You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
City Division of San Jose del Monte
San Jose del Monte Heights High School

PANIMULANG PAGTATAYA SA FILIPINO 7


(IKALAWANG MARKAHAN)

Pangalan: ______________________
Pangkat: ______________

PAG-UNAWA
Panuto: Basahin ang talataan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Titik lamang.

Sumilay na sa bansa ang bagong panahong puno ng pag-asa at maraming pangarap. Ang bawat mamamayan ay
naging malaya sa pagsasalita kung kaya't sari-saring paninindigan ang nagsisilitaw sa mga napapanahong isyu. Ang totoo,
napakarami ang sukat na maaaring sabihin ngunit dapat din namang maliwanagan na walang mangyayari sa bansa kung
hindi tayo kikilos.
Kung tutuusin, libong bagay ang magagawa ng pagtatanim ng puno ng bawat isang mamamayan sa araw-araw
kaysa makinig sa gayon at ganitong isyu. Higit na magandang uri ng protesta ang paglilinis sa mga kalye,pagtatanim ng
mga puno at halaman sa halip na pamahalaan pa ang hintaying gumawa nito.Tayong mga mamamayan ang magbigay ng
halimabawa sa pamahalaan kaysa sa katumbalikan.

1. Ang binasang talataan ay isang halimbawa ng


a. Editoryal b.. Maikling kwento c. Tapumpati d. Salaysay

2.Ang paksang tinatalakay sa binasa ay tungkol sa


a. Pamumulitika b. Pagtatanim
c. Pagtulong ng bawat isa para sa pagbabago d. Ang magandang asal ng mga Pilipino

3. Layunin ng binasang akda ang ___________.


a. Pumuna para sa pagbabago b. magbigay pa ng kahulugan c. . Magpuri d. manlibang

4.Pinupuna dito ng sumulat ang


a. Ugali ng mga Pilipino ukol sa pagboto b. Ugali ng mga Pilipino ukol sa pulitika
c. Ugali ng mga Pilipino ukol sa pagbibigay ng oras sa mga isyung panlipunan d. Pagiging tamad ng mga Pilipino

5.Ang pamagat sa binasang talataan ang


a. Pilipino... Gising! b. Sama-sama sa Pag-unlad c. Kilos Pilipino! d. Gising-gising

B. Panuto: Ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod: Piliin ang titik ng wastong sagot.

6. Ibig kong magsaka na ang aanihin


Ikabubuhay ko ma'y sa pawis ko galling.
a. Paghingi ng tulong sa ibang tao b. Pagsisikap sa sariling paraan
c. Gawing mag-isa ang isang Gawain d. Hindi paghingi ng tulong sa iba

7. May isang bagay na malinaw na malinaw kong tinatandaaan tungkol kay Tata More
Hindi pa siya pumupunta sa amin nang di niya taglay ang ingay at halakhak.
a. Masayahing tao si Tata More b. Maraming naiinis kay Tata More
c. Mahirap kalimutan si Tata More d. Ma daldal si Tata More

8. Sa matinding sikat ng araw tila siya isang mandirigmang sugatan ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang
larangan.
a. Siya ay natalo sa labanan b. Patas lang ang naging resulta ng laban
c. Nagtagumpay siya sa laban d. Hindi niya matanggap ang pagkatalo

9.Hindi ko kailangan ang kakampi. Darating akong mag-isa! Paalam! ***


a mayabang ang nagsasalita c. duwag ang nagsasalita
b. matapang ang nagsasalita d. may isang salita ang nagsasalita

10. Ilang lingo lang nagsama si Labaw Donggon at Ginbitinan ay nabalisa na naman si Labaw dahil nais niyang
puntahan ang isang magandang babaing siyang patnubay ng ilog at bukal. Hindi siya napigil ng asawa sa pagtungo doon
at nakamit niya si Anggoy Doronoon.
a. tapat na asawa si Labaw Donggon b. Isang palikero si Labaw Donggon
c. Mahilig sa babaing may asawa si Labaw Donggon d Hindi marunong magmahal si Labaw Donggon
C. Basahin ang talata at ibigay ang kahulugan ng Pormal na salitang may salungguhit. Titik lamang.

Iba't ibang (11.) patawid buhay, ang maaaring pagkakitaan kahit nasa bahay lamang. Maaaring magtinda ng mga
pagkaing pang-agahan o pangmeryenda gaya ng tsampurado, lugaw, pansit at iba pang lutuing makatitighaw sa (12.)
kumakalam na sikmura. Malaking tulong ito sa pamilya lalo pa't maliit lamang ang kita ng (13.) haligi ng tahanan.
Lagi na lamang (14.)naghihigpit ng sinturon at di manlang mabili ang mga pangunahing pangangailangan ng mga anak.
Sa ganitong negosyo'y maaaring makatuwang ang mga anak upang sila'y (15.) maagang mamulat sa kalakaran ng buhay.

a. Nagugutom b. nagtitipid. c.magkaisip d.ama e. hanapbuhay f. ina g. modelo

D. Basahin ang talata at ibigay ang kahulugan ng formal na salitang may salungguhit. Titik lamang.

a.lapus b. bebot c. magwaswit d. dedma e. kelot f. dyunakis g. mededo

16-18. Kinamkam ni Makatunao ang lahat ng yaman ng kanyang nasasakupan. Kanya ring pinugayan ng dangal ang mga
babae pati na ang asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.
19.Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay.
20.Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin sa malayong paglalakbay.

