You are on page 1of 20

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 19, 2024 (Lunes)


Paksa ng Aralin: Panitikan – Kontemporaryong Programang Panradyo-(Freedom of Information Bill)
Wika at Gramatika – Mga Ekspresyong nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Ikatlong Linggo

I. LAYUNIN (Isang Buong Linggo)

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagkakaiba ng mga katotohanan,
hinuha, opinyon at personal na interpretasyon sa mga Kontemporaryong Programang
Panradyo, ganoon din ang pag-unawa sa mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
mga konsepto ng pananaw.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng isang wastong dokumentaryong panradyo

C. Kasanayang Pampagkatuto
1. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na
interpretasyon ng kausap.
2. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
3. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio-broadcasting
4. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling
opinyon tungkol sa mga ito
5. Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin
6. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
7. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)

TUKLASIN
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Pagpapakilala/ Pagbibigay ng Paunang Kaalaman sa Kontemporaryong


Programang Panradyo ( Tuklasin )

B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


1. Kognitibo
 Natutukoy ang pagkakaiba ng katotohanan (facts), hinuha (inferences), opinyon at
personal na interpretasyon

2. Apektibo
 Nailalahad ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin sa kontemporaryong
programang panradyong napakinggan
3. Saykomotor
 Naibibigay ang sariling opinyon sa balitang napanood/napakinggan

C. Sanggunian: Curriculum Guide, MELC’s, SLEM, Google, Youtube

D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, video clips mula sa
Youtube

E. Pagpapahalaga:
 Pakikinig sa nagsasalita
 Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


 ESP, AP

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung
hindi.

1. Radyo ang ikalawa sa pinakaginagamit at pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan


ng impormasyon sa Pilipinas.
2. Walang nasasagap na balita ang mga taong nakatira sa liblib na lugar sa paggamit
ng radyo.
3. Malaki rin ang tulong ng mga programa sa radyo lalo na sa pananawagan ng mga
nawawalang kapamilya.
4. Hanggang sa kasalukuyan ay patok pa rin ang iba’t ibang FM Radio Station tulad
ng Love Radio, Wish FM, at iba pa.
5. Tanging tugtog at balita lamang ang napapakinggan sa radyo.

A.2. Tukoy-alam - Kahon ng Kaalaman

Panuto: Basahin ang mga salitang nakuha sa loob ng kahon ng kaalaman at ihanay
ang mga ito sa mga larawang nakapaskil batay sa kaugnayan ng mga ito sa
isa’t isa.
1. 2.

3. 4.

5. 6.
Mga Gabay na Tanong:
 Alin sa mga salitang binanggit ang pamilyar sa iyo?
 Saan ginagamit o naririnig ang mga salitang ito?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak – Ugnayang Salita


Panuto: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa radyo.

Radyo

Mga Gabay na Tanong:


 Ilahad ang mga madalas na naririnig sa radyo.
 Ibigay ang iyong opinyon hinggil sa paggamit ng radyo

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


“Talasan ang Pandinig… Paganahin ang Isip”
Pakikinig ng ilang halimbawa ng kontemporayong programang panradyo sa Pilipinas.

Mga Gabay na Tanong:


1. Alin sa mga napakinggang kontemporaryong programang panradyo ang iyong
naibigan? Bakit?
2. Paano nakatutulong ang mga programang ito sa mga nakikinig?

3. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba ng katotohanan (facts), hinuha (inferences),
opinyon
at personal na interpretasyon sa na

4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay (Pagpapalalim)


Panuto: Magbigay ng sariling opinyon sa balitang napanood/napakinggan.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

C. Paglalahat

1. Pagninilay/Sintesis
Panuto: Sa pamamagitan ng isang concept map, isa-isahin ang bisang pangkaisipang
nabatid tungkol sa Kontemporaryong Panradyo.

KONTEMPORARYONG
PANRADYO

2. Isahan o Malayang Pagsasanay o Pangwakas na Pagtataya


Panuto: Sa pamamagitan ng istratehiyang “Fish Bone Diagram” ay isa-isahin ang mga
positibo at negatibong pahayag sa paggamit ng radyo.
D. Takdang-Aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
A. 1. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga Popular na Babasahin sa Radyo?
2. Magbigay ng mga ideya tungkol sa tinatawag na FOI (Freedom of Information bill).

