
nakalahad. Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon.
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang ____________ na lumaganap sa bansang
England noong noong ika-18 siglo. Kung saan ang____________ng isang tao ay
kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o ___________. Ito ay
ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng kolonyalismong
Espanyol. Kung saan buong tapang nilang ______________ang mga mananakop na
Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at _____________.

d. Paglalapat Panuto: Bilang mamamayan na iyong bansang kinabibilangan, paano mo


maipapamalas ang nasyonalismo o pagmamahal sa iyong bansa? Kumpletuhin mo
ang pahayag na nasa ibaba na binubuo ng limampung (50) salita. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kuwaderno.
Bilang mamamayang Pilipino ay maipakikita ko ang nasyonalismo o pagmamahal
sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pagtataya:

Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung kahalagahan
ng pagtatanggol ng mga Pilipino ang isinasaad at Mali naman kung hindi.
___1. Nakipagkasundo ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol.
___2. Sinuway ng mga katutubo ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa
bansa.
___3. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan ng
mga katutubong Pilipino.
___4. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino.
___5. Ipinamalas ang kagitingan ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong
Espanyol.
V. PAGNINILAY Isusulat ng mga mag-aaral, sa kanilang kuwaderno, o portfolio ang kanilang mga
personal na pananaw tungkol sa aralin gamit ang mga senyas sa ibaba.

Nauunawan ko na ________________________________________
Nabatid ko na ____________________________________________

Inihanda ni: Sinuri ni:

BERNIE S. BORGOÑOS RAYMOND GERARD C. JORIGUE


Guro I II Dalubguro I

You might also like