You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Bisayas
Sangay ng Capiz
MALONOY NATIONAL HIGH SCHOOL
Malonoy, Dao, Capiz

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


T.P. 2022-2023

Pangalan: ____________________________________Seksyon: _______________Iskor: __________

Pangkalahatang Panuto:
1. Isulat ang inyong sagot sa kawing-kawing na pagsulat.
2. Ang anumang uri ng pagpapalit ng kasagutan ay hindi tatanggapin.
3. Iwasan ang paggamit ng frixion pen.
4. Huwag masyadong malapit sa kaklase. Siguraduhing may space kayo ng katabi mo, kagaya ng space na
hiningi ng ex mo.
5. Huwag O.A Review your answer. Hintayin matapos ang oras. Total sanay ka naman maghintay di ba?
6. Smile, di ka naman bibitayin. Pwede ka nga lang hindi pumasa.

I. PAKIKINIG.
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula. Piliin at ilagay ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang tula ay may himig na ______________.


a. naglalarawan b. tumutuligsa c. pumupuri d. nangungulila
2. Ang inilalarawan sa tula ay ______________.
a. bansa b. bagay c. hayop d. tao
3. Sa unang saknong, ang ipinahihiwatig nito ay ______________.
a. kawalan ng kalayaan b. kawalan ng kahirapan c. kawalan ng karapatan d. kawalan ng kakulangan
4. Sa pangalawang saknong, ang ipinapahiwatig nito ay ________________.
a. kawalan ng kalayaan b. kawalan ng kahirapan c. kawalan ng karapatan d. kawalan ng kakulangan
5. Sino ang persona sa tula?
a. ang may akda b. isang mayaman c. isang bilanggo d. isang taong dukha
6. Ano ang kahulugan ng salitang ipiniit?
a. nakahiga b. nakakulong c. nakalaya d. nakamasid
7. Ang gusting iparating ng may akda sa tula ay _____________.
a. kawalan ng kalayaan b. kawalan ng kahirapan c. kawalan ng kayamanan d. kawalan ng pag-asa
8. Ang kahulugan ng punlo ay _________________.
a. baril b. bolo c. patalim d. sibak
9. Sa bawat taludtod ng tula ay may sukat na ____________________.
a. lalabing animin b . lalabing dalawahin c. lalabing apatin d. lalabing waluhin
10. Ang palagiang tinutumpok o tinatalakay ng may akda ay _________________.
a. kalayaan ng manggagawa b. kakulangan ng buhay c. karapatan ng mga mahihirap d. tama ang a at b

II. PAGBASA
A. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na talata. Sagutin ang mga tanong
ukol dito
Para sa mga bilang 1-3

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng
kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat)
1. Mahihinuhang ang ama ay magiging ___________.
a. mabuti b. matapang c. masayahin d. matatag
2. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang ______.
a. dinukot sa bulsa b. mula ngayon c. magiging mabuti d. nagdadalamhating ama
3. Ipinapahiatig ng teksto na ang ama ay _______.
a. maalalahanin b. mapagmahal c. maawain d. matulungin

Para sa bilang 4 – 5

Huling Sabadong Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos
ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak ilang sandal matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang
mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko
sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko
pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais
danasin ng kahit sino. Isa’t kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming
dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga.

4. Layunin ng teksto na ______.


a. maglahad b. magsalaysay c. maglarawan d. mangatwiran
5. Sino ang nagsasalaysay sa tekstong binasa?
a. Ama b. Kaibigan c. Ina d. Rebo

