You are on page 1of 15

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya- JHS, Baitang 8 )

Markahan: Ikaapat na Markahan


Linggo: Unang Linggo
Paksang Aralin: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Aralin 1: Kay Selya at Sa Babasa Nito

LAYUNIN (Isang Buong Linggo)

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na
mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang
Pilipino sa kasalukuyan

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang
Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan

C. Kasanayang Pampagkatuto
1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga
pahiwatig sa akda
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa kalagayan ng
lipunan sa panahong naisulat ito, pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda at pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos itong isulat
3. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa binasa
4. Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye at ang kaugnay na mga pangyayari
sa binasang bahagi ng akda
5. Naipapahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa
6. Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa paggamit ng mga salita at
pagpapakahulugan sa akda
7. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda, gamit ang wika ng kabataan

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( Sekundarya - JHS, Baitang 8 )

Petsa: Marso 18, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

TUKLASIN
I. PAKSANG-ARALIN
A. Mga Tiyak na Layunin:
1. Kognitibo
 Naibibigay ang ilang mahahalagang impormasyon
2. Apektibo
 Nailalahad ang damdamin mula sa larawan
3. Saykomotor
 Nakasusulat ng talatang naglalahad ng mga kaganapan sa pook

B. Paksa: Pagpapakilala sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

C. Sanggunian: Curriculum Guide, MELC’s, SLEM, Google, Youtube

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, video clips mula sa
Youtube, mga larawan mula sa google

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP,

II. PAMARAAN

A. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa loob ng bituin.
Mga Tanong:
 Magbigay ng mga impormasyon tungkol kay Francisco Balagtas

2. Pagtalakay sa Aralin
Pagpapabasa ng teksto
Apat na Himagsik ni Balagtas

1. Laban sa malupit na gobyerno, na naglalarawan sa masamang pamamahala ng gobyerno ng Espanya at


pang-aabuso ng Espanya sa mga Pilipino at hindi pantay na mga karapatan ng Espanya / Pilipino.
2. Laban sa hidwaan sa relihiyon, kasama dito ang panghihimasok ng Espanya sa simbahan at pamamahala
ng pamahalaan. Sa panahon ni Balagtas, tinanggihan ng mga Muslim sa Jolo at Mindanao ang relihiyong
Katoliko na naging dahilan para inilarawan sila bilang masama, karimarim, at kasuklam-suklam.
3. Laban sa maling kaugalian, pinintasan ni Balagtas ang maling paraan ng paglaki ng mga bata, tulad ng
pang-aakit, inggit, hinamak, tamad, paghihiganti sa mga kalaban, pag-agaw ng minamahal at maling
pamamahala sa lipunan.
4. Laban sa mababang uri ng panitikan dahil ang tanging pinapayagan lamang ay ang mga sulatin na
nauugnay sa relihiyon at pabor sa mga Espanyol. Ang paglalarawan ng pag-uugali, sa panitikan, ay isang
uri ng paghihimagsik.

Mga Tanong:
 Tungkol saan ang binasang teksto?
 Nangyayari pa rin ba ito sa kasalukuyan? Patunayan.

3. Pagpapalalim (Relationship Skills)


 Pangkat 1
Panuto: Magbigay ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol kay
Francisco Balagtas.

FRANCISCO BALAGTAS

 Pangkat 2
Panuto: Ilahad ang damdamin mula sa larawan.
 Pangkat 3
Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataong humiling ng lima sa mahiwagang
kahon, ano-ano ito at bakit ang mga ito ang pinili?

 Pangkat 4
Panuto: Magbibigay ng puntos at pidbak sa bawat pangkat na mag-uulat.
RUBRIKS SA PAGTATAYA NG PANGKATANG GAWAIN
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Sumunod ito sa paggawa na isinasaad ng
direksyon.
2. Masiglang nakiisa ang bawat miyembro ng pangkat.
3. Angkop ang sagot sa paksa.
4. Masining ang paglalahad ng kasagutan.

