You are on page 1of 9

FILIPINO 4

Unang Markahan – Modyul 24

Nakasusulat ng Liham Pangkaibigan


Bilang Tugon sa mga Nakalap sa Kuwentong
Binasa

Guia B. Abengoza
May Akda
Nakasusulat ng Liham Pangkaibigan
Bilang Tugon sa mga Nakalap sa Kuwentong
Binasa

Magandang Araw!
Kamusta?

Mabuti naman at maayos ang iyong


kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago
nating aralin?
Halika! Umpisahan na
natin.

Sa gawaing ito, tayo ay magsusulat ng isang


liham pangkaibigan bilang tugon sa mga
nakalap sa kwentong binasa.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…


Makasulat ng liham pangkaibigan bilang
tugon sa mga nakalap sa kwentong binasa.

Pagbalik-aralan Mo

Nakaranas ka na bang sumulat ng liham?

Kung oo, sino naman ang pinadalhan mo? Ano ang nilalaman ng iyong
liham?

Kung hindi, tutulungan kitang magsulat ng liham sa pamamagitan ng


araling ito.

Maari mo bang isulat sa mga parihaba ang mga pangalan ng mga taong
hindi nakalimot at nagpakita ng katapatan sa gitna ng iyong suliranin. At
sa ilalim ng kanilang pangalan isulat mo rin kung sa paanong paraan nila
ipinakita ang katapatan sa iyo.
Handa ka na?

Magaling!
Ang mga pangalang isinulat mo ay maituturing mong mga
kaibigan. Tama ba? Nasaan man sila, maari ka pa ring makipag-
ugnayan kanila sa pamamagitan ng isang liham pangkaibigan.

Ano ang liham?


Ano-ano ang mga bahagi ng isang liham pangkaibigan.

Halika…Pag-aralan natin ang mga bahagi ng isang liham


pangkaibigan at ang nilalaman nito.
Pag-aralan Natin

Liham pangkaibigan – ito ang madalas gamitin sa pakikipag-ugnayan


sa malalayong kamag-anak, kaibigan, at mga taong malapit saiyo.

Bahagi ng Liham Pangkaibigan:

Pamuhatan – nagsasaad ng tirahan/ address ng sumulat at petsa kung


kailan isinulat ang liham. Makikita ito sa kanang itaas na bahagi ng
sulatang papel.

Bating panimula – ito ay nagsasaad ng pagbati sa sinusulatan.


Inilalagay ang kuwit sa hulihan ng pangalan at isinusulat ito sa kaliwang
bahagi ng papel pagkatapos ng pamuhatan.

Katawan ng liham – dito isinusulat ang nais sabihin sa liham. Ito ay


patalata.

Bating pangwakas – maikli at magalang na pamamaalam pagkatapos ng


katawan ng liham at isinusulat sa katapat ng pamuhatan. Ito ay
nilalagyan ng kuwit pagkatapos.
Lagda – sa bahaging ito isinusulat ang pangalan o palayaw ng sumulat.
Gawin Natin

Gawain 1

Basahin ninyo muna ang mga pamatnubay na tanong bago ninyo


basahin ang kwento. Pagkatapos mabasa ang kwento, maari niinyo ng
masagot ang mga tanong.

Sino ang lumuwas ng Maynila?


Bakit lumuwas ng Maynila si Jerald?
Ano ang naramdaman ni Joshua sa pag-alis ng kanyang kapatid?
Ano ang ipinangakong gagawin ni Jerald sa kanyang kapatid
upang hindi ito malungkot?

Susulat ako, Kuya

Tila pinipigil ang mga papatak ng luha sa mga mata ni Joshua


habang inihahatid sa papaalis ng bus pa-Maynila ang kanyang
nakababatang kapatid na si Jerald. Tatlong araw na lang kasi ay
magbubukas ng ang mga klase sa Maynila. Noon pa man ay pangarap
na ni Jerald na makapasok sa isa sa mga Pamantasan sa Maynila.
Laking tuwa nito ng abutin ng kartero noong isang araw ang resulta ng
kanyang eksamin sa paaralang iyon. Nakapasa si Jerald sa Pamantasan
ng Pilipinas. Ang paaralang pinapangarap ng maraming estudyante.
Kitang-kita ang kagalakan sa mga mata ni Jerald habang inaayos ang
gamit sa loob ng bus. Samantalang si Joshua ay ikinukubli ang kanyang
kalungkutan palibhasa lumaki silang magkalaro at magkaibigan sa loob
ng labing limang taon. Pinabababa na ng kundoktor ang mga
nagsisipaghatid kung kaya nagpaalaman na ang dalawang magkapatid.
“Susulat ako, kuya.” Pangakong sambit ni Jerald sa
kanyang kuya Joshua bago ito tuluyang bumaba sa
bus.

