You are on page 1of 3

Pamilyar at Di -

Pamilyar na mga salita

Pamilyar na salita
Ito ay salitang karaniwang naririnig at
ginagamit natin
sa pang-araw-araw na pakikipag-usap..
Halimbawa:
1. paaralan 6. halaman
2. baso 7. ate/kuya
3. telepono 8. simbahan
4. pera 9. kainan
5. orasan 10. Upuan

Di - Pamilyar na salita
ay hindi karaniwang naririnig at ginagamit
natin sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap.
Nagsisimula ito sa malaking titik at
nilalagyan ng bantas sa katapusan.
● Maaaring ito ay matalinghaga o kaya'y
mayroong malalim na kahulugan, o kaya
naman ay mga sinaunang salita ng ating
mga ninuno.
● Kadalasang ginagamit ang mga di-
pamilyar na salita sa mga tula upang
makadagdag sa kariktan at kasiningan
nito.
salipawpaw
Isang uri ng sasakyang panghimpapawid
ngunit mas mabigat kaysa hangin. May
pakpak ang lahat ng mga salipawpaw.
Glayder — palutang, patangay,
salimbay, o salibad.

tsubibo
Isang sasakyang pangkatuwaan at
libangan na binubuo ng isang bilog at
umiikot na kalatagan o
plataporma at mga upuang pampasahero.

pitaka
Lagayan ng pera kadalasan mga papel na
pera ang nakalagay dito. Maari rin itong
lagyan ng mga identipikasyon sa may ari
upang magkaroon ng pagkakakilanlan.

kwaderno
Ginagamit ng mag-aaral sa eskwelahan
upang maging sulatan ng mga aralin,
aktibidades at mga takdang aralin.

durungawan
Lagusan ng hangin upang ito'y
makapasok. Ito rin ay
nakatutulong upang maging maliwanag
ang tahanan.

katoto
Kaibigan o matagal ng kasama maaring
lalaki o babae.

katipan
Kasama sa buhay o asawa.

You might also like