B. Basahin ang akdang may pamagat na “KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG


FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)”hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at
Maricar Francia
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304
Petsa: Pebrero 20, 2024 (Martes)
Paksa ng Aralin: Panitikan – Kontemporaryong Programang Panradyo-(Freedom of Information Bill)
Wika at Gramatika – Mga Ekspresyong nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Ikatlong Linggo
LINANGIN (PANITIKAN AT WIKA)
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Komentaryong Panradyo kaugnay ng Freedom of Information Bill (FOI)


nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia (Linangin)
B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1. Kognitibo
● Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag

● Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio-broadcasting


2. Apektibo
 Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin

3. Saykomotor
 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)

C. Sanggunian: CG, MELC’s, Google, SLEM, Pinagyamang Pluma 8


D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, kagamitang biswal
E. Pagpapahalaga:
● Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon at damdamin ng bawat isa

● Pagpapakita ng wastong paggamit ng ekspresyon sa pagpapahayag


F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran
● Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain
A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok – Balik-aral!
Panuto: Ibigay ang katumbas na impormal na salita ng sumusunod na salitang nasa anyong
pormal sa kahon. Ilagay sa patlang ang mga salitang impormal upang mabuo ang diwa ng
teksto. Gawin ito sa papel.
1. Tatay 2. Aywan 3. Nanay 4. Paano 5. Nasaan 6. Kotse

Rico: O, Danny. Balita ko napagalitan ka raw ng ___________ mo kagabi?


Danny: Hindi naman sa napagalitan ako, Rico. Napagsabihan lang.________ ko ba sa sarili ko.
Bakit kasi nakalimutan ko ang tugon niya na dumaan muna kina Tiya Luz pag-uwi ko galing
sa eskuwela. May pera kasing pinapaabot si __________ kay Tiya. Pambili raw ng gamot ni Tiyo
Bong.
Rico: (Tumawa nang bahagya) ___________ naman kasi, napakabata mo pa pero masyado ka
nang mahilig sa kape. Nagiging ulyanin ka na tuloy.
Danny: Oo nga, eh. Gatas na lang muna iinumin ko.
Rico: Teka, sandali. __________ na ang perang pinaabot ng Tatay mo?
Danny: Nasa kay Itay na ang pera. Siya na lang mismo ang bumili ng gamot ni Tiyo Ding.
Rico: Maiba ako, Danny. Alam mo bang may bagong ___________ sina Dondon. Suwerte niya,
ano. Palibhasa nasa abroad ang magulang.
Danny: Mas masuwerte pa rin tayo, Rico. Dahil kapiling natin mga magulang natin. Rico:
(Napaisip nang malalim). Sabagay. Tama ka Danny.
A.2. Tukoy-alam

Panuto: Ibigay ang iyong kaisipan ukol sa nakikita sa larawan. (self-awareness)

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?
2. Paano mo mailalarawan ang FOI?
3. Anong isyung panlipunan ang mga hatid nito?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak – Hambingan na!


Panuto: Tukuyin ang inyong saloobin o pananaw tungkol sa nakikitang larawan.

Mga Pamatnubay na Tanong:


 Anong isyung panlipunan ang hatid ng larawan?

2. Pagtalakay sa Aralin
A. Reading Aloud o malakas na pagbasa ng mga tatlong mag-aaral sa komentaryong
panradyo “Freedom of Information Bill (FOI) nina Cyrus Magpantay at Maricar
Francia. (self-management skills

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Tungkol saan ang binasang teksto?
2. Ano ang tinatawag na FOI Bill?
3. Sa iyong palagay dapat bang maipasa ang FOI Bill na ito? Ipaliwanag
4. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong saloobin o pananaw sa komentaryong
panradyo na nabasa? (responsible decision-making)

3. Paglinang ng Talasalitaan-
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na radio-broadcasting mula sa
binasang teksto.
1. Bulwagang Pambalitaan
2. mamamahayag
3. nagkukumahog
4. Panukalang batas
4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Ano ba ang Radio Broadcasting?

Ang Radio Broadcasting ay ang komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves upang
maghatid ng musika, balita, at iba pang uri ng programa ng isang istasyon sa maraming indibiduwal na
tagapakinig. (Skretvedt, R. and Sterling, . Christopher H., 2018) May mga uri ng Radio Broadcasting, ang Public
Radio o Radyong Pampubliko kung saan purong pagbabalita lamang at walang halong patalastas. Karamihan sa
mga pampublikong radyo na ito ay gobyerno ang nagmamay-ari. Kadalasan ito ang nagiging pamamamaraan ng
pamahalaan upang makapaghatid ng impormasyon sa kanyang mga nasasakupan.

