You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY SA PAGTUTURO SA FILIPINO 8

Florante at Laura: Paglalahad ng Damdamin o Saloobin ng May-akda


DAILY AURORA NATIONAL Grade
LESSON School: HIGH SCHOOL Level: VIII
LOG NELROSE B. Learning
Teacher: GABATO Area: FILIPINO
Teaching Dates 4th
and Time: May 9, 2023 Quarter: QUARTER

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang


Pangnilalaman dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng
mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng
ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
-natutukoy ang katangian ng mga tauhan ng Florante
at Laura;
-nabibigyang-halaga ang ambag ni Francisco
Balagtas sa Panitikang Pilipino; at
- nagagamit ang wika ng kabataan sa pagbahagi ng
naging damdamin o saloobin ng may-akda na
masasalamin sa akda.
F.
G. B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang
Pagganap radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino
sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda,
Pagkatuto. Isulat and gamit ang wika ng kabataan
code ng bawat F8WG-IVa-b-35
kasanayan a. Nakikilala ang mga tauhan sa akdang Florante at
Laura.
b. Naibabahagi ang naging damdamin o saloobin ng
may-akda na masasalamin sa akda gamit ang wika ng
kabataan.
A.
B. II. NILALAMAN Paksa: Florante at Laura- Paglalahad ng Damdamin o
Saloobin ng May-akda
III. KAGAMITANG video clip presentation, power point presentation
PANTURO
A. Sanggunian Sulayao, Jesusa V. Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Florante at Laura, Department of Education- Division of
Gingoog City 2020, Gingoog City, Philippines.
Boquil, Rosemarie S. Quarter 4 – Week 1: Paglalahad
ng Damdamin o Saloobin ng May-akda
https://youtu.be/0hA1EwIlHZY https://tinyurl.com/5n6n5znb (Tauhan ng Florante at Laura)
https://tinyurl.com/yyfw8pnf https://tinyurl.com/4p9tkw7x https://tinyurl.com/2p8kf7n7
https://tinyurl.com/5n7xp6ne https://tinyurl.com/mu27n4nv https://tinyurl.com/2p8prm4t
https://tinyurl.com/52brktx9 https://tinyurl.com/2cbp8s52 https://tinyurl.com/yc34vt5h
https://tinyurl.com/2p8np3n6 https://tinyurl.com/y356jt5a https://tinyurl.com/5h6pcrkm
https://tinyurl.com/yckamvth https://tinyurl.com/2wp7xaux https://tinyurl.com/2p9hzps2
Panalangin: https://tinyurl.com/279np22p https://tinyurl.com/24pt8j6h
Pagkaing Pangkaisipan: https://tinyurl.com/42hyw3nx
Emojis: https://tinyurl.com/528cf88d https://tinyurl.com/4eednc6v
https://tinyurl.com/pnmca5tn https://tinyurl.com/2p8y9ue3 https://tinyurl.com/mthza58m
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng Boquil, Rosemarie S. Quarter 4 – Week 1: Paglalahad
Kagamitang Pang-Mag- ng Damdamin o Saloobin ng May-akda- Pahina 5-11,
aaral
3. Mga Pahina sa
teksbuk
4. Karagdagang Sulayao, Jesusa V. Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Kagamitan mula sa Florante at Laura, Department of Education- Division of
portal ng Learning Gingoog City 2020, Gingoog City, Philippines.- Pahina
Resources (LR) 5-20
C.
D. B. Iba pang Pictures, Laptop, projector, google classroom/forms
kagamitang panturo
IV. PAMAMARAAN Panalangin (Pipili ng isang mag-aaral na manguna)
(Panimula) Pagbati (kumustahan)
Pag-aayos ng mga upuan
Pagtala
Pagbibigay ng panuntunan sa klase at mga patnubay sa
mga protokols sa kalusugan
Pagkain para sa isipan
A. Balik-Aral sa Larawan Pagtambalin, Tamang sagot maaangkin!
nakaraang aralin at/o Panuto: Ang guro ay kailangang aanyayahan ang mag-aaral
pagsisimula ng bagong na makibahagi sa pagbabalik-aral sa nakaraang talakayan
aralin upang malaman kung gaano kalawak ang natutuhan nila.
Magtalaga ng 10 segundo sa bawat bilang. Atasan ang
mag-aaral na bumunot ng papel na may numero bago pa
man magsimula ang klase. Tatawag ng mga numero ilapat
ang aplikasyon ng (MDAS) ang bilang na sagot ang siyang
tatawagin para sumagot.
Hal. Uri ng Tulang sinulat ni Francisco Baltazar na
“Florante at Laura”.

ng+ = Tulang Awit


Siya ay makata ng Tondo na hiningian ng Tulong ni F.B
para buuin ang kanyang tula sa babaeng kanyang
napupusuan.

ng + = Huseng Sisiw
Ito ay bansag kay Francisco Baltazar bilang isang
manunulat.
+ng + = Ama ng Balagtasan
Lugar kung saan unang namulat si F.B sa buhay.

