paglipad ang tipaklong at ito'y bumagsak. Nawalan ang tipaklong ng malay kaya't agad siyang tinulungan ng paruparo nang makita siya. Ang mga langgam noon ay nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang reyna at hari. Ang isa sa mga sundalong langgam ay tumawag sa kanilang kolonya ng doktor. Nang nakita ng doktor na langgam si tipaklong at sinabing "Malubha ang kanyang kalagayan. Sana'y gumaling siya sa ibibigay kong lunas. Nang marinig iyon ng paruparo ay para itong nabunutan ng tinik. Hinintay niyang magising ang nawalan ng malay niyang kaibigang tipaklong. Nang magbukas ang mga mata ng tipaklong, nagulat siyang makita ang paruparo sa kanyang tabi, nagbabantay. Kinuwento ng paruparo ang lahat ng nangyari sa tipaklong at nagpasalamat si tipaklong. Tumanaw ito ng utang na loob lalo't nagawa pa nitong tumawag ng maggagamot sa kanya. Naghapunan ang dalawa't nagpaalam sa isa't isa. Nangako ang dalawa na magkikitang muli. Nang pauwi na ang paruparo, nasalubong niya ang sundalong langgam na sumaklolo sa tipaklong. Sinabi ng langgam na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya. At dahil naramdaman ng paruparo na dapat matulungan niya ang langgam, dinala niya ito sa kanyang tahanan. Umupo naman ang langgam sa hapagkainan. Habang nasa kusina ang paruparo, binuksan niya ang kanyang lalagyan ng mga naipong nektar noong tag- araw. Kaya ang mga ito ay masasarap. Ibinigay niya ang lalagyan na ito sa langgam. Tuwang-tuwa ang sundalong langgam at nakiusap itong buksan ang tsiminea para agad nang maluto ang nektar sa lalagyan at maging asukal. Ginamit rin ng sundalo ang telepono para tawagin ang iba pang langgam para may katulong ito sa pagdadala ng naluto pabalik ng kanilang kaharian. Nang makarating ang mga ito, pinainom pa ng paruparo ang mga langgam na silang uhaw na uhaw sa pagmartsa. Ang lahat ng langgam ay nagpasalamat nang buong puso kay paruparo.