Bilang isang tagapakinig, paano mo malalaman kung Katotohanan, Hinuha, Opinyon o Personal na
interpretasyon ang kanilang pahayag?

Ang Katotohanan ay ang pagpapahayag ng isang ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na
totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito kailanman nagbabago. Mapapatunayan ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.

Ang Opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng
iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay
sa obserbasyon at eksperimento.

Mga Ekspresyong nagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw


Sa pagpapahayag ng katotohanan maaaring gumamit ng sumusunod na pananda: batay sa resulta,
pinatutunayan ni/ng, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa.
Halimbawa: Batay sa resulta ng botohan, si Anna Marie na ang bagong pangulo ng SSG Council.

Kung ikaw naman ay magpapahayag ng sariling pananaw o opinyon, maaaring gumamit ng pananda gaya ng sa
aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, atbp.
Halimbawa: Sa aking palagay, hindi matutuloy ang pagsusulit bukas.

Sa kabilang banda, maaring magpahayag ng isang opinyon ang isang tao kahit hindi ginagamitan ng mga
hudyat o pananda.
Halimbawa: Magaling siyang magturo.

Ang hinuha o inference ay isang kilos o proseso ng pagkakaroon ng kongklusyon tungkol sa isang bagay mula
sa mga kilalang katotohanan o ebidensya. (Merriam-Webster, 2021). Ito ay isang palagay, isang hula, sa salitang
Ingles ito ay guess, hypothesis o inference. Ang paghihinuha ay pagbibigay-kahulugan o paliwanag sa tulong ng
mga pahiwatig at ng sariling kaalaman sa isang larawan o pangyayari base sa iyong obserbasyon. Kadalasan ay
ginagamitan din ito ng mga kataga gaya ng sa hinuha ko, sa hinuha niya, mahihinuha na, hula ko, marahil,
baka, waring, tila, maaaring at iba pa.
Halimbawa: 1. Ang hinuha ko kung bakit siya nagagalit sa kaniyang ama ay dahil sa pag-iwan nito sa kanilang
mag-ina.

Ang Personal na Interpretasyon ay ang pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang bagay, lengguwahe, o iba pa,
at ito ay ipinaliliwanag mo para sa mga ibang tao na hindi maintidihan ito. Ito ay nakabatay ayon sa sarili mong
pananaw.
Halimbawa: 1. Ang isang pagiging tahimik na tao ay hindi nangangahulugan na hindi sila marunong
makipagkapuwa. Hindi lang sila sanay sa ingay.

Ang mga pahayag ay puwedeng positibo o negatibo. Masasabi nating positibo ang pahayag kapag nagsasabi ng
kaaya-aya o may kagandahan ang hatid sa mambabasa. Ang mga positibong pahayag ay karaniwang
ginagamitan ng mga panandang totoo, tunay, talaga, sadya at iba pa.
Halimbawa:  Totoong mas maganda si Ana kaysa kanyang kapatid.

Ang negatibong pahayag ay kabaliktaran sa inihahatid ng positibo. Ito ay mga pahayag na may diwang negatibo
o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng nakararami. Ginagamit sa negatibong pahayag ang mga hudyat o
panandang wala, ayaw, ngunit, subalit, hindi at iba pa.
5. Ginabayang Pagsasanay- Sagutin Natin!
Panuto: Tukuyin kung anong mga Ekspresyon ng konsepto ng pananaw ang
ipinapahayag sa pangungusap. Piliin ang mga sagot sa kahon.

Pagpapahayag ng Katotohanan Personal na Interpretasyon


Sariling pananaw o opinyon positibo
Hinuha o inference negatibo

1. Pinatutunayan ni Ginoong Santos ang mga paratang laban sa suspek.


2. Sa pakiwari ko ay ayaw na niya akong makita.
3. Sa nakikita ko, marami ang nagkakagusto kay Bernard.
4. Kung susuriin natin ang mga datos, mahihinuha na magagaling ang mga
batang may sapat na kain sa akademikong gawain kumpara sa mga batang
hindi nag-aalmusal.
5. Makikita mo sa kislap ng kaniyang mga mata ang nais niyang iparating.

