You are on page 1of 16

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

MATAAS NA PAARALANG FLORENTINO TORRES


Daang Juan Luna, Gagalangin, Tundo, Maynila

Gabay sa Pagtuturo sa Filipino 8


UNANG MARKAHAN

ARALIN 7
Paggawa ng Proyektong Panturismo
Mga Pahayag sa Pagsasaayos ng Datos

A. Panitikan: Pagpapahalaga sa Katutubong Kulturang Pilipino


B. Wika: Mga Pahayag sa Pagsasaayos ng Datos

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon na kasasalaminan ng katutubong kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng makatotohanang proyektong panturismo

II. Inaasahang Pagganap


Ang mga mag-aaral ay makabubo ng isang video presentation bilang makatotohanang
proyektong panturismong nagpapahalag sa mga katutubong kulturang Pilipino

III. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

Petsang Saklaw: Oktubre 16 – 20, 2023

A. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat (MELCS-


F8PN-Ii-j-23)
B. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos
(MELCS-F8PB-Ii-j-25)
C. Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang di maunawaan kaugnay ng mga hakbang sa
pananaliksik (C.G.- F8PT-Ii-j-22)
D. Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na napanood sa youtube o iba
pang pahatid pangmadla (C.G.-F8PD-Ii-j-22)
E. Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik nang naayon sa lugar at panahon ng
pananaliksik (C.G.- F8PS-Ii-j-23)
F. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino (MELCS-F8PU-Ii-j-23)
G. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una, isa pa, iba pa)
(MELCS-F8WG-Ii-j-23)
Bilang 33
Oktubre 16, 2023 (Lunes)
 12:50 – 1:40 (12:50 – 1:30 With RHGP) / 8 – Matsuo Basho / SB 303
 2:30 – 3:20 (2:10 – 2:50 With RHGP) / 8 – Jose Garcia Villa / SB 101
 3:40 – 4:30 (3:10 – 3:50 With RHGP) / 8 – Francisco Sionil José / THE 408
 4:30 – 5:20 (3:50 – 4:30 With RHGP) / 8 – Ralph Waldo Emerson / SB 408
 5:20 – 6:10 (4:30 – 5:10 With RHGP) / 8 – Geoffrey Chaucer / THE 304

TUKLASIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang mga halimbawa ng kulturang Pilipino*
B. Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw batay sa napakinggang ulat
C. Nabibigyang-halaga ang kulturang Pilipino*

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain – Picturific
Panuto: Ilahad mo kung ano ang tinutukoy sa mga larawan

Mga Tanong:
 Ano-ano ang mga ipinapakita ng mga larawan?
 Nasasalamin pa rin ba ito sa ksalukuyan

B. Paglalapit sa Aralin – Watch ‘n Learn


Panuto: Panoorin ang ulat at sagutin ang mga kaugnay na tanong.

https://youtu.be/q2olzxgdgPc?si=giyWiR6f9sZWM97e

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang iyong napanood?
2. Magbigay ng iyong sariling opinyon o pananaw sa napanood.
C. Mga Tiyak na Gawain
Gawain 1 – Kulturang Pilipino, Alamin Natin!
Panuto: Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng kulturang
Pilipino at ipaliwanag.

Gawain 2 – Kulturang Pilipino, Pahalagahan Natin!


Panuto: Magsalaysay ka ng isang insidenteng narinig o napanood sa Youtube o video
clip na masasabing napahalagahan ang kulturang Pilipino gamit ang
pantulong na grapiko sa ibaba.

SIMULA GITNA WAKAS

____________________ ____________________ ____________________


____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________

D. Sintesis
Panuto: Kumpetuhin mo ang sumusunod na pahayag upang makabuo ng
makabuluhang kaisipan.

 Natutuhan ko sa aralin na _______________________________________


_______________________________________________________________.
 Kaya ako, bilang mag-aaral ay nangangakong __________________
_______________________________________________________________.

