You are on page 1of 3

Department of Education

Region VII
Division of Siquijor
CATULAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Catulayan, San Juan, Siquijor

Panimulang Pagtataya sa Filipino 8


Modyul 1

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa araling ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo
ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na pamumuhay.
b. Kuwentong-bayan na maaring kathang isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan.
c. Ito’y pasalin dilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
d. Ito’y kwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha ng daigdig at iba pa.
2. Pansinin ang alamat na nasa loob ng kahon. Ano ang kapuna-puna sa pangyayari?
a. makatotohanan
b. kapani-paniwala “ Huwag kang makialam matandang hukluban!
c. posibleng maganap Bubunutin naming lahat ng aming magustuhan upang
d. di kapani-paniwala mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtwanan
ang mag kabataan.
“ Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira
3. Ano ang pinapakahulugan ng salawikaing pa ninyo ang aking halaman. Mula ngayon kayo ay
“Anuman ang tibay ng piling abaka ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mag kabataan
wala ring lakas kapag nag-iisa”? ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang
a. pakikisama b. pagtitiis nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na
c. pagkakaisa unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak.
d. pakikipagkapwa Sila ay naging ganap na
bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mag bulaklak
habang nagbubulungan. Bzzzzz, Bzzzz.Bzzzzz.
d. Matatapos na ang inyong
breakime kaya nagmamadali
kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa
pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral.
Ano ang iyong gagawin?
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag-aaral.
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.
d. Magpapatala muna ng attendane sa guro at ipaalam ang kanyang nasaksihan.

e. Usong-uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in” sa bagong henerayon na iyong
kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong
ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa karunungang-bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang istilo ng isang sikat na rapper.
c. Mapagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito.
d. Mangopya ng mga fliptop sa napanood na video.

f. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para
sa kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa
pangungusap?
a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asa

g. Nag-umpisa ang palatun-tunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang
binibigyang turing ng salitang “tanghali”?
a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa
h. Alam mo bang labis akong nalungkot sapagkat di-gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa
Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang
gamit ng salitang may salugguhit sa loob ng pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon

i. Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ano ang tinutukoy sa salitang nakahilig?
a. lugar b. panahon c. paraan d.pagsang-ayon
j. Ganoon pa man, tulad mo ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking
mahal sa buhay. Alin sa mga pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Pasko b. mahal sa buhay c. sa bahay d. tawagan
k. Uri ng tulang dula na paligsahan tungkol sa isang singsing na nahulog sa dagat ng isang dalaga?
a. duplo b. karagatan c. pamanhikan d. Huego de Prenda
l. Alin sa mga dulang patula ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad
ng sinumang nahatulang parusahan?
a. Huego de Prenda b. pamanhikan c. karagatan d. duplo
m. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?
a. sumakabilang buhay para sa namatay c. buto’t balat para sa payat
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa d. papatay-patay para
sa hipong tulog
n. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito na tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang
pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon, saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang
paksa o isyu.
a. tula b. sanaysay c. dula d. maikling kwento
o. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. nagbibigay daan upang matandaan ang mga detalye
d. susi para sa lubusang pagkilala sa pag-unawa at pangunahing ideya
p. Paano mo malalaman na haiku ang tula?
a. isang uri ng tula na may lima-pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod
b. tula na may 14 na taludtod
c. tula na may 12 sukat
d. tula na may sukat na 12 bawat taludtod
q. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may 4 na taludtod , binubuo ng pitong pantig at naglalaman ng isang diwa ng
makata
b. tula na may tig-5 taludtod sa bawat saknong
c. tula na may sukat at tugma
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
r. Kailan masasabing ang isang pamilya ay isang huwaran?
a. may ina, ama at mga anak c. nakatira sa maayos na bahay
b. may masaganang pamumuhay d. may pagmamahalan at respeto sa
isa’t isa
s. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. magiging mapanagutang mamamayan c. hindi masasangkot sa anumang gulo
sa pamayanan
b. magiging sikat na mamamayan d. maayos ang pagpapalaki sa kanila
t. “Iilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang
dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ano ang nais ipahiwatig sa sitwasyon?
a. may problemang hinaharap ang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. naramdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari

’Ang lalagyang walang laman ay maingay.

You might also like