You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN

Quarter 2 – Modyul 5

Alamin

Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo

Ang isang dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa ay
upang palaganapin ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ginamit nila ang
“Krus AT Espada” upang matupad ang kanilang layunin. Ang krus ay
sumasagisag sa pagpapalaganap ng relihiyon at ang espada ay sa pananakop at
pagpapalawak ng lupain at kolonya ng Espanya. Ano kaya ang reaksiyon ng
mga katutubong Pilipino sa Kristiyanismo, mabuti ba o masama?

Sa tulong ng modyul na ito inaasahang mabibigyang-katwiran mo ang mga


naging reaksiyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng
sektang Romano Katoliko. Basahing mabuti ang mga teksto at sagutin ang
mga gawain. Sundin nang mabuti ang mga panuto.

Subukin

Sagutin sa buong papel ang mga katanungan ukol sa reaksyon ng mga Pilipino sa
Krisiyanismo:

1. Paano nagtulungan ang mga Espanyol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas?


2. Sinong Espanyol na namuno sa isang ekspedisyon ang pinakamaraming nasakupan na lugar sa
Pilipinas?

Balikan mo:
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang angkop na salita tungkol sa Kristiyanismo sa bawat
kahon.

a. Isang reaksyon ng maraming Pilipino sa Kristiyanismo


a p a l u m a t a
s m s a a y

b. Kanilang damdamin s relihiyong Katoliko


o a e s
R k y n

c. Naniwala sila sa relihiyong Islam


s m l m
u i

1
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Lesson Title of the Lesson


6 REAKSYON NG MGA PILIPINO SA KRISTIYANISMO

Alamin

LAYUNIN: Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo


Basahin ang dayalogo ng dalawang magkaibigan

Oo Tom. Marami Becky, sang-ayon ka


sa mga paniniwa ba sa relihiyong
ito ang ginagawa katolisismong
pa rin natin mag- ipinalaganap ng mga
pasangayon.
Espanyol sa atin?

Sagutin ang mga tanong?


1. Katulad ka ba rin Becky na sang-ayon sa katolisismo? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________.
2. Anu-anong paniniwala ang ginagawa pa rin natin o dala ng Espanyol sa
pangkasalukuyan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________.

Balikan

1. Aling orden ng misyonero ang unang dumating sa Pilipinas?


2. Sino ang pinakamakapangyarihan sa mga prayle? Bakit?
3. Paano nagiging kasapi sa simbahan ang isang katutubo?

1
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Tuklasin

May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala. Ang mga Muslim
at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko. Matatag ang mga Muslim at
hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay nagkalayu-layo upang hindi
marating ng pari.
Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindi
narrating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan.
Apat ang nagging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa Pilipinas
1. Sumampalataya nang lubos
2. Nag-alsa,
3. Tahimik na bumalik sa dating pananmpalataya, at
4. Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

Suriin

Balikan natin ang nangyari sa Cebu noong g 1951 nang dumating si Ferdinand
Magellan. Sina Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa
Katolisismo kay Padre Valderama. Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag na
tinanggap ang mga aral, at paniniwala ng Katolisismo nang dumting sina Miguel Lopez de
Legazpi at Padre Andres de Urdaneta. Kasabay ng paglaganap ng Katolisismo ang pagtatag
naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang mga lupain nasasakupan ng mga Espanyol.
Nang lumaon, may mga Pilipino Kristiyano na namuno sa pag-aalsang panrelihiyon.
Iba-iba ang dahilan ng kanilang pag-aalsa.
Noong 1621, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na
manumbalik sa dati nilang paniniwala.
Sina Bankaw, Datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod sa Kristiyano
upang manumbalik sa dati nilang paniniwala.
Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao
ang mga Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpatuloy ang kanilang kinagisnang
pananampalataya. Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang maari nilang gamitin.
Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais ni Tapar na
magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyano ngunit tinululan ito ng mga prayle.
Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay ang
pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong
libing ang kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsa noong 1744 at
nagtapos noong 1829.
Sa lalawigan ng Quezon, noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilala sa
tawag na Hermano Pule ang Cafradia de San Jose. Bilang isang debotong Katoliko, nais ni
Hermano Pule na maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isang indio. Dahil
ditto, itinatag niya ang nasabing samahan at maraming nahikayat na sumapi dito.
May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala.
Ang mga Muslim at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko.
Matatag ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay
nagpakalayu-layo upang hindi marating ng pari.
2
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindi
narating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan.
Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa
Pilipinas: (1) Sumampalataya nang lubos, (2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sa dating
pananampalataya, at (4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

Gawain A
Panuto : Isulat ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga
sumusunod:

Gawain A1:Gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa mga reaksyon ng mga Pilipino sa
pagtatag ng Katolisismo
Gawain A2:- Bumuo ng awitin sa mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol
Worksheet A3: Gumuhit ng larawan sa mga Pilipinong nakipaglaban sa mga Espanyol
Workshee A4: Gumawa o sumulat ng maikling tula tungkol sa mga reaksyon ng mga Pilipino
sa pagtatag ng Katolisismo.

