You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa

Filipino Baitang VI SSES


Sta. Ana Central Elementary School
R. Magsaysay Ave. Davao City
I.

Layunin
Matapos ang isang sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakakapagbigay-kahulugan ng balangkas
Nasusuri ang mga pamantayan sa pagbuo ng balangkas
Nakakapagbahagi ng kahalagahan ng balangkas sa pagsulat

II.

Paksang Aralin
Paksa: Balangkas
Sanggunian: Ang Sulo Aklat sa Filipino VI
Kagamitan: Powerpoint Presentation
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa mga bayaning Pilipino.

III.

Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
May bagay na ipapasa-pasa kasabang ang saliw ng musika at
kapag itoy huminto, ang mag-aaral na may hawak ng bagay na
iyon ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.
B. Pagganyak
Itanong sa klase kung sino ang pinakapaborito nilang bayani.
Ibabahagi ng estudyante ang kanyang nalalaman tungkol sa
bayaning iyon.
Anong katangian ng bayani ang maari nating tularan at bakit.
C. Paglalahad
Ibahagi sa klase na sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga
talambuhay nila ay maraming mga impormasyon ang maari nating
mahinuha o malaman tungkol sa mga kanila. Pagsamahin ang
konseptong Pagsulat at Pagbasa upang mailahad ang paksa na
balangkas.
Babasahin ng klase ang kahulugan ng balangkas
Ilahad ang mga uri ng balangkas at ipaliwanag ang mga ito.
Suriin ang mga pamantayan sa pagbuo ng balangkas.
D. Paglalahat
Ano ang balangkas?
Ano ang kahalagahan ng balangkas
Pagtataya
Ang pagsasanay ay magaganap pagkatapos ng pangalawang bahagi ng
lekson.

IV.

V.

Takdang Aralin
Pagsasaliksik: Manaliksik ukol sa mga naging karelasyon ni Rizal. Sa,
nasaliksik na bilang ay pumili lang ng tatlo.
Gamitin ang format ng balangkas sa ibaba:
I. Ang Mga Babae sa Buhay ni Rizal
A. Pangalan
1. Mga importanteng detalye ukol sa kanya
2. Mga importanteng detalye ukol sa kanya
B. Pangalan
1. Mga importanteng detalye ukol sa kanya
2. Mga importanteng detalye ukol sa kanya
C.
1. Mga importanteng detalye ukol sa kanya
2. Mga importanteng detalye ukol sa kanya
Halimbawa:
A. Segunda Katigbak
1. Unang pag-ibig ni Rizal
2. Nabigyan ng liham na invisible ink galing kay
Rizal

Banghay Aralin sa
Filipino Baitang VI SSES
Sta. Ana Central Elementary School
R. Magsaysay Ave. Davao City
I.

Layunin
Nasusuri ang mga isang balangkas alinsunod sa mga pamantayan nito
Naisusulat ang buod ng isang kwento sa tulong ng balangkas

II.

Paksa: Balangkas
Sanggunian: Ang Sulo Aklat sa Filipino VI
Kagamitan: Powerpoint Presentation

III.

Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang balangkas?
-Ano ang tatlong uri ng balangkas?
B. Pagganyak
Family Feud
1. Bumuo sa klase ng apat na grupo (Le,Tong,Kung,Mag)
2. Maghanda ng isang papel sa bawat pangkat.
3. Pagsabi ng go, magbibigay sila ng isang salita katumbas ng mga
katergoryang babanggitin.
4. Ang bilang ay limitado lang sa sampu. Matapos ang huling bilang ay
pupunta sila sa whiteboard at isulat ang kanilang mga sagot.
5. Ihambing ang mga sagot ng magkakaibang pangkat. Kapag may
magkaparehong sagot ay hindi maaring bigyan ng puntos.
6. Kung ang sagot ay naiiba sa mga sagot ng ibang pangkat, sila ay
bibigyan ng puntos.
7. Ang grupo o pangkat na siyang makakuha ng pinakamaraming puntos
ay siyang panalo.
C. Paglalahad
1. Batay sa takdang-aralin na binigay kahapon, ibabahagi ng mga
studyante ang nilalaman sa klase. Pagkatapos ay suriin ito at
obserbahan kung ang mga pamantayan o format sa pagbabalangkas
ay nasunod.
2. Tunghayan at pag-aralan ang ikalawang bahagi ng balangkas sa isang
Powerpoint presentation.
D. Paglalahat
1. Anu-ano ang mga kalamangan at kawalan sa paggamit ng balangkas?
2. Efektiv ba ang paggamit nito sa paggawa ng buod? Ipaliwanag sa
klase.

IV.

Pagtataya
Gawan ng buod ang kwento sa pamamagitan ng balangkas na papanungusap: Ang Alamat ng Sampaguita

V.

Takdang Aralin
Para sa dagdag kaalaman, basahin ang pahina 41-42.

You might also like