You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-B MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
MAUJAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Maujao, Bulalacao

JUNIOR HIGH SCHOOL DAILY LESSON PLAN


PANITIKANG PILIPINO (FILIPINO 8 )
(AGOSTO 22-23, 2022)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa nilalaman, implikasyon at kahalagahan ng mga
akdang pampanitikan bago pa man dumating ang mga Espanol hanggang sa panahon ng Hapon.
Pamantayan sa Paggawa:
Nakabubuo ng scrapbook ng mga orihinal na akdang pampanitikan na lumaganap sa panahon ng
Katutubo, Espanol, at Hapon.

I. Layunin:
1. Nakauunawa ng mga pang-araling alituntunin na dapat sundin sa maayos na pagkatuto.
2. Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa mga katangian nito.
3. Nakagagaw ng akrostik hinggil sa salitang Panitikan.

II. Paksa:
A. PANITIKAN: Panitikan sa Panahon ng Katutubo
Salawikain, Sawikain, Kasabihan
B. Gramatika: Dalawang Uri ng Paghahambing
C. SANGGUNIAN: Panitikang Pilipino (Gabay ng Guro at Mag-aaral)
D. KAGAMITAN: mga kagamitang biswal
E. ESTRATEHIYA: sama-samang pagkatuto
III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtala ng Liban
B. Presentasyon
➢ Magpapatala ang guro ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga mag-aaral sa isang
index card.
➢ Sa loob ng sampung minuto, tatalakayin ng guro ang mahahalagang alituntunin na dapat
unawain at sundin ng mga mag-aaral sa pansilid-aralan at pang-araling regulasyon. Kung
may nais na idagdag ang mag-aaral, bukas ang guro na tanggapin ito upang sa maayos
nilang pagkatuto.

C. Panimulang Pagtataya/ Motibasyon(Pormal na pagpapakilala ng unang aralin)


➢ Pagpapasagot sa Panimulang Pagtataya (1-20)
➢ Pagpapasuri sa larawan upang matukoy ang tatlong Panahon na pinagdaanan ng ating
panitikan. (Katutubo, Espanol, Hapon)

➢ Gawain 2: Pagbuo ng Akrostik: May Malaki bang impluwensya ang panitikan sa iyong buhay
bilang Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng
pagbuo ng AKROSTIK sa salitang Panitikan.
B. Paglalahad ng Pokus na Tanong
➢ Pagsagot sa Pokus na Tanong:
1. Naniniwala k aba na ang panitikan at kasaysayan ay magkaugnay?
2. Sa iyong palagay, bakit kailangang kilalanin ang mga akdang pampanitikan na umusbong
sa panahong naisulat ito?
3. Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng
kasalukuyang panahon?
C. Pagtalakay;
➢ Pagbibigay ng karagdagang impormasyon:
Pagkakasunod-sunod ng mga naunang nanirahan sa Pilipinas:
1. Negrito 2. Indones 3. Malay
4. Intsik 5. Bombay 6. Arabe at Persiyano
➢ Pagpapakita ng larawan na tumatalakay sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
➢ Paggamit ng lunsarang tula na “Sa Aking Mga Kabata” ni Dr. Jose Rizal. Ipaliliwanag ng guro
kung paano ginamit ng may-akda ang isa sa mga karunungang bayan.
➢ Paglinang ng Talasalitaan
➢ Pagtalakay sa nilalaman ng Tula;
1. Suriin moa ng tula. Tukuyin moa ng kasabihang ginamit ni Rizal. Ilahad moa ng tiyak na
kaisipan na nais nitong ipabatid.
2. Kung si Rizal ay gumamit ng karunungang bayan sa kaniyang tula, ikaw bilang kabataan,
paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa sa ating mga ninuno?
D. Paglalahat
➢ Pagbuo ng pangkalahatang kaisipan hinggil sa ginawang pagtalakay.

IV. Takdang- Aralin


➢ Magsaliksik ng depinisyon ng Salawikain, Sawikain, at Kasabihan. Magbigay ng mga
halimbawa nito.

• Bilang ng mga mag-aaral na wala sa silid-aralan: ________________


• Bilang ng mga mag-aaral na natuto o nakapasa: ________________
• Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng pamatnubay: __________

V. Puna
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. Repleksyon
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni:

Gng. Eloisa Diane P. Anog


Guro sa Filipino

Pinatotohanan ni:

G. Francisco M. Faner Jr.


Assistant Principal II

You might also like