Gawain B
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang
isinasaad sa pangungusap. Kung mali, isulat ang tamang salita upang maging tama ang
pangungusap.
___1. Sina Raha Kulambo at ang kanyang asawa si Juana ay nagpabinyag sa Katolisismo kay
Padre Valderama.
___2. Hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na manumbalik
sa dati nilang paniniwala.
___3. Dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong taong 1521.
___4. Ang mga pangkat ng Indones ay hindi narating ng mga pari dahil wala silang paraan sa
pakipagtalastasan.
___5. Sinunog ng mga pangkat nila Dagohoy ang mga simbahan at kinuha nila ang maaari
nilang gamitin.
___6. Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pad-aalsa sa Pilipinas dahil
tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong libing ng kanyang kapatid na namatay sa
duwelo.
___7. Nagpakalayu-layo ang mga Ifugao upang hindi marating ng mga paring misyonero.
___8. Noong 1841, itinatag ni Alalaban ng Apayao na kilala sa tawag na Hermano Pule ang
Cofradia de San Jose.
___9. Tinanggihan ni Hermano Pule na maging pari dahil siya ay isang indio
___10. Sina Bankaw, datu ng Limasawa at Pagali, ay tumalikd sa Kristiyanismo upang
manumbalik sa dati nilang pananampalataya

Pagyamanin

Gawain C
Panuto: Gumawa ng tsart ng nasa ibaba sa inyong kuwaderno. Punan ng mga datos na
kinakailangan. Sa ikalawang hanay, isulat ang taon sa pag-aalsa, sa ikatlong at ikaa-apat na
hanay isulat ang katwiran kung sang-ayon ka o hindi sang ayon. Halimbawa sa una numero.

3
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Filipino na Nag - alsa Taon sa pag - alsa Dahilan Katwiran


1. Tambot 1961 Nanumbalik sa dating Hindi sang-ayon
paniniwala
2. Banhaw
3. Lanab
4. Tapar
5. Dagohoy
6. Apolinario

Gawain D

Panuto: Buuin at tapusin ang kaalaman ng bawat pangungusap kung ano ang reaksyon ng mga
Pilipino sa Kristiyanismo.
1. Nakita ang malakas na impluwensiya ng Katolisismo sa -
----------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------

2. May mga katutubong Pilipino na hindi naimpuwensiyahan ng Katolisismo


dahil----------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------.
3. Madaling napalaganap ng mga Espanyol ang Katolisismo noong panahon ng
Kastila-----------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------.
4. May ilang Pilipinong ang nag-alsa
dahil-----------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------.
5. Ang karapatan sa pagpili ng relihiyon noon ay
----------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------
---.

Gawain E
Panuto: Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat kahon upang mabuo ang salitang
hinihingi ng bawat pangungusap.

1. Relihiyon pinalaganap ng mga Espanol sa Pilipinas

K T Y M

2. Isang Babaylan na nanumbalik sa dating paniniwala

A B T

3. Ang asawa ni Raha Humabon

U A

4
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

4. Ang relihiyon ng mga Muslim

I L

5. Mga katutubong hindi nahikayat ng mga pari sa relihiyon Katoliko.

E R T

Gawain F:
Panuto: Gumuhit ng sariling reaksyon at saloobin bilang isang Kristiyanismo, ano ang
mararamdaman sa pang aabuso ng mga Espanyol

Gawain G: “ Dugtungan mo”


Panuto: Ibigay ang mga napag alaman sa mga sumusunod na katanungan.

Sitwasyon:
Bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin mo ang iyong relihiyon. Papayag k aba?
Bakit?

Kung ako ay bibigyan ng pagkakataong baguhin ang aking kasalukuyang


relihiyon___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________

Isaisip

Sagutin mo sa iyong kuwadwerno ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit iba-iba ang nagging pananaw ng mga Pilipino sa Katolisismo?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit nag-alsa ang ilang Kristiyanong Pilipino?