III.Kasunduan
Panuto: Gawin mo ang kasunod na paghahabi sa epekto ng kulturang Pilipino
sa sarili, lipunan at kapwa.

lipunan

sarili kapwa
Epekto ng
Kulturang
Pilipino

Bilang 34
Oktubre 17, 2023 (Martes)
 12:50 – 1:40 (12:50 – 1:30 With RHGP) / 8 – Matsuo Basho / SB 303
 2:30 – 3:20 (2:10 – 2:50 With RHGP) / 8 – Jose Garcia Villa / SB 101
 3:40 – 4:30 (3:10 – 3:50 With RHGP) / 8 – Francisco Sionil José / THE 408
 4:30 – 5:20 (3:50 – 4:30 With RHGP) / 8 – Ralph Waldo Emerson / SB 408
 5:20 – 6:10 (4:30 – 5:10 With RHGP) / 8 – Geoffrey Chaucer / THE 304

LINANGIN
(PANITIKAN)

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang
datos
B. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di maunawaan kaugnay ng mga hakbag
sa pananaliksik
C. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pananaliksik mula sa video clip na napanood sa
You Tube o iba pang paghatid madla

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain – Kulturang Pilipino: Sa Sarili, Lipunan at Kapwa
Panuto: Gawin mo ang kasunod na paghahabi sa epekto ng kulturang Pilipino sa
sarili, lipunan at kapwa.

lipunan

sarili kapwa
Epekto ng
Kulturang
Pilipino

Mga Tanong:
1. Ano-anong mga kaugaliang Pilipino ang nakatulong sa iyo bilang mag-aaral?
2. Paano nakatulong ang mga ito sa iyong pagkatao?

B. Pagbasa ng Akda
Basahin at unawain mo ang nilalaman ng talataan.
Pagpapahalaga sa Katutubong Kulturang Pilipino

Ayon kina Panopio at Rolda (1992), ang kultura ay nagpapahiwatig na ang


bawat lipunan ay may sariling paraan ng pamumuhay na pinagsasamahan ng
karamihan ng mga miyembro nito. Ang pagkakaroon ng kultura o disenyo ng
pamumuhay ay maaaring makita sa Manubu ng Timog Cotabato, sa mga Negrito o
Agta ng Zambales, mga Ipugao ng Hilagang Luzon, mga Muslim sa Timog, gayun
din sa mga Pilipinong nasa lungsod, Singaporean at mga Thai, o mga sopistikadong
mga taga-New York at mga taga-Paris.

Bawat lipunan ay may sariling kakaibang sistema ng pamilya, ekonomiya,


pulitika, relihiyon, at edukasyon. Ang mga kulturang ito ay maaaring magkaiba sa
isa't isa. Ayon sa antropologo, walang lipunan na may higit na kultura kaysa iba.
Batay sa ipinaliwanag nina Panopio at Rolda, tumutukoy ang kultura sa
paraan ng pagkilos, pag-iisip, pag-uugali, paraan ng pananampalataya, at iba pa.
Nakikita natin ang kultura ng mga kapwa natin Pilipino sa pamamagitan ng
pagmamasid, pakikisalamuha sa iba pang kababayan natin, at sa pagbabasa ng
tungkol sa kinabibilangan nilang rehiyon. Upang makilala nang mabuti ang ating
pagkakakilanlan hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa iba pang bansa,
gumagawa ng paraan ang pamahalaan na makilala tayo sa pamamagitan ng
industriya ng turismo. Pinalalakas ang turismo sapakat nakatutulong ito sa pag-
angat ng ekonomiya ng bansa at kaalinsabay nito, ang pagmamalaki sa mga
natatanging kaugalian nating mga Pilipino at ang ganda ng Pilipinas. Sa kabilang
dako, ang Kagawaran ng Turismo ay lumikha ng mga brochure at music video
upang mapalakas at maisulong ang galing ng mga Pilipino at ang ganda ng
Pilipinas. Ikaw ba ay nakarating na sa iba't ibang panig ng Pilipinas? Tayo na.
Makiisa at makilahok sa pagsulong ng naiibang ganda ng Pilipinas at
pagpapahalaga sa mga natatanging katutubong kulturang Pilipino.