C. Paglalahat - Sintesis
Panuto: Ibigay ang hinihingi batay sa tsart.

NADAMA NAIS KONG NATUTUHAN


KO… MALAMAN… KO….

D. Takdang Aralin
1. Alamin ang nilalaman ng “Kay Selya” at “Sa Babasa Nito.”
2. Itala sa inyong kwaderno ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa akda.

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya - JHS, Baitang 8 )
Petsa: Marso 19, 2024
Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

LINANGIN
I. PAKSANG-ARALIN

A. Mga Tiyak na Layunin:

1. Kognitibo
 Natutukoy ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinhagang pahayag

2. Apektibo
 Nailalahad ang damdamin sa mga mahahalagang kaisipan

3. Saykomotor
 Nakapagbibigay ng opinyon sa mga mahahalagang kaisipan

B. Paksa: Kaligirang Pangkasaysayn ng Florante at Laura, Kay Selya at Sa Babasa Nito

C. Sanggunian: Curriculum Guide; MELC’s; SLEM; Google

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa
 Pakikiisa at pagtutulungan

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP

II. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain – Pagganyak
Panuto: Buoin ang puzzle upang mabuo ang larawan.
Tanong:

1. Magbigay ng iyong ideya hinggil sa larawan

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtalakay sa Aralin
A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na akda.

KAY SELYA, saknong 1 – 22


SA BABASA NITO, saknong 1 – 6

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Bigyang-kahulugan at gamitin sa pangungusap.
1. namugad sa dibdib
2. tabsing sa dagat

C. Pag-unawa sa Napanood:
1. Paano nakatulong kay Balagtas ang kaniyang kasawian sa pag-ibig?
2. Ilarawan si Balagtas bilang mangingibig. Ipaliwanag ang kaniyang
kalakasan at kahinaan.
3. Sa iyong palagay, karapat-dapat kaya si Celia sa uri ng pag-ibig na inialay
ni Balagtas? Pangatuwiranan.
4. Bakit nabanggit ni Balagtas ang pangalan ni Segismundo? Hindi nga ba
mainam ang paulit-ulit na pagbabago sa sariling akda?.
5. Ipaliwanag ang kapakinabangang matatamo ng mambabasa sa Florante
at Laura na akda ni Balagtas?
6. Ipahayag ang sariling pananaw tungkol sa kaugnayan ng Intellectual
Property Rights Law sa mga tagubilin ni Balagtas sa mga mambabasa.

2. Pagsasanay
Panuto: Punan ng wastong sagot ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang
tamang sagot bago ang bilang.
_____________ 1. Kailan unang nalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura?
_____________ 2. Sino ang naging kaagaw ni Balagtas kay Selya?
_____________ 3. Ano ang ibig sabihin ng MAR?
_____________ 4. Saan isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?
_____________ 5. Ano ang ginamit ni Balagtas upang maghimagsik?

3. Pagpapalalim
Pangkat 1: Ibigay ang hinihingi sa bawat kolum ng tsart tungkol sa
Kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura ayon sa:

Kalagayan ng lipunan sa Layunin ng pagsulat ng akda Epekto ng akda pagkatapos


panahong naisulat ito itong isulat
Pangkat 2: Bahagi nang buhay ang pagkabigo sa larangan ng pag-ibig o
ano mang bagay na inaasam, paano dapat tanggapin ang
kabiguan sa buhay? Ipahayag ang iyong pananaw at
damdamin sa pamamagitan ng isang “open forum.”

Pangkat 3: Ihambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye sa


ilang bahagi ng binasang akda.

Piling saknong Pamagat ng Pagkakaiba Pagkakatulad


Teleserye at piling
eksena
4 Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y
maidlip.
15 Bakit baga noong kami’y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di ka mapaparam.
8 Di mamakailang mupo ang panimdim
sa punong manggang naraanan natin,
sa nagbigting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

Pangkat 4: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang diwa


nito.
1. Hindi dapat matakot sa mga kabiguang nararanasan dahil
____________________________
2. Mahalagang lumingon sa kasaysayan dahil
_________________________________________
3. Sa mga natatanggap nating handog o regalo dapat natin itong
_______________________ sapagkat _________________________

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa) – Sintesis


Panuto: Magbigay ng 3 bagay na natutuhan sa araw na ito, 2 nais na malaman at 1
nais pang matutuhan/malaman.

