You are on page 1of 4

Setyembre 23, 2022 (Biyernes)

• 1:00 – 1:45 / Baitang 8 – R. Emerson / TLE 207


• 1:45 – 2:30 / Baitang 8 – N. Mahfouz / THE 307
• 2:30 – 3:15 / Baitang 8 – L. Sulit / TLE 308
• 3:45 – 4:30 / Baitang 8 – A. Tennyson / TLE 306
• 6:00 – 6:45 / Baitang 8 – W. Blake / SB 303

IKALIMANG ARAW
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Naibigyang-kahulugan ang mga talinghagang ginamit sa tula.
B. Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan ng tulang nabasa

II. Paksa
 Pamagat ng Akda : Ang Pamana
 May-akda: Jose Corazon De Jesus
 Sanggunian : Samenian, R.(2018).Yugto 8.The Library Publishing House, Inc.

III. Proseo
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Jig Who”? Puzzle
Panuto: Tukuyin ang taong nasa larawan sa pamamagitan ng pagbuo sa piraso ng puzzle.

2. Paglalapit sa Aralin
Tibok ng Puso
Panuto: Magbigay ng mga pang-uri o pahayag na maaring kumatawan sa isang Ina.

INA
B. Pagbibigay-kahulugan sa Talasalitaan

PicTalinghaga
Panuto: Piliin ang larawang nagbibigay-kahulugan sa mga salitang nakahilig.

1. Isang araw, nakita kong ang ina ko'y namamanglaw

2. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan,

3. Wala naman, yaong sagot, "Baka ako ay tawagin ni


Bathala, ang mabuti'y malaman mo ang habilin..

C. Pagbasa ng akda

Ang Pamana
ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila bagay nalulumbay
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa
At sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawa-awang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin


at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
“Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.

“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

D. Pagtalakay sa Binasa
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula?
2. Anong damdamin ang nararamdaman ng persona? Bakit?
3. Ano ang nais gawin ng anak sa munting yaman na pinaghati-hati ng ina?
4. Kung sakaling gawin din ito ng iyong magulang kahit sila ay buhay pa, ano ang iyong
mararamdaman? Bakit?
5. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng munting yaman sa iyong mga
magulang, ano iyon at bakit?

E. Pagsubok

1. Sa anong uri ng akdang pampanitikan maibibilang ang “Ang Pamana”?

A . Epiko B. Maikling Kwento C. Sanaysay D. Tula

2. Sino ang personang nagsasalita sa tula?

A. ama B. anak C. ina D. lola


3. Isang araw, nakita kong ang ina ko'y namamanglaw. Ano ang kasingkahulugan ng salitang

nakahilig?

A. maligaya B. natatakot C. nalulungkot D. nagagalit

4. Bakit kinailangan nang hatiin ng ina ang ipamamana sa anak?

A. baka tawagin na ni Bathala

B. upang hindi na pagkaguluhan pa.

C. ito ay hiling ng mga anak

D. upang pasiyahinang kaniyang mgaanak.

5. Ano ang pinakatema ng tulang binasa?

A. paglalarawan sa inang nahihirapan

B. ang pamana ng ina sa anak

C. ang pag-ibig na namumutawi sa pagitan ng ina at anak

D. ang kamalayan sa pag-aaruga sa anak

F. Pagkuha sa karaniwang mga aytem na nagtamo ng kamalian


P a n g u n a h in g K a is ip a n

G. Lunas-turo
Ang Pamana

.
Pantulong na kaisipan

H. Takdang- Aralin

1. Ano ang epiko?

2. Magsaliksik ukol sa maikling kasaysayan ng epiko.

You might also like