E. KAALAMAN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Titik lamang.

21. Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas. Tinatawag din itong
panalangin.
a.kulam b . barang c. bulong d. engkanto

22.Ito ang pinakamamabang antas ng wika. Gamit ito ng mga di nakapag-aral.


a.kolokyal b. balbal c. lalawiganin d. pormal

23. Ang * Matud Nila" ay isang awiting bayan ng mga __________.


a. Ilocano b. Bicolano c. Kapampangan d. Bisaya

24. Ang "Labas Donggon ng Hiligaynon", "Maragtas". "Biag ni Lam-ang". * Hudhud at Alim ay ang mga halimbawa ng
_______.
a. alamat b. epiko c.pabula d.tula

25. Ang akdang Si Alimango at si Iput-iput" ay isang pabula ng mga Bisayang ukol sa ___________.
a.paglalabanan ng maliliit na insekto at malalaking hayop
b.paglalaban ng mga lalaki para mapagwagian ng babaeng iniibig
c.paglalaban para sa teritoryo
d.paghahari sa isang tribu

F. Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Titik lamang.

26. Ipinamalita ni Amomongo sa lahat ng kapitbahayan na duwag si Iput-iput kaya't laging nagdadala ng ilaw.
a ipinagsabi b. sinekreto c.ibinulong d. isinigaw

27. Tumugtog ang Bisaya ng kanilang salibaw. pluta, at tambol habang ang mga lalaki ay nagsasayaw sinurog.
a. sayaw ng tagumpay b. sayaw pandigma c. sayaw ng panliligaw d. sayaw ng kasiya

28. Kapag nakakita ng magagandang babae si Labaw Donggon ay nababalisa ito at gusto niya itong maangkin.
a. nalukuko b.kinakabahan c.di mapakali d. natatakot

29.Dumaan sa kapuluan ang napakalakas at nangangalit na bagyo na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng mga ari-
arian.
a. humampas b. pumantay c. di-mapakali d. pinagpapawisan

30. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon
ng pagbaha at kublihan kapag may malakas na bagyo.
a.daungan b. taguan c. akyatin d. tahanan

*PROSESO*
G. Panuto: Ayusin ang mga sumusonod na salitang magkakaugnay ayon sa tindi ng kahulugan. Titik lamang.
(mababa patungo sa pinakamataas)

a.kadamutan 5.____________35.
b.katusuhan 4. ______________34.
c.katipiran 3._________________33.
d.kasakiman 2._____________________32.
e.kakuriputan 1. _______________________ 31.
H. Panuto: Piliin sa ibaba ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga sumusunod na salita batay sa mga
epiko, alamat at pabulang inyong nabasa. Titik lamang.

a. amo, boss
b.mayabang malakas
c.Diyos, Maykapal
d.Maraming mamamatay
E. malakas na hanging may kasamang ulan puminsala ng taot't ari-arian
F.maraming dugo ang aagos
G.kintay-kintay
Salita Denotasyon Konotasyon
Bagyo 36. 37.
Panginoon 38. 39.
Maraming dugo ang dadanak 40. 41.

I. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay.


Panuto. Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang mabuo ito. Titik lamang.

Hanay A Hanay B

42.Naniniwala akong lalabas ang katotohanan a. sapagkat sila ang inatasang magpatupad ng mga programa
43.Iminumungkahing bigyan pa ng panibagong ng pangulo.
kapangyarihan ang Pangulo b. upang kahit papaano ay matulungan.
44.Madalas na ang aberya sa MRT c. ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa pagsakay.
45.kabilang sa ipinagkaloob ng pamahalaan d. upang magamit niya ito sa tahanan at krisis sa kuryente sa
ang edukasyon at mga gawain o trabaho at kanilang mga susunod na taon.
mapagkakakitaan
46.Ang PNP, DSWD, DILG AT DOH ay mga ahensya ng e. dahil puspusan ang ginagawang imbestigasyon ng DOJ laban
pamahalaan na mahalaga. Sa tiwaling awtoridad.

Ang Umiibig na Leon

Sa isang pamayanang kahuyan noong nakalipas na panahon, isang mabangis na leon ang umiibig sa anak ng
mangangahoy. Hiningi niya sa ama ang kamay ng dalaga. Ayaw ng ama na ipakasal ang anak sa leon. Ngunit takot siyang
tanggihan ang hari ng kagubatan. Nag-isip ang ama. Tiwanag niya ang leon at sinabihan.“ Tatanggapin kita,
mapapatunayan mo iyong katapatan at pagmamahal sa aking anak”. Payagan mo akong tanggalin ang iyong mga ngipin at
putulin ang iyong mga kuko". Tinanggap ng Leon ang mungkahi ng ama. Mabilis na binunot ng ama ang ngipin at pinutol
ang kanyang mga kuko. Makalipas ang dalawang araw bumalik ang leon upang hingin ang kamay ng dalaga. Ngunit
handa ang ama. Hindi na siya takot sa Leon. Hinampas niya ng malaking piraso ng kahoy ang Leon. Tumakas ang Leon at
nagtago sa kagubatan. Magmula noon hindi na ginambala ang mag-ama.

Tauhan Tagpuan Kasukdulan Wakas

47. 48. 49. 50.

a. sa kabundukan noong unang panahon


b .Sa isang pamayanang kakahuyan noong mga nakalipas na taon
c. Tumakas ang Leon
d. Ama, Leon, Dalaga
e. Matandang babae, binate leon
f. Nang sinabi ng ama ang kanyang gusto upang mapatunayan ng Leon ang pag-ibig niya sa dalaga
g. Binunot at pinutol ng ama ang ngipin at kuko ng Leon
h. Hindi ma gmambala ng Leon ang mag-ama
i. Pinakasal ng ama ang kanyang anak sa Leon.

You might also like