You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 5
Estrukturang Pampolitika
sa Panahon ng Espanyol
Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo

Angelo Gamusa
Manunul at
Irene U. Destura
Tagasuri
Dr. Aurora S. Bartolaba
Edizer C. Laqueo
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyo. Ito ay
naglalayong makatulong na mahasa sa konsepto katulad ng kahalagahang
pangkasaysayan (historical significance) tungo sa pagpanday ng maunlad na
kinabukasan para sa bansa. Ang saklaw ng modyul na ito ay naglalayong
gamitin para sa iba’t ibang sitwasyong matutunan. Ang araling ito ay inayos
para masundan ang pamantayan sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga pagbabagong pampolitika sa
ilalim ng kolonyalismong Espanyol at itaguyod ang sentralisadong
pamamahala sa pagkakaroon ng:
 Pamahalaang Sentral
 Pamahalaang Lokal

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Mailalarawan ang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas.
2. Masusuri ang pagbabagong pampolitika na ipinatupad ng kolonyal na
pamahalaan.

Panuto: Piliin sa Kolum B ang tamang katawagan na binigyang-kahulugan


sa bawat pangungusap sa Kolum A. Isulat ang letra ng tamang
sagot.
A B
1. Pinakamataas na pinuno sa kolonya A. Colon
2. Huwes sa Royal Audencia B. Maynila
3. Pinuno ng isang pueblo C. alcalde
4. Pinuno ng ayuntamiento D. gobernadorcillo
5. Ispiya ng hari E. barangay
6. Pinakamaliit na yunit ng pamahalaan F. visitador
7. Pribilehiyo ng isang alcalde mayor G. hari
8. Lalawigang pinamunuan ng military H. oidores
9. Pinakamatandang lansangan sa Pilipinas I. corregidor
10. Kabisera ng Pilipinas J. indulto de comercio

2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
TAM A kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at M ALI kung may
kamalian ang sinasaad sa talata.

1. Noong 1934, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng Maynila para sa


pandaigdigang kalakalan.

2. Sa kalaunan ginamit ang Obras Pias bilang bangkong komersiyal na


nagpapahiram ng puhunan sa mga negosyante.

3. Upang mapabilis na makarating ang mga kalakal mula sa ibang’t ibang


lalawigan dito ipinakilala ang mga bagong sistema ng transportasyon at
komunikasyon.

4. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga taga-Maynila


noong 1590.

5. Noong 1882 binuksan naman ang kauna-unahang savings bank sa


Pilipinas.

Ang pagkabigo ng mga katutubong Filipino na ipagtanggol ang kani -


kanilang pamayanan laban sa mga Espanyol ay nagpahiwatig sa tagumpay
na gawing kolonya ng Espanya ang kapuluan ng Pilipinas.Upang tuluyang
mapangasiwaan ang kolonya, itinatag ng mga Espanyol ang isang
sentralisadong pamahalaan sa Pilipinas at kinikilala bilang pinakamataas na
pinuno ang Hari ng Espanya.

3
John T ew ell,"Malacañan P alace on the P asig River, Manila, P hilippines,1906 or
before",https://tinyurl.com/y2kesk2z on 9.11.20

M alacañan Palace c1906

Ang M alacañan Palace ay ang opisyal na tirahan ng pangulo ng


Pilipinas hanggang sa kasalukuyan. Ipinatayo ito noong panahon ng kolonya
upang maging opisyal na tirahan ng Gobernador-Heneral. Ang palasyo ay
naging simbolo ng kapangyarihan ng Espanya sa bansa.

Kung ang samahan o organisasyon ay may sinusunod na balangkas,


gayun din ang pamahalaan. Ang pamahalaan sa Pilipinas sa panahon ng
kolonya ay may sinusunod na herarkiya na may kanya-kanyang tungkulin

4
Ang Hari ng Espanya ang kinikilalang pinakamataas na pinuno sa
kolonya. Siya ang nagpapanukala ng mga batas at naglalabas ng mga
kautusan para sa bansa. Nakaatang din ang responsibilidad na ipagtanggol
ang kanyang bansang nasasakupan. Isa rin sa kanyang tungkulin ang
magtalaga at mag-aalis ng mga gobernador-heneral sa mga kolonyang
nasasakupan.

