You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 5
Paglaganap ng
Kulturang Islam
Unang Markahan - Modyul 7

Ma. Teresa A. Gulaga


Manunul at
Irene U. Destura
Tagasuri
Mariel Eugene L. Luna
Editor at Layout

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Alamin

Sa bahaging ito ay tatalakayin kung paano lumaganap ang relihiyong ISLAM


sa bansa. Hihimaying maigi ang pagtuturo ng ISLAM sa bansa at ang kahalagahan
ng Islam
Pagkatapos ng module na ito, ikaw ay inaasahang matututunan mo ang mga
sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang paglaganap ng Islam sa bansa;
2. Natatalakay kung bakit at paano lumaganap ang Islam sa Pilipinas; at
3. Natutukoy ang mga misyonerong nagpalaganap ng Islam.

Subukin

Pagsusulit: Basahin ang nasa komiks at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Saan nagmula ang binhi ng relihyong Islam?

2. Sino si Shariff Kabungsuan?

3. Sa anong mga bansa lumaganap ang Islam?

4. Bakit nasa Sulu si Abu Bakr?

5. Anu- ano ang 5 haligi ng Islam?

6. Sino ang kauna-unahang Sultan ng Sulu?

7. Itala ang dalawang nagawa ni Abu Bakr.

8. Bakit naging pinuno ng Cotabato at Malabang si Kabungsuan?

9. Ano ang tinawag na Madrasah?

10. Sino ang napangasawa ni Abu Bakr?

2
Aralin Paglaganap ng Relihiyong
7 Islam
Ito ay bagong aralin na matutuklasan mo kung paano ang katuruan ng
Islam sa bansa.

Balikan

Piliin sa ibaba ang sosyo –kultural at politikal na paraan ng pamumuhay ng


mga Pilipino noong unang panahon at isulat ang katuturan nito. Isulat sa
kuwaderno ang sagot.

Pagsamba sa mga anito pagsasayaw sa harap ng altar

Pagmamano pagbabatik pagtattoo sa katawan

Paggawa ng Bangka po at opo kasuotan at alahas

3
Tuklasin

Pag-aralan ang komiks sa iba at magtala ng mahahalagang bagay ukol sa


pagsisimula ng Islam sa bansa.

Pinagkunan: DepEd Learning Mat erial AP5

4
Suriin

Narito ang mga mahahalagang kaalaman mula sa pagsisimula at paglaganap


ng Islam sa Pilipinas.
Allah –tawag sa sa Diyos ng mga Muslim

Muslim - mapayapang nilalang at tawag sa tagasunod


Mosque -simbahan ng mga Muslim
Koran – banal na aklat ng Muslim
Mecca – pinakabanal na lugar na matatagpuan sa Arabia

Ang Limang Haligi ng Islam

SHAHADA

•“walang ibang Diyos kundi si Allah" at propetana na si Mohammad

SALAT

•panalangin ng mga Muslim 5 beses sa isang araw

ZAKAT

•pagbibigay ng limos

SAUM

•pag- aayuno sa buwan ng Ramadan

HAJJ

•paglalakbay patungong MECCA

Nais kong bigyan pansin kung paano itinuro ang relihiyong Islam sa bansa. Ang
salitang Islam ay nagmula sa Arabe na ang ibig sabihin ay pagsunod o
pagyuko.Itinatag ito ni Propeta Muhammad. Si San Gabriel ay nagpakita kay Propeta
Muhammad upang ipangaral ang Islam. Ang Islam ay nagsimula noong ika-pitong
siglo sa tangway ng Arabia. Lumaganap ang relihiyong Islam sa
Indonesia,Pilipinas,Africa,India at Spain.

5
1475
Shariff
1450 Kabungsuan
Abu Bakr sa sa
1390 Jolo Maguindanao
Rajah
13 na sigl o Baginda
Sharif
MGA Makhdum sa
NAGPALAGANAP
NG ISLAM SA Sulu
PILIPINAS.

Mahalaga sa mga Muslim ang Ramadan.Ito ay tinawag na pag-aayuno .Ang


Ramadan ay isang kaganapang pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing
ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur'an. Ito ang
panahon ng pag-aayuno na iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula
pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Nagtatapos ang Ramadan sa Eidl-Fitr
o Hari Raya Puasa. Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na
magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay.

