You are on page 1of 17

Pagsasanay

1. bilao ng palay 2. mag-usyoso


3. ginhawa 4. nagtungo
5. isaing

- pagluluto ng pagkain
- nagpunta
- komportable
- gamit ng mga magsasaka sa pagtahip ng palay
karaniwang ginagamit na lalagyan ng kakanin,
pansit at iba pang pagkain
- mausisa
Balik - Aral
Pamilyar na Salita –

Di Pamilyar na Salita -
Togasasgap gn agm gnonat as
gnasanib gnotsket gnap -
noysamropmi
Si Pole at ang Bilao ng Bigas
Ang mga magulang ni Apolinario ay mahirap
lamang kaya kailangang magtrabaho nang husto
ang mga ito para buhayin ang pamilya.
Isang araw, maagang dumating sa bahay ang
ina ni Pole na may dalang malaking basket na may
lamang bigas. Kasalukuyan namang nagpapalipad
ng saranggola si Pole. Kasama niya ang kanyang
mga kaibigan nang tawagin siya ng kanyang ina.
Patakbo namang umuwi si Pole.
“Bakit po kayo bumili ng ganitong uri ng bigas,
Inay? Kalahati po nito ay puro maliliit na bato.”
“Hindi ko iyan binili anak, ibinigay lamang
iyan sa akin.”
Kaagad nagtungo sa sakahan ang ina ni Pole at
siya ay naiwang mag isa. Sinimulan niyang isa -
isahing alisin ang mga maliliit na bato sa bigas.
“Haina Pole, “tawag ng mga batang lalaking
nagpapalipad ng saranggola.
“Hindi ako makapaglaro,” tugon ni Pole. “
Abala ako rito.”
Madaling nagtungo ang mga batang lalaki sa
bahay ni Pole upang mag-usyoso sa kanyang
ginagawa. Sinubukan nilang tulungan si Pole
ngunit matapos makapag – alis ng ilang bato,
umalis din ang mga bata.
“Iwanan mo na iyang mmaruming bigas at tayo
nang maglaro, yaya ng isang kalaro. Ngunit buong
sipag na nagpatuloy si Pole sa paglilinis ng bigas.
Nang dumating ang kanyang ina, nakadama ito ng
kasiyahan nang makita niyang malinis na ang bigas
at handa na para isaing.
Mga Tanong
1. Saan naganap ang kwento?
Sa anong yugto ng buhay ni Pole ito naganap?
2. Sinu – sino ang iba pang tauhan sa kwento?
3. Ilarawan mo si Pole.
4. Ano ang kusang ginaw ni Pole na hindi iniutos ng
kanyang ina?
5. Ginawa ba niya ang nararapat gawin?
6. Paano siya naiiba sa kanyang mga kaibiggan?
7.. Dapat ba siyang hangaan at tularan ng kabataang tulad
mo? Bakit?
8. Kailan mo naipapakita ang mga katangiang tulad ng kay
Pole?
Pagpapayamang Gawain

GAWIN NINYO!

Pole
Katangian Patunay
Ano ang aral na napupulot ninyo sa
kwento ni Pole?

Ano ang natutunan ninyo sa aralin?


Gawain Mo
Basahin at Sagutan ang sumusunod na tanong:
May isang batang ang pangalan ay David. Marunong
manalangin at saka umawit. Itong batang si David ay
kumuha ng limang bato upang gamitin niya sa kanyang
paltik laban kay Goliat na lubhang malaki sa kanya.
Noong nagkaharap na si David at Golia, tinawanan lang
niya ito dahil sa bata pa siya at maliit pa. Ngunit di
natakot si David isang bato ang nilagay sa kanyang tirador
at pinaikot – ikot. At tumama ito sa noo ni Goliat at
natumba at tumama pa ang ulo nito sa bato.
Tanong:
1. Sinu – sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Bakit pinagtatawanan lamang ni Goliat si David?
Basahin at Sagutan ang sumusunod na tanong:
Minsan nang tanungin ang dating Pangulong
Fidel V. Ramos kung sino sa mga Pangulo ng
Pilipinas ang hinahangaan iya. Walang atubili
kanyang sinabi na si Dr. Jose P. Laurel dahil
nagging pangulo ito noong panahon ng Hapon dahil
napakahirap magpasya noon sapagkat maninimbang
sa Pamahalaang Hapon ang kapakanan ng mga
Pilipino.
Tanong:
1. Bakit humanga ang Pangulong Ramos kay
Dr. Jose P. Laurel?
Walang Panginoon
ni Deogracias Rosario

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa


mayamang asenderong si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya
ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan
ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anit, anak ni Don Teong. Ilang beses nang
tinitimpi ni Marcos ang kanyang galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay
matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pan-aapi ni Don
Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa
kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinaggbabayad ng buwis para sa lupang
kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno.
Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang
magbayad sa kanilang sariling pag - aari. Iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung - puno ng sama ng loob kay Don Teong
na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang
malaman niya ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don
Teong. Sinakatan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga
nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas,
ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humupa ang galit niya, siya
namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang
tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa
maghapong pagbubukid.
Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan,
napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag - aari. Iyan ang
dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid.
Namatay silang punung - puno ng sama ng loob kay Don Teong na
matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay
Don Teong nang malaman niya ang dahilan ng pagkamatay ng
kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinakatan ni Don
Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang
mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig
ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana.
Hindi pa naman humupa ang galit niya, siya namang pagdating
ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang
tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at
pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng
isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan.
Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan
ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman
ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya
makakapaghigante dito.
Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang
pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya
iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag - aralang
mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang
mamasyal sa bukid si Don Teong nang hapong iyon. Pinakawalan niya ang
kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong.
Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nag-
iimpake na sila g kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang
patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang
malungkot na tunog nga kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw
niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay
na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw.

1. Bakit galit si Marcos kay Don Teong?


2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Ano ang nagiging dahilan ng kamatayan ni Don Teong?
4. Kung ikaw si Marcos gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
5. Anong aral ang napulot mo sa kwento?
Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa Dewey System at


alamin kung paano at saan ito ginagamit.

You might also like