Para sa bilang 6-10


Ang Bato ( Jose Corazon De Jesus)
Tapakan ng tao sa gitna ng daan, Ang bato sa ilog ayun! Tingnan mo ba,Kung matalisod mo’y
iila-ilangdang, Batong nasa agos, makinis maganda. Ngunit pagkatapos pag ikaw’y namatay, Batong nasa
gilid, bahay ng talabaBato ang tatapak sa bangkay mo naman. Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.
Batong tuntungan mo sa pagkadakila, O batas ng buhay! Ang ayaw kumilos Batong tungtungan
ka sa pamamayapa, Habang tumatanda’y lalong nilulumot. Talagang ganito sa lapad ng lupa Kung
agosang palad, ang takot sa agos, Ay hali-halili lamang ang kaawa-awa Malayang natutong lumangoy sa
ilog
Balot pa ng putik, matumit maitim Sa tao ang bato, aklat ang kagaya Tinapyas at aba!-
Brilyanteng maningning! Ang talim ng isip, tabak ang kapara Sa putik man pala ay may bituin din Hasa
ka nang hasang sumulat-bumasa Na hinahangaan ng matang titingin. Bukas- makalawa’y magiging
puntas ka.

6. Ang batong sumasama sa agos ng tubig ay nagiging makinis. Kung sa buhay ito ay.
a. pagpapatangay b. pakikiayos c. pagsalunga d. pakikipagsapalaran
7. Sa tao, ang aklat ay nihambing sa bato na siyang
a. pinaghahasaan b. tinuluyan c. pinagsusulatan d. tinutuntungan
8. Ang brilyante’y tulad ng taong kailangan munang tapyasin at kinisin upang lumitaw ang
angkingningning.Sa tao, dumaraan muna siya sa mga
a. kaharasan b. paghihirap c. paghihintay d. pagsubok
9. Ang isip ay itinulad sa tabak na
a. hinahasa b. pinararami c. pinadadakila d. pinayayabong
10. Ang taong takot sumuong sa mga sigwa at unos ng buhay ay taong
a. di-maasahan b. mahina ang loob c. di mapagkakatiwalaan d. walang pananagutan

III. PASALITA
A. Panuto: Pagpapakahulugan sa Matalinghagang Pahayag. Isulat ang titik ng pinakawastong
kahulugan ng mga pariralang nakalimbag nang pahilig.

1. Bumulwak ang wagas na pagmamahal ng ama sa namatay na anak na si Mui Mui Ang nakasalungguhit
na salita ay nangangahulugang ____________.
a. bumuhos b. sumabog c. dumaloy d. sumidhi
2. Gustong-gustong puntahan ng pitong Kinaree ang magandang sapa sa masuwerteng araw ng Panarasi.
Ang nakasalungguhit ay salitang hiram mula sa Thailand na nangangahulugang ______.
a. araw na kabilugan ang buwan b. araw ng pagsamba c. araw na kalahati ang buwan d. araw ng pangolin
3. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. Ano ang katumbas na kahulugan
ngnakasalungguhit na matalinghagang pahayag?
a. luha ng pagkamatay b. lungkot ng pagkawala c. luha ng paglayo d. lungkot ng paglimot
4. Ako ay itinago sa bahay at kailangang ikahon ako at kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa
aking pandinig ang salitang ‘emansipasyon’. Base sa salitang nakasalungguhit, ano ang hangarin
ngnagsasalita sa sanaysay?
a. lumabas ng kanilang bansa c. tumakas sa mga magulang
b. lumaya sa kanilang tradisyon d. tutulan ang batas ng kanilang relihiyon
5. Pinatunayan ni Tiyo Simon ang mataas na pananalig sa Diyos sa kabila ng kanyang naging
kapansanan. Ano ang pahiwatig na kahulugan ng nakasalungguhit na matalinhagang pahayag?
a. mataas na paniniwala c. matapat na paniniwala
b. matibay na paniniwala d. lahat nang nabanggit

B.Panuto:
Isulat ang pangatnig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa mga pangatnig sa kahon.
Subalit, kaya, dahil, bagama’t, habang, kapag, para, upang, samantalang, o, at, kasi, kung,
ngunit, at, nang, kahit, hanggang, bago, sapagkat

1. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ________ ang bayad sakuryente.
2. Hindi ako nakatulog kagabi ___________ masyadong maingay ang aking kapitbahay.
3. Magsasanay ako tuwing hapon _________ gumaling ako sa pagtugtog ng piyano.
4. Mahimbing pa rin ang tulog ni Juan _______ napakalakas ng tilaok ng mga manok sa kanyang
bakuran.
5. Pagod na si Carlo _______ hindi siya makatulog.
6. Si Patrick ang titingin sa mapa _______ nagmamaneho si Gary.
7. Maaari tayong tumawid ___________ berde na ang ilaw.
8. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon ____________ ang bagong maong?
9. Lapis, pambura ___________ pantasa lang ang kailangan kong dalhin sa pagsusulit.
10. Magaling siya maglaro ng basketbol _________ mas gusto niya ang paglalangoy.
11. Basa ang sahig ng pasilyo __________ nadulas ang bata.
12. Umiiyak ang bata ___________ tinutukso siya ng mga kalaro niya. 13. Naglaro kami ng basketbol sa
labas __________ tinawag kami ni Tatay.
14. Nagising si Marco _________ tumilaok ang manok.
15. ____________ natulog ang mga anak niya, nagbasa siya ng kuwento para sa kanila.
16. Sasama ako sa inyo manood ng sine___________ papayagan ako ni Nanay.
17. Marami ang kakainin ko ___________ hindi ako magutom sa mahabang biyahe.
18. Pinagalitan ang mga mag-aaral ______________ hindi sila ang nagsimula ng away.
19. Wala kang ginagawa diyan ___________ kanina pa abalang-abala sa pagluluto ang nanay mo.
20. Maghanda na tayo ng mga kandila at baterya para sa plaslayt ___________ malapit na ang bagyo.

C. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g, o na).

1. Bumili ako ng masarap _____ almusal.


2. Nakatulog kaagad si Tatay dahil sa sobra _____ pagod sa trabaho.
3. Ang ____ tunay kaibigan at matapat at maunawain.
4. Dahan-dahan ______ naglakad ang bata palabas ng bahay.
5. Mahilig magbasa ng mga kuwento _____ bayan ang magkapatid.
6. Kailangan ko ng matibay _____ sapatos.
7. Iligpit na natin ang mga natira ____ pagkain sa mesa.
8. Ang matamis _____ tagumpay ay nakamit nila dahil sa pagtitiyaga.
9. Si Benjamin ang ikalawa _____ anak ni Ginang Garcia.
10. Inayos mo na ba ang telebisyon _____ sira?

D. Panuto: Isulat sa patlang ang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.

1. Handa na ba ang mga gamit ninyo _____________ camping bukas?


2. Matutulog sina Sam at Sarah ______________ Lolo at Lola mamayang gabi.
3. May balita ka ba ____________________pagtaas ng presyo ng gasolina?
4. Ang pagdadala ng gadgets sa klase ay __________________ tuntunin ng paaralan.
5. ____________________ Melissa, pinag-aralan nila ang pagsakop ng mga Hapones.
6. Ang puting kartolina ay binili ko _____________________ Leslie dahil may proyekto siya.
7. Mas mabuti na sundin ko ang payo _____________________ Tatay at Nanay.
8. Ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na basura ________________ ay utos ng
barangay.
9. Ang Intramuros ay isang makasaysayang pook na matatagpuan _______________ lungsod ng Maynila.
10. Ang mga aklat na ito ay ibibigay natin _________________ mag-aaral ni Binibining Salvador.

