You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 5
Patakaran sa Sektor ng Ekonomiya
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

Angelo Gamusa
Manunul at

Irene U. Destura
Tagasuri

Dr. Aurora S. Bartolaba


Edizer C. Laqueo
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyo. Ito ay
naglalayong makatulong na mahasa sa konsepto katulad ng kahalagahang
pangkasaysayan (historical significance) tungo sa pagpanday ng maunlad na
kinabukasan para sa bansa. Ang saklaw ng modyul na ito ay naglalayong
gamitin para sa iba’t ibang sitwasyong matutunan. Ang araling ito ay inayos
para masundan ang pamantayan sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga pagbabagong pang-
ekonomiya ng kolonyalismong Espanyol sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
 Patakaran sa Agrikultura
 Kalakalang Galyon

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Matatalakay ang pagbabagong ekonomiko na ipinatupad ng Espanyol.


2. Masusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng
Espanya sa bansa.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang letra
ng tamang kasagutan sa iyong papel.

1. Ang Pilipinas ay kilala bilang isang __________ na bansa dahil sa


masaganang likas na yaman nito.
A. agrikultural C. kalakalan
B. indusriya D. siyensiya

2. Ang katuwang ng Pilipinas sa ugnayang komersiyo sa kalakalang galyon


ay ang _______.
A. Argentina C. Brazil
B. Bolivia D. Mexico

3. Gamit ang sasakyang pandagat na _______, nailuwas ang mga produkto sa


iba pang kolonya ng Espanya.
A. Balangay C. Galyon
B. Caracoa D. Vinta

10
4. Ang _________ ay siyang pinagmumulan ng pangunahing produkto mula sa
mga Tsino na inaangkat patungong Mexico.
A. Cavite C. Intramuros
B. Divisoria D. Parian

5. Yumabong ang ugnayang komersiyo sapagitan ng Pilipinas at Mexico


bunsod na rin sa ipinatupad na____________.
A. bandala C. pagkakapatiran
B. kalakalang galyon D. sanduguan

6. Ang produkto mula sa _____ ay madaling nakakarating na may kataasang


halaga.
A. Asya C. Antartica
B. Africa D. Australia

7. Ipinakilala sa atin ng mga Espanyol ang mga bagong uri ng halaman, hayop
at _____________.
A. bakal C. kasankapan
B. industriya D. pananalapi

8. Gamit ang sasakyang pandagat na galyon, nailuwas ang mga _________ sa


iba pang kolonya ng Espanya.
A. abaka C. niyog
B. gasolina D. produkto

9. Isa sa mga naging epekto sa kalakalang galyon ay napabayaan ang


pamamahala at pagpapaunlad ng ___________.
A. industriya C. pangingisda
B. pagsasaka D. pagmimina

10. Noong _______, tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon.


A. 1815 C. 1825
B. 1820 D. 1830

10
Hanapin ang mga salitangng may kaugnayan sa mga patakarang
pang-ekonomiya na ipinatupad ng Espanya sa Pilipinas

1. Teritoryong ipinagkaloob ng Hari


2. Sundalong nakatulong sa pagpalawak ng kolonya
3. Quota ng ani na dapat ibenta sa pamahalaan
4. Buwis
5. Kabayaran para maligtas sa polo y servicio

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agrikultural na bansa dahil sa


masaganang likas na yaman nito. Agrikultura (pagsasaka, paghahayop at
pangingisda) ang pangunahing hanap buhay ng mga tao dito.

10
John T ew ell,Alabang:1926,image,https://tinyurl.com/y3 on 9.11.20
ALABANG, 1926

Sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, ipinakilala sa atin


ng mga Espanyol ang mga bagong uri ng halaman, hayop at industriya.
Kabilang na dito ang mga halamang cacao, kape, sitaw, mais, mani, tubo
at tabako. Tinuro din ng mga Espanyol ang maayos na paraan ng pag-aalaga
ng kabayo, baka, pato, bibe, tupa, gansa at pabo.

Sa larangan ng industriya, tinuro sa atin ng mga Espanyal ang


paggawa ng tisa, sabon, alak, paghahabi ng sombrero at paggawa ng tina
mula sa indigo. Lumawak ang kalaman ng mga Filipino sa larangan ng
agrikultura at nadagdaggan ang kanilang produkto at pagkakakitaan ng
bawat pamilya.

