You are on page 1of 6

R epublic of the P hilippines

D epar tment of E ducation


N at io n al C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D ivisio n O f f i c e o f La s P i ñ a s Ci t y

PANSALIRING PAGTATASANG GAWAIN


FILIPINO 8
TAONG PANURUAN 2020-2021

Panuto: Basahin at unawain angbawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan upang ganap na


maiayos ang mga problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa edukasyon. Karapat-dapat
lamang na bigyang pugay ang klihim ng kagawaran. Ano ang layon ng teksto.
A. nagbibigay ng pagkilala B. nagbibigay payo
C. nagpapaalala D. nag-uuyam

2. Kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya lalo na ang internet ay
may negatibong epekto sa buhay ng kabataan. Ang teksto ay____.
A. nagsusuri C. nanangaral
B. nagbibigay ng babala D. nagtatanong

3. Ito ay tumutukoy sa internasyunal na network na pang-computer na nag-uugnay sa mga


indibidwal na nasa iba’t ibang panig ng mundo.
A. paggamit ng e-learning B. world wide web www
C. Cybernetics D.internet
4. Uri ng komonidad na nasasaklaw ang buong mundo.

a. global village B. hypermedia C. e-learning D.cybernetics


5 Ano ang sistemang magkakabit ng mga dokumento na makukuha sa internet.
A. paggamit ng e-learning B. world wide web www
C. Cybernetics D. hypermedia

6. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pananaliksik ang nangangailanagan ng kasanayan sa


pagpapailalim ng katanungan upang makuha ang kailangang impormasyon?
A. Likert scale B. Panayam C. Sarvey D. Tseklist

7. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik sa mga paksang tatalakayin sa isang


komentaryong panradyo?
A. upang makahimok ng maraming tagapakinig
B. dahil mapanuri ang mga tagapakinig
C. Upang maging wasto ang mga inilalahad
D. dahil pormal at seryoso ang mga talakayan.

8. Alin sa mga pahayag ang HINDI dapat gawin sa pagsulat ng balita?


A. Ang talata ay hindi sumosobra sa 75 na salita
B. Ilagay ang mahahalagang datos sa hulihan ng talata
C. Iwasan ang paggamit ng mgakakatulad na salita
D. Iwasan lagyan ng sariling opinion ang mga balitang naisulat

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dapat tandaan sa pananaliksik.
A. Alamin o piliin ang paksang sasaliksikin
B. Maghanap ng sanggunian, materyales o mapagkukunan ng impormasyon
C. Ayusin ang impormasyong nakalap
D. Magtanong sa taong walang kinalaman sa paksang sasaliksikin

10. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?


A. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon
B. Maging malinaw sa pagtatanong
C. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin
D. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam

11. Tumabo sa takilya ang Pelikula na I Love you, Goodbye. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugan na ___.
A. nalugi B. nilangaw C. kumita ng Malaki D.karampot ang kinita

12. Walwalan iyan ang buhay na mayroon si Jane simula ng tumuntong sa kolehiyo. Ano ang
kahulugan ng nasalungguhitang salita?
A. paggala C. walang Pakialam
B. pagbabarkada D. walang Kabuhayan

13. Patuloy na dumarami ang karahasan nagaganap sa ating paligid. Ano ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?
A. Pampanitikan B.Balbal C. Pormal D. Lalawiganin

Roel: “Partner, talaga naming mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-
pasa sa senado.”
Macky:”Oo nga partner, Naku, Sabi nga ng iba, kung ang FOI raw ay Freedom of income eh malamang
nakukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit nakapikit.”
Roel: “Sinabi mo pa Partner!”
Macky: “Ano ba talaga ang FOI Partner?’
Roel: “Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na Makita
at masuri ang mga opisyal na transaksyon ng ahensiya ng gobyerno.”

14. Ano ang ipinahihiwatig na Opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?


A. May mga tiwali sa pamahalaan.
B. Marami ang makikinabang sa pagpasa ng batas
C. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
D. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.

15. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?


A. “Ano ba talaga ang FOI Partner?
B. “Partner, talaga naming mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na
hindi maipasa-pasa sa senado.”
C. ”Oo nga partner, Naku, Sabi nga ng iba, kung ang FOI raw ay Freedom of income eh
malamang nakukumahog pa ang mga politico na ipasa iyan kahit nakapikit.”
D. “Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang
publiko na Makita at masuri ang mga opisyal na transaksyon ng ahensiya ng gobyerno.”