___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Bakit hindi nararating ng mga Espanyol ang ibang lugar tulad ng Cordillera?
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Isagawa

Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya sa iyong relihiyon?
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Sagot:

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Buod

Balikan natin ang nangyari sa Cebu noong g 1521 nang dumating si Ferdinand
Magellan. Sina Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa
Katolisismo kay Padre Valderama. Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag na
tinanggap ang mga aral, at paniniwala ng Katolisismo nang dumting sina Miguel Lopez de
Legazpi at Padre Andres de Urdaneta. Kasabay ng paglaganap ng Katolisismo ang pagtatag
naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang mga lupainn nasasakupan ng mga
Espanyol.
Nang lumaon, may mga Pilipino Kristiyano na namuno sa pag-aalsang panrelihiyon.
Iba-iba ang dahilan ng kanilang pag-aalsa.
Noong 1561, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na
manumbalik sa dati nilang paniniwala.
Sina Bankaw, Datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod sa Kristiyano
upang manumbalik sa dati nilang paniniwala.
Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao
ang mga Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpatuloy ang kanilang kinagisnang
pananampalataya. Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang maari nilang gamitin.
Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais ni Tapar na
magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyano ngunit tinululan ito ng mga prayle.
Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay ang
pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong
libing ang kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsa noong 1744 at
nagtapos noong 1829.
Sa lalawigan ng Quezon, noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilala sa
tawag na Hermano Pule ang Cafradia de San Jose. Bilang isang debotong Katoliko, nais ni
Hermano Pule na maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isang indio. Dahil
ditto, itinatag niya ang nasabing samahan at maraming nahikayat na sumapi dito.
May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala.
Ang mga Muslim at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko.
Matatag ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay
nagpakalayu-layo upang hindi marating ng pari.
Ang mga Pilipinong nakatira sa liblib na pook tulad ng Negrito at Igorot ay hindi
narating ng mga pari dahil wala silang paraan upang makipagtalastasan.
Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa Pilipinas: (1)
Sumampalataya nang lubos, (2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sa dating
pananampalataya, at (4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.

6
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo. May


sumasampalataya at di- sumasampalataya. Mayroon naging Kristiyano na nagbalik sa dati
nilang relihiyon. May nag-alsa naman laban sa pamamalakad ng simbahan.
May mga Pilipino sumasampalataya sa pamamagitan ng pagpapabinyag ata ang
paggamit ng pangalang Kristiyanismo. Umabot na halos sa 500 000 Pilipino ang binigyan sa
Kristiyanismo. Ang paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos at pagsunod sa kautusan ng
relihiyong Katoliko ay tanda ng pagsampalataya.
Marami pa ring Pilipino ang hindi sumampalataya sa relihiyong Katoliko at
naniwala sa aral ng Kristiyanismo. Ang mga Muslim ay pangkat ng mga Pilipino na hindi
sumasampalataya sa Kristiyanismo. Matibay ang kanilang paniniwala sa relihiyong Islam.
Tulad na lang ng mga Maranao, sila ang mga Muslim na naninirahan sa mga teritoryo na
ngayon ay Lanao Del Sur, Lanao Del Norte at bahagi ng Misamis Oriental. Naniniwala ang
mga Maranao na ang kanilang lupang tinitirhan ay buhat pa sa kanilang ninuno. Pinalalagay
nila na ang kanilang teritoryo ay tahanan ng Islam

Tayahin

A. Pagtataya: Isulat sa kuwaderno ang titik ng wastong sagot.

1. Sino ang kauna-unahang Pilipino na nagpabinyag sa Katolisismo


a. Diego at Gabriela c. Carlos at Gregoria
b. Raha at Juana d. Felipe t Maria

2. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari?


a. Tamblot b. Hermano Pule c. Dagohoy d. Bangkaw
3. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng Kristiyanismo libing ang kapatid?
a. Dagohoy b. Bangkaw c. Tamblot D. Hermano Pule
4. Bakit hindi nahimok sa Katolisismo ang mga taga-Cordillera?
a. Malayo ang mga bayan sa Cordillera. b. Lubos na binabantayan ng mga katutubo
para walang makapasok c. Magaling makipaglaban d. Marami silang guwardiya
5. Sino ang nag-alsa nang hindi siya pinayagan na magtayo ng bagong relihiyon?
a. Pagali b, Tapar c. Miguel Lanab d. Alababan

B. Identipikasyon. Tukuyin ang konseptong isinasaad sa bawat bilang.

1. Kailan hinikayat nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao ang mga
Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpapatuloy ang kanilang kinagisnang
pananampalataya?
2. Sinong babaylan ang nanghikayat sa mga katutubo ng Bohol na manumbalik sa
dati nilang pananampalataya?
3. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng Kristiyanong libing ang kapatid?
4. Sino ang nag-alsa nang hindi siya pinayagan na magtayo ng bagong relihiyon?
5. Sino ang nag-alsa nang hindi binigyan ng pagkakataon na maging pari?
7
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

C. Sagutin mo sa iyong worksheets ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit iba-iba ang naging pananaw ng mga Pilipino sa Katolisismo?