+ - duy= Bataan
B. Paghahabi sa Gawain: Isang tanong, isang sagot upang makakuha ng
layunin ng aralin puntos! Panuto: Ang guro ay magbibigay ng tanong na
siyang sasagutan ng mga mag-aaral. Bibigyan lamang ng
10 segundo sa bawat bilang.
1. Siya ang inspirasyon ni Francisco Baltazar sa pagsulat ng
Florante at Laura.
a. Maria Asuncion Rivera b. Ma. Ana Ramos c. Ma. Ana
Rivera d. Ma. Laura Ramos
2. Ang unang tauhan sa Florante at Laura ay kilala bilang
isang _________.
a. mandirigma b. hari c. mang-aawit d. makata
3. Ang nagligtas sa pangunahing tauhan sa Florante at
Laura sa mababangis na mga leon ay isang Moro. (TAMA)
4. Ang ipinakitang malupit na karanasan ng kahariang
Albanya ay inihahalintulad sa Pilipinas sa panahon ng
pananakop ng mga dayuhan. (TAMA)
5. Tulang may sukat at Tugma. BERSO
C. Pag-uugnay ng mga Gawain 1: Charades (20 segundo bawat aytem)
halimbawa sa bagong Panuto: Pipili ang pangkat ng syang gagawa ng aksyon
aralin para mahulaan ang salitang naglalarawan sa imaheng
ipinakita. Ang mga mag-aaral ay inaatasang indibidwal na
ihayag kung ano ang masasabi sa mga larawan na ipinakita
sa kanyang kasuotan, ekspresyon ng mukha at katangiang
nangingibabaw. (Heneral, mandirigma, hari, mahinhin,
matapang, Moro)

Ipagamit sa pangungusap ang mga salitang ikinabit sa mga imahe.


D. Pagtalakay ng a) Base sa mga aktibidad na ating ginawa, ano ang iyong
bagong konsepto at napuna?
paglalahad ng b) Patungkol saan kaya ang ating tatalakayin ngayon?
bagong kasanayan c) Bakit kaya kailangan nating pag-aralan kung paano
#1 nabuo ang isang akda?
d) Bakit mahalagang malaman natin kung sino ang
inspirasyon sa pagsulat sa isang manunulat?
e) Paano kaya ito nakakatulong upang mas
maunawaan natin ang isang akda?
E. Pagtalakay ng (Holistic approach) integrasyon ng asignaturang Araling
bagong konsepto at panlipunan at EsP •Ipapanuod ang videoclip na may
paglalahad ng kinalaman sa paksa.
bagong kasanayan •(Dyad Activity) Bago iyan ang mga mag-aaral ay aatasang
#2 pumili ng pares at bibigyan ng strips. Bawat strips na ito ay
naglalaman ng mga pangalan ng pangunahing tauhan sa
akda na lalagyan nila ng deskripsiyon base sa kaugalian na
ipinamalas ng bawat karakter.
FLORANTE AT LAURA- FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR
Ma. Asuncion Rivera- Pinaghandugan ni F.B ng kanyang
obra maestra, tinagurian niyang Selya (santong Sta.
Cecilia). Kasintahan niyang nagpakasal sa kanyang karibal
na si Nanong Kapule (galing sa makapangyarihan/
mayamang angkan).
-mahusay tumugtog ng lira
-pook ng Pandacan at Makati bilang paggunita sa
masasayang araw at malulungkot na pangyayari sa buhay
ni Balagtas at ni Selya
-Paalala ni Balagtas sa mga mambabasa na huwag
pakialaman ang awit na sinulat niya, panatilihin ang anyo at
ang nilalaman ng kanyang tula.
Sa kasalukuyan, ang Florante at Laura ay itinuring na epiko
ng mga Tagalog
Larawan-Ang tanging naiwan kay Kiko mula kay M.A.R
Mga Tauhan:
 Florante, Laura, Aladdin / Aladin, Flerida, Haring Linseo,
Sultan Ali-Adab, Prinsesa Floresca, Duke Briseo, Adolfo,
Konde Sileno, Menalipo, Menandro, Antenor, Emir, Heneral
Osmalik, Heneral Miramolin, Heneral Abu Bakr, Datu/Raja o
Lakan, Atubang ng Datu o Agorang
Mga Barayti ng Wika (Sosyolek, Idyolek, dayalek,
Etnolek,Ikolek, Pidgin at Creole)
Uri ng Sosyolek
1. Wika ng Beki o Gay Lingo
2. Coñoc ( Coñoctic o Conyospeak)
3. Jologs o “jejemon”
Iba pang Wika na kadalasan ginagamit ng kabataan:
Balbal/slang, Salitang binaliktad
Note: Etnolek
Vakuul , Bulanim, Laylaydek Sika, Palangga, Kalipay
Iproseso ang mga naisulat na kaugalian at pipili ng
dalawang kaklase (1 babae at 1 lalaki) na siyang didikitan
ng mga magagandang kaugaliang dapat ipamalas.
KAUGALIANG DAPAT
PAMARESAN

