You are on page 1of 8

Nobyembre 28, 2022 (Lunes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 303
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 302

UNANG ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Natutukoy ang uri ng panitikan
B. Nailalahad ang kahalagahan ng pagbabasa
C. Naibibigay ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa kwentong “Kwento ni Mabuti”
D. Naiisa-isa ang kahulugan ng pag-ibig mula sa tulang “Pag-ibig”
E. Naitatala ang positibo at negatibo na naidudulot ng pag-ibig batay sa binasang sanaysay
F. Nakapagbibigay ng reaksyon sa pagkakabuo ng akdang “Kahapon, Ngayon at Bukas” batay sa
mga kaisipan/ ideya tungkol sa tauhan at mga pangyayari.

II. Paksa
 Maikling Kwento : Kwento ni Mabuti (Buod) ni Genoveva Edroza Matute
 Tula: Pag-ibig ni Jose Corazon De Jesus
 Sanaysay : Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto
 Sarsuwela : Kahapon, Ngayon at Bukas (Buod) ni Aurelio Tolentino

III. Proseo
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Picture Puzzle
Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kinatawan na lalahok sa larong “Picture Puzzle”.
Ang unang makakasagot sa bawat bilang ang siyang makakakuha ng puntos.

Panuto: Tukuyin ang uri ng panitikan batay sa mga larawang ipapakita.

Halimbawa:

Sagot: parabula

1.
Sagot: tula (1 pt)
2.

Sagot: sarsuwela (2 pts)

3.
Sagot: epiko (3pts)

4.
Sagot: alamat (4pts)

5.
Sagot: sanaysay (5pts)

2. Paglalapit sa Aralin
The More, The Merrier
Ang lahat ng miyembro ng bawat pangkat ay kinakailangang lumahok sa larong
“The More, The Merrier.” Bibigyan lamang ng tatlong (3) minuto ang bawat pangkat sa pagsagot
at dalawang (2) minutong presentasyon.

Panuto: Sa pamamagitan ng isang pantulong na grapiko (graphic organizer), ilahad ang


kahalagahan ng pagbabasa at ipaliwanag ang bawat isa.
B. Pagbasa ng akda

Pangkat Isa: Dugtungan Pagbabasa


Pumili ng anim na miyembro para sa isang Dugtungang Pagbabasa.

Ang "Kwento ni Mabuti”


ni Genoveva Edroza Matute
(Buod)

Si Mabuti ay isang pangkaraniwang guro kaya siya nabansagang Mabuti ng kanyang


mga mag-aaral dahil ito palagi ang bukambibig niya sa kaniyang klase. Hindi man batid ng
nakararami, sa kabila ng kaniyang pagiging malakas ay may itinatago rin siyang kahinaan at
dahil dito ay hindi niya maitatago ang hubad na kototohanang pinakalilihim niya.

Minsang magpunta si Mabuti sa silid-aralan upang doon umiyak dahil sa bigat ng


problemang kanyang pinagdadaanan, nadatnan niya na umiiyak ang isang batang
nagngangalang Fe. Nakita ni Fe ang kaniyang sarili sa kaniyang guro na si Mabuti. Pareho
silang may suliranin. Yun nga lang ay mas mabigat ang sulirani ng kanyang guro. Mula
noon, mas lumaki ang paghanga ni Fe kay Mabuti at ang bawat pagtuturo nito sa kanila ay
isang magandang pahina ng kaniyang buhay-estudyante.

Simula nang magsimula ng magkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga


buhay, nagkamabutihan na ng loob ang dalawa at naging mag-kaibigan. Nagbago ang
pananaw ni Fe nang maisambit ng lalaki niyang mag-aaral ang tungkol sa ama ng anak niya
na lagi niyang ikinukwento sa klase.

Madalas na ikinikwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak na gusto niyang


bigyan ng maayos na buhay at nais niya itong matulad sa kanyang ama na isang
manggagamot. Lumipas ang mga araw, at nalaman ni Fe ang kwento ni Mabuti.

Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang asawa ni Mabuti. Matapos mamatay,


hindi ito naiburol sa mismong bahay ni Mabuti, dahil doon lamang niya nalaman ang
kaotohanang hindi pala siya ang unang asawa ng manggagamot. Kahit siya ay
pangalawaang asawa ng manggagamot, naunawaan naman niya ang ganitong sitwasyon
kaya minabuti na lamang umiyak sa silid na iyon na kaniya ring madalas iniiyakan upang
mailabas niya ang sakit na kanyang nararamdaman.
Sa paglipas ng mga panahon, hindi pa rin nawawala sa isip ni Fe ang larawan ng
kaniyang guro. Bagamat lumipas na ang mga araw ay nananatili sa kaniyang puso ang mga
payo at aral ng kaniyang gurong si Mabuti, ang itinuturing niyang isang inspirasyon.
Pangkat Dalawa: Sabayang Pagbabasa
Ang lahat ng miyembro ay kasali sa isang Sabayang Pagbabasa.

PAG-IBIG
ni Jose Corazon De Jesus

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!


Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;


Pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pasuyo... naglalaho,
Layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan,


Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,


Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos.
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,


Tandang ‘di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw.
Ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan,
Iyan; ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib,


Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip.
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig.
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina,


Umibig man ay ano pa, ‘di pag-ibig, kundi awa.
Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha,
At ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.
Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay ‘di bulag.
Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak,
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak,
O wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


Kayo’y mga paru-parong sa ilawan lumiligid.
Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang panganib,
At ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig.

Pangkat Tatlo: Guess Who?


Ang lahat ng miyembro ay magbabasa ng isang akda sa pamamagitan ng isang Mystery
Reading.

ANG PAG - IBIG ni Emilio Jacinto

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag -
ibig. Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang may kapal at
ang kapwa tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag - ibig, siya lamang ang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at wagas na pag - ibig. Kung ang masama at matuwid
ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag - ibig ang siyang tunay na may udyok kundi ang
kapalaluan at ang kasakiman
Kung ang pag - ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara- karakang
mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay
matutulad sa isang dahaon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis..
Ang tunay na pag - ibig ay walang iba kundi yong makakaakay sa tao sa mga dkilang
gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan.
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag aayo ring pag - ibig kung minsan,
at kung magkagayon na ay libu - libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng
ga - patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim
na pag - iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag - ibig.
Ang pag - ibig, wala na kundi ang pag - ibig na tanging binabalungan ng matatamis na
alaala sa nagdaan at nang pag - asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga
kahirapan at pagkadusta, ang pag - ibig ang siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin
minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag - ibig sa anak, sino ang magbabatang mag - iiwi sa
mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang
anak naman kaya ay walang pag - ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa katandaan?
Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang
tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag- aakay at
makaaaliw sa kanyang kahinaan.
Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y
mahikaya't na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naaapi
hanggang sa isapanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa
lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag - ibig?
Ang tunay na pag - ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan;
kalinpama't sapin - sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang kanyang buhay ay
nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag - ibig ang
naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag - ibig!
Sa pag - ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng
di maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag - ibig at binubulag ng hamak ng
pagsasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalgayan.
Gumagawa ng dan tungo sa pag aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan
sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbuklod - buklod
ang mga mamamayan upang kung mahina at dukha dahil sa pag - iiringan, sila ay
makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.
Oh! sino ang makapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag - ibig?
Ang pagkakaisa na siya niyang kauna - unahang bunga ay siyang lkas at kabuhayan, at
kung nagkakaisa na't nag iibigan ang lalong malaking hirap ay magaang pasanin, at ang
muling ligaya'y matimyas na malalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito, ay di matataos
ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag - ibig.
At upang mapagkilalang magaling na ang pag - ibig ay siyang naging susi at mutya ng
kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakaw mo kya, mapagdadayaan o
matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa
halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng
iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag - iibigan at magpapalagayang tunay na
magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag - aapihan na nagbibigay ng madlang
pasakit at di - mabatang kapaitan.
Kung ang pag - ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang
magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang
mabuting magparaan upang magtamasasa dagta ng iba at ituturing na hangal yaong
marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.
Maling mga isip at ligaw na loob ang nanambitan sa mga hirap na tao na inaakalang
walang katapusan! Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang
wagas na pag - ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay
na paraiso.

Pangkat Apat: Madulang Pagbasa


Pumili ng anim na miyembro para sa isang Madulang Pagbasa.

