You are on page 1of 14

Pagbibigay ng Angkop na

Pamagat;Kasingkahulugan-
Kasalungat na Salita mula sa
Napakinggang Teksto
Filipino 5
Ikatlong Markahan-Modyul 6

Likha ni:

MIKA SHEILA T. BALAWAG

Department of Education • Cordillera Administrative Region


Schools Division of Kalinga
Southern Pinukpuk District
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Pampaaralang Sangay ng Lungsod Kalingga
Kalinga Sports Complex, Bulanao
Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad sa Hanguang Pagkatuto

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293; Hindi maaring


Licupa, Racquel B.,
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
Storytelling
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagpapakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bsayad na royalty bilang kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung
para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

2
SUBUKIN

Paunang Pagsusulit
Panuto: Makinig nang mabuti sa maikling talata at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Isulat ang inyong sagot sa papel.

_____________________________
(pamagat)

Kamakailan lamang ay hinagupit ng kalamidad ang ilang lugar sa Visayas at


Mindanao. May mga sinalanta ng bagyo, malakas na ulan, lindol at mga pagguho ng
lupa. Maraming nagbuwis ng buhay sa mga nasabing kalamidad. Ikinalungkot ng
buong bayan ang pagkasawi ng maraming buhay. Kung sila any naging masunurin at
nakinig sa mga paalala ng pamahalaan kaugnay ng paparating na daluyong ng tubig,
marahil sila at iba pa ay nakaligtas.

Kaya sadyang mahalaga ang maging handa at makinig sa mga paalala upang
tayo ay makaiwas sa anumang sakuna. Lagi nating tatandaan na ako, ikaw, tayo ang
buhay natin ay mahalaga. Ang pakikiisa sa kaligtasan at kabutihan ng lahat ay
makakamit kung tayo ay lagging handa. (Agarrado, et al. 2016)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel

1. Ano ang buod ng kwento?


A. Makinig at sumunod sa mga paalala at maging handa sa anumang sakuna.
B. Ipagsawalang bahala ang mga babala ukol sa bagyo.
C. Walang magagawa ang babala sa sakunang dulot ng kalikasan.
D. Ililigtas ko ang aking sarili.

2. Ano ang angkop na pamagat nito?


A. Makinig at mag-ingat
B. Makinig at maghanda
C. Makinig at mag-aklas
D. Mag-ingat at handa

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sakuna?


A. Hagupit
B. Kalamidad
C. Bakuna
D. Init

3
4. Ano ang kasalungat ng salitang ikinalungkot?
A. Ikinamatay
B. Ikinabuhay
C. Ikinasaya
D. Ikinabuti
5. Ano ang kasalungat at kasingkahulugan ng salitang kabutihan?
A. Kasamaan at kagandahan
B. Kabutihan at kasamaan
C. Kagandahan at kapangitan
D. Kagabndahan at kabutihan

BALIKAN
Napag-aralan mo sa huling modyul ang tungkol sa opinion at katotohanan
Panuto: Isulat ang O kung ang pahayag ay isang opinyon at K kung ito ay
katotohanan. Isulat ang inyong sagot sa kuwarderno.

_____ 1. Ang COVID-19 ay sadyang nakakatakot.


_____ 2. Ang isang bansa ay may kinikilalang pinuno.
_____ 3. Maaaring magkaroon ng virus ang isang tao dahil sa ayaw
niyang sumunod sa mga heath protocols.
_____ 4. Ang America ang pinakamakapangyarihang bansa.
_____ 5. KAilangang sundin ang mga health protocols upang makaiwas sa
COVID-19. (Agarrado, et al. 2016)

Panuto: Salungguhitan ang mga pang-angkop na ginamit sa bawat bilang.


