You are on page 1of 2

MASVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL

KAGAWARAN ng FILIPINO
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Guro GNG. JONAH S. BAUTISTA


Baitang/Antas G-9
Petsa PEBRERO 26, 2020
Markahan at Linggo: IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO

I.Layunin

A.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas
B.Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere
na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon)
(UNANG ARAW)
C.Mga Kasanayang Pagkatuto: F9PN-IVc-57
Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa piling kabanata ng nobela at naiuugnay sa
kasalukuyang panahon.
D.Mga Kasanayang Pagkatuto sa F9PB-IVc-57
bawat Domain: Nakikilala ang tauhan at Nahihinuha ang katangian at kahalagahan ng bawat isa sa nobela.
II.Nilalaman ELIAS
 Kabanata X: Elias at Salome
 Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig
 Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias
 Kabanata 52: Ang mga Baraha ng mga Patay at ang mga anino
KAGAMITANG PANTURO: Sipi ng akda, laptop, Video Presentation, at Powerpoint Presentation
A.Sanggunian  Aklat ng Noli Me Tangere, Jose Rizal Apps sa cellphone

B. Iba pang kagamitan sa pagtuturo (mula sa  Gabay sa pagtuturo ng Filipino 9 (Modyul sa Guro)
portalng Learning Resource)
 Curriculum Guide

III.PAMAMARAAN:
A.Balik-aral sa nakaraang  Pagpapakita ng larawan ukol kay Elias
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin.

 Pagkilala at Pagbigay ng ilang katangian nito.


B.Pag-uugnay ng mga  Talasalitaan
halimbawa sa bagong aralin Panuto: Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pangungusap
1. Isang langkay ng mga binibini,magulang at utusang babae ang naglakbay
patungo sa gawaing lawa. GRUPO
2. Ang relihiyon at ang pamahalaan ay di nagpapabaya sa pagkandili sa kanila .
PAG-AARUGA
3. Napatda ang lahat nang biglang sirain ni Padre Salvi ang aklat ng Gulong ng
Kapalaran. NAGULAT
4. Paanas na nagdasal ng ilang orasyon at nag-antanda si Lucas. PABULONG
5. Ang taong iyan ang imbing nagbintang at umupasala sa aking nunong lalaki.
HUMAMAK
C. Pagtalakay ng bagong  Tahimik na pagbasa ukol sa buod ng mga sumusunod na kabanata
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan. ELIAS
 Kabanata X: Elias at Salome (Pangkat 1)
 Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig (Pangkat 2)
 Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias (Pangkat 3)
Kabanata 52: Ang mga Baraha ng mga Patay at ang mga anino(Pangkat
4)

D. Paglinang ng Kabihasaan Pangkatang Gawain


(Tungo sa Formative Assessment)  Pagbibigay ng Gawain ng guro ukol sa mga mahahalagang pangyayari sa
kabanatang binasa ng bawat pangkat.

PANGKAT 1: Maikling dulaan ukol sa pagtatagpo nina Elias at Salome


sa (Kab.X)
PANGKAT 2: Pagpapakita ng larawan o make a picture ukol sa usapan
nina Elias at Kapitan Pablo (Kab.45)
PANGKAT 3: Pag-uulat sa pamamagitan ng Story Ladder sa (Kab. 50)
PANGKAT 4: Pagtatanghal sa pamamagitan ng 3R, Read-Re-enact-
React (Kab.52)

Pamantayan ng Pagmamarka

 Nasagot nang wasto ang mga katanungan


 Naitanghal nang malikhain ang Gawaing iniatas.
 Maayos at malinaw na naitanghal ang presentasyon.
 Nakitaan ng Pagkakaisa ang bawat kasapi ng pangkat.

Ang katumbas na iