You are on page 1of 22

Kolonisasyong Espanyol:

Aspetong Ekonomikal

RZL 023- LECTURE 1-


MIDTERM
Ms. Glenda Teope-Bagasol
Layunin:
● Nailalarawan ang mga patakarang pang-ekonomiya na
ipinatupad ng mga Espanyol;

● Nasusuri ang mga epekto ng mga patakarang pang-


ekonomiya sa pamumuhay ng mga Filipino noong panahon
ng kolonisasyon ng Espanyol;

● Nakakasulat ng isang “reflection paper” hingil sa kalagayang


panlipunan ng mga Filipino dulot ng mga patakarang pang-
ekonomiya.
Ano ba ang EKONOMIYA?
Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego
na “oikonomos” na kung sa Ingles ay
nangangahulugan na “household”.

1) Sa payak na pagkakahulugan, ito ay


tumutukoy sa pamamahala ng tahanan.

2) Sa malaking sakop, ito’y tumutukoy sa


pamamaraan ng pamamahala ng buong
bansa.

Ang sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.

Sumasalamin sa antas ng pamumuhay na sasapitin ng


mamamayan ng isang bansa.
Sistemang Pang-ekonomiya
Bago Dumating ang mga Espanyol
May sariling sistemang pang -ekonomiya ang ating
mga ninuno.
Ang mga sinaunang Pilipino ay nabubuhay noon sa
pamamagitan ng mga butil, bungang kahoy,
pangangaso at pangingisda.

Likas na yaman ang pinagkukunan ng mga


pangangailangan sa araw-araw.

Ang sistemang pang-ekonomiya noon ay tinatawag na


“barter”.
Ang sistemang ito ay hindi gumagamit ng salapi
bilang pambayad sa mga produkto, bagkus ay
pagpapalitan lamang ng mga produkto.
Sistemang Pang-ekonomiya
Bago Dumating ang mga Espanyol
● Ang mga Tsino ang
pangunahing kapalitan ng
ating mga ninuno ng mga
produkto.

Mga porselana, banga, at


seda ay kapalit ng ating mga
katutubong produkto tulad ng
pagkain at kagamitan.
Sistemang Pang-ekonomiya sa
Panahon ng Kolonisasyong Espanyol
● Batay sa merkantelismo, ang
sistemang pang ekonomiya
ang ipinatupad ng mga
Espanyol sa Pilipinas.

● Ayon dito, ang pamahalaan


ang nagiging tagapamagitan
upang itaguyod ang
kayamanan at kapangyarihan
ng estado
Tulong Kaalaman
● Sa sistemang merkantilismo,
naniniwala na ang bansa ay
mapapayaman sa
pamamagitan ng pagpigil sa
pag-angkat at pagsuporta sa
pag-export.

Layunin nito na magkaroon ng


balanse sa pangangalakal na
magdadala ng ginto at pilak sa
bansa at pagpapanatili ng
domestic employment.
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya

01 Tributo 02 Polo y Servicio

03 Sistemang Bandala 04 Kalakalang Galyon


Tributo
Sistema ng pagbubuwis
Ito ay nasa anyong salapi o katumbas nito sa
produkto tulad ng paly, bulak, manok, ginto
tela o ano mang produkto na isang rehiyon.

Nagsimula ito sa halagang 8 reales noong


1570 at umabot sa 15 reales bago matapos
ang pagtatapos

Encomendero at cabeza de baranggay ang


naatasang maningil ng tributo

Ginamit ito sa pagtatayo ng mga moog, kuta


at galera.
1604
Sa pamamahala ni Gobernador - Heneral Pedro
Bravo de Acuna, ipinatupad ang dalawang
paraan ng pagbabayad ng kalahati ng tributo sa
anyong salapi

1. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng ilang


bahagi ng kanilang ani sa mga
mangangalakal na Tsino.