1. Maunlad na bansa
2. Minimithing kalusugan
3. Buhay na pangarap
4. Ligtas na bansa
5. Masustansiyang pagkain

4
TUKLASIN
Panuto: Makinig nang mabuti sa babasahing talata o teksto ng tagapagbasa at
sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Makinig at Mag-ingat

Kamakailan lamang ay hinagupit ng kalamidad ang ilang lugar sa


Visayas at Mindanao. May mga sinalanta ng bagyo, malakas na ulan, lindol at
mga pagguho ng lupa. Maraming nagbuwis ng buhay sa mga nasabing
kalamidad. Ikinalungkot ng buong bayan ang pagkasawi ng maraming buhay.
Kung sila any nagging masunurin at nakinig sa mga paalala ng pamahalaan
kaugnay ng paparating na daluyong ng tubig, marahil sila at iba pa ay
nakaligtas.

Kaya sadyang mahalaga ang maging handa at makinig sa mga paalala


upang tayo ay makaiwas sa anumang sakuna. Lagi nating tatandaan na ako,
ikaw, tayo ang buhay natin ay mahalaga. Ang pakikiisa sa kaligtasan at
kabutihan ng lahat ay makakamit kung tayo ay lagging handa. CITATION Pat16 \l
13321 (Agarrado, et al. 2016)

1. Ano ang pamagat ng kwento?


_________________________________________________________
2. Ano ang tinutukoy sa kuwento?
_________________________________________________________
3. Ano ang paksang diwa ng Kuwento?
_________________________________________________________
4-5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang dapat na pamagat ng
kwento? Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
6. Mula sa kwento, ano ang ibig sabihin ng salitang hinagupit?
_________________________________________________________
7. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sakuna?
_________________________________________________________
8. Ano ang kasalungat ng salitang malakas?
_________________________________________________________

5
9-10. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang pagkasawi.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Tama kaya ang mga ibinigay mong sagot? Nabigyan mo kaya ng angkop na
pamagat ang napakinggang kuwento at pagpapakahulugan sa mga kasalungat
at kasingkahulugan sa mga ginamit sa ilang salita?

SURIIN

Magkasingkahulugan
Ito ay dalawang salita na pareho ang kanilang ibig sabihin.

Halimbawa:
Maganda – marikit
Handog – regalo
Aralin - leksyon

Magkasalungat
Ito ang dalawang salita na magkaiba o kabaliktaran ang ibig sabihin

Halimbawa:
Malungkot – masaya
Malamig – mainit
Pataas – pababa

*Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling


maibigay ang kasingkahulugan o kasalungat nito. CITATION ako21 \l 13321 (jho n.d.)

Pamagat
Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata o teksto, mahalagang alamin
ang paksang-diwa o paksang pangungusap nito. Ang mga ito ang nagbibigay ng
ideya sa pagpili ng pamagat.
Ang paksang-diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o
kuwento.
Ang pagsulat sa pamagat ng isang talata o teksto ay dapat nagsisimula sa
malaking Titik. CITATION Mic21 \l 13321 (PAroginog n.d.)

Halimbawa:
Balikan ang kwento sa Tuklasin.
Kaya “Makinig at Mag-ingat” ang pamagat ng kuwento dahil ang paksang
diwa nito ay tungkol sa pakikinig sa mga babala at pagkakaroon ng ibayong pang-
iingat dahil mahalaga ang buhay.
6

Ngayon, handa ka nang sagutan ang mga sumusunod na gawain!


PAGYAMANIN

Panuto: Makinig at intindihin ng maayos ang bawat salaysay, teksto, balita, kwento
atbp na babasahin sa iyo pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na Gawain sa
sagutang papel.

Gawain 1:

__________________________

Maituturing na isa sa pinakamaganda kong karanasan ang pagpunta sa


malaparaisong lugar ng Boracay. Ang lugar kung saan ang maraming tao ay
nangangarap na ito ay marating.