KAHAPON, NGAYON AT BUKAS


Ni Aurelio Tolentino
(BUOD)

Nasilaw sa kislap ng salapi ay isinuplong ni Asal Hayop (Mapaglilong Tagalog) ang


kanyang Inang Bayan (Filipinas) at ang kanyang kapatid na si Tagailog (Katagalugan).
Napatay ni Tagailog si Haring Bata (Haring Intsik). Pinarusahan ni Tagailog si Asal Hayop,
sinunog siya upang magsilibing halimbawa na hindi siya dapat pamarisan.
Dumating si Dilat na Bulag (Espanya). Kinaibigan niya sina Inang Bayan at Tagailog.
Sila’y nagsumpaan ng katapatan at bilang pagpapatibay sa kanilang sumpaan ay ininom nila
ang pinaghalong dugong nagbuhat sa kanilang mga ugat.
Si Dahumpalaya (Mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at sa pakana niya ay nasukol at
napilit si Tagalog. Si Matanglawin (Sakim at Mapagsamantalang Gobyerno ng Kastila
saPilipinas) ay sinulsulan pa ni Dahumpalay na panatilihing nakagapos si Tagailog sa
habangpanahon. Namulubi si Inang Bayan dahil sa pagmamahal sa anak.
Ipinagkaloob niya ang kanyang salapi kay Matanglawin upang makalaya si Tagailog.
Pinalaya ni Matanglawin si Tagailog ngunit siya’y nagbabalak na naman nang masama.
Huhulihin niyang muli si Tagailog upang makahinging muli ng salapi kay Inang Bayan.
Nalinlang ni Tagailog si Matanglawin kaya hindi natupad ang masama niyang balak.
Naisadlak sa libingan ni Dilat na Bulag si Inang Bayan sa tulong ni Halimaw.
Napabalitaang pinamumunuan ng kaluluwa ni Tagailog ang magsisipaghimagsik.
Napagkasunduan nina Tagailog at Bagong Sibol (Amerika) na pagtutulungan nila si Dilat na
Bulag. Lumabas sa libingan si Inang Bayan. Inilibing nang buhay sina Dilat na Bulag,
Matanglawin at Halimaw sa libingang hinukay sa utos ni Inang Bayan. Nagtagumpay sina
Tagailog at Bagong Sibol. Pinaalalahanan ni Inang Bayan si Bagong Sibol na pakitunguhan
silang mabuti sapagkat kapag silang mag-ina ay inapi ni Bagong Sibol ay makabubuti
panglahat sila’y lipunin nang minsanan. Nayari ang bandila ni Inang Bayan. Ipinabatid ni
Tagailog kay Bagong Sibol ang paghahangad ng kalayaan ni Inang Bayan.
Napangarap ni Bagong Sibol na hinabol niya si Inang Bayan dahil sa kinuha niyon ang
dala niyang agila at ipinukol sa isang maliit na batong may elektrisidad. Lumubog sa
libingan si Inang Bayan. Pinagbantaan si Bagong Sibol ng mga kaluluwang nangaroon.
Pinagbalaan ng kasawian ni Kamatayan si Bagong Sibol kapag hindi niya pinalaya si Inang
Bayan.

C. Pagtalakay sa Binasa

Pangkat Isa: Story Caravan


Sa pamamagitan ng isang Story Caravan, isalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa akdang binasa.

Pangkat Dalawa: Hugot Lines


Mula sa binasang akda, bumuo ng limang (5) hugot lines hinggil sa kahulugan ng pag-ibig.

Pangkat Tatlo: Pantulong na Grapiko


Gamit ang isang graphic organizer itala ang positbo at negatibo na epekto ng Pag-big batay
sa binasang akda.

Pangkat Apat: Read & React!


Ibigay ang inyong reaksyon sa mga kaisipan, ideya tungkol sa tauhan at mga pangyayari
kaugnay sa binasang akda. Gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa pagbibigay ng
reaksyon.
1. "Ang dugong iya'y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat . Datapwa't kung
magsusukab sa buhay niya'y maging lason at kamandag."
Reaksyon:__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

2. "Mga malulupit, mga sakim, hindi pa ba nagkasya sa inyo ang pangangamkam sa lahat ko
at ngayon, ako pa ang gagapusin ganitong kahina ako, walang ilalabas na nag-iisa."
Reaksyon:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

3. "Ang matapat ay mabubuhay, ang magtaksil ay mamamatay."


Reaksyon:__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

4. "Mga mangmang! Ang mga taong ito'y mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso,
mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop, kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay
nabubuhay at marurunong magsipamuhay ngunit ang mga taong ito ay hindi."
Reaksyon:__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

D. Sintesis

Dugtungang Pahayag

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng sariling konsepto batay sa
araling tinalakay.

Nalaman ko na ___________________.
Nakaramdama ako ng ______________.
Nais kong baguhin sa aking sarili ang ________.

You might also like