6. Pangkatang Gawain
(self-awareness, social awareness, self-management, relationships skills, responsible
decision-making)
Panuto: Bilang paglalahad ng mga pansariling pananaw, opinyon at saloobin ng buong
pangkat sa tinalakay ay bumuo ng iskrip ng komentaryong panradyo sa pamamagitan
ng paggamit ng mga angkop na salitang Ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto.

Pamagat:
Announcer:
Mga tagapagbalita:

Rubrik sa Pangkatang Gawain


Nilalaman 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang buong Nailahad nang Nailahad nang
impormasyon at kawastuhan ang wasto ang lahat ng wasto ang ilang
Pagkamalikhain ng hinihinging hinihinging hinihinging
Ulat impormasyon sa impormasyon impormasyon
malikhaing paraan
Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos Matatas, malakas at Malinaw at maayos Naging maayos
na pagsasalita ng napakalinaw ng ang pagsasalita pagsasalita ng nag-
nag-uulat pagsasalita ng nag- ng nag-uulat uulat
uulat
Pag-uugali 5 4 3
Pagtutulungan at Lubusang naipamalas Nakapagpamalas ng Bahagyang may
pagkakaisa sa ang pagtutulungan at pagtutulungan at pag-tutulungan at
pangkat pagkakaisa sa pangkat pagkakaisa sa pag-kakaisa sa
sa masiglang paraan pangkat pangkat

C. Paglalahat
1. Pagninilay- Emoticons (self-awareness)
Panuto: Sa pamamagitan ng “Feelings Chart” ay ilahad ang naramdaman at
natutunan sa araling tinalakay.
2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang istasyon na eksklusibo lamang sa loob ng isang pamantasan o
paaralan na naghahayag ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob ng kampus
gayundin ang mga mahahalagang anunsiyo mula sa mga namumuno ng
eskuwelahan.
A. Radyong Pambuliko C. Radyong Pangkomunidad
B. Radyong Pangkomersyo D. Radyong Pangkampus

2. Ito ay naglalayong ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga ineendorsong


produkto na pagmamay-ari ng mga pribadong sektor na naglalayong kumita.
A. Radyong Pambuliko C. Radyong Pangkomunidad
B. Radyong Pangkomersyo D. Radyong Pangkampus

3. Isa sa naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng


isang komunidad.
A. Radyong Pambuliko C. Radyong Pangkomunidad
B. Radyong Pangkomersyo D. Radyong Pangkampus

4. Ito ay purong pagbabalita lamang at walang halong patalastas, karamihan ay


gobyerno ang nagmamay-ari.
A. Radyong Pambuliko C. Radyong Pangkomunidad
B. Radyong Pangkomersyo D. Radyong Pangkampus

5. Tinukoy itong komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves


upang maghatid ng musika, balita, at iba pang uri ng programa ng isang istasyon
sa maraming indibiduwal na tagapakinig.
A. Radyong Pambuliko C. Radyong Pangkomunidad
B. Radio Broadcasting D. Radyong Pangkampus

D. Kasunduan
 Basahin ang akdang “Disiplinang Batas” ni Gwyneth Quinaso
 Maghanda para sa isasagawang pangkatan kinabukasan

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I - Baitang 8

Binigyang-pansin ni:

IMELDA R. PELAGIO
Dalubguro I - Baitang 8

Nabatid ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno, Kagawaran ng Filipino

Sinuri ni:

MARIA EVA S. NACION


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304
Petsa: Pebrero 21, 2024 (Miyerkules)
Paksa ng Aralin: Panitikan – Kontemporaryong Programang Panradyo-“Disiplinang Batas”
Wika at Gramatika – Mga Ekspresyon ng pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Ikatlong Linggo
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Disiplinang Batas Ni: Gwyneth Quinaso (Pagnilayan at Unawain)

B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Kognitibo
● Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag

2. Apektibo

● Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang


sariling opinyon tungkol sa mga ito

3. Saykomotor
● Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala at iba pa.

C. Sanggunian: CG, MELC’s, SLEM, Google, Pinagyamang Pluma 8


D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, kagamitang biswal

E. Pagpapahalaga:
● Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon ng iba

● Pagpapamalas ng makabuluhang pagpapasya

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


● Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain

A.1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Tukuyin ang TAMA kung sa palagay mo ay wasto ang pangungusap at


MALI kung hindi
1. Mahalaga ang ginagampanang responsibilidad sa balikat ng kabataan para sa
katiwasayan ng susunod pang henerasyon.
2. Walang maitutulong ang mga kabataan sa lipunan.
3. Ang kabataan ay may tungkulin upang maging huwaran sa pamilya at bayan.
4. Kayang-kaya ng mga kabataan ang magplano ng mabuti para sa ikauunlad ng
sinasakupan.
5. Hindi kayang tumindig ng mga kabataan sa bawat problema.

