You are on page 1of 17

6

Module 29

Filipino
PanutoPanutoPanuto

130
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

Sa Mag-aaral
Isang magandang araw sa iyo, kaibigan. Naway nasa mabuti
kang kalagayan. Hindi maiiwasan ng bawat mag-aaral ang mga
panuto. Sa pagkuha ng mga pagsusulit at kahit sa paggawa sa mga
pagsasanay sa modyul na ito ay hindi maiiwasan ang mga panuto.
Kaya mahalagang pag-aralan natin ang mga ito.

Mga Dapat Matutuhan

Sa modyul na ito ay matutuhan mo kung paano makasusulat ng


mga panuto (instruction) para sa pagsasagawa ng isang bagay sa
tulong ng isang dayagram o mga larawan.

Subukin Natin
Ang ika-anim na baitang na mag-aaral sa Agripina Elem. School
ay gumawa ng liham pangkalakal. Ayon sa kanilang guro, dapat
nilang tandaan ang paraan ng pagtutupi ng liham pangkalakal. Gamit
ang mga larawang nasa ibaba, sumulat ka ng panuto tungkol dito.

1. _________________________________

131

2. _________________________________

3. ________________________________

4. _______________________________

132

Pag-aralan Natin
Ang lahat ay abala sa paaralan nina Delia. Araw ng pagbisita ng
mga magulang. Ipakikita ng mga mag-aaral ng ika-anim na baitang
ang kanilang ginagawa sa paaralan. Abala ang mga batang lalaki sa
pag-aayos ng kanilang proyekto sa EPP. Isusulat nila ang mga
hakbang sa paggawa ng mga ipakikita nilang proyekto. Makikita ang
ganito.
Ash Tray na Yari sa Bao

1. Kumuha ng baong walang butas at


linising mabuti ang labas at loob.

2. Pakinisin ito gamit ang papel de liha.

3. Kumuha ng apat na maliliit na piraso


ng lata na may sukat na 2
sentimetrong parisukat.

133

4. Hubugin ang mga lata sa hugis na


magiging patungan ng sigarilyo.

5. Sa gilid ng bao, umukit ng apat na


guwang na tapat-tapat at may
kaparehong sukat at hugis ng mga
piraso ng lata.

6. Ilapat ang mga piraso ng lata sa mga


guwang at idikit gamit ang glue.

7. Pintahan ng gusto ninyong kulay ang


bao ng niyog.

134

- Ito ang ash tray na yari sa bao.

Pag-usapan Natin
1. Bakit naging kasiya-siya sa mga magulang ang panonood sa
mga ginawa ng mga anak nila?
2. Malinaw ba ang mga direksyong ibinigay ng mga bata sa
paggawa ng mga proyekto nila sa paaralan?
Isang paraan ng pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan sa iba ang
pagbibigay ng tuntunin, direksyon at panuto. Sa mga paglalaro o
paggawa ng isang bagay, kailangan ang direksyon o mga tuntunin na
susundin upang maging madali at maayos ang paggawa ng mga ito.
Balikan natin ang panuto kung paano ang paggawa ng ash tray
na yari sa bao. Ano ang iyong nasaksihan? Malinaw ba ang panuto?
Magkatugma ba ang bawat panuto at larawan? Sa tingin mo,
masusunod kaya ninyo ang mga panuto sa tulong ng mga larawan?

Gawin Natin
May mga laro at ehersisyo na ginagamitan ng ring o bilog na
kahoy. Pag-aralan ang mga larawang nasa ibaba at isulat ang wastong
panuto tungkol dito.

135

1. Panuto:

2. Panuto:

__________________________
__________________________
__________________________

___________________________
___________________________
___________________________

3. Panuto:

4. Panuto:

__________________________
__________________________
__________________________

____________________________
____________________________
____________________________
136

Kung ang kuha mo ay 4, sagutin mo kaagad ang Mga Dagdag


na Gawain. Ngunit kung ang kuha mo naman ay 3 o pababa, sagutin
mo muna ang Gawain 1A bago mo sagutin ang Mga Dagdag na
Gawain.
Gawain 1- A
Marunong ka bang gumawa ng isang kard? Pag-aralan mo ang
bawat larawang nasa ibaba at sumulat ka ng mga panuto tungkol
dito.
Maghanda ng:
- papel
- krayola o
- watercolor
- papel na maykulay
- gunting
- pandikit

1. _______________________________

137

2. _______________________________

3.
_______________________________

4. _______________________________

138

Mga Dagdag na Gawain


Gumawa tayo ng manika gamit ang mga kagamitang ito.
Pagkatapos, pag-aralan ang mga larawan at sumulat ng mga panuto
tungkol dito.