Pagyamanin

Gawain 1.Sagutin ang mga sumusunod:


Ano ang nalalaman mo sa mga salita na nasa unang kolum?
Isulat ang hinihinging impormasyon sa ikalawang kolum .

UNANG KOLUM IKALAW ANG KOLUM

1.Propeta Mohammad

2.5 lugar na lumaganap ang Islam

3. Mecca

4.Islam

6
5.Ramadan

Isaisip

Nagsimula ang binhi ng relihiyong Islam sa Sulu at lumaganap sa ibat ibang


parte ng Mindanao at ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Ayon sa katuruan at
kuwento sa Lanao, isang Shariff Alawi ang nagdala ng Islam mula sa Cotabato
hanggang sa Misamis Occidental patungong Bukidnon. Noong ika -16 na dantaon
lumaganap ang Islam sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mula sa Borneo nakarating ito
sa Maynila sa pamumuno ni Raha Sulayman at sa Tondo sa pamumuno ni
Lakandula. Ang Tondo noon ay nakahiwalay pa sa Maynila. Mula sa Maynila
nakarating ang Islam sa Lawa ng Laguna patungong Balayan Batangas at umabot
ito sa Mindoro. Maging sa Kabisayaan ay umabot din ang relihiying Islam.

Isagawa

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.


Isulat ang K- katotohanan at DK –kung sa palagay mo ay di-katotohanan
1. Ang paglaganap ng relihiyong Islam sa Luzon, Visayas at Mindanao ay
tanda ng pananakop ng Kastila sa Pilipinas .
2. Nagpakita si San Gabriel kay Propeta Mohammad upang upang ipangaral
ang Islam.
3. Ipinagbabawal ang pagkain ng karne ng baboy,pagsusugal at pag-iinom ng
alak sa mga Muslim.
4. Ang salitang Islam ay nagmula sa salitang Arabe.
5. Nakasulat sa banal na Koran na lahat ng mga Muslim ay makapunta sa
Mecca.

7
Tayahin

A. Panuto: Basahin ang mga salita .Piliin ang titik ng tamang sagot sa Hanay B.

Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.


HANAY A HANAY B
1. ALLAH A. pagbibigay ng limos
2. HAJJ B. paglalakbay patungong
3. SULTAN MECCA
4. ZAKAT C. tawag sa kanilang Diyos
5. SHARIF KABUNGSUWAN D. nagpahayag ng Islam sa
Maguindanao noong 1475
E. pinakamakapangyarihan at
katuwang sa pamamahala
F. banal na lugar

B. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Punan ang patlang. Hanapin sa kahon


ang titik ng tamang sagot.

A. Limang beses
B. Koran

C. San Gabriel
D. Ramadan
E. Karneng baboy
F. Pambababae

6. Si ______ ay nagpakita kay Propeta Mohammad upang ipalaganap ang Islam.

7. Ang _____ay ipinagbabawal kainin ng mga Muslim.


8. Ang _____ay ginagawa a ikasiyam na buwan ng kalendaryong Muslim.
9. Ito ay tawag sa banal na aklat ng mga Muslim._______
10. Nagdadasal ang mga Muslim ng _____ sa isang araw sa itinakdang panahon.

8
Karagdagang Gawain

Isulat sa loob ng bubble map ang mga lugar o lalawigan ang napalaganap ng Islam

Ang relihiyong
Islam ay
lumaganap sa

9
10
DepEd Learning Guide 5
Google published July 4,2014 ,Feb.28,2016
Kayamanan 5 p. 27
Sanggunian
ISAGAWA Suriin Tayahin
1. DK 1.Cotabato 1. C
2. K 2. B
3. K 2.nagpalaganap ng Islam sa 3. E
4. K Mindanao 4. A
5. DK 5. D
3.Indonesia,Pilipinas,Africa,I 6. C
ndia,spain 7. E
8. D
4.ipalaganap ang Islam
9. B
5.shahada,salat,zakat,saum, 10.A
hajj
6.Abu bakr
7.nagpatayo ng Masjid at
madrasah
8.napangasawa ang ank ng
datu
9.paaralang Muslim
10.Prinsesa paramisula
Susi sa Pagwawasto

You might also like