D. Takdang-Aralin
1. Isa-isahin ang mga suliraning panlipunan noon at ngayon

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I - Baitang 8

Binigyang-pansin ni:

IMELDA R. PELAGIO
Dalubguro I - Baitang 8

Nabatid ni:
LUCELMA O. CARPIO
Puno, Kagawaran ng Filipino

Sinuri ni:

MARIA EVA S. NACION


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya - JHS, Baitang 8 )

Petsa: Marso 20, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. PAKSANG-ARALAIN
A. Mga Tiyak na Layunin
1. Kognitibo
 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura

2. Apektibo
 Naibibigay ang maaaring maging saloobin o damdamin ni Francisco Balagtas sa isyung
panlipunan gamit ang wika ng kabataan

3. Saykomotor
 Naiisa-isa ang mga dahilan kung bakit dapat tuparin ang isang kahilingan/tagubilin ng kapwa

B. Paksa: Kaligirang Pangkasaysayn ng Florante at Laura

C. Sanggunian: Curriculum Guide; MELC’s; SLEM; Google

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, youtube videos,


larawan

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa
 Pakikiisa at pagtutulungan

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP

II. PAMARAAN

A. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Panuto: Paghambingin ang mga suliraning panlipunan noon at ngayon.

MGA SULIRANING
PANLIPUNAN

NOON NGAYON

SOLUSYON

Gabay na Tanong:
1. Paano pinaghahandaan ng tao ang mga ganitong suliranin?

2. Pagtalakay sa Aralin
A. Pagbasa ng Akda
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura

B. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Maglahad ng kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.

KAHALAGAHAN NG
PAG-AARAL NG
FLORANTE AT LAURA

3. Pagpapalalim
Pangkat 2: Kung nabubuhay si Francisco Balagtas sa kasalukuyan, ano kaya ang
Kanyan saloobin o damdamin sa mga sumusunod na isyung lipunan. Isulat
ang posibleng tugon ni Francisco Balagtas gamit ang wika ng kabataan.

o Suliranin 1 – War on Drugs


o Suliranin 2 – Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok

Pangkat 3:
Suliranin 3 – Trapik sa EDSA
Suliranin 4 – Bagong Batas sa Pagbubuwis (TRAIN)

Pangkat 4: Ipaliwanag kung bakit mahalagang tuparin ang kahilingan/tagubilin ng kapwa.

KAHALAGAHAN NG
PAGTUPAD SA
KAHILINGAN/TAGUBILIN

Pangkat 4: Magbibigay ng puntos at pidbak sa bawat pangkat

A. Pagbabahagian ng bawat pangkat


B. Pagbibigay ng puntos at pidbak sa bawat pangkat

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG PANGKATANG


GAWAIN
PAMANTAYAN PUNTOS

1. Sumunod ito sa paggawa na isinasaad ng direksyon.


2. Masiglang nakiisa ang bawat miyembro ng pangkat.

3. Angkop ang sagot sa paksa.

4. Masining ang paglalahad ng kasagutan.


C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)
Panuto: Isa-isahin ang mga natutuhan sa aralin.

 _______________________________________________________________
 _______________________________________________________________
 _______________________________________________________________
 _______________________________________________________________
 _______________________________________________________________

D. Kasunduan
1. Ano ang editoryal?
2. Paano kayo magbigay ng sariling puna batay sa mga binabasang akda/teksto?

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya - JHS, Baitang 8 )

Petsa: Marso 21, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

ILIPAT

I. PAKSANG-ARALIN

A. Mga Tiyak na Layunin


1. Kognitibo
 Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa pagsulat ng kanyang sariling akda
sa paraan ng pagsulat at paggamit ng mga salita/pahayag