Ang Royal and Supreme Council of the Indies ay isang konseho na


nagbibigay ng mungkahi sa hari tungkol sa pangangasiwa ng mga kolonya ng
Espanya.Taglay nito ang lehislatibo, ehekutibo at judisyal na gampananin sa
America at Asya.

Ang Viceroy ay hinirang na kinatawan ng hari. Pinangangasiwaan ang


mga teritoryo at direktang nagbibigay ulat sa hari tungkol sa kalagayan at
kaayusan sa mga kolonya.

Ang M aynila ang siyang kabisera ng Pilipinas. Dito rin matatagpuan


ang pamahalaang sentral ng bansa sa pangunguna ng isang gobernador-
heneral. Nahahati ito sa dalawang sangay: ang ehekutibo at ang hudisyal.

Ang Gobernador-Heneral ay kinatawan ng Hari ng Espanya at


pinakamataas na pinuno sa pamahalaang sentral. Ang kanyang mga
tungkulin ay ang mga sumusunod:
 mamahala sa pamahalaan
 pinuno sa hukbong sandatahan
 pangulo ng Royal Audencia
 may karapatang magsuspinde ng kautusan ng hari o cumplase
 magtalaga at magsuspinde ng opisyal ng pamahalaan

Ang Royal Audencia o Kataas-taasang Hukuman ay itinatag upang


ang mga katiwalian, pang-aabuso at pang-aapi ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan at maihabla rito. Pinamunuan ito ng gobernador-heheral
kasama ang mga huwes o oidores.
Tungkulin naman ng Residencia na magsagawa ng imbestigasyon sa
mga retiradong gobernador-heneral. Ito ay isang espesyal na hukuman na
kinabibilangan ng bagong hahaliling gobernador-heneral at ang magiging
resulta sa imbestigasyon ay direktang ipapaalam sa hari.
Ang Visitador ay isang lihim na opisyales (spy) na ipinadala ng hari sa
Pilipinas upang magmasid at ireport ang mga nangyayari sa bansa.

Sa pagkabuwag ng sistemang encomienda, ang Espanya bumuo ng


maliit na yunit-politikal na mangasiwa sa dating encomienda; ang alcaldia;
at ang corrigedor.

 Ang alcaldia o lalawigan ay pinamumunuan ng isang alcalde mayor.

5
 Ang corrigedor ay lalawigang napasailalim sa pamamahala ng militar o
corregimiento bunsod narin sa walang katapusan hidwaan at di
pagkakaunawan sa patakaran ng kolonya.

Makapangyaring ang mga alcalde mayor at corregimiento dahil


ginampanan nila ang tungkulin bilang hukom at ingat-yaman sa kanilang
nasasakupan. Binigyan din sila ng pribilehiyo na makilahok sa kalakalan at
negosyo. Ang pribilehiyong ito ay tinatawag na indulto de comercio.

 Ang ciudad naman ay pinapangasiwaan naman ng isang konseho o


ayuntamiento sa pamumuno ng isang alcalde.

 Ang pueblo o bayan ay pinamumunuan ng isang gobernadorcillo.

 Ang barangay ay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan at ito ay


pinangangasiwaan ng isang cabeza de barangay.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang


TAM A kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at M ALI kung hindi
katotohanan ang sinasaad sa talata.

1. Ang pamahalaang sentral ay pinamumunuan ng isang cabeza de


barangay.
2. Ang mga batas na ginagawa na pinapatupad sa Pilipinas ay gawa lamang
ng gobernador-heneral.
3. Upang maayos ang pamamalakad sa Pilipinas isinulong ang isang
sentralisadong pamahalaan.
4. Ang gobernador-heneral ang pinakamataas na pinuno sa pamahalaang
sentral.
5. Ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ay ang corregidor.
6. Ang corregidor ay lalawigang napasailalim sa pamamahala ng military.
7. Ang gobernadorcillo ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga retiradong
gobernador-heneral.
8. Ang Royal Audencia o Kataas-taasang Hukuman ay itinatag upang ang
mga katiwalian, pang-aabuso at pang-aapi ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan at maihabla rito.

6
Kunin mo ang iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan. Isulat mo ang
iyong natutuhan at pagtuunan mo ng pansin ang paksang tinalakay.
Sa araling ito ay nalaman mo ang mga sumusunod:
 Ang Hari ng Espanya ang kinikilalang pinakamataas na pinuno sa
kolonya.