Sanggunian: Sosyolohiya at Antropolohiya nina Isabel S. Panopio at Realidad


Santico -Akda na isinalin sa Filipino ni W.R. San Juan Quezon City, Ken
Incorporated, 1992

C. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng ilang salita sa binasang teksto
at pagkatapos ay gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.
1. pakikisalamuha
2. ekonomiya
3. antropologo
4. pagmamasid
5. turismo
6. pagsulong
7. brochure
8. lipunan
9. natatangi
10. pagkakakilanlan
D. Pagtalakay – Kahon ng Kaalaman
Panuto: Sagutin ang mga tanong mula sa Kahon ng Kaalaman.
1. Ano ang kahulugan ng kultura?
2. Bakit nagkakaiba-iba ang kultura ng mga tao?
3. Bakit mahalaga na makilala ang ating sariling kultura?
4. Paano ka makatutulong sa pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Pilipino?
5. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang turismo sa pagtaas ng
ekonomiya sa bansa?

E. Input ng Guro
Panuto: Panoorin ang bidyo-aralin hinggil sa mga hakbang sa
pananaliksik.
https://youtu.be/ZcUehAjruW0?si=LoY2SvNENI-buWCw

F. Pagtataya sa Natutuhan
Panuto: Tukuyin mula sa kahon ang mga Hakbang sa Paggawa ng
Pananaliksik na angkop sa inilalahad sa pahayag o
pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.
A. Pagpili ng Paksa
B. Paglalahad ng layunin
C. Paghahanda ng pansamantalang talasanggunian o
Bibliography
D. Paghahanda ng tentatibong balangkas
E. Pangangalap tala o note taking
F. Paghahanda ng iwinastong balangkas o Final
Outline
G. Pagsulat ng burador o Rough Draft
H. Pagwasto at pagrebisa ng burador
I. Pagsulat ng pangwakas ng pananaliksik

1. Pagsulat muli sa naiwastong burador


2. Paghahanda ng Final Outline
3. Magaganap ang rebisyon ng burador
4. Ang pagsulat ng huling hakbang sa pananaliksik.
5. Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit
napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may
COVID-19.
6. Pag-aalis o Pagdagdag ng talata upang umayos ang daloy ng
talakay
7. Paglulunsad ng sarbey sa DOH tungkol sa bilang ng mga
nagpositibo sa virus.
8. Lumbera, Bienvenido. Writing the Nation: Pag-akda ng Bansa.
Quezon City: University of the Philippines Press, 2000. Nalimbag.
9. Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang
Iba laban sa COVID-19.
10. “On-line Writing Lab” http://writingcenter.utoledo.edu/ at “Writing a
Research Paper” http://owl.english.purdue.edu/owl/resource/658/01/

G. Sintesis
Panuto: Sa pamamagitan ng 3-2-1 tsart, ilahad ang hinihingi ng sumusunod.
3-tatlong bagay na natutuhan
2-dalawang bagay na pumukaw sa iyong kawilihan
1-tanong na ibig pang masagot
III. Kasunduan
1. Isa-isahin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng datos.

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I - Baitang 8
Binigyang-pansin ni:

IMELDA R. PELAGIO
Dalubguro I - Baitang 8

Nabatid ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno, Kagawaran ng Filipino

Sinuri ni:

MA. PURA S. TALATTAD


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon
Bilang 35
Oktubre 18, 2023 (Miyerkules)
 12:50 – 1:40 (12:50 – 1:30 With RHGP) / 8 – Matsuo Basho / SB 303
 2:30 – 3:20 (2:10 – 2:50 With RHGP) / 8 – Jose Garcia Villa / SB 101
 3:40 – 4:30 (3:10 – 3:50 With RHGP) / 8 – Francisco Sionil José / THE 408
 4:30 – 5:20 (3:50 – 4:30 With RHGP) / 8 – Ralph Waldo Emerson / SB 408
 5:20 – 6:10 (4:30 – 5:10 With RHGP) / 8 – Geoffrey Chaucer / THE 304

LINANGIN
(WIKA)

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos

II.Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata.

Una, ang mga pami-pamilya ay nagkaroon na ng malaking pagsubok tungkol sa


kanilang pamilya. Ito ay ang paraan kung paano nila aalagaan ang kanilang mga
minamahal na kamag-anak, asawa, at mga anak. Kabilang na rin dito ang kanilang
mga magulang na tumatanda nang mahina at hindi na kayang magtrabaho.