Para sa aytem 16-17 Isulat ang letrang A kung ang pahayag ay nagpapakita na positibo
pananaw at B kung ito ay negatibo.
A- positibo B- negatibo

16 Kaisa mo ako sa layunin mong mapagbago ang sistemang umiiral sa ating bansa sa
kasalukuyan.

17. Hindi totoo yan napakahirap mabuhay sa mundo hindi lahat nakukuha ng madalian kailangan
mong kumayod kalabaw at makipagsabayan para mabuhay hindi ganun kadali ang mabuhay
sa ngayon.

18. . Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong


panradyo gaya ng halimbawang nabasa?
A. Nakapagbibigay ito na aliw sa mga mamamayang tagapakinig
B. Nalalaman ng publiko ang mga opinion ng mga komentarista
C. Natatalakay dito ang mahahalagang isyung nagaganap sa bansa.
2
D. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga
personalidad

19. Paano nakatulong ang komentaryong panradyo sa pagpapaigting ng kamalayan


panlipunan?
A. Naisisiwalat dito ang tunay na kalagayan ng isang lipunan
B. Natatalakay ditto ang iba’t ibang isyu
C. Nabibigyang daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin
D. Lahat ng nabanggit

20. Ang patalastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismo ng programa na sunod-sunod
na pinapatugtog?
A. Airwaves B.Band C. Clutter D. Queue

21 Anong termino ng Radio Broadcasting ang tumutukoy sa midyum na dinadaanan ng signal


ng radio o telebisyon na kilala ring Spectrum?
A. Airwaves B.Band C. Clutter D. Queue

22. Termino ng Radio Broadcasting na isang uri ng wave form signal na deretso at tuwid.
A. analog B. band C. queue D. airwaves

23. Ano ang mga dapat isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong panradyo?
A. Magsaliksik ng mga impormasyon
B. Huwag kalimutang banggitin ang personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita
ang kredibilidad ng isinulat
C. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa
D. Lahat ng nabanggit

24. Piliin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa ginagampanang tungkulin ng programang panradyo.
A. nag-uulat ng napapanahong isyu
B. nagpapahatid ng panawagan
C. nagbibigay opinion sa isang isyu
D. nagpapalabas ng mga paboritong teleserye

25. Maraming mamamayan ang naapektuhan ______________ pagtaas ng bilang ng may sakit na covid
19 . Ano ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag.

A. upang C. nang sa gayon


B. dahil sa D. kung

26. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?


A. pati na rin C. ayon kay
B. dahil dito D. kaya naman

1. Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang
magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase.
(3) Marami kaming natutunan sa kanya at sa lahat na ito siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami
pang tulad niya upang maraming mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan.

27. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ______________.

A. manghikayat C. magbigay- parangal


B. magpaliwanag D. magbigay- kaalaman

28. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay ay _________________.

3
A. paghanga C.pag-asam
B. pananabik D. kasiyahan

29. Ano ang layunin ng pahayag na ; “ Baka masolusyunan pa ang kaniyang problema”

A. pag-aalinlangan C. pagsalungat
B. pagbibigay babala D. pagsang-ayon

30 Alin sa mga sumusunod na salita ang angkop sa diwa ng pahayag?


“ Maganda ang iminumungkahi mo, ____________marami naman ang maaapektuhan
kung gagawin natin ito
A. kahit B. ngunit C. sapagkat D. talaga

31. Ito ang positibong epekto na maaring mangyari sa kalagayan ng mga bata sa bansa kapag
ganap na naisabatas ang House Bill 4455 na nagbabawal sa pagsasagawa ng Corporal
Punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina.
A. Itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa kabataan
B. Higit na tatapang at tatalino ang mga kabataang Pilipino
C. Higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga kabataan
D. Higit na magiging tama dang mga kabataan at mahirap disiplinahin

32. Ito ang dahilan kung bakit lumabas sa pag-aaral na 82% ng mga kabataan sa Pilipinas ang
nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.
A. Sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ Ang anak na hindi paluin,
magulang ang paluluhain”
B. Dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
C. Sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino
D. Ito ang kanilang nakasanayang paraan ng pagdidisiplina

33. Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling mahirap. Anong ugnayang lohikal ang
ipinakikita ng pangungusap?
A. Dahilan at Bunga C. Paraan at Layunin
B. Paraan at Resulta D. Kondisyon at Bunga

Para sa aytem 34-36


Anong ugnayang lohikal ang ipinakikita ng pangungusap?
A. Dahilan at Bunga C. Paraan at Layunin
B. Paraan at Resulta D. Kondisyon at Bunga

34. Kung sila’y ginagabayan ng magulang, hindi sana malilihis ang kanilang landas

35. Dahil sa masamang epekto sa kabataan, bumuo ng mga gabay sa matalinong panonood ang
MTRCB.

36. Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang mga kaibigan.