 Ang Royal and Supreme Council of the Indies ay isang konseho na


nagbibigay ng mungkahi sa hari tungkol sa pangangasiwa ng mga kolonya
ng Espanya.

 Ang Viceroy ay hinirang na kinatawan ng hari.

 Ang Gobernador-Heneral ay kinatawan ng Hari ng Espanya at


pinakamataas na pinuno sa pamahalaang sentral.

 Ang Royal Audencia o Kataas-taasang Hukuman ay itinatag upang ang


mga katiwalian, pang-aabuso at pang-aapi ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan at maihabla rito.

 Ang mamamayan sa alcaldia ay mapayapang naninirahan at sumusunod


sa mga batas na ipinatupad sa kolonya.

 Ang corrigedor ay lalawigang napasailalim sa pamamahala ng militar

 Ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan ay ang barangay.

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ito ay kabilang na namumuno
sa pamahalaang sentral at ekis (x) naman kung ito ay kabilang sa
pamahalaang lokal
_____1. cabeza de barangay
_____2. gobernador-heneral
_____3. hukom

7
_____4. alcalde mayor
_____5. visitador
_____6. alcalde
_____7. gobernadorcillo
_____8. corregimiento

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin


lamang ang letra ng tamang sagot.
1. Noong panahon ng Espanyol, ang sitema ng pamamalakad na
ipinatupad sa Pilipinas ay ____________.
A. diktaturyal C. rehiyonal
B. presidensiyal D. sentralisado

2. Ang sangay ng pamahalaang tagapagpaganap ay _________.


A. ehekutibo C. hukuman
B. lehislatura D. sosyalista

3. Ang pinakamataas na hukuman na pinamumunuan ng gobernador-


heneral ay ang _________.
A. ehekutibo C. hudikatura
B. royal audiencia D. sanggunian

4. Matapos ang panunungkulan ng isang gobernador-heneral bago


tuluyang aalis sa posisiyon, daadan pa siya sa masusing
imbestigasyon ng ________.
A. audencia C. residencia
B. pasencia d. republika

5. Ang lihim na imbestigasyon upang malaman ang uri ng pamamalakad


sa kolonya sa pangunguna ng ______.
A. audencia C. pagsubol
B. pagsubok D. visitador

6. Ang indulto de comercio ay ipinagkaloob sa Alcalde Mayor at


Corrigemiento bilang ________ sa pagpapatupad ng obligasyon sa
kanilang nasasakipan.
A. kalakalan C. pribilehiyo
B. kalayaan D. ritwal

8
7. Ang ciudad naman ay pinapangasiwaan naman ng ______ sa
pamumuno ng isang alcalde.
A. audencia C. gobernadorcillo
B. ayuntamiento D. pangulo

8. Ang Malacañan Palace ay ang opisyal na tirahan ng _____ ng Pilipinas.


A. hukom C. pangulo
B. kongresista D. senador

9. Ang ________ ang kinikilalang pinakamataas na pinuno sa kolonya.


A. hari C. pangulo
B. hukom D. visitador

10. Ang ________ ay kinatawan ng Hari ng Espanya at pinakamataas na


pinuno sa pamahalaang sentral.
A. gobernador-heneral C. mayor
B. gobernadorcillo D. senador

9
Sanggunian
Balagtas, M.U. et al.Philippine’ Pride 5.Rex Bookstore Inc,2016.
Gabuat,M.A.et al.Pilipinas Bilang Isang Bansa.Vibal Group,Inc.2016.
Philippine-History.Org."The Spaniards as Colonial Master". Retrieved
June18,2020, from https://tinyurl.com/yyfncykx.

Susi sa Pagwawasto

10. A
10. B 9. A
9. A x 8. 8. C
8. I X 7. 7. B
7. J 8. T ama X 6. 6. C
6. E 7. Mali √ 5. 5. D
5. F 6. T ama X 4. 4. C
4. C 5. T ama 5. Mali √ 3. 3. B
3. D 4. T ama 4. T Yama √ 2. 2. A
2. H 3. T ama 3. T ama X 1. 1. D
1. G 2. T ama 2. Mali
Pagsubok 1. Mali 1. Mali Natutuhan Pagsususlit
Unang Balik-T anaw Gawain Pag-alam sa Pangwakas na

10

You might also like