A.2. Balik-aral

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod sa klase.


1. Radio Broadcasting
2. Radyong Pampubliko
3. Radyong Pangkomersyo
4. Radyong Pangkomunidad
5. Radyong Pangkampus

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Panuto: Ilahad ang iyong kaalaman tungkol sa nakikita sa larawan.

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Ano ang tinutukoy sa larawang nakikita?

2. Pagtalakay sa Aralin
Group Reading sa komentaryong Panradyo na pinamagatang “Disiplinang Batas” ni
Gwyneth Quinaso
DISIPLINANG BATAS
Ni Gwyneth Quinaso

Mga Pamatnubay na Tanong:


 Tungkol saan ang binasang teksto?
 Bakit nais gawing Mandatory ang ROTC sa Senior High School?
 Bilang isang mag-aaral, pabor ka ba sa panukalang ROTC? Bakit? (responsible
decision-making)

3. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Gamit ang tsart na ito ay isa-isahin ang sariling pananaw, saloobin at
damdamin sa nabasang akda.
Saloobin Pananaw Damdamin

4. Pangkatang-Gawain
Pangkat 1- Panuto: Batay sa akdang nabasa ay bumuo ng dalawang pahayag na
nagsasaad ng katotohanan at pagkatapos ay itala ang inyong hinuha, opinyon, at
personal na interpretasyon tungkol dito.

Pangkat 2- Panuto: Gamit ang mga Ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng


pananaw ay bumuo ng mga pahayag na POSITIBO AT NEGATIBO na tumatalakay
tungkol sa balitang “Disiplinang Batas” na iyong nabasa. Gayahin ang pormat sa
ibaba.

Pangkat 3- Panuto: Mangalap ng dalawang magkaugnay na balita mula sa radyo at


telebisyon. Pansinin ang pagkakaiba ng dalawang balita ayon sa nilalaman nito,
pamamaraan, karanasan ng pagkalap ng impormasyon, at mga pahayag nito. Gamitin
ang Venn Diagram para sa pag-iiba ng dalawang magkaibang midyum ng pagbabalita.

Pangkat 4- Panuto: Magbigay ng puntos sa presentasyon ng bawat kamag-aral.


Gawin ito sa malikhaing paraan.
Rubrik sa Pangkatang Gawain
Nilalaman 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang buong Nailahad nang Nailahad nang
impormasyon at kawastuhan ang wasto ang lahat ng wasto ang ilang
Pagkamalikhain ng hinihinging hinihinging hinihinging
Ulat impormasyon sa impormasyon impormasyon
malikhaing paraan
Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos Matatas, malakas at Malinaw at maayos Naging maayos
na pagsasalita ng napakalinaw ng ang pagsasalita pagsasalita ng nag-
nag-uulat pagsasalita ng nag- ng nag-uulat uulat
uulat
Pag-uugali 5 4 3
Pagtutulungan at Lubusang naipamalas Nakapagpamalas ng Bahagyang may
pagkakaisa sa ang pagtutulungan at pagtutulungan at pag-tutulungan at
pangkat pagkakaisa sa pangkat pagkakaisa sa pag-kakaisa sa
sa masiglang paraan pangkat pangkat
C. Paglalahat

1. Pagninilay- Dugtungang Pahayag (self-awareness)


Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba.
 Mula sa naging talakayan, nalaman ko na…
 Dahil dito, ako ngayon ay…

2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang mga sagot sa
loob ng kahon.
Opinyon Katotohanan Radio Broadcasting

Personal na Interpretasyon Radyong Pangkomersyal

1. Ito ay pagpapahayag ng isang ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng


lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar.
2. Ito ay pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian
ng iba.
3. Isa itong pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang bagay, lengguwahe, o iba pa, at
ito ay ipinaliliwanag mo para sa mga ibang tao na hindi maintidihan ito.
4. Tinawag na komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves
upang maghatid ng musika, balita, at iba pang uri ng programa ng isang istasyon sa
maraming indibiduwal na tagapakinig.
5. Ito ay naglalayong ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga ineendorsong produkto
na pagmamay-ari ng mga pribadong sektor na naglalayong kumita.