Isa pa, sa kultura ng mga Pilipino ay responsibilidad ng mga anak na pangalagaan


ang kanilang magulang. Iba sila sa kulturang Kanluranin, dahil karaniwan sa kanila
ay inilalagak ang matatanda sa isang home for the aged o nursing home.

B. Paglalahad
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod kaugnay sa binasang talata.
1. Ano ang kadalasang nagiging pagsubok ng mga anak sa kanilang pamilya?
2. Batay satalata, ano ang natatanging kultura ng mga Pilipino na wala sa ibang lahi?
3. Paano nakatulong ang mga salita/pahayag na may salungguhit sa talata?

C. Input ng Guro (Wika)


Mga Pahayag sa Pagsasaayos ng Datos

May mga pahayag na ginagamit sa pagsasaayos ng datos. Makatutulong ng


mga ito upang higit na maging malinaw at maayos ang isinagawang pananaliksik.
Ang mga pahayag na ito ay madalas na dinudugtungan ng mga impormasyon upang
lalong maging organisado ang mga ito.

Mas mapadadali ang pag-unawa sa mga datos na nakuha kung gagamitin ang
mga salitang una, isa pa, iba pa, saka, din/rin, sa huli, sa ibang salita, at iba pa

D. Pagsasanay
Panuto: Lagyan ng tsek ang pangungusap na gumamit ng pahayag sa
pagsasaayos ng datos at ekis naman kung hindi.
1. Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang pagiging malikhain lalo na sa
mga bagong salitang lumalabas sa kasalukuyan.
2. Walang balak tumakbo ang dating pangulo sa mas mababang
posisyon. Sa huli, nanaig sa kaniya ang pagiging kontento sa taon
ng kaniyang paglilingkod.
3. Nagkaisa ang mga nars sa Pilipinas upang isulong ang kanilang
laban sa pagpapatigil ng kontraktuwalisasyon
4. Sa nalalapit na pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa
sa Mayo Uno, ipinanawagan ng iba-ibang grupo sa pangunguna ng
Kilusang Mayo Uno (KMU) na palayain ang mga bilanggong lider-
manggagawa. (Ulat ni Christine Magat sa Pinoyweekly)
5. Unang naitala ang pinakamainit na panahon kahapon.
6. Maraming taong dumagsa sa plasa upang ipaglaban ang kanilang
pinuno kasama ang iba pang tagasuporta.
7. Batay sa ulat ni Darius Galang, magpapatuloy ang protesta ng mga
lokal at dayuhang aktibista, at may legal na batayan ang
protestang ito, ayon sa National Union of People's Lawyers
8. Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga grupo ng kabataan para
tutulan ang muling pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa
mga unibersidad at kolehiyo. (Ulat ni Marc Lino Abila sa
Pinoyweekly)
9. Ayon naman kay Pher Pasion, sa layuning maunawaan at
maipalaganap ang kalagayan ng mga Lumad, inilunsad ang
institusyong mag-aaral sa natitira nilang kultura na binubura ng
parehong ganid at dahas.
10. Hindi na nga tumataas ang suweldo, pinahihirapan pa ng
napakataas na individual income tax ang bawat manggagawa.

E. Sintesis
Panuto: Dugtungan ang bawat pahayag ng makabuluhang konsepto.
Natutuwa akong malaman na _____________________________________________.
Gagamitin ko ang aking natutuhan sa ______________________________________.

II. Kasunduan
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod:
 Kalagayan ng mga Matatanda sa Pilipinas
 Mga Kulturang Pilipino
 Mga Lugar na Panturismo sa Pilipinas

Bilang 36
Oktubre 19, 2023 (Huwebes)
 12:50 – 1:40 (12:50 – 1:30 With RHGP) / 8 – Matsuo Basho / SB 303
 2:30 – 3:20 (2:10 – 2:50 With RHGP) / 8 – Jose Garcia Villa / SB 101
 3:40 – 4:30 (3:10 – 3:50 With RHGP) / 8 – Francisco Sionil José / THE 408
 4:30 – 5:20 (3:50 – 4:30 With RHGP) / 8 – Ralph Waldo Emerson / SB 408
 5:20 – 6:10 (4:30 – 5:10 With RHGP) / 8 – Geoffrey Chaucer / THE 304

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
B. Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik nang naayon sa lugar at panahon ng
pananaliksik

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain- Palagay Mo?
Panuto: Suriin ang larawan. Magbigay ng iyong hinuha o palagay rito.

B. Paglalahad
Pagpapabasa ng talata.
Isang Hamon sa Paglilinis ng Boracay
Nagulantang ang mga Pilipino sa isang pahayag ng ating Pangulong
Duterte napakarumi na pala ng Boracay.

Una sa lahat, ang Boracay ay paboritong pasyalan ng mga turista lalo na sa


panahon ng tag-init subalit sa naging pahayag ng ating Pangulo, maaaring
mabawasan ang pagdayo ng mga turista sa nasabing pook. Sa ganitong
sitwasyon, maaapektuhan ang hanapbuhay ng mga tao sa islang ito.

Ikalawa, nakita rin ng Pangulo ang mga pagkukulang ng mga lokal na


opisyal sa Boracay dahil pinahintulutan nila ang pagtatayo ng mga negosyo at
establisimyento nang hindi siniyasat kung saan itinatapon ang dumi ng mga tao.
Sumunod na pahayag ng Pangulo na ipasasara niya ang turismo sa Boracay
kapag hindi nagawan ng paraan na malinis ang islang ito. Ayon pa sa Pangulo,
isang "cesspool" na ang lugar na ang ibig sabihin ay naging imbakan na ng dumi
ng mga tao ang isla. Bunga nito, kahiya-hiya na raw na ang islang Boracay ay
marumi at hindi kaaya-aya sa mga turista. Pagkaraan ng maraming taon, ngayon
pa lamang nakita ang problemang pangkalinisan ng kapaligiran ng Boracay kaya
nabulabog ang mga negosyante at mga mamamayan sa naging pahayag ng
Pangulo dahil maraming tao ang mawawalan ng hanapbuhay kung sakaling
ipasara ang turismo sa isla.

Ikatlo, isang malaking hamon sa kakayahan ni Environment Secretary Roy


Cimatu ang paglilinis ng isla sa loob ng anim na buwan na ibinigay na taning ni
Pangulong Duterte. Bago mahuli ang lahat, kailangang magkaisa at magtulungan
ang mga lokal na opisyal, mga negosyante, at mga mamamayan sa paglilinis ng
kanilang isla kung ayaw nilang maapektuhan ang ekonomiya ng kanilang pook

Pinakahuli, panahon na upang kumilos ang lahat upang maibalik ang


ganda at kalinisan ng isla upang hindi mawala ang industriya ng turismo sa
lugar.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang binasang teksto?
2. Isa-isahin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng Datos.

C. Pagpapalalim
Pangkatang-Gawain
Pangkat 3
Panuto: Magsaliksik ukol sa kalagayan ng mga matatanda sa Pilipinas. Isaayos ang
mga datos na nakuha sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na
pahayag.
Una:________________________________________________________________
Isa pa:______________________________________________________________
Saka:_______________________________________________________________
Sa ibang salita:______________________________________________________
Sa huli:______________________________________________________________

Pangkat 4
Panuto: Magsaliksik ng mga impormasyon patungkol sa kulturang Pilipino
at sumulat ng ilang mga hakbang kung paano mo maipakikita
ang iyong pagpapahalaga sa mga ito.
Mga Kulturang Pilipino: ______________________________________________
____________________________________________________________________
Mga Hakbang na Gagawin upang Maipakita ang Pagpapahalaga
____________________________________________________________________

Pangkat 1
Panuto: Kung ikaw ay isang tour guide sa isang partikular na lugar, paano mo
ilalarawan ito upang hikayatin ang mga turistang pumunta rito? Bumuo ka
ng iskrip ng iyong sasabihin.

Pangkat 2
Panuto: Bigyan ng angkop na marka ang inihandang gawain ng bawat pangkat.
Gawin ito sa malikhaing paraan.