37. Anong angkop na damdamin nakapaloob sa pahayag na;


“Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito makapagpapababa
at makababawas ng aking pagkatao.”
A. pagtanggi C. paghihinayang
B. pagpapahayag D. pagsang-ayon

38. Anong angkop na damdamin ang nakapaloob sa pahayag na:” O sige, mag-aaral tayo
pagkatapos nating maglaro.
A. pagtanggi C. panghihinayang
B. pagpapahayag D. Pagsang-ayon
4
Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa
kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at
tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang
tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig
niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na
nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang
himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang
nalanghap ni Boyet.

39. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto?


A. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng anumang layunin.
B. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin.
C. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at
kapangyarihan.
D. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan

40. Ano ang pinakamalapit na kaisipan ang nakapaloob sa tekstong binasa?


A. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila.
B. Pakikipagsapalaran sa buhay dulot ng kahirapan
C. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa
D. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal
41. Ano ang kalagayang panlipunan ang makikita sa tekstong binasa?
A. maagang pagbubuntis ng kabataan
B. pagkalolong sa ipinagbabawal na gamot
C. korapsyon sa lipunan
D. kahirapan sa buhay
42. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento o pelikula
A. pananaliksik B. sequence iskrip C. pag-eedit D. senematograpiya

43 Anong elemento ng pelikula ang nagpapakita ng angkop na lugar at eksena sa paglalahad ng


biswal na kwento?
A. disenyong Pamproduksyon C. sequence Iskrip
B. sinematogrpaiya D. tunog at Musika

44. Sino ang nangangasiwa sa pangkalahatang aspekto ng pelikula?


A. Artista B. Cinematograpiya C. Direktor D. Editor

45. Sumasalamin ba sa realidad ng buhay ang Akdang estudyante ni Joven Tan?


A. Oo. Dahil maraming estudyante ang ayaw mag-aral
B. Oo. Dahil may mga kabataang nais mag-aral ngunit hindi nakakapag-aral dahil sa hirap ng
buhay.
C. Hindi dahil lahat ng kabataan ay pinag-aaral ng gobyerno
D.Hindi, Dahil may kakayahan ang bawat pamilyang pag-aralin ang kanilang anak

46. Alin sa mga sumusunod ang angkop / tama ang bantas na ginamit.

A. Watson Building, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila


B. Watson Building, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel Maynila
C. Watson Building, 1610 J.P. Laurel Street San Miguel, Maynila
D. Watson Building, 1610 J.P. Laurel , Street, San Miguel, Maynila

5
47. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan.
A. Maging maligoy sa pagpapahayag ng mga kaisipan
B. Pumili ng isang napapanahong isyu
C. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais makabasa
D. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa paksa

48. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang HINDI kabilang sa pagbuo ng isang social
awareness campaign.
A. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang
maging malikhain.
B. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan
upang higit itong maging kapani-paniwala
C. Ang mga kaisipan ay binatay lamang sa sariling opinyon
D. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa
pagsulat ng mga diyalogo.

49. Sa pagsulat ng isang social awareness campaign mahalagang isaalang-alang ang sumusunod
maliban sa___.
A. Maging malikhain sa pagbuo nito
b. Gawing magjkakaugnay ang bawat dayalogo o eskena
C. Iwasang maging maligoy ang pananalita
D. Mahalagang makapagbigay ng sariling kuro-kuro batay sa sariling pananaw

50. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidudulot ng social awareness campaign ?
A. nagpapabatid ng mahahalagang impormasyon
B.nagbibigay ng kaalaman
C. Nakakatulong upang mamulat sa katotohanan upang maging mapanuring mamamayan
D. Lahat ng nabanggit

You might also like