2. Bakit nag-alsa ang ilang Kristiyanismong Pilipino?

3. Bakit hindi narating ng mga Espanyol ang ibang lugar tulad ng Cordillera?

4. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipinakikita ang iyong pananampalataya sa

iyong relihiyon? Isulat sa worksheets ang iyong sagot.

D. Pagpapayamang- Gawain

Tanungin ang mga kamag-aral o kasambahay tungkol sa mga paniniwala, gawi, o

aral ng iyong relihiyon na hindi ninyo ginagawa o sinusunod.

Magbigay ng Katuwiran kung bakit.

E. Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pamumuhay n gating mga ninuno bago


sila sinakop ng mga Espanyol at ng pamumuhay nila sa panahon ng Kolonyalismo.
Talakayin sa klase.

F. Panuto: Isulat (/) kung sumampalataya at ekis(x) kung di-susampalataya sa


Kristiyanismo.
__1. Pagpapabinyag at paggamit ng pangalang kristiyano.
__2. Matibay na paniniwala ng mga Muslim sa relihiyong Islam.
__3. Paniniwala kay Alah bilang Pnaginoon.
__4. Pagsunod sa kautusan ng relihiyong katoiko.
__5. Paniniwala sa relihiyong Islam.
__6. Paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos.
__7. Di-paniniwala sa aral ng kristiyanismo.
__8. Paglilimbag ng babasahin tungkol sa relihiyong Katoliko
__9. Pakikinig ng sermon ng pari.
__10. Pagtuturo ng katekismo.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul natapos na ito!

Maari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

8
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

Susi ng Kasagutan

BALIK-ARAL
a. Sumasampalataya
b. Reaksyon
c. Muslim
GAWAIN A- PAGMAMARKA GAMIT ANG RUBRIKS
GAWAIN B.
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. IFUGAO
5. ALABABAN AT MIGUEL MALBAR
6. TAMA
7. TAMA
8. APOLINARIO DE LA CRUZ
9. TAMA
10. TAMA

GAWAIN C.
Gumawa ng tsart ng nasa ibaba sa inyong kuwaderno. Punan ng mga datos na kinakailangan.
Sa ikalawang hanay, isulat ang taon sa pag-aalsa, sa ikatlong at ikaa-apat na hanay isulat ang
katwiran kung sang-ayon ka o hindi sang ayon.

Filipinong Nag-alsa Taon sa Pag-alsa Dahilan Katwiran


1. Tambot 1961 Nanumbalik sa dating Hindi sang-ayon
paniniwala
2. Banhaw 1961 Tumalikod sa Hindi sang-ayon
Kristiyano upang
nanumbalik sa dating
pananampalataya
3. Lanab 1625 Bumalik sa bundok. Hindi sang-ayon
Sinunog ang mga
simbahan at kinuha ang
importanteng gamit
lamang.
4. Tapar 1633 Magtatag ng bagong Hindi sang-ayon
relihiyon. Tutol ang
mga prayle.
5. Dagohoy 1744 Nag-alsa nang hindi Hindi sang-ayon
binigyan ng
Kristiyanismong libing
ang kapatid
6. Apolinario 1841 Nais maging pari ngunit Hindi sang-ayon
tinanggihan siya dahil
isa siyang indio.

9
ARALING PANLIPUNAN
Quarter 2 – Modyul 5

GAWAIN D: PAGWAWASTO NG GURO GAMIT ANG RUBRIKS

GAWAIN E:
1.
K R I S T I Y A N I S M O

2.
T A M B L O T

3.
J U A N A

4.

I S L A M
5.

N E G R I T O

Gawain F: PAGWAWASTO NG GURO GAMIT ANG RUBRIKS


Gawain G: PAGWAWASTO NG GURO GAMIT ANG RUBRIKS

Tayahin – susi ng kasagutan

A. B.

1. B 1. 1625
2. B 2. Tamblot
3. A 3. Dagohoy
4. A 4. Tapar
5. B 5. Hermano Pule

C. PAGWAWASTO NG GURO GAMIT ANG RUBRIKS

D. MAY GABAY SA PAGMAMARKA GAMIT ANG RUBRIKS

E. MAY GABAY SA PAGMAMARKA GAMIT ANG RUBRIKS

F. 1. / 6. /
2.x 7. x
3.x 8. /
4. / 9. /
5. x 10. /

10

You might also like