You are on page 1of 12

FILIPINO 9

MAIKLING KWENTO NG CHINA


ARALIN 2.4: MAIKLING KWNETO NG CHINA

Niyebeng Itim ni Liu Heng

Nagmamadali ang Maynila

Pagpapalawak ng Pangungusap Gamit ang Panuring


Niyebeng Itim ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
Ang paksang tatalakayin ay isang maikling kuwento na nagmula sa
bansang China. Matutunghayan dito ang pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan upang muling makabangon mula sa madilim na
nakaraan. Makikita rin dito ang pakikitungo ng mga tao sa isang
katulad niyang nadapa at pilit na bumabangon.
Niyebeng Itim ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra

Si Li Huiquan ay isang dating bilanggo at ulilang lubos na


nagsusumikap upang makabangon muli. Bisperas ng bagong taon noong
nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang litrato kasama ang kanyang tiya Luo.
Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa Red
Palace Photo Studio. Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng
lisensya para sa kariton at pagtitinda ng prutas.
Naaprubahan ang pagkuha n’ya ng kariton ngunit sa pagtitinda ng
prutas ay hindi. Puno na kasi ang kota. Hindi rin nakatulong ang kontak ng kaniyang
tiya Luo o ayaw ng tumulong. Ang nais sana ni Huiquan ay lisensiya sa tindahan ng
prutas sapagkat mabilis kumita dito, ngunit ang tanging naron ay lisensya para sa
tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala ng pakialam si Huiquan kahit anong
itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit pa mas mahirap ibenta ang damit kaysa
prutas.
Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang
matabang mama na si Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong
Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito,
ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Hapon. Magalang na
yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa
kampo.
Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor, at tagamasid
na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila-iyon ang pagsasanay.
Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama
-- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay
isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.
Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na manood ng
magandang palabas sa tv ngunit tumanggi ito sa
kadahilanang marami pa itong gagawin. Ibinigay kay
Huiquan ang pwesto sa may timog ng silangang tulay.
Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga
paninda nya.
"Sapatos na tatak Perfection mula shenzen free
economic zone! sapatos
tatak perfection gawa sa Shenzen..." ang sigaw ni
Huiquan. Ngunit wala pa
rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na
nagsara sa hanay ng mga
tindahan na naroon.
Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala
siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras simula ng
magbukas ang kanyang tindahan ay nakabenta siya ng damit na pang army sa
apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay
nagkulay talong ang mga labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang
kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.
Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang
negosyo. Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili
ng mga karpintero. Mas mabuting maghintay kaysa
umayaw dahil hindi naman sa lahat ng
pagkakataon ay malas ka diba?

You might also like