E.Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga titik:
PN (aspektong naganap), PK (aspektong ginaganap), PH (aspektong gaganapin), o KT (aspektong
katatapos).
_____ 1. Pasasalamatan ko ang mga taong tumulong sa akin upang makamit ko ang aking pangarap.
_____ 2. Si Benedict ay nagtanim sa kanilang bakuran.
_____ 3. Sumayaw sa entablado ang magkakapatid.
_____ 4. Kagagaling ko lang sa opisina kaya nagpapahinga ako.
_____ 5. Ang mga bata ay naligo sa ulan kahapon.
_____ 6. Binubuhat ni Mang Tonio ang mabigat na sako ng bigas.
_____ 7. Halina sa kusina dahil kaluluto lang ni Inay ng meryenda.
_____ 8. Ang sanggol ay binabantayan ni Ate Carla sa sala.
_____ 9. Ang lalaki ay sumaklolo sa matandang babae na nahimatay.
_____ 10. Patutunayan ko na kaya kong pangasiwaan ang proyektong ito.
_____ 11. Kagigising lang ni Tatay kaya magtitimpla na ako ng kape para sa kanya.
_____ 12. Sino ang mag-aalaga sa mga bata habang nagtatrabaho ka sa Dubai?
_____ 13. Naghugas siya ng pinagkainan kagabi.
_____ 14. Ang mga programa ng DOH ay itinataguyod ng mga lokal na pamahalaan.
_____ 15. Si Jasmin ay nagtagumpay sa paligsahan sa pagsusulat ng tula.

F Panuto: Banghayin ang pawatas na pandiwa na nasa loob ng panaklong upang mabuo ang
diwang pangungusap.
1. (umasa) Bakit hanggang ngayon ay __________________ ka pa rin sa mga magulang mo?
2. (dalawin) __________________ nina Ina at Cris ang kanilang lolo at lola sa Batangas sa darating na
Linggo.
3. (makipagdebate) Balita ko _______________________ ka na naman sa kaibigan mo kanina.
4. (banggitin) _____________________ ba sa iyo ni Eduardo kahapon ang plano niya?
5. (hanapin) Siya ang suspek na ___________________ ngayon ng mga pulis.
6. (ilihim) __________________ niya sa akin ang tunay niyang layunin.
7. (buksan) ___________________ ko na ngayon ang mga bintana.
8. (kumain) Huwag ka munang lumangoy dahil ___________________ mo pa lang ng tanghalian.
9. (magsaing) Pagkatapos ko manood ng teleseryeng ito, _____________ na ako. 10. (paglaruan)
______________________ ngayon ng mga bata ang kanilang bagong Lego set.
11. (maligo) __________________ mo pa lang, pinapawisan ka na?
12. (hiramin) Kay Helen mo ba _________________ ang aklat na binabasa mo?
13. (manalangin) Gabi-gabi kaming ____________________ sa harap ng altar sa sala.
14. (umutang) Bakit ubos na ang pera mo? Hindi ba __________________ mo pa lang kay Kuya Berto?
15. (matuto) ___________________ ka rin tumugtog ng gitara kung magsasanay ka araw-araw.

III.G Panuto: Salungguhitan ang idyomatikong pahayag na ginamit sa bawat pangungusap.


1. Dahil sa nangyaring sunog, lahat ng tao doon ay tinakpan ng diyaryo.
2. Nakakaasar talaga ang mga mahahaba ang kamay.
3. Pakilista sa tubig ang utang ko, wala pa kasing sahod.
4. Balat sibuyas ang katabi ko sa aming klase.
5. Tila ba magkaututang-dila noong nasa kolehiyo tayo.
6. Kay tigas ng loob mo, di mo man lang mapatawad.
7. Usad pagong papuntang Santa Fe hanggang San Jose noong ako’y umuwi.
8. Di makabasag pinggan si Marie nung nakita niya ang kaniyang guro.
9. Tila may dumaang anghel nung kami ay nag-uusap kanina.
10. Kailangan natin ng kamay na bakal para sa pagbabago.

Inihanda ni:

JOSE P. ECARAN, JR.


Guro sa Filipino 9

Sinuri ni:

LEORICO G. FUNDAL
Punong Guro

You might also like