2. Apektibo
 Naibibigay ang saloobin o damdamin sa isyung panlipunan gamit ang wika ng kabataan

3. Saykomotor
 Nakasusulat ng isang editoryal tungkol sa kahusayan ni Francisco Balagtas sa paggamit ng
mga salita at pagpapakahulugan sa obrang Florante at Laura gamit ang wika ng kabataan

B. Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

C. Sanggunian: Curriculum Guide; MELC’s; SLEM; Google

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, larawan

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa
 Pagtitiwala sa sariling kakayahan

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP, ESL

II. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak
Panuto: Ano-anong konsepto ang mabubuo mula sa pahayag na…

WIKA NG
KABATAAN

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtalakay sa Aralin
Ang editoryal o pangulong-tudling ay ang pangunahing tudling o kuro-kuro ng isang pahayagan
o diyaryo. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan (editorial board) ng
pahayagan. Layunin nito sa pagbibigay ng kuro-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna
o papuri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw.

TATLONG BAHAGI NG EDITORYAL


 PANIMULA
 KATAWAN
 PANGWAKAS

3. Pagpapalalim
Goal-Nakasusulat ng isang editoryal tungkol sa kahusayan ni Francisco Balagtas
sa paggamit ng mga salita at pagpapakahulugan sa obrang Florante at
Laura gamit ang wika ng kabataan
Role-Isa kang mahusay na editor-in-chief
Audience- Guro at mag-aaral
Situation-Ikaw ay isa sa mga manunulat ng inyong “school paper” at ang inyong paaralan ay isa sa
mga kakatawan sa “National School Press Conference.” Naatasan ka ng iyong tagapayo na sumulat
ng isang editoryal tungkol sa kahusayan ni Francisco Balagtas sa paggamit ng mga salita at
pagpapakahulugan sa kaniyang Obra Maestrang Florante at Laura.
Product-Isang editoryal gamit ang wika ng kabataan
Standard- Pamantayan sa Pagbuo ng Editoryal Gamit ang Wika ng Kabataan
 Pagsunod sa layunin ng editoryal ----------------------------------- 2
 Mapanghikayat na panimula ----------------------------------------- 2
 Malinaw at organisadong nilalaman ------------------------------- 2
 Maayos na pangwakas ------------------------------------------------- 2
 Paggamit at pagpili ng salita ------------------------------------------ 2
KABUUAN -------------------------10 puntos

D. Takdang-aralin
Panuto: Maghanda sa maunawang pagbasa bukas.

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya- JHS, Baitang 8 )

Petsa: Marso 22, 2024


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 402
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE 304

MAUNAWANG PAGBASA

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Kognitibo
 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang ekspresyon, tayutay, at simbolo mula sa binasa.
B. Apektibo
 Nailalahad ang sariling karanasan o karanasan ng iba na maitutulad sa napanood na palabas sa
telebisyon o pelikula na may temang pag-ibig at kabiguan
C. Saykomotor
 Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa pagkapoot, pagkatakot,
pagkabigo, o iba pang damdamin

II. Paksa
 Pamagat: Ang Binata sa Gitna ng Mapanglaw na Gubat (Saknong 1-25)
 May-akda: Francisco “Balagtas” Baltazar
 Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, pahina 517-522
 Kagamitan: Kopya ng Buod ng saknong 1-25 ng Florante at Laura

III. Pamamaraan
A. Bago Bumasa
 Panimulang Gawain
MMK (Maalaala Mo Kaya)
Panuto: Alalahanin at ibahagi sa klase ang sariling karanasan o karanasan ng iba na may
pagkakatulad sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula na may temang pag-ibig at
kabiguan

Pelikula / Teleserye Karanasan o Pangyayaring may

Tanong:
1. Paano mo hinarap o ng iyong kakilala ang kabiguang pinagdaanan?
2. Masasabi mo bang tama ang iyong/kanyang ginawa?

