You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Filipino 7

Banghay-Aralin sa Filipino 7
I. Layunin
a. Nailalahad ang mga elemento ng alamat
b. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa alamat
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan tulad ng alamat

II. Paksang-Aralin
A. Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Alamat ng Saging
B. K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 7, PB2Aa, PB2Ab, PB2Ac
C. sipi ng alamat, larawan, chart, graphic organizers
D. Pagpapahalaga sa Katutubong Panitikan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng mga napapanahong kwento ng pag-ibig (halimbawa:
Aldub, Jadine o Kathniel).
Itanong: Kilala niyo ba ang mga nasa larawan?
Ano ang kanilang kwento?
Paano/Saan niyo nalaman ang kani-kanilang kwento?

B. Panlinang na Gawain (4As)


1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang mga katutubong Pilipino ay may mga kani-
kaniyang kwento ng pag-ibig at ilan sa mga ito ay nailalahad sa mga alamat.

b. Pag-alis ng Sagabal
Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
A B
1. nasambit a) nakikipagkita
2. nakikipagtagpo b) ibinaon
3. binunot c) nakikipagkita
4. inilibing d) kinuha

c. Pagbasa nang Tahimik


Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Alamat ng Saging”.
Ipaalala ang batayan ng tahimik na pagbasa.

2. Pagsusuri (Analysis)
a. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may kani-kaniyang gawaing
batay sa Multiple Intelligence
Pangkat Gawain

(Verbal-Linguistic)
1
Paggawa ng PLOT (Pamagat, Lugar, Oras, Tauhan)

(Logical-Mathematical)
2
Pagsunud-sunod ng pangyayari gamit ang Time Sequence Pattern Organizer
(Visual-Spatial)
3
Pagbuo ng sariling wakas sa pamamagitan ng isang poster

(Musical-Rhythmic)
4
Pag-awit ng kantang maaring iugnay sa nabasang alamat

3. Paghahalaw at Pagahahambing (Abstraction and Comparison)


Gamit ang Venn diagram, ipakita ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng
katutubong kwento ng pag-ibig sa alamat at makabagong kwento ng pag-ibig sa telebisyon.

Ipinaglalaban ang Pag-ibig

ALAMAT

TELEBISYON

May halong pantasya

Lalaki ang nanunuyo sa bahay ng dalaga

Hango sa realidad

Konserbatibo

Madalian dahil sa teknolohiya

Liberal

4. Paglalapat (Application)
Itanong: Kung kayo si Juana, susuway ba kayo sa utos ng iyong ama? Oo o
hindi?
Dapat bang tularan sina Juana at Aging? Ipaliwanag ang iyong sagot.

C. Paglalahat
Pagpapahalaga:
Itanong: Anong aral ang inyong natutunan mula sa alamat?
Sa tinging ba ninyo ay mahalaga ang mga alamat? Bakit?

IV. Ebalwasyon
Iguhit ang kung ang pangyayari ay naganap sa alamat at kung
hindi.

1. Si Mang Pedro ang ama ni Juana na tutol sa pag-iibigan ng magkasintahan.


2. Si Aging ang lalaking iniibig ni Juana.
3. Dinalaw ng binata si Juana at siya ay pinatuloy sa bah-takotay ng dalaga.
4. Naduwag si Aging nang makita niya ang ama ni Juana.
5. Tumubo ang isang halaman mula sa buhok ni Juana.

V. Kasunduan
Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa mga alamat na kanilang
nalalaman ditto sa Iloilo. Isulat sa isang buong papel at ibahagi ito sa klse.

Inihanda ni:

JAYLORD S. LOSABIA
Teacher III
A. Bonifacio Integrated School

Banghay Aralin sa Filipino 8

Banghay Aralin sa Ikalawang Taon


Pakitang Turo
Marso 3, 2011

I. Layunin:
1. Nakikilala ang iba’t- ibang sining sa Asya.
2. Nakabubuo ng mga pangungusap na patanong batay sa pangungusap sa pisara.
3. Napapahalagahan ang sining sa Asya.
II. Paksang Aralin:
Ang Sining sa Asya; Tekstong Ekspositori
Mga Pangungusap na Humihingi ng Impormasyon
Ang Bagong Filipino sa Hayskul II
p. 223-229
Kagamitang Panturo: Larawan, Flashcard Dayagram
Value Focus: Pagpapahalaga sa Sining
III. Pamamaraan:
A. Pangganyak:
( Aktibidades)
Ipaayos ang mga ginupit na larawan sa mga mag-aaral upang mabuo ang larawan ng iba’t-
ibang sining sa Asya. Tutukuyin nila kung ano ang mga ito at itatanong ng guro kung mayroon
silang ideya sa mga larawan.
B. Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.
1. mandudula
2. katedral
3. pabula
4. papet
5. teatro
6. templo
Gamitin sa sariling pangungusap.
C. Paglalahad ng Aralin:
1. Paglalahad ng guro ng paksang-aralin.
2. Pagpapabasa ng teksto.
3. Pangkatang Gawain.
Ibigay ang kahulugan ng sining gamit ang dayagram.
D. Pagtalakay sa Aralin:
( Analisis)
1. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?
2. Ibigay ang iba’t- ibang uri ng sining na binanggit sa teksto.
3. Lahat ba ng makikita nating makulay at may disenyo ay matatawag na produkto ng sining?
4. Isa-isahin ang mga likhang sining na naipagmamalaki ng Asya.
5. Sinasabing mahilig sa musika ang mga Pilipino, sa anong paraan nila ito ipinakikita?
6. Anu-anong pahayag na ginamit sa teksto ang nangangailangan ng kasagutan? Impormasyong
nais malaman?
7. Batay sa pagkasulat sa teksto, ano ang masasabi ninyo sa katauhan ng may akda bilang
mamamayan. Patunayan.
8. Ibigay ang panandang ginamit sa pagtatanong.
9. Anong kaisipan ang mahahango sa teksto?
10. Bilang mag-aaral paano ninyo mapapahalagahan ang sining sa Asya?
E. Paglalapat:
( Aplikasyon)
Punan ng angkop na kasagutan ang bawat hanay:
Bahagi ng
Katawang
Uri ng Sining Kasanayan(Kilos Kagamitan
Ginamit
)

Bilang mag-aaral, paano mo masasabing malaki ang kontribusyon ng sining sa Asya?


F. Paglalahat:
Ang guro ay magbibigay ng katuturan ng tekstong exposotori. Babasahin ng mga mag-aaral ng
sabay- sabay at ipakopya sa kuwaderno.
IV. Pagtataya:
Panuto: Sa isang ½ papel, bumuo nga mga patanong na pangungusap batay sa isinisaad na
impormasyon ng bawat pahayag. ( 2 puntos bawat bilang)

A. Paghahalimbawa:

1. Humakot ng maraming parangal si Lea Salonga sa larangan ng pag-awit at pag-arte


maging sa ibang bansa.Sinong Pilipinang humakot ng maraming parangal sa ibang
bansa?

2. Isang obra maestrang maituturing ang hagdang-hagdang palayan gawa ng mga


Ifugao.Ano ang nag-udyok sa mga mamamayan upang lumikha ng isang obra-maestrang
gaya ng hagdang-hagdang palayan?

3. Isang masayang karanasan ang malibot ang magagandang tanawin ng ating


bansa.Anong damdamin ang mararanasan kapag nalibot ang magagandang tanawin ng
bansa?

B.

1. Hinangaan at kinilala ang kagalingan ni Fernando Amorsolo sa pagpinta.Sino ang


hinangaan at kinilala sa larangan ng pagpinta?

2. Ika -12 ng Hunyo 1962 nang pagkalooban si Amado V. Hernandez ng bansa ng gawad
bilang Pambansang Alagad ng Sining.Kailan ipinagkaloob ky Amado V. Hernadez ang
gawad bilang Pambansang Alagad ng Sining?

3. Nag-aral ng iba’t-ibang sayaw sa ibang bansa si Fransisca Reyes Aquino.Saan nag-aral


ng iba’t- ibang sayaw si Francisca Reyes Aquino?

4. Isang pulo sa labas ng look ng Maynila ay Corregidor. Ito ang ginamit ng mga Pilipinong
sundalo sa pagtatanggol ng bansa.Ano ang tawag sa isang pulo sa labas ng look ng
Maynila?
5. Sa EDSA naganap ang makasaysayang People Power Revolution noong Pebrero 22-25
1986.Saan naganap ang makasaysayang People Power Revolution?

6. Milyong- milyong halaga ang ninakaw ng ilang opisyales ng gobyerno sa kaban ng


bayan.Magkano ang halagang ninanakaw sa kaban ng bayan?

7. Nagbuwis ng buhay ang mga bayaning Pilipino para sa kalayaan ng bansa.Sino ang
nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan?

8. Walang kapantay ang pagmamahal ng Diyos sa ating mga tao.Gaano kamahal ng Diyos
ang tao?

9. Sa husay at galing sa boksing kaya namayagpag ang pangalan ni Manny Pacquiao sa


larangan ng isports.Paano nakilala sa larangan ng boksing si Manny Pacquiao?

10. Tuwing ika-30 ng Disyembre ginugunita ng bawat Pilipino ang kamatayan ni Dr. Jose
Rizal.Kailan ginugunita ng mga Pilipino ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal?

V. Takdang- Aralin:
Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa. Sumulat ng talata batay rito na ginagamitan ng mga
patanong na pangungusap. Isulat sa isang buong papel at ipasa sa susunod na pagkikita.

1. Musika, Buhay at Kaluluwa ng Isang Nilalang

2. Sayaw, Naglalarawan ng Pamumuhay at Kaugalian

3. Pagpinta, Kulay at Hugis ng Buhay

You might also like