You are on page 1of 3

ACTIVITY SHEETS

ARALING PANLIPUNAN 4

Quarter 2 Week 4

Name : _____________________________________________ Grade: _____________


School: _____________________________________________ Date : ______________

Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Batayang Impormasyon

Agrikultura

Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Kung kaya, ang isa sa nangungunang gawaing
pangkabuhayan sa bansa ay pagsasaka. Sadyang malawak ang taniman dito. Tinatayang nasa 35 bahagdan
ang sinasakang lupain sa Pilipinas. Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa ang mga
produkto na pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na mabuhay. Kung liliit ang produksiyon,
maaapektuhan ang taong bayan at ang bansa. Ayon sa maraming magsasaka, ang uri ng kanilang
pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa mga hamong kaakibat ng kanilang hanapbuhay.
Kasama rito ang lalong lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agrikultural, kahirapan dulot ng
mababang kita ng mga magsasaka, limitadong pondo na pinagkakaloob ng pamahalaan bilang tulong sa
maliliit na magsasaka, suliranin sa irigasyon, at kawalan ng kontrol sa presyo. Higit sa lahat, ,ay mga
suliranin sa kalamidad, pagkasira ng kalikasan, at pagbabago ng panahon tulad ng El Niño phenomenon o
mahabang panahon ng tag-init. Sa kabila ng mga hamong ito, may mga oportunidad ding ipinagkakaloob
sa mga magsasaka gaya ng mga sumusunod:

• impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang gumanda ang ani at dumami ang produksiyon;

• paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon;

• paghihikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain sa kani-kanilang
mga probinsiya; at

• pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na makapag-aral ng tamang paraan ng pagsasaka.

Pangingisda

Bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay napalilibutan ng tubig kung kaya’t napakayaman nito sa mga
pagkaing dagat at halamang dagat. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng
isda sa buong mundo. Upang mapalakas ang gawaing pangkabuhayan na ito, narito ang ilan sa mga
maituturing na mga oportunidad sa pangingisda:

• pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) sa industriya ng pagbibili ng isda sa


pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang daungan o pantalan sa mga istratehikong lugar upang
mapalago ang kita at produksiyon;

• pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda;

• paglalaan ng mga sasakyang pangisda;

• pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng underwater sonars at radars;

• paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine at fishing;

• paglulunsad ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda tulad ng


Blue Revolution at Biyayang Dagat; at
• pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang maliliit na mangingisda. Samantala,
ang maituturing na pinakamalaking hamon sa pangingisda ay ang climate change o pagbabago ng klima
ng mundo at likas na mga pangyayari tulad ng mga kalamidad. Kabilang din sa mga hamon sa gawaing
pangkabuhayang ito ay ang mga kalsada, tulay, at iba pang impraestrukturang nakababagal sa
transportasyon ng mga produktong dagat kung kaya’t hindi mapaabot sa merkado ang mga sariwang isda.
Hamon ding maituturing ang pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat at hindi
epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa mga protektadong lugar.

GAWAIN 1
Panuto:  Tukuyin kung ang mga sumusunod ay HAMON O OPORTUNIDAD sa mga gawaingpangkabuhayan ng
bansa. Isulat ang H kung ito ay hamon at kung ito ay oportunidad.

1. Paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka at pangingisda


2. Pag-angkat ng mga produktong agrikultural ng ibang bansa.
3. Mga kalamidad
4. Makabagong impormasyon sa mga pagpapaganda ng ani.
5. Pagbabago ng panahon
6. Mababang kita ng magsasaka.
7. Pagpapatayo ng mga planta ng yelo at imbakan ng isda.
8. Suliranin sa irigasyon
9. paglalaan ng sasakyang pangisda
10. El Nino Phenomeno

REFLECTION:
1. Ano –ano ang mga bagong kaalaman na inyong natutuhan mula sa aralin?

_____________________________________________________

2. Paano makakatulong ang iyong mga natutunan sa iyong personal na buhay?

__________________________________________________________

Teacher’s Signature: _______________

Parent’s Signature: _______________

EMELLY T. OGA

WRITER/LOPERO ELEMENTARY SCHOOL

SUSI SA PAGWAWASTO

1. OPORTUNIDAD

2. HAMON

3. HAMON

4. OPORTUNIDAD

5. HAMON

6. HAMON

7. HAMON
8. HAMON

9. HAMON

10. HAMON

You might also like