 Paghahawan ng Sagabal
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
1. Isang madilim, masukal, at mapanglaw na kagubatan ang kanyang kinaroroonan.
2. Hindi makapasok si Pebo dahil napalilibutan ang gubat ng malalaking puno at dahon.
3. Dahil sa kadliiman sa gubat, ang lahat ng bagay ay kulay-luksa.
4. Makapanindig-balahibo at tila nakalulunos ang huni ng mga ibon
5. Ang syepe ay isang mabagsik na hayop na nagdudulot ng kamatayan
6. Ang binatang ito ay inilalarawan bilang may-ari ng lubhang karilagan
7. Nananatiling bingi ang langit sa mga panawagan ni Florante

malupit Diyos itim malungkot


kagandahan araw tahimik nakatatakot

B. Habang Bumabasa
 Pagbibigay ng Panuto sa Pagbasa
Pagbasa nang tahimik
Panuto: Tahimik na basahin ang buod ng saknong 1-25 ng Florante at Laura – Ang Binata sa
Gitna ng Gubat na Mapanglaw

 Pagtalakay sa Binasa
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit labis ang paghihinagpis ni Florante? Makatwiran bang maghinanakit siya sa
Panginoon?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano ang gagawin mo upang hindi maglaho ang
pag-asa sa iyo?
3. Ihambing si Balagtas kay Florante. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba nila?
4. Sa anong pangyayari sa kasaysayan maiuugnay ang pangyayari kay Florante?
5. Sa anong pangyayari naman sa kasalukuyan maiuugnay ito?

C. Pagkatapos Bumasa
 Pagtataya sa Natutuhan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga tayutay at simbolong ipinahihiwatig ng talata. Piliin
ang tamang letra ng pinakatamang sagot sa bawat bilang.
1. Mababakas unang pangungusap na ang Pilipinas noon ay _________.
(1) Madilim at mapanglaw ang kagubatan kung saan nakagapos ang isang binata. (2) Ni walang
makapasok na liwanag dito dahil sa malalaking puno at malalapad nitong mga dahon. (3) Naninirahan dito
ang mga mababangis na hayop gaya ng syerpe at basilisko. (4) Maituturing nga itong daan tungo sa
A. malawak ang kagubatan C. madilim at walang kalayaan
B. tahimik at mapayapa D. mapanganib ang mga gubat

2. Ang nais ipahiwatig ng ikalawang pangungusap ay _____.


A. kalungkutan C. katahimikan
B. kapayapaan D. kawalang-pag-asa

3. Batay sa ikatlong pangungusap, ang mga hayop ay sumisimbolo sa pagiging________ .


A. mabuting mamamayan C. maingay ng mga mananakop
B. mabagsik ng mga Espanyol D. mabangis ng mga Pilipino

4. Maihahalintulad ang Pilipinas noon sa impiyerno sapagkat _________.


A. mainit ang klima rito C. malupit ang pamahalaan
B. mayroong malaking hidwaan D. malapit ito sa daan ng kadiliman

5. Ang huling pangungusap ay naglalarawan sa nakaawang kalagayan ng mga Pilipino dahil noon sila
ay __________.
A. walang magawa C. kabigha-bighani
B. palaging tahimik D. kahindik-hindik

 Pagwawasto at Pagsusulat sa Kinalabasan ng Nakuhang Kaalaman


 Lunas-Turo (0-2 Iskor)
Panuto: Bumuo ng dalawa hanggang tatlong pangungusap na naglalaman ng iyong saloobin lahat
ng pinagdaanan ni Florante.

 Pagpapayaman sa Kaalaman (3-5 Iskor)


Panuto: Magpinta sa kwaderno ng isang bagay na sumisimbolo sa naging damdamin mo sa
sinapit ng buhay ni Florante.

 Sintesis
Isa, Dalawa, Tatlo! Monologo!

Panuto: Sumulat ng isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa pagkapoot,
pagkatakot, pagkabigo, o iba pang damdamin.

IV. Kasunduan
Panuto: Isulat sa Journal notebook ang kasagutan sa tanong na ito:

“Bakit kailangang maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay?”

You might also like