D. Kasunduan
1. Saliksikin ang mga hakbang sa pagbuo ng iskrip sa dokumentaryong panradyo.
LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 22, 2024 (Huwebes)


Paksa ng Aralin: Panitikan – Kontemporaryong Programang Panradyo
Wika at Gramatika - Mga Ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Ikatlong Linggo
ILIPAT
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Kontemporaryong Programang Panradyo (Ilipat)

B. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Kognitibo
● Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang
sariling opinyon tungkol sa mga ito.

2. Apektibo

● Nailalahad ng maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin

3. Saykomotor
● Naisusulat ng wasto ang isang dokumentaryong panradyo

C. Sanggunian: CG, MELC’s, SLEM, Google, Pinagyamang Pluma 8


D. Kagamitan: laptop, projector, chalk, whiteboard marker, board, kagamitang biswal

E. Pagpapahalaga:
● Pagpapamalas ng paggalang sa opinyon ng iba

● Pagpapamalas ng kahusayan sa pagsulat ng kometaryo

F. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran


● Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling Panlipunan

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

A.1. Tukoy-Alam

Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawa sa paghahatid ng


balita.

A.2. Tukoy-alam

Panuto: Pag-ugnayin ang dalawang istasyon na ito sa pamamagitan ng pamamaran


sa pagbabalita, nilalaman ng balita at paraan ng mga pagsasalita.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Panuto: Ilahad ang mga sagot sa bawat tanong.


 Kapaki-pakinabang ba ang paggamit ng radyo? Bakit?
 Ano ang naitutulong ng komentaryong panradyo sa mga tao?

2. Pagbibigay ng Input ng Guro


Mga isaalang-alang sa pagbuo ng Kontemporaryong Panradyo

1. Sa pagbuo ng kontemporaryong programang panradyo ay mahalaga ang kabatiran sa hakbang/proseso


programa at alamin ang uri ng tagapakinig.
2. Gumawa ng pananaliksik sa napiling napapanahong paksa (kadalasan kontrobersyal)
3. Gumawa ng balangkas.
4. Basahin ng malakas upang makuha ang target na oras.
5. Ilarawan o ivisualize ang iskrip (diyalogo, signal, musika, tunog)
6. Rebisahin muli ang iskrip batay sa estilo, sakop na oras (timing) at katumpakan.

3. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Mag-isip ng isang isyung panlipunang kinahaharap ng bansa at lumikom ng
mga impormasyon kaugnay nito at sumulat ng iyong opinyon sa isang
buong papel.

1.
2.
3.
4. Pagbibigay ng GRASPS

Goal- Makasulat ng isang dokumentaryong panradyo gamit ang mga


hakbang sa pagbuo ng iskrip

Role- manunulat

Audience- mga guro at kapwa mag-aaral

Situation- Ikaw ang napiling kinatawan ng inyong paaralan sa patimpalak sa


pagsulat ng dokumentaryong panradyo. Ang isusulat ay tungkol sa
mga napapanahong isyu ng ating bansa.

Product- dokumentaryong panradyo

Standard- rubrik
Rubrik sa Pagmamarka
Kailangan pang
Pamantayan Napakahusay Mahusay Paghusayan
(5) (4) (3)
Lubos na nauunawaan, Nauunawaan at Nauunawaan ang
wasto at makabuluhan makabuluhan ang ang nilalaman ng
Nilalaman ang nilalaman ng nilalaman ng dokumentaryong
dokumentaryong dokmentaryong panradyo
panradyo panradyo

Wika at Nagamit nang wasto, Nagamit nang wasto Nagamit lamang ang
Gramatika tiyak at maayos ang ang ang mga salitang mga salitang ginamit sa
mga salitang ginamit ginamit sa ulat-balita, ulat-balita, mga bantas,
sa ulat-balita, mga mga bantas, letra at letra at baybay ng mga
bantas, letra at baybay baybay ng mga salita salita
ng mga salita

Nakasunod sa Nakasunod sa Nakasunod lamang sa


pamantayang ibinigay pamantayang ibinigay pamantayang ibinigay
Presentasyon sa pagsulat ng sa pagsulat ng pagsulat ng
dokumentaryo; Malinis, dokumentaryo; Maayos dokumentaryong
maayos at may ang isinulat na balita panradyo
orihinalidad ang
isinulat na balita

5. Pagtitiyak sa Gawain ng Mag-aaral


 Iuulat sa klase ang isinulat na iskrip ng dokumentaryong panradyo.

