You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Rehiyon VI- Western Visayas


Sangay ng Aklan
Distrito ng Kalibo II
KALIBO INTEGRATED SPECIAL EDUCATION CENTER

Ikalawang Pagsusulit sa Filipino 8


(IKALAWANG MARKAHAN)
Pangalan: __________________________ Antas at Pangkat:_____________ Iskor: ________________

MARAMIHANG PAGPILI: Panuto. Basahin, unawain at itiman ang letra ng tamang sagot sa huling pahina.
Gumamit ng itim o asul na ballpen lamang.

1. Ang tekstong may tunguhing ipaliwanag ang isang pangyayari, opinyon, kaisipan at proseso.
a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

2. Naglalayong buoin ang imahe o isang biswal na konsepto ng bagay-bagay.


a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

3. Naglalayong maghayag ng sunod-sunod na pangyayari tungo sa kalutasan ng suliranin ng tauhan.


a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

4. Naninindigan sa sariling opinyon at hinihikayat na mapaniwala ang katalo sa kanyang panig.


a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

5. Naglalayong maglahad ng mga kuro-kuro o pananaw ng may-akda.


a. Maikling Kuwento b. Tula c. Sanaysay d. Nobela

6. Anyo ng Panitikan na may dalawang uri.Ito ay ang Pormal at Di-Pormal


a. Maikling Kuwento b. Tula c. Sanaysay d. Nobela

7. Ito ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay.


a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

8. Tumutugon sa mga tanong na sino, saan, kailan at ano.


a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

9. Pagdepensa sa sarili
a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysay c. Paglalarawan d. Paglalahad

10. Nagpapaunawa ng diwang inilahad o nais ipabatid ng sumulat.


a. Pangangatuwiran b. Pagsasalaysa c. Paglalarawan d. Paglalahad

11. Ito’y isang uri ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw ng may-akda tungkol sa isang paksa.
a. sanaysay b. tula c. alamat d. mito

12. May dalawang uri ang sanaysay, ito ay ang __________________.


a. pormal at di pormal b. maragsa at malumi c. tula at dula d. sukat at tugma

13. Ito’y kasangkapang ginagamit ng tao para sa pakikipag-ugnay sa kapwa.


a. tunog b. wika c. musika d. nota

14. Ama ng Wikang Pambansa ng mga Pilipino.


a. Jose Rizal b. Marcelo H. del Pilar c. Andres Bonifacio d.Manuel L. Quezon

15. Sa sanysay na “Ako ay Ikaw”, sino ang tinutukoy ng panghalip na ako sa sanaysay?
a. Wikang Pambansa b. Manuel L. Quezon c. may-akda d. tao

16. Ito ay tumutukoy sa tindi o antas ng kahulugan ng mga salita.


a. pagkiklino b. denotasyon c. konotasyon d. talasalitaan
17. Piliin sa sumusunod ang tamang ayos ayon sa tindi ng kahulugan.
a. maganda,marikit, marilag
b. maganda, marilag, marikit
c. marikit, maganda, marilag
d. marilag, marikit, maganda

18. Alin sa sumusunod ang tamang ayos ayon sa tindi ng kahulugan.


a. malambot, mahina, marupok
b. mahina, marupok, mahina
c. marupok, mahina, malambot
d. mahina, malambot, marupok

19. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapakahulugan ng salita?


a. Mahalaga para malalaman ang gamit ng salita.
b. Lalawak ang natutuhan
c. Lalawak ang kaisipan
d. Uusbong ang kaalaman

20. Alin sa sumusunod nagagamit ang talasalitaan o pagbibigay kahulugan?


a. pagsulat at pagbabasa
b. pamamasyal at panonood
c. pag-awit at pagsayaw
d. pamamasyal at pag-uusap

II. Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang nasa ibaba at sumulat ng iyong sariling pagpapahayag sa isang malinis na papel.
Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa gamit ang rubrik.

1. Maikling sanaysay na di-pormal na naglalarawan. Ang paksa ay pagmamahal sa wika

2. Maikling sanaysay na di-pormal na nagsasalaysay. Ang paksa ay pagmamahal sa wika.

3. Maikling sanaysay na pormal na nagpapaliwanag. Ang paksa ay pagmamahal sa wika.

4. Maikling sanaysay na pormal na nangangatuwiran. Ang paksa ay pagmamahal sa wika.

RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Kraytirya Puntos

1. Naglalahad, Naglalarawan, 10%


Nagsasalaysay o Nangangatwiran
( depende kung anong uri ng
pagpapahayag ang pinili ng mag-aaral.
2. Wastong gamit ng gramatika, bantas, at 5%
kaisahan ng salita at pangungusap

3. Makatotohanan 5%

4. Kalinawan 5%

Kabuoang puntos 25%

You might also like