Rubrik sa Pagmamarka

Kailangan pang
Napakahusay Mahusay Paghusayan
Pamantayan (5) (4) (3)

Lubos na makabuluhan, Makabuluhan at may May kaugnayan ang


Pagtalakay sa tiyak at may kaugnayan kaugnayan ang tinalakay tinalakay na paksa
Paksa ang tinalakay na paksa na paksa

Lubos na malikhain, Kapaki-pakinabang at Malinaw ang


kapaki-pakinabang at malinaw ang presentasyon presentasyon at
Presentasyon malinaw ang presentasyon at materyales na ginamit materyales na ginamit
at materyales na ginamit

Lubos na naipakita ang Naipakita ang Naipakita ang


pagkakaisa, pagtutulungan pagtutulungan at pagiging pagtutulungan ng
Pag-uugali at pagiging organisado ng organisado ng pangkat pangkat
pangkat

D. Sintesis- PIN (Positibo – Interesante – Negatibo)


Panuto: Ilahad ang konsepto ng araling tinalakay.
• Positibong Konsepto –
• Interesanteng Konsepto -
• Negatibong Konsepto –

III. Kasunduan
Panuto: Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga sumusunod na nagpapakita
ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
 Pangkat 1- Luzon
 Pangkat 2 - Visayas
 Pangkat 3 – Mindanao
 Pangkat 4 – “Love the Philippines”

Bilang 37
Oktubre 20, 2023 (Biyernes)

 12:50 – 1:40 (12:50 – 1:30 With RHGP) / 8 – Matsuo Basho / SB 303


 2:30 – 3:20 (2:10 – 2:50 With RHGP) / 8 – Jose Garcia Villa / SB 101
 3:40 – 4:30 (3:10 – 3:50 With RHGP) / 8 – Francisco Sionil José / THE 408
 4:30 – 5:20 (3:50 – 4:30 With RHGP) / 8 – Ralph Waldo Emerson / SB 408
 5:20 – 6:10 (4:30 – 5:10 With RHGP) / 8 – Geoffrey Chaucer / THE 304

ILIPAT

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Napagsusunud-sunod ang mga hakbang sa pananaliksik
B. Naisusulat ang resulta ng isinagawang pananaliksik ng mga awtentikong
datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino
C. Nailalathala ang resulta ng isang pananaliksik na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino sa pamamagitan ng
video presentation

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain – Manood at Matuto
Pagpapanood ng isang video presentation.

https://youtu.be/FQWapdkgXWY?si=8ghSckO9SY6lkUuC

Mga Pamatnubay na Tanong:


1. Tungkol saan ang napanood?
2. Ano-anong mga kulturang Pilipino ang ipinakita sa pinanood?
B. Paglalahad
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pananaliksik sa pamamagitan
ng concept map.

C. Pagbibigay-halimbawa

Mga Hakbang sa Halimbawa


Pananaliksik

1. Pagpili ng Paksa Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Plipino

2. Paglilimita ng Paksa Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa


Luzon

3. Paghahanda ng Perdon, Renato. Kulturang Pilipino. Lungsod ng


Pansamantalang Maynila: Manila Prints, 2012.
Bibliyograpiya
“Kulturang Pilipino” https://youtu.be/HQ5C4_ETNKU?
si=kGdyA6GF0x0JkMGi

4. Ang Pagbuo ng I. Pangunahing Ideya: Mga Magagandang


Pansamantalang Lugar sa Mindanao
Balangkas II. Mga Pantulong na Ideya:
a. Hinatuan Enchanted River
b. Lake Sebu
c. Lake Bababu
d. Siargao
e. Bundok Apo

5. Paghahanda ng Suriing mabuti ang inihandang pansamantalang


Iwinastong Balangkas o balangkas upang matiyak kung may mga bagay
Final Outline pang kailangan baguhin o ayusin. Tantiyahin ang
bawat bahagi kung nasobrahan o nakulangan ng
detalye.
6. Pagsulat ng Borador o Panimula - mga ideyang matatagpuan
Rough Draft sa kabuoan ng sulatin.
Katawan – pinalawig na balangkas
Kongklusyon – nagsasaad ng buod ng
mga natuklasan sa
pananaliksik.