C. Paglalahat

1. Pagninilay- 3,2,1… Exit! (self-awareness)


Panuto: Batay sa naging talakayan, ilahad ang sumusunod.
3 Mahahalagang konseptong natutuhan
2 Dahilan kung bakit ito mahalaga
1 Konseptong nais mong linawin sa guro

2. Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon.
Radyo tugtugin tagapakinig

Radio Community may katotohanan


1. Kagamitang naghahatid ng mga balitang napapakinggan.
2. Balitang naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng
isang komunidad.
3. Ito ay pagpapahayag ng isang ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng
lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar.
4. Sa pagbuo ng komentaryong panradyo ay nararapat alamin uri ng mga ___________.
5. Ito ay madalas nakapagbibigay aliw at nakapagpapasayaw sa mga tagapakinig.

D. Kasunduan
1. Maghanda para sa Maunawang Pagbasa bukas.

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( BAITANG 8 )

Guro: Bb. Realine B. Mañago


Baitang at Pangkat: Baitang 8 – M. Basho 12:50–1:40 (12:50–1:30RHGP) / SB 303
Baitang 8 – J.G. Villa 2:30-3:20 (2:10–2:50RHGP) / SB 101
Baitang 8 – F.S. Jose 3:40–4:30 (3:10–3:50RHGP) / THE408
Baitang 8 – R.W. Emerson 4:30–5:20 (3:50–4:30RHGP) / SB 408
Baitang 8 – G. Chaucer 5:20–6:10 (4:30–5:10RHGP) / THE304

Petsa: Pebrero 23, 2024 (Biyernes)


Markahan: Ikatlong Markahan
Linggo: Ikatlong Linggo
MAUNAWANG PAGBASA

I. Mga Tiyak na Layunin

A. Kognitib
 Nauunawaan ang mensahe ng binasang komentaryong panradyo
B. Apektib
 Nabibigyang-reaksiyon ang nabasang opinyon ng tungkol sa isang isyu
C. Saykomotor
 Naiuugnay ang mensahe ng binasa sa pamamagitan ng pagsulat ng journal

II. Paksa
Panitikan: “Mapinsalang Aliw”
May-akda:|Princess Mae Y. Ybańez| Tilamsik (Opisyal na pahayagan ng Mataas na
Paaralang Pambansa ng Dapa)
Sanggunian: SLEM Modyu, Google
Kagamitan: mga tekstong babasahin, laptop, blackboard, chalk

III. Pamamaraan

A. Bago Bumasa
 Panimulang Gawain- SKL: Share Ko Lang!
Panuto: Pagmasdan ang larawan at ilahad ang ideya ukol rito.
Tanong:
 Ano ang nais ipakahulugan ng larawan?

 Paghawan ng Sagabal-

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita.

1. sugpuin
2. HIV
3. siyentipiko
4. dagok
5. hamon
B. Habang Bumabasa
 Pagbibigay ng Panuto sa Pagbabasa- Silent Reading
Panuto: Babasahin nang tahimik ang teksto.

“Mapinsalang Aliw”

Princess Mae Y. Ybańez| Tilamsik (Opisyal na pahayagan ng Mataas na Paaralang


Pambansa ng Dapa)

