You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Filipino 8
Pangalan: ________________________________ Taon/Seksyon: ________________ Iskor: _________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala na sumasalamin sa iba’t
ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
a. karunungang-bayan c. kasabihan o kawikaan
b. salawikain d. sawikain
2. Isang uri ng palaisipang nasa anyong patula.
a. bugtong c. kawikaan
b. kasabihan d. idyomatiko
3. Anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
a. dula c. matalinghagang pahayag
b. maikling kuwento d. tula
4. Isang salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag.
a. tayutay c. sawikain
b. pabula d. talinghaga
5. Isang maikling makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
a. salawikain c. pahayag
b. komunikasyon d. maikling kuwento
6. Ano ang simbolo ng salitang guryon?
a.laruan c.saranggola
b.kaibigan d.kapatid
7. Sino ang nagkukuwento sa tula?
a. ama c. kaibigan
b. tao d. eroplanong papel
8. Ito ang pahayag na kilala sa tawag na_______.
a. expresyon c. konsepto
b. eupemismo d. kahulugan
9. Ano ang ipinahiwatig ng saknong? Ang hiling ko lamang bago paliparin, Ang guryon mong ito ay
pakatimbangin; Ang solo’t paulo’y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling
a. makipaglaban hanggang magwagi
b. matutong tumayo at lumaban kahit anumang mangyari sa buhay.
c. ang buhay ay puno ng kasiyahan
d. malalim na pahayag
10. Mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan.
a. matalinghagang pahayag c. hindi tuwiran
b. maikling kuwento d. malalim na pahayag
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
___11. Anong uri ng karunungang-bayan ang “Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan”.
a. Kasabihan b. bulong c. palaisipan d. salawikain
___12. Ito ang karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
a. Kawikaan b. kasabihan c. palaisipan d. bulong
___13. Isa sa mga halimbawa nito ay ang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay isang halimbawa
ng.
a. Bulong b. pabula c. salawikain d. dula
___14. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang salawikain?
a. Naglalaman ng aral at karunungan c. nakatago ang kahulugan
b. Pagpapahalaga d. paglalarawan
___15. “Munting palay. Puno ang buong buhay”. Pilin ang sagot sa bugtong na ito?
a. Langka b. ulap c. langit d. ilaw
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa patlang kung ang paghahambing ay
magkatulad at paghahambing na di magkatulad.
_______16. Higit sa lahat, matalas ang aking isip gaya ng isip ni Biag ni Lam-ang.
_______17. Sinlamig ng hangin ang buong paligid.
_______18. Lalong mahirap ang buhay ngayon kompara sa komplikado buhay noon.
_______19. Parehong maganda ang aking nanay at kapatid dahil magkamukha.
_______20. Higit na mahirap ang pag-aaral ngayon kompara sa dati.
Panuto: Ibigay ang wastong sagot. Isulat sa nakalaang linya ang titik ng wastong sagot.
___21. Sino ang pangunahing tauhan sa epikong Biang ni Lam-ang?
a. Lam-ang b. Bantugan c. Haring Madali d. Haring Miskoyaw
___22. Ang buhay ni Lam-ang ay isang epikong tula ng mga .
a. Maranao b. Ilokano c. Tagalog d. Bisaya
___23. Ano ang kultura ng mga Pilipino na sumasalamin sa epikong Nalandangan?
a. matakaw/madamot b. matulungin/madiskarte c. mabait d. matalino
___24. Sino si Ines sa buhay ni Lam-ang?
a. Guro b. kapatid c. kaibigan d. asawa
___25. Ano ang naging layunin sa epikong Nalandangan?
a. kapangyarihan ng mga lalaki c. ang kakayahan ng kababaihan
b. kapangyarihan ng mga babae d. pag-aasawa ng mga lalaki sa babae
___26. Ito ay isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng katuturan upang mas
maintindihan.
a. pagsusuri b. pagbibigay alam c. pagpapaliwanag d. pagbibigay-katuturan o depinisyon
___27. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagpapalawak ng paksa?
a. mahalaga sa isang particular na Gawain c. mahalaga dahil magkakaugnay ang paksa
b. mahalaga upang maraming natutuhan d. mahalaga sapagkat kawili-wili sa mga mambabasa
___28. Paano naiiba ang bawat teknik sa pagpapalawak ng paksa?
a. pinakapayak na paraan ng pagsulat c. nakatutulong ang kaalaman
b. mabisa at lohikal na pagpapahayag d. maipahayag na may kalinawan
___29. Ito ay isang teknik ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi lamang sa mga bahagi ng
kabuuan ng isang bagay, kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahagi ito sa isa’t isa.
a. paghahawig b. depinisyon c. pagsusuri d. pagtatambis
___30. Anu-ano ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa?
a. pagbibigay katuturan o depinisyon, paghahawig o pagtutulad, pagsusuri
b. pagpapaliwanag, paghahawig, pagmamatyag
c. paghahalaw, pagtatambis, pagsusuri
d. pag-iimbestiga, pagtutulad, pagpapalawag
Panuto: Isulat sa puwang na nasa kaliwa ang titik ng wastong sagot para sa bawat bilang.
___31. Ito ang layunin ng talata na bumuo ng isang malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa.
a. talatang naglalarawan c. talatang nagsasalaysay
b. talatang nangangatwiran d. talatang naglalahad
___32. Aling bahagi ng talata ang nagsasabi sa nilalaman nito?
a. simula b. gitna c. wakas d. pamagat
___33. Alin sa mga sumusunod ang bumuo ng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay at
bigyang linaw ang manunulat.
a. palakasin ang ideya c. gitna
b. simula d. pagbubuod
___34. Ito ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas,
may layunin, at may pag-unlad.
a. dula b. maikling kuwento c. talata d. sanaysay
___35. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang talata ay may kaisahan?
a. nakatago ang kaisipang nais palabasin c. pagsusuri sa estilo ng iyong talata
b. ang mga pangungusap ay umiikot sa isang diwa d. buong-buo ang ideyang inilalahad
Panuto: Isulat sa nakalaang linya ang salitang SANHI o BUNGA kung ang may salungguhit sa
pangungusap ay nagpapahayag ng sanhi o bunga.
_______36. Sumang-ayon ang mga magulang ni Dianne sa kasalan nila ni Esmael kung magbibigay ito ng
malaking halaga na kapantay ng kanilang kayamanan.
_______37. Isang gabi, naitanong ni Mutya ang nangyari sa kaniyang ina dahil hindi pa niya ito nakita
buhat nang siya ay bata.
_______38. Nagsusumikap nang mabuti si Manny sapagkat nais niyang bigyan ng maayos na buhay ang
kanyang pamilya.
_______39. Si Sarah ay mabait na bata palibhasa pinalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang.
_______40. Kaya sa tulong ng mangingisda natagpuan ang mga buto ni Lam-ang na iniluwal ng buwaya
sa iba’t ibang panig ng mundo

You might also like