You are on page 1of 4

ACTIVITY SHEETS

ARALING PANLIPUNAN 5

Quarter 2 , Week 5

Name : __________________________________________ Grade: _____________ Section:


_________________________________________ Date: ______________

KALAKALANG GALYON

Batayang Impormasyon

Ang Kalakalang Galeon o Kalakalang Galyon (Ingles: galleon trade, Espanyol: Galeón de Manila) ay
isang uri ng kalakalan na nagmumula sa Mehiko papunta at pabalik sa Pilipinas. Isinagawa ito noong
Panahon ng Kastila sa Pilipinas. Tumagal ito nang dalawa at kalahating daang taon na nakapag-ugnay sa
dalawang pook. Ang mga produkto ay isinasakay sa mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng
Acapulco. Ang mga nakalakal sa Pilipinas ay ipinagpapalit sa Mehiko at ang nakalakal naman sa Mehiko
ay ipinapalit sa Pilipinas.

Sinimulan ang Kalakalang Galyon sa Maynila noong 1565 pagkatapos matuklasan ni Andrés de


Urdaneta, fraileng Agustino, ang tornaviaje o daanang pabalik mula sa Filipinas patungong Mexico.
Ginawa ang unang mga matagumpay na lakbay ni Urdaneta at ni Alonso de Arellano sa taong iyon.
Nagtagal ang daanan hanggang 1815 noong nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico.
Nakadala ang mga galyong Maynila sa loob ng 250 taon ang mga mamahaling bagay tulad ng mga
kasangkapan at porselana para sa pilak. Nagbigay-daan din ang daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng
kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa.

Noong 2015, nagnais ang Filipinas at Mexico na samahin ang Kalakalang Galyong Maynila-Acapulco
sa UNESCO Pandaigidigang Pamanang Pook. Tumatangkilik din ang Espanya sa balak ng dalawang
bansa.

 nakilalang Kalakalang Maynila-Acapulco

 malaki ang halagang kinikita sa kalakalan subalit hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon para
lumahok.

Mga kasali sa Kalakalang Galyon:

1. gobernador-heneral

2. mga prayle

3. miyembro ng Royal Audencia

4. mga inulila ng mga Kastila

5. mga kaibigan ng mga opisyal

 upang sila ay makalahok sa kalakalang Galyon, kailangan nilang bumili ng boleta

 boleta- tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal.

 magandang epekto:

-dahil sa kalakalang Galyon umunlad ang Maynila

-malaking kita ng pamahalaan ay nakadagdag sa pananalapi ng bansa


 hindi gaanong mabuting epekto ng Kalakalang Galyon:

-napabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan at pagpapaunlad ng pagsasaka at ang iba pang
industriya

-nakaranas ang mga tao ng kakulangan sa pagkain

 Dahil sa katiwalian at pang-aabusong naganap sa kalakalang galyon, kaya binuwag ito ni Haring
Ferdinand VII noong 1813.

GAWAIN 1

Panuto: Isulat kung TAMA ang pahayag at MALI kung hindi.

___________ 1. Ang sanduguanay isang gawain na nagpapakita ngkapatiran.

___________ 2. Napapanatili ng mga Muslim at mga katutubong pangkat ang sariling kultura at gawi.

___________ 3. Ang pangkat ni Miguel Lopez de Legazpi ang nakipaglaban sa pangkat ni Lapu-lapu.

___________ 4. Entrada ang tawag sa puwersang military na ginagamit ng mga Espanyol sa pananakop.

___________ 5. Ang determinadong oposisyon ng mga Muslim sa kolonisasyon ay maipapaliwanag ng


mga Islam.

___________ 6. Ang pamahalaang Sultanato ay isang dahilan kung bakit hindi tuluyang nasakop ng
Espanyol ang Pilipinas.

___________ 7. Mas nagging epektibo ang pananakop sa Pilipinas ng mga Espanyol ang paggamit ng
armas kaysa relihiyon.

__________ 8. Si Sultan Kudarat ang nanguna sa Muslim sa pakikipaglaban sa Mactan.

__________ 9. Nasakop ng mga Espanyol ang buong Pilipinas.

__________ 10. Polista ang tawag sa nagtatrabaho ng sapilitan.

__________ 11. Ang kalakalang galyon ay sa pagitan ng Mehiko at Pilipinas.

__________ 12. Maaring makilahaok sa kalakalang galyon ang ibat-ibang bansa.

__________ 13. Maaring magbayad ng falla upang makaligtas sa polo y servicio.

__________ 14. Ipinakilala ng mga Espanyol ang relihiyong protestansismo.

__________ 15. Ang polo y servicio ay sapilitang pagtatrabaho ng mga kababaihan.

REFLECTION:

1. Ano –ano ang mga bagong kaalaman na inyong natutuhan mula sa aralin?
_____________________________________________________

2. Paano makakatulong ang iyong mga natutunan sa iyong personal na buhay?

_____________________________________________________

Teacher’s Signature: ___________________

Parent’s Signature: ___________________

JENILYN R. DE LA CRUZ

WRITER/LOPERO ELEMENTARY SCHOOL

SUSI SA PAGWAWASTO:

GAWAIN 1
1.TAMA

2.TAMA

3.MALI

4.TAMA

5.TAMA

6.TAMA

7.MALI

8.MALI

9.MALI

10.TAMA

11.TAMA

12.MALI

13.TAMA

14.MALI

15.MALI

REFERENCES:

AP5_Q2_M5 KALAKALANG GALYON

https://learning-ph.com/araling-panlipunan

https://study-assistantph.com/araling-panlipunan

You might also like