Mabigat ang suliranin na kinakaharap ngayon ng buong mundo dahil sa uri ng


karamdaman na maaaring maging epidemya na maghahatid ng malaking dagok sa buhay ng
marami. Isa sa patuloy na pinag-aaralan hanggang ngayon ay kung papaano sugpuin ang
Human Immunodeficiency Virus o HIV. Isang uri ng virus na kung hindi makokontrol ay
magiging isang ganap na Acquired Immunodeficiency Syndrome o mas kilala bilang AIDS na
hanggang ngayon sa kasalukuyan ay wala pa ring gamot na natutuklasan para sugpuin ito
sa kabila ng masigasig na pagsisiyasat ng mga siyentipiko sa mundo. Batay sa datos ng
United Nation Programme on HIV/AIDS O UNAIDS ay umabot na umano sa mahigit
kumulang 35,000 ang mga kaso ng HIV sa Pilipinas at tinatayang 40 ang may ganitong kaso
kada araw. Maituturing na isang napakalaking epidemya ang patuloy na pagtaas sa bilang
ng mga taong may HIV at mas pabata nang pabata ang edad ng mga taong naapektuhan
nito. Kaya itinuturing ng UNAIDS ang Pilipinas na mayroong “fastest growing HIV epidemic”
sa Asia at sa Pacific Region. Hindi na bago sa atin ang makarinig ng edad mula labinglima
ang may HIV sa bansa. Subalit ang sakit na ito ay isang banta sa buhay lalo na sa iilang
mga estudyante na naging biktima ng ganitong suliranin. Maging sa bayan ng Dapa ay may
napabalitang positibo kaya malaking dagok ito na haharapin sa lipunan kung marami pa
ang mahahawaan. Sa panayam na ibinahagi ng eksperto na bumisita sa paaralan upang
magbigay ng impormasyon ukol dito, ang pagkahawa ay nangyayari sa paraan ng hindi
maingat na pakikipagtalik at ang blood transfusion o pagsalin ng dugo ng isang taong may
HIV. Malaking hamon ngayon sa Department of Health (DOH) maging ng mga paaralan kung
papaano nila mapapaigting ang pagbibigay ng impormasyon upang magkaroon ng sapat na
kaalaman lalo na ang kabataan tungkol sa HIV/AIDS. Lalo pa’t dahil sa paraan ngayon ng
paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay mas napapabilis ang pagkalat ng
impormasyon at ideya tulad ng seksuwalidad na maaaring mapariwara ang mga kabataan
dahil sa kanilang mga nakikita at nababasa.

 Pagtalakay sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang binabanggit na isyu sa teksto?
2. Bakit patuloy ang pagkalat ng virus na HIV/AIDS sa ating bansa?
3. Ano ang implikasyon nito sa ating ekonomiya?
4. Bakit mahalagang mabasa ang ganitong uri ng babasahin?
5.
C. Pagkatapos Bumasa
 Pagtataya sa Natutuhan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng may wastong kasagutan.
1. Ang kahulugan ng HIV ay __________.
A. Human Incorporation Virus C. Human Integrity Viral
B. Human Immunodeficiency Virus D. Human Integral Virus
2. Ayon sa teksto, umabot sa __________ ang kaso ng HIV sa Pilipinas.
A. 35, 000 C. 45, 000
B. 25, 000 D. 55, 000
3. Kaya itinuturing ng UNAIDS ang__________na mayroong “fastest growing HIV epidemic” sa
Asia at sa Pacific Region. Anong bansa ang tinukoy sa akda?
A. China C. Pilipinas
B. Japan D. USA
4. Malaking hamon ngayon sa____________maging ng mga paaralan kung papaano nila
mapapaigting ang pagbibigay ng impormasyon upang magkaroon ng sapat na kaalaman lalo
na ang kabataan tungkol sa HIV/AIDS. Kanino manggagaling ang mga impormasyon para
masugpo ang HIV?
A. Department of Hell (DOH) C. Department of High (DOH)
B. Department of Health (DOH) D. Department of Heal (DOH)
5. Lalo pa’t dahil sa paraan ngayon ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay mas
napapabilis ang pagkalat ng impormasyon at ideya tulad ng seksuwalidad na maaaring
mapariwara ang mga_______ dahil sa kanilang mga nakikita at nababasa. Sino ang tinukoy
na mapapariwara sa tekstong binasa?
A. mga siyentipiko C. mga kabataan
B. mga doctor D. mga DOH

 Pagwawasto at Pagsusulat sa Kinalabasan ng Nakuhang Kaalaman

 Pagpapayaman sa Kaalaman
Panuto: Sumulat ng isang maikling journal kung paano maisasabuhay ang mensaheng
nakapaloob sa binasang teksto. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

 Sintesis- Dugtungang Pahayag


Panuto: Dugtungan ang pahayag.
 Mula sa aking nabasa, nalaman ko na…
 Dahil dito, ako ngayon ay…

IV. Kasunduan
1. Magtala ng tatlong kaisipan mula sa binasa at itala sa kwaderno.

You might also like