MAPAGMAHAL SA
PAGIGING KAPWA/PAMILYA/BAYAN MAY
MATULUNGIN PANININDIGAN
MATA- MATA-
PAT PANG
MATATAG MAAASAHAN

F. Paglinang ng Panuto: Magkaroon ng Small Group na diskusiyon tungkol


Kabihasaan sa mga katanungan. Hahatiin sa dalawang Pangkat: Gawin
( tungo sa Formative ito sa loob ng (2 minuto) Pangkat 1 ang sasagot sa Tanong
Assessment )
1,2 at 5. Pangkat 2 ang sa tanong 3,4 at 6. Ilahad ang
napag-usapan sa klase.
1. Sa kasalukuyan, may katulad pa ba si Balagtas na
naglalaan ng tapat na pag-ibig sa isang babae/lalaki?
Patunayan sa pamamagitan ng paglalahad ng
halimbawa.
2. Gumawa ng konseptong nagpapakita ng epekto ng
pag-ibig ni F.B kay Selya.
3. May kinakatakutan si Balagtas na mangyari. Ano
ito? Ibig sabihin, wala ba siyang tiwala kay Selya?
Ilahad ang iyong sagot. (Pumili ng thumbs up o down)
4. Anong saloobin/damdamin ang nangibabaw sa may akda
ng Florante at Laura base sa mga katangiang taglay ng mga
tauhan. Pumili ng isang emoji, iguhit ito at magbigay ng