2. Ang natitirang halaga ay maaring bayaran


ng katumbas na ani o produkto.
Juan Nino de Tabora (1626-1632)

Ipinagbawal ang pagbabayad ng salapi sa


halip hinikayat niya ang mga mamamayan
na paghusayin ang kanilang pagsasaka
upang tumaas ang kanilang ani na siyang
pambayad sa pamahalaan.
Iba Pang Uri ng Pagbubuwis
1. Donativo de 2. Vinta
Zamboanga o
Samboangan

Nagkakahalaga ng Sinisingil sa mga


kalahating reales o naninirahan malapit sa
katumbas sa palay na pampang ng Bulacan at
sinisingil sa mga taga Pampanga bilang
Zamboanga tulong sa pagdepensa
sa bantang
Ginawa upang masupil pananalakay ng mga
ang mga Moro. Muslim.
Iba Pang Uri ng Pagbubuwis

Falua 1884- Cedula


Personal
Papel pagkakilanlan
Sinisingil sa mga bilang mamamayan
taga Camarines ng isang lalawigan
Sur, Cebu ,
Misamis at mga Ang bawat
mamamayan na may
karatig lalawigan edad na 18 pataas
nito. ang kailangan
kumuha ng cedula
Polo y Servicio
Ito ang sapilitang paggawa.

Pwersahang pinapalahok ang mga katutubong


Filipino sa ibat- ibang mabibigat na trabaho
tulad ng pagtatayo ng imprastraktura,
pagtotroso, paggawa ng barkong galyon.

Alinsunod dito, lahat ng kalalakihan sa kolonya


na may edad na 16-60 ay kailangang
magtrabaho ng 40 na araw. Napaikli ito sa 15
araw noong 1884

Ang mga manggagawa sa polo ay tinawag na


POLISTA.
Polo y Servicio
Maaring hindi maglingkod
ang isang polista kung siya
ay makapagbabayad ng
FALLA.
Sistemang Bandala
Sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga
magsasaka.

May takdang dami ng produkto na dapat ipagbili sa


pamahalaan ang mga lalawigan.

Karaniwang promissory note ang ipinapambayad ng


pamahalaan sa mga magsasaka kapalit ng
produkto.

Kalimitang hindi napapalitan ng pamahalaan ang


mga papel na ito sapagkat walang pondong
pambayad.
Kalakalang Galyon
Upang yumabong pa ng husto ang ekonomiya ng
bansa, ipinatupad ang isang sistemang
pangkalakalan ng Espanya tinawag itong
kalakalang galyon.

Gamit ang sasakyang pandagat na galyon, nailuwas


ang mga produkto sa iba pang kolonya ng Espanya.

Ang katuwang ng Pilipinas sa ugnayang komersiyo


ay ang Mexico.

Kilala bilang “Kalakalang ManilaAcapulco” dahil sa


rutang tinahak ng mga galyon mula Maynila
patungong Acapulco sa Mexico.
Kalakalang Galyon
Limitadong pangkat lamang ang nakinabang
sa Kalakalang Galyon. Ang mga Espanyol
lamang na kasapi ng Konsulado ang tanging
naging pakikilahok ng mgha Filipino sa
patakarang pang ekonomiyang ito ay ang
paggawa ng galyon.

Mahabang panahon at malking salapi ang


ginugugol dito na nag resulta sa pagpapabaya
sa agrikultura at sa iba pang industriya.

Maraming kalalakihan ang ipinadala sa


malayong lugar upang gumawa ng galyon at
magtanim ng niyog at abaca.
Mga Patakarang Agrikultura
Ipinakilala ng mga espanyol ang mga bagong uri ng halaman, hayop at
industriya. Kabilang dito ang cacao, sitaw, kape, mais, mani, tubo, tabako at
trigo.

Gayundin ang pag-aalaga ng baka, kabayo, tupa atbp.

Natuto din ang mga filipino ng bagong industriya tulad ng paggawang tisa,
sabon, alak atbp.

Ilan din sa patakarang kanilang pinatupad ay :

Pagbawi sa mga lupang pangsakahan na hindi nagbunga ng sapat na ani.


Pagpapaalaga sa bawat pamilya nang hindi bababa sa 12 manok at isang
inahing baboy.

Pagtuturo ng makabagong paraan ng pagsasaka, pangingisda, pagmimina at


mga gawaing metal
Paglalahad

3-2-1
3 - bagay na iyong natutunan.

2 - nais na alamin

1- katanungan
MARAMING
SALAMAT...
REFERENCES:
https://www.youtube.com/watch?v=POOxNmjNVCg

http://depedmuntinlupa.ph/sucat-es/wp-content/uploads/2021/02/V.2AP5_Q2_W5_SLeM_3.2
_PatakaranSaSektorNgEkonomiya.pdf

https://www.slideshare.net/shanialoveres/ekonomiks-kalagayan-ng-ekonomiya-ng-pilipinas-s
a-ibatibang-panahon

https://www.coursehero.com/file/64254149/RIZAL-EKONOMIYAdocx/

You might also like