Nagpatupad din ng mga patakaran ang mga Espanyol sa larangan ng


agrikultura:
a) Pagbawi ng lupang pansakahan kung hindi nagbubunga ng sapat na ani
b) Pagtuturo ng magabagong paraan sa pagsasaka, pangingisda at
pagmimina.
c) Pagpapaalaga sa bawat pamilyanang hindi bumaba sa 12 manok at isang
inahing baboy

10
Galleon
P hil,"Sta. Maria,Image",
https://tinyurl.com/y42xeth6 on
9.11.20

Upang yumabong pa ng husto ang ekonomiya ng bansa, ipinatupad ang


isang sistemang pangkalakalan ng Espanya tinawag itong kalakalang
galyon. Gamit ang sasakyang pandagat na galyon, nailuwas ang mga
produkto sa iba pang kolonya ng Espanya. Ang katuwang ng Pilipinas sa
ugnayang komersiyo ay ang Mexico. Kilala bilang “Kalakalang M anila-
Acapulco” dahil sa rutang tinahak ng mga galyon mula Maynila patungong
Acapulco sa Mexico.

Malaki ang kinikita sa kalakalan ng dalawang kolonya. Ang produkto


mula sa Asya ay madaling nakakarating na may kataasang halaga. Hindi
katulad ng kalakalang barter sa karatig rehiyon ng Asya, sa Kalakalang
Maynila-Acapulco may kaakibat na perang binabayad ang bawat isa.

Kronos Line, (A large blank w orld map w ith ocean in blue),image


,https://tinyurl.com/y5m6lax8 on 9.11.20

MANILA-ACAPULCO-SPAIN GALLEON TRADE ROUTE

Dumami ang mga barkong Tsino na dumaong sa Maynila dala ang


maraming produkto na nagbigay daan ng pagtatayo ng parian o pangunahing
merkado ng mga Tsino. Ang parian ang naging pangunahing pinagmumulan

10
ng mga produkto na inaangkat ng mga mangangalakal na Espanyol na
kalahok sa kalakalang galyon at dinadala sa Acapulco, Mexico.
Sa kabilang banda, may masama at mabuting epekto ang kalakalang
galyon. Ang ilang mabuting epekto nito ay ang:
a) malaking kita ng pamahalaan ay nakadagdag sa pananalapi ng bansa
b) nakatanggap tayo ng mga kalakal mula Acapulco, Mexico
c) napaunlad ang pagkalakal ng hilaw na materyal pati ang mga sangkap
Hindi rin maikaila na nagdulot din itong ng masamang epekto sa atin
lalo na sa mga ordinaryong tao. Ang ilan sa mga ito ay:
a) napabayaan ang pamamahala at pagpapaunlad ng pagsasaka
b) ang mga kalalakihan ay ipinadala sa malalayong lugar para gumawa ng
barko
c) ang tanging nakinabang ay ang mga Espanyol at ibang dayuhan

Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong 1815.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang


TAM A kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at M ALI kung may
di-wasto ang sinasaad ng talata.

________1. Ang kalakalang galyon ay may layuning mapaunlad ang


kabuhayan ng mga Filipino.
________2. Ang mga kalakal na sakay sa galyon ay dinadala sa mga bansa sa
silangang Asya.
________3. May mabuti at di mabuting epekto ang kalakalang galyon sa
kabuhayan ng mga Filipino.
________4. Ipinakilala sa atin ng mga Espanyol ang mga bagong uri ng
halaman, hayop at industriya.
________5. Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agrikultural na bansa dahil sa
masaganang likas na yaman nito.
________6. Ang corregidor ang naging pangunahing pinagmumulan ng mga
produkto na inaangkat ng mga mangangalakal na Espanyol.
________7. Ang mabuting epekto ng kalakalang galyon ay napaunlad ang
pagkalakal ng hilaw na materyal pati ang mga sangkap
________8. Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong 1898 sa utos ng
hari ng Espanya.
________9. Yumabong ang ekonomiya ng bansa, ipinatupad ang isang
sistemang pangkalakalan ng Espanya, ang kalakalang galyon.
_______10. Isa sa magandang bunga ng kalakalan ay ang tanging nakinabang
ay mga Espanyol at ibang dayuhan.

10
Kunin mo ang iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan. Isulat mo ang
iyong natutuhan at magsagawa ng pagninilay hinggil sa iyong pagkatuto mula
sa paksang tinalakay.