Kahapon lang nang ako ay makadaong sa malaporselanang buhangin ng


Boracay, makipaglaro sa mga alon ng dagat at gumawa o bumuo ng kastilyong
buhangin. Magbilang ng mga batang babae at batang lalaking naglalaro sa may
buhanginan at mga dalaga at binatang nagsisipagsakayan sa banana boa, at mga
dayuhang nagbibilad sa init ng araw. Halos mapuno ang lugar sa dami ng tao.

Batid sa mga larawan ko ang lubos kong kaligayahan sa pangyayaring ito sa


aking buhay. Walang maitatangging kasiyahan at kakaibang karanasan ang hati nito
sa akin. (Agarrado, et al. 2016)

1. Ano ang tinutukoy sa kwento?


_________________________________________________________
2. Ano ang paksang diwa ng kwento?
_________________________________________________________
3. Ibigay nag buod ng kuwento.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4-5. Ano ang dapat na pamagat ng kwento? Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

7
Ibigay ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salita mula sa kuwento.

Kasingkahulugan Salita Kasalungat


Nakadaong
Nagbibilad
Kaligayahan

Gawain 2:

A. Makinig nang mabuti sa mga babasahing talata at sagutan ang mga


sumusunod na katanungan. Isulat ang inyong sa Kuwarderno.
*huwag kalimutang isulat ng tama ang mga pamagat.

1. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng ma kattutubo nag hari ng Espanya.
Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila
at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at nagging sanhi ng
pagkasawi nito sa laban. (PAroginog n.d.)

Paksang diwa:
______________________________________________________________
Angkop na pamagat:
______________________________________________________________

2. Hindi na mabilang ang kaababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit,


pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating
gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay
malikhain sa iba’t-ibang larangan. (PAroginog n.d.)

Paksang diwa:
______________________________________________________________
Angkop na pamagat:

8
3. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang
lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring
magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina
A ay atay, itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay ta prutas. (PAroginog
n.d.)

Paksang diwa:
______________________________________________________________
Angkop na pamagat:
______________________________________________________________
Paano isinusulat ang Pamagat?
______________________________________________________________

Gawain 3:
A. Isulat ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nasalungguhitan
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Kumain ng wasto upang maging malusog.


Kumain ng ____________.
2. Ang mga nars at doktor ay magigiting na frontliners.
Ang mga nars at doctor ay ________________.
3. Mataas ang aking panagarap sa buhay.
Nangangarap ako ng __________________.
4. Masarap magluto ang aking nanay.
___________________ ang fried chicken na luto ni nanay.
5. Sumunod sa mga health protocols upang maging ligtas sa pandemya.
Maiiwasan ang _________ kung susunod sa mga health protocols.

B. Punan ng tamang kasingkahulugan o kasalungat ang bawat salita.

Kasingkahulugan Salita Kasalungat


1. Aksidente Sakuna
2. Mayaman Marangya
3. Bata Matanda
4. Laban Away
5. Mataas Maliit

9
ISAISIP

Panuto: Punan ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa sa loob ng kahon.

Pamagat pareho magkaiba


Paksang diwa magkasingkahulugan
Magkasalungat kahulugan maibigay
angkop malaki

1. Ang pagbibigay ng _______________ ay dapat isaalang-alang ang


___________________ ng isang teksto o talata.
2. Tinatawag na ______________________ kung ang dalawang salita ay may
_______________ ibig sabihin at ______________________ kung ang
dalawang salita ay _______________ ng ibig sabihin.
3. Mahalagang malaman ang _______________ ng isang salita upang madaling
_______________ ang kasalungat o kasingkahulugan nito.
4. Ang pagbuo ng _______________ na pamagat ng isang talata ay dapat
nagsisimula sa _______________ titik.

ISAGAWA

Panuto: Makinig sa mga babasahing talata at sagutan ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang inyong sagot sa kuwarderno o sagutang papel

A. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar
sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa
kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang
bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga
kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga
lalawigan. (PAroginog n.d.)