paliwanag.
5. “ Bago mo punahin ang uling sa mukha ng iba, alisin mo
muna ang sa iyo.” Magbigay ng saloobin patungkol dito.
6. Bilang isang kabataang Pilipino sa makabagong panahon,
paano mo pahahalagahan ang akdang Florante at Laura?
G. Paglalapat ng aralin Iba’t-ibang Gawain: Kaalaman ko, Isabuhay Ko (10 minuto)
sa pang-araw-araw na Panuto: Papangkatin ang mag-aaral sa apat (4). Lahat ng
buhay pares (even) na numero ay iisang grupo at lahat ng hindi
pares (odd) ay iisang pangkat. Hahatiin naman ito base sa
kung sino ang may mababa o mataas na numerong nakuha.
Babasahin ng guro ang panuto. Hayaan ang mga bata na
isagawa ito Sa bawat Gawain kailangang isaalang-alang
ang mga wikang kadalasang ginagamit ng kabataan
ngayon.
P1- Drama- Kung ikaw ay mabigo sa pag-ibig,ano ang iyong
gagawin? Magbigay ng dalawang payo o solusyon para
hindi masira o mapahamak ang buhay ng taong nasawi sa
pag-ibig.(May dalawang saknong at apat na linya).
P2-Advocacy-Ad/Kampanyang Panlipunan. Magbigay ng
mungkahi kung paano mapanatiling maganda ang samahan
ng pamilya. (Patula-may labindalawang pantig/ Kopla)
P3- Radio broadcast- bumuo ng makatotohanang radio
broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa
panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.
P4- Sayawit- Bilang isang kabataan paano mo
maipapadama o maipakita ang iyong tunay na pagsinta at
busilak na hangarin sa iyong iniibig? Isagawa ito sa
pamamagitan ng Awitin (Harana) at Pagsayaw (Katutubong
Sayaw)
Saligan/Pamantayan sa pagpupuntos:
Nilalaman at Kalinawan ng Mensahe 10
Kaangkupan sa paksa 10
Paggamit ng wika 10
Pagtanghal sa Entablado 10
40
H. Paglalahat ng Aralin Gawain: Punan mo ang kulang nang mabuo ako!
Panuto: Aanyayahan ang mag-aaral na kumpletuhin ang
mga parirala/sugnay upang mabuo ang diwa.
1. Ilan sa mga katangiang ikinabit ng may akda sa bawat
tauhan ng Florante at Laura na dapat pamaresan ay
2. Ang pagkabigo ni balagtas kay Ma. Asuncion Reyes ay
3. Ang damdamin at saloobing naipadama sa akda ay
nagsilbing_______________________________________
4. Nagpapakita ng makatotohanang pangyayari at nagtuturo
sa mga mambabasa ng _________________________
I. Pagtataya ng Aralin Kaalaman, Tayahin!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang.
Isulat ang titik ng iyong sagot mula sa mga pagpipilian.
Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto. Tandaan, maging
maingat sa pagpili upang maiwasang magkamali.
1. Ang babaeng pinaghandugan ni Baltazar ng Florante at
Laura.
A. Ma. Ana Ramos B. Ma. Asuncion Rivera
C. Ma. Ana Rivera
2 . Ano ang namayaning damdamin ng may-akda sa tuwing
nagugunita niya ang masayang lumipas nila ni Selya?
A. Pagkapoot B.kaligayahan
C. kalungkutan/pangungulila
3. Ano ang tanging naiwan kay Kiko mula ka Selya.
A. Singsing B. Kwintas C. Larawan
4. Paano naipahayag ang batas na nasasaklaw ang lahat
ng tao? Sa pamamagitan ng ______________
A. Paggawa ng naayon sa batas ng Langit.
B. Pagpapakita ng pag-abuso ng kapangyarihan
C. Pagsunod sa ipinatupad na batas ng pamahalaan
5. Ano uri ng sosyolek ginamit na wika sa pahayag na ito
“Maraming thank you for the love ha?!”?
A. Jejemon B. Coῆoc C. Gay Lingo
6. Sinisi ni Kiko ang kanyang sarili dahil sa mabilis na
pagkawala ng:
A. kanilang pag-iibigan B. alaala ng pag-ibig C. kanyang
pag-ibig kay Selya
7. Pinakamababang antas ng salita.
A. Balbal B. Baliktad na salita C. Kolokyal
8. Sumama siya sa kanyang kaibigang tiboli. Anong salita
ang wika ng kabataan?
A. tiboli B. sumama C. kaibigan
9. Ito ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng
isang lipunan.
A. Etnolek B. Dayalek C. Sosyokek
10. Wala na siyang werpa kaya siya ay nadapa sa
kakatakbo. Anong salita ang wika ng kabataan?
A. nadapa B.werpa C. katatakbo
J. Karagdagang Takdang Aralin-SANAYSAY: OPINYON KO, ILALAHAD KO
Gawain para sa A. Panuto: Sa kalahating papel, isulat ang iyong sariling
takdang aralin at saloobin tungkol sa mga katanungan sa ibaba na may tag-
remediation iisang saknong at tatlo hanggang apat na linya bawat
saknong. Pumili ng limang wika ng kabataan at gamitin sa
pangungusap upang mailahad ang saloobin o damdamin sa
mga sitwasyong ibibigay.
*Inagaw sa’yo ng iyong matalik na kaibigan ang iyong
kasintahan sapagkat sila ang palaging magkasama dahil
kaunti lang ang iyong panahon para sa kanya dahil sa iyong
trabaho.
*Malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad sa ating sarili, sa
pag-ibig natin sa kapwa,lalo na sa pagmamahal ng mga
magulang sa atin.Kailangan iwasan ang masamang
impluwensya ng barkada.
Napakahusay 10 pts.
Kategorya Mahusay 8 pts
Katamtaman 6 pts.
Organisasy 10- Mahusay ang pagkakasunod sunod ng mga ideya sa
on kabuuan ng talata at mabisa ang pagkakalahad ng ideya.
8- Maayos ang organisasyon, pagkakabuo ng talata.
6- May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa.
Paggamit 10-Napakahusay dahil walang mali sa grammar, baybay at
Ng gamit ng bantas. May 20-25 na salitang ginamit.
Wika at 8- Mahusay dahil kakaunti lamang ang mali sa grammar,
Salita baybay at gamit ng bantas. May 15-19 na salitang ginamit
6- May kahinaan dahil maraming mali sa grammar, baybay at
gamit ng bantas.. May 10-14 na ginamit na mga salita.
Pagkamalikh 10-Napakamalikhain, malinis ang pagkagawa at maganda’t
ain/ presentable ang pagkasulat.
Kabuuang 8- Malikhain at presentable ang pagkakasulat ngunit hindi
anyo masyadong malinis ang pagkagawa at anyong panlabas.
6- Hindi masyadong malinis at hindi masyadong presentable ang
pagkakasulat.

•Gawing batayan ang Saligan sa Pagpupuntos.

Panapos na Panalangin

Inihanda ni:
NELROSE B. GABATO
Guro sa Filipino Noted:

JOSEL P. PALBAN
Teacher-in-Charge

You might also like