You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
NEW ORMOC CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SY 2022-2023

IKALAWANG MARKAHAN PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


Pangalan: _________________________________Taon at Pangkat:_______________________Iskor:______

Pangkalahatang Panuto: Basahin ng mabuti ang tanong sa bawat bilang. Itiman ang bilog sa katapat na titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Para sa (bilang 1)

Nangalap ng impormasyon si Joy upang maipaliwanag ang mga terminong ginamit niya sa kanyang
sanaysay.
1. Anong paraan ng pagpapahayag ang ginamit niya?
a. Pagsusuri c. Sanhi at Bunga
b. Pag-iisa-isa d. Paghahambing
Para sa (bilang 2)

Inilahad ng mananaliksik ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding pagbaha matapos ang
malakas na ulan.
2. Ano ang ginamit niyang paraan ng pagpapahayag?
a. Pagsusuri c. Sanhi at Bunga
b. Pag-iisa-isa d. Paghahambing
Para sa (bilang 3)
Magkasing-haba ang buhok nina Mea at Jopay.
3. Alin sa paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap?
a. Pagsusuri c. Sanhi at Bunga
b. Pag-iisa-isa d. Paghahambing
Para sa (bilang 4)

Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa at
ampalaya.
4. Alin sa paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap?
a. Pagsusuri c. Pag-iisa-isa
b. Sanhi at Bunga d. Paghahambing
5. Alin ang pasalungat na argumento sa pagbuo ng batas para sa same Sex Marriage?
a. Ipaglaban ang pag-ibig at patunayan sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib.
b. Maari silang ikasal kung walang masasaktan na kapwa nila tao.
c. Ang pag-ibig ay bulag at may Karapatan ang lahat na umiibig at ikasal.
d. Hindi nararapat na ikasal ang parehong kasarian dahil ito’y labag sa batas ng Diyos at batas ng tao.

6. Tukuyin ang pagsang-ayon na pahayag sa Argumento ng Pagbabalik ng Face-to-Face Class.


a. Malalagay sa panganib ang buhay ng mga mag-aaral dahil sa Covid-19.
b. Talagang marami ang nasasabik sa pagbabalik ng face to face class dahil mas natututo ang mga bata sa
Pagtuturo ng mga Guro.
c. Mahirap makipagsapalaran sa face-to-face class hanggat may COVID-19 pa.
d. Makapag-aaral ang mga estudyante sa pamamagitan ng tv, radio at internet.
7. Alin sa mga sumusunod na argumento ang naghuhudyat ng pagsang-ayon?
a. Hindi tamang ako ang tagahugas ng pinggan sa amin dahil marami naman kaming magkakapatid na maaaring
gumawa nito.
b. Sa panahon ng pandemyang tulad ng nararanasan natin sa kasalukuyan, sang-ayon ako na maging tagahugas
ng pinggan sa aming bahay dahil makatutulong ito upang mabawasan ang pagod ng aking mga magulang sa
paghahanapbuhay.
c. Hindi ako sang-ayon na lagi na lamang ako ang pinaghuhugas ng pinggan sa bahay.
d. Ayaw kong ako ang laging tagahugas ng pinggan sa aming bahay.
8. Siya ay isang babaeng nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang panig na nagtatalo.
a. Lakambini c. Lakandiwa
b. Lakanbini d. Lakamdiwa
9. Ano ang naging pananda o patunay ng pagdakila sa ama ng makatang tagalog sa rehiyon ng ilocos?
a. Bukanegan c. Crissotan
b. Karagatan d. Duplo
10. Siya ang tinaguriang ama ng Dulang Pilipino at Ama ng Sarsuwelang Tagalog?
a. Francisco Baltazar c. Lope k. Santos
b. Severino Reyes d. Jose Corazon de Jesus
11. Siya ang tinaguriang ama ng Balagtasan?
a. Francisco Baltazar c. Lope k. Santos
b. Severino Reyes d. Jose Corazon de Jesus
12. Ito ay anyo ng dulang musical na may kantahan at sayawan na ang layunin ay magtanghal sa mga tanghalan.
a. Sarsuwela c. Pagsasadula
b. Teatro d. Balagtasan
Para sa (Bilang 13-17)

Mangarap ka at abutin mo’to wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong
tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi
at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa
kili-kili. Sa bandang huli, ikaw rin ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan na bait sa sarili.
Sanggunian: Ong, Bob . Stainless Longganisa. Pasay City: Visprint, Inc., 2005.

13. Anong uri ng sanaysay ang pahayag sa itaas?


a. Di-pormal na sanaysay c. Pormal na sanaysay
b. Sanaysay d. A at B
14. Alin ang kasingkahulugan ng sinalungguhitan na salitang mangarap?
a. Magmasid c. Umangat sa buhay
b. Magdasal d. Hinahangad o ninanais
15. Alin ang kasingkahulugan ng salitang manisi?
a. Maniwala c. Balingan
b. Murahin d. Makipag-away