7. Pagrerebisa Pag-ukulan ng pansin ang pagbabaybay,


kaangkupan ng pagkakagamit ng salita, ang gamit
ng mga bantas, at ang estruktura ng mga
pangungusap.

8. Pagsulat ng Pinal na Ang pagsulat ng huling hakbang sa pananaliksik


Manuskrito

D. Pagbibigay Sitwasyon (GRASPS)

Goal – Mailathala ang resulta ng isinagawang pananaliksik na


nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Pilipino sa pamamagitan ng video presentation.

Role – Tourism Officer.

Audience – Mga Turista.

Situation–Naatasan kang bumuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo


sa pamamagitan ng video presentation tungkol sa resulta ng isinagawa
mong pananaliksik na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Pilipino.

Product– Video Presentation ng Proyektong Panturismo.

Standard– Pagsasaalang-alang sa Pamantayan sa Pagbuo ng Video


Presentation.

Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Nakapahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
4 3 2 1
Malakas ang hatak o Hindi gaanong
Magaling ngunit hindi
Nakapupukaw dating sa mga nakapupukaw ng
gaanong
ng interes at manonood at nag-iiwan atensyon sa mga Hindi nakatatawag
nakapagpapanatili ng
nakapanghihi- ng isang magandang manonood at ng pansin.
atensyon sa mga
kayat impresyon o kailangan pang pag-
manonood.
kakintalan. ibayuhin.
Naglalaman nang Ito ay makatotohanan Ito ay makatotohanan Hindi gaanong Hindi naisagawa ng
kompleto at dahil naglalaman ito ng ngunit naglalaman ng naisagawa ng makatotohanan at
detalyadong mga mahahalagang iilan lamang na makatotohanan at hindi naglalaman ng
impormasyon impormasyon na mahahalangang naglalaman ng iilan mahahalangang
kapakipakinabang. impormasyon na lamang na impormasyon na
kapakipakinabang. mahahalagang kapakipakina-bang.
impormasyon na
kapakipakina-bang.
Mahusay ang paglakas Ang boses ay malinaw, Hindi gaanong Hindi malumanay,
at paghina ng boses na malumanay at malumanay, malinaw malinaw at
Boses
lubos na nakakaakit sa nakakaakit sa mga at nakakaakit sa mga nakakaakit sa mga
mga tagapanood. tagapanood. tagapanood. tagapanood.
Napakahusay ng mga Mahusay ang mga
salitang ginamit. salitang ginamit. Hindi gaanong
Hindi nauunawaan
Simple subalit Simple subalit nauunawaan ng mga
Salitang Ginamit ng mga tagapakinig
malaman at malaman at tagapakinig ang mga
ang salitang ginamit.
nauunawaan ng lahat nauunawaan ng lahat salitang ginamit
ng uri ng tapapakinig ng uri ng tapapakinig
Ang boses ng
Ang musika at sound nagsasalita ay hindi
Ang boses ng
effects ay mas lalong malinaw dahil mas Walang ginamit na
nagsasalita ay madalas
Produksyon nagpapaganda sa malakas o musika at sound
na natatabunan ng mga
kinalalabasan ng nangingibabaw ang effects.
sound effects.
presentasyon. musika at sound
effects.

E. Pagtitiyak sa Gawain ng Mag-aaral/Presentasyon ng Gawa


 Ipapanood ng bawat pangkat ang kanilang nabuong video presentation

III. Kasunduan
a. Humanda sa balik-aral para sa Unang Markahan.
b. Ipasa ang mga kakulangan na gawain sa Unang Markahan.

Inihanda ni:

REALINE B. MAÑAGO
Guro I - Baitang 8
Binigyang-pansin ni:

IMELDA R. PELAGIO
Dalubguro I - Baitang 8

Nabatid ni:

LUCELMA O. CARPIO
Puno, Kagawaran ng Filipino

Sinuri ni:

MA. PURA S. TALATTAD


Punongguro IV

Pinagtibay ni:

EDWIN REMO MABILIN, Ph.D.


Superbisor sa Programang Edukasyon

You might also like