Gawain 2

Sulatan mo Ako
Pagsasanay

Sumulat ng liham pangkaibigan batay sa sitwasyong ito. Ilagay


ang iyong liham sa balangkas sa ibaba.
Kaarawan ng iyong kababata na ngayon ay nasa kabilang bayan
nag-aaral. Nais mo siyang komustahin at batiin na rin sa kanyang
kaarawan. Sulatan mo siya ngayon sapagkat sa isang linggo na ang
kanyang kaarawan at ayaw mong mahuli ang dating ng iyon liham.

____________________
____________________
____________________
____________________

_____________________

____________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

____________________
____________________

Kamusta ang iyong pagsasanay?


Nakagawa ka ba ng liham pangkaibigan?

Madali Ba o Mahirap?

Kung nakagawa ka ng liham, ikaw ay


MAHUSAY! Magpatuloy na sa susunod na
pagsasanay.

Kung hindi, subukin mong muling pag-aralan


ang paggawa ng liham pangkaibigan.

Sagutin Mo
Ano ang liham pangkaibigan?
Ang Liham pangkaibigan – ito ang madalas gamitin sa
pakikipag-ugnayan sa malalayong kamag-anak, kaibigan, at mga
taong malapit saiyo.Ano-ano ang mga bahagi nito?

Bahagi ng Liham Pangkaibigan:

Pamuhatan – nagsasaad ng tirahan/ address ng sumulat at petsa


kung kailan isinulat ang liham. Makikita ito sa kanang itaas na
bahagi ng sulatang papel.

Bating panimula – ito ay nagsasaad ng pagbati sa sinusulatan.


Inilalagay ang kuwit sa hulihan ng pangalan at isinusulat ito sa
kaliwang bahagi ng papel pagkatapos ng pamuhatan.

Katawan ng liham – dito isinusulat ang nais sabihin sa liham. Ito


ay patalata.

Bating pangwakas – maikli at magalang na pamamaalam


pagkatapos ng katawan ng liham at isinusulat sa katapat ng
pamuhatan. Ito ay nilalagyan ng kuwit pagkatapos.

Lagda – sa bahaging ito isinusulat ang pangalan o palayaw ng


sumulat.

Yehey! Nalaman mo na kung ano ang


liham pangkaibigan at ang mga bahagi
nito. Marunong ka na ring gumawa ng
iyong sariling liham. Maari mo ng gawin
ang susunod na pagsasanay.

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat


sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong sagutin.
Panapos na
Panuto: Narito ang bahagi ng liham ni Jerald Pagsubok
sa kanyang Kuya Joshua. Kung ikaw si
Joshua, paano mo sasagutin ang kanyang liham?
Sagutin ang liham ni Jerald sa kanyang kuya Joshua. Punan ang
balangkas na kasunod.
Alam mo Kuya, napakaganda talaga ng Pamantasan ng Pilipinas!
Napakalawak nito at napakaraming gusali. Noong una, akala ko ay
mawawala ako sa loob nito. Nahihirapan din ako sa paghahanap ng
aking mga silid-aralan. Mabuti na lamang at nagkaroon ako ng mababit
na kaklase na naging kaibigan ko na rin. Galing din ng probinsiya si
Rodney. Siya ay isang Batangueño. Matalino siya at mabait. Si Jayvee
naman ay galling Davao. Mula siya sa isang mayamang pamilya na may
malawak na sakahan. Alam mo ba Kuya, kahit mayaman siya ay
napakabait niya at napakasimple. Hindi siya mayabang na tulad ng
ibang mayayaman.
Hindi naman ako nahihirapan sa aking pag-aaral. Madali ko
naming nasusundan ang leksyon ng aming mga propesor. Iyon nga
lamang, kailangan ko talagang mag-aral dahil madalas ay may takdang
aralin kami. Magkaganoon man, tuwing Linggo ay sumasama ako sa
mga bagong kaibigang magsimba at mamasyal upang malibang at
makapagpahinga rin.
Huwag kang mag-alala Kuya, magpapakabait ako lagi at mag-
aaral na Mabuti. Mahal na mahal ko kayong lahat.

Balangkas ng LIham

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

________________________

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

_________________________
_________________________
Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.
Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

Ang ganda ng aralin natin. Ang dami


kong natutuhan. Enjoy rin ako sa
paggawa ng mga Gawain at
Pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang gawain.

Karagdagang Tara magtulungan tayo!


Gawain

Panuto: Gumawa ng isang liham pangkaibigan tungkol sa gantimpala


mo sa paaralan. Sagutin ang mga tanong sa paggawa ng liham. Isulat
ito sa isang buong papel.
a. Ano ang natanggap mong gantimpala?
b. Anong ibinigay na parangal sa gantimpalang ito?
c. Bakit ibinigay sa iyo ang gantimpalang ito?
d. Ano ang nadama mo nang matanggap mo ito?

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maari mo na
ngayong simulan ang susunod na modyul.

You might also like