16. Alin ang Denotatibo ng sinalungguhitan na salitang rebelde?


a. Grupo ng mga tao kung saan hindi sila sang-ayon sa batas o gobyerno.
b. Sumasang-ayon sa nakagisnang ideya o sitwasyon.
c. Nakikipag-away sa kanyang kapitbahay.
d. Lahat ng sagot ay tama.
17. Alin ang konotatibo ng sinalungguhitan na salitang rebelde?
a. Matigas ang ulo c. Hindi sumusunod
b. Hindi nakikinig d. Lahat ng sagot ay tama.
18. Sila ang nagbibigay buhay sa iskrip ng Sarsuwela?
a. Eksena at Tagpo c. Gumaganap o Aktor
b. Tagadirehe o Direktor d. skrip o nakasulat na dula
19. Ito ang pinaka-kaluluwa ng isang dula
a. Eksena at Tagpo c. Gumaganap o Aktor
b. Tagadirehe o Direktor d. skrip o nakasulat na dula
20. Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip?
a. Eksena at Tagpo c. Gumaganap o Aktor
b. Tagadirehe o Direktor d. Iskrip o nakasulat na dula
21. Ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan at pagpapalit ng tagpuan.
a. Eksena at Tagpo c. Gumaganap o Aktor
b. Tagadirehe o Direktor d. Iskrip o nakasulat na dula
Para sa (Bilang 22-26)

Natatalastas mong sa iyong pananim


Iba ang aani’t iba ang kakain
Datapuwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw
Ang magpakasakit nang sa iba dahil.

22. Mula sa siping saknong sa tulang Kabayanihan ni Lope K. Santos, Suriin ang sukat na ginamit?
a. Wawaluhin c. Lalabindalawahin
b. Lalabing-animin d. Lalabing-waluhin
23. Ano ang ginamit na panlahat na uri ng tugma sa tulang kabayanihan?
a. Tugmang katinig c. Tugmang patinig
b. Tugmang pantig d. Tugma na pareho
24. Ano ang ginamit na ayos ng tugma sa tulang kabayanihan?
a. A-A-B-B c. A-B-B-C
b. A-B-C-D d. B-B-A-A
25. Alin sa anyo ng tula ang ginamit sa tulang kabayanihan?
a. Walang sukat na may tugma c. May sukat na walang tugma
b. Malayang taludturan d. Tradisyonal na Tula
26. Ano ang mensahe ng siping saknong sa tula ni Lope K. Santos?
a. Kabayanihan c. Pagmamahalan
b. Pagtutulungan d. Makabayan

Para sa (Bilang 27-28)

“ Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruang pula, puti, asul,
Na may pangalan mong sa gitna naroon”.
-Mula sa Tulang Guryon ni Idefonso Santos-

27. Ano ang ipinapahiwatig na mensahe sa siping saknong sa tulang Guryon ni Idenfonso Santos?
a. Ito ay kumakatawan sa pagkatao at pagkakakilanlan
b. Ito ay sumisimbolo sa malawak na pag-iisip
c. Ito ay tumutukoy sa pagiging malikhain
d. Ito ay nagsisilibing gabay sa buhay
28. Ang pahayag sa itaas ay isang halimbawa ng?
a. Tula c. Maikling Kwento
b. Sanaysay d. Balagtasan
Para sa (Bilang 29)

Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba’t ibang dahilan kung
bakit sila na-eenganyo sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social
media. Maaari ka ring maglaro ng online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at
saloobin gamit ang iba’t- ibang site.
29. Ano ang pangunahing kaisipan sa maikling talata sa itaas?
a. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang social media
b. Maaari ka ring maglaro ng online games
c. Makapagpapahayah ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.
d. Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet.
Para sa (Bilang 30)

Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal. Nag
unti-unti na itong malampasan ng bansa, nagkaroon naman ng pandemya. Higit sa mga
pangyayaring iyon, umusbong ang pagtutulungan, pagbabayanihan at pagiging bukas-palad
nating mga Pilipino. Punong-puno man ng mga pagsubok ang taong 2020, babangon tayo.

30. Ano ang pangunahing kaisipan sa maikling talata sa itaas?


a. Punong-puno man ng mga pagsubok ang taong 2020 babangon tayo.
b. Pagpasok pa lamang ng taon, nariyan ang hindi inaasahang pagputok ng Bulkang Taal.
c. Unti-unti na itong malampasan ng bansa.
d. Higit sa mga pangyayaring iyon, umusbong ang pagtutulungan
para sa (Bilang 31)

Kung ang talino’y ginamit sa mabuting paraan


Walang pagsalang ito’y dapat nating hangaan
Ngunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamang
Bagkus ay dapat pang ito ay pintasan

31. Suriin ang pahayag, ano ang makabuluhang tanong ang maaring Iugnay sa bahagi ng palitan ng katuwiran?
a. Kahanga hanga ba ang taong matalino
b. Katalinuhan ba ang panlalamang sa kapwa
c. Sa anong paraan dapat gamitin ang talino ng tao?A
d. Dapat bang manlamang sa kapwa?
Para sa (Bilang 32-35)

Ang 32. ______________ay isang uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari
upang maibigay o mailahad ang kaukulang paliwanag sa ikalilinaw ng paksang
pinag-uusapan. Ang akdang ito ay maaring maikli o mahaba. Iniayos na lamang
ang inihayag na 33. _________________, 34. _______________,35. __________________at sa pananaw ng
manunulat.

32-35. Buoin ang bawat patlang sa talata at hanapin ang sagot nito sa ibaba.
a. Pangyayari
b. Sanaysay
c. Kuro-kuro o opinion
d. Damdamin at saloobin
e. Pag-unawa sa kaisipan
f. Pananaliksik

You might also like