Sa araling ito ay nalaman mo ang mga sumusunod:

 Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agrikultural na bansa dahil sa


masaganang likas na yaman nito.
 Sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, ipinakilala sa atin ng
mga Espanyol ang mga bagong uri ng halaman, hayop at industriya.
 Upang yumabong pa ng husto ang ekonomiya ng bansa, ipinatupad ang
isang sistemang pangkalakalan ng Espanya tinawag itong kalakalang
galyon.
 Kilala bilang “Kalakalang Manila-Acapulco” dahil sa rutang tinahak ng
mga galyon mula Maynila patungong Acapulco sa Mexico.
 Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong 1815.

PANUTO: Suriin ng mabuti ang larawan sa ibaba at sagutan ang gabay na


tanong.

C Watts,"El Galeón replica of the 17th century Spanish Galleon ship Yorktow n
Virginia",image, https://tinyurl.com/y242y53n on 9.11.20

KALAKALANG GALYON

10
Gabay na Tanong:
Ano ang naging ambag ng Kalakalang Galyon sa ekonomiya ng Pilipinas
sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________.

Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang letra na angkop sa


tinutukoy ng mga pangungusap.
1. Ang mga produktong mula rito ay nakakarating sa Mexico ng mas mabilis
ngunit sa mas mataas na halaga.
A. Asya C. Antartica
B. Africa D. Australia

2. Upang maipakita ang kapasidad at kakayahan ng mga Filipino na


makabuo ng isamg bagoong produkto mula sa mga hilaw na sangkap ay
ipinakilala ng mga Espanyol ang sektor na ito.
A. bakal C. kasankapan
B. industriya D. pananalapi

3. Gamit ang sasakyang pandagat na ito, nailuwas at nakilala ang sarili


nating produkto sa iba pang kolonya ng Espanya.
A. bangka C. galyon
B. bapor D. vinta

4. Ang sektor na ito ay napabayaan at nagdulot ng kakulangan sa suplay ng


pagkain sa Pilipinas dahil sa paglago ng kalakalang galyon.
A. industriya C. pangingisda
B. pagsasaka D. pagmimina

5. Sa panahong ito, tuluyang ipinatigil ng hari ang kalakalang galyon.


A. 1815 C. 1825
B. 1820 D. 1830

6. Ang bansang Pilipinas ay may masaganang likas na yaman kaya kinikilala


ito bilang bansang _______.
A. agrikultural C. kalakalan
B. indusriya D. siyensiya

10
7. Ang bansang ito ang naging katuwang ng Pilipinas sa ugnayang komersiyo
sa pagpapatupad ng kalakalang galyon.
A. Argentina C. Brazil
B. Bolivia D. Mexico

8. Tawag sa lugar na pinanggagalingan ng pangunahing produktong


inaangkat ng mga Espanyol sa mga Tsino patungong Mexico sakay ng mga
galyon.
A. Cavite C. Intramuros
B. Divisoria D. Parian

9. Ipinatupad ang sitemang pang-ekonomiko na ito nagbunga ng magandang


ugnayang komersiyo sa pagitan ng Pilipinas at Mexico.
A. bandala C. pagkakapatiran
B. kalakalang galyon D. sanduguan

10. Ipinatupad ng Espanya ang patakarang ito na tinutulan ng mga


ordinaryong magsasaka dahil lamang sa hindi pag-aani ng sapat na
produkto.
A. pagbibigay ng ayuda
B. parusang pagkakakulong
C. paghingi ng mataas na buwis
D. pagbawi ng lupang pansakahan

Sanggunian
Gabuat,M.A.et al. "Pilipinas Bilang Isang Bansa".Vibal Group Inc,2016.
Balagtas, M.U. et al.)"Philippine’ Pride 5".Rex Bookstore Inc,2016.

Susi sa Pagwawasto
10. A 10. D
9. B 10. Mali 9. B
8. D 9. T ama 8. D
7. B 8. Mali 7. A
6. A 7. T ama 6. A
5. B 6. Mali 5. B
4. D 5. T ama 4. D
3. C 4. T ama 3. C
2. D 3. T ama 2. B
1. A 2. Mali 1. A
Pagsubok 1. T ama Pagsususlit
Unang Balik-T anaw Gawain Pangwakas na

10

You might also like