1. Ano ang paksang diwa ng talata?


___________________________________________________________
2. Ano ang angkop na pamagat?
___________________________________________________________

10
B. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng
maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa, at
pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t-isa. Ano
mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang
pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong
ingatan. (PAroginog n.d.)

1. Ano ang paksang diwa ng talata?


___________________________________________________________
2. Ano ang angkop na pamagat?
___________________________________________________________
3. Ibigay ang kasalungat ng mga salitang:
Suliranin - ___________________
Pagmamahalan - ____________________
Buo - _______________________
Matibay - ____________________

Panuto: lagyan ng (/) ang patlang kung ang pares ng mga salita ay
magkasingkahulugan at lagyan ng (X) kung ito ay magkasalungat.
_____ 1. Mabango – mabaho _____ 6. Malakas – mahina
_____ 2. Marumi – marusing _____ 7. Magaling – mahusay
_____ 3. Tuwid – diretso _____ 8. Makitid – malapad
_____ 4. Malamig – maginaw _____ 9. Mabait – matapang
_____ 5. Marunong – matalino _____ 10. Matab – malusog
(jho n.d.)

TAYAHIN

Panuto: Pag-aralan ang bawat pares ng salita. Isulat MK kung ang ito ay
magkasingkahulugan at MS kung ito ay magkasalungat. Isulat ang sagot inyong
kuwaderno.
1. masaya – maligaya - _____
2. maayos – magulo - _____
3. pumasok – lumabas - _____
4. malamig – mainit - _____
5. basa – tuyo - _____
6. malinis – madumi - _____
7. mapait – matamis - _____
8. masaya – malungkot - _____
9. silid – kwarto - _____
10. umiiyak – tumatawa - _____

11
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Kumuha ng dyaryo, magazine o babasahin. Pumili ng isang talata o teksto at


sagutan ang mga sumusunod na katanungan

1. Ano ang paksang diwa ng talatang napili mo?


______________________________________________________________
2. Ano ang dapat na pamagat nito?
______________________________________________________________
Pumili ng 3-4 na salitang pang-uri pagkatapos ay ibigay ang kasalungat o
kasingkahulugan nito. Sundin ang tsart

Kasingkahulugan Salita Kasalungat


1.
2.
3.
4.

2
SUBUKAN ISAISIP
A 3 Pamagat, Paksang diwa
A Magkasingkahulugan, pareho –
B magkasalungat , magkaiba
C Kahulugan, maibigay
A Angkop , malaki
BALIKAN ISAGAWA
K Iba’t-ibang kasagutan
K Iba’t-ibang kasagutan
O
K X
K /
/
Na /
Ng /
Na X
Na /
ng X
TUKLASIN /
tungkol sa hagupit ng isang bagyo /
(iba’t-ibang kasagutan)
pag-iingat at paghahanda sa darating TAYAHIN
na sakuna (iba’t-ibang kasagutan) MK
making at mag-ingat MS
iba’t-ibang kasagutan MS
iba’t-ibang kasagutan MS
sinalanta MS
kalamidad MS
mahina MS
pagkapatay - pagkabuhay MS
PAGYAMANIN MK
Gawain 1-A MS
iba’t-ibang kasagutan
iba’t-ibang kasagutan
KARAGDAGANG GAWAIN
iba’t-ibang kasagutan
Iba’t-ibang kasagutan
iba’t-ibang kasagutan
iba’t-ibang kasagutan
nakarating – nakadaong – hindi nakarating
nagpapaaraw-nagbibilad – nagsisilong
kasiyahan – kaligayan – kalungkutan
Gawain 2
Iba’t-ibang kasagutan.
iba’t-ibang kasagutan
iba’t-ibang kasagutan
Gawain 3
tama
matatapang
matayog
malinamnam
sakit
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga Sanggunian

Agarrado, Patricia Jo C. Alab Filipino Batayang Aklat. Quezon city: Vibal Group 2016.

Paroginog, Michael. ”Nakapagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Talata". Accessed january


16, 2021. URL.

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph

You might also like