A. Maghanda ng:
- puting plastik na
kutsara
- ibat ibang kulay
ng papel
- gunting
- pandikit
- marker pen
- tape

1. ___________________________

139

2. ________________________________

3. ________________________________

Sa mga pagsasanay na ating ginawa, ano ang natutuhan mo?

140

Tandaan Natin

Ang panuto ay binubuo ng mga hakbang na sinusunod


sa paggawa ng isang bagay.
Halimbawa:
Kapag kumukuha ka ng eksamen, ang panuto ay
magsasabi sa iyo kung sa kaliwa o sa kanan isusulat
ang iyong sagot, kung letra o buong salita ang isusulat
mo.
Ang panuto rin ang susundan mo kung may gagawin
kang isang bagay na nangangailangan ng hakbang-hakbang
na kilos.
Halimbawa:
1. Paggawa ng isang kard.
2. Paano gagawin ang isang ehersisyo, atbp.
Ito ang mga pamatnubay sa pagsulat ng panuto:
1. Pag-aralang mabuti ang mga larawan o dayagram.
2. Isipin munang mabuti ang iyong isusulat tungkol sa
larawan.
3. Tuwirang ibigay o ilahad nang malinaw ang
tuntunin. Iwasan ang paliguy-ligoy na panuto.
4. Ilahad ang mga panuto nang sunud-sunod.
5. Gumamit ng mga payak na salita.

141

Sariling Pagsusulit
Sino ang iyong paboritong bayani? Gumawa ng kwadro para sa
kanyang larawan. Pag-aralan ang mga larawan at gumawa ka ng mga
hakbang kung paano ito gagawin.
A. Maghanda ng:
-

dalawang pirasong cardboard na 5 x 8 pulgada


lapis
ruler
pandikit
krayola o
water color

142

harap

likod

1. ________________________

2. _________________________

3. ___________________________

4. ________________________

5. ___________________________
143

Kung ang kuha mo ay 4 o 5, binabati kita, handa ka na sa


susunod na modyul. Kung ang kuha mo naman ay 3 o pababa,
sagutin mo muna ang Pagyamanin Natin.

Pagyamanin Natin
Mag-ehersisyo tayo. Pag-aralan ang mga larawan at sumulat ng
mga panuto tungkol dito.

1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________

144

Gabay sa Pagwawasto
Subukin Natin
1.
2.
3.
4.

Gumamit ng malinis na papel. Tiklupin ito ng tatlong beses.


Tingnan muli kung ang papel ay nahahati sa tatlong parte.
Siguraduhing may sobrang pulgada sa papel na tiniklop.
Pagkatapos ay ipasok ang liham sa loob ng sobre.

Gawain 1
1. Humarap sa kapareha. Itaas ang ring sa kanang tagiliran na
hawak ng dalawang kamay.
2. Ilagay ang ring sa ibabaw ng ulo.
3. Ulitin ang hakbang 1.
4. Ibaba ang ring.
Gawain 1 A
1. Tiklupin ang papel ng apat na beses.
2. Gumuhit ng disenyo na naaayon sa selebrasyon o mensahe.
Kulayan ang disenyo.
3. Sumulat ng mensahe para sa padadalhang kaibigan, nanay o
tatay.
4. Maaaring dikitan ng papel na may ibat ibang hugis at kulay.
Mga Dagdag na Gawain
1. Guhitan ng mukha ang kutsara.
2. Gumuhit ng disenyo ng damit na nababagay para sa manika.
Gumupit-gupit ng mga makulay na papel para sa damit at buhok
ng iyong manika.
3. Lagyan ng tape ang likod ng magawang damit at idikit sa
kutsara.

145

Sariling Pagsusulit
1. Gumuhit ng parihaba sa isang kardbord na may palugit na
dalawang daliri sa bawat gilid.
2. Gupitin at lagyan ng butas sa gitna ang unang kardbord. Sundan
ang guhit na inilagay.
3. Gumuhit ng larawan ng paboritong bayani.
4. Idikit sa kardbord ang iyong naiguhit na larawan ng iyong
paboritong bayani.
5. Lagyan ng pandikit ang paligid ng may butas na kardbord.
Ipatong ito sa kardbord.
Pagyamanin Natin
1. Ilagay ang kanang paa at mga kamay sa harapan.
2. Ibaluktot at itaas ang kanang tuhod sa harapan na ang kamay ay
nakataas.
3. Ulitin ang bilang 1.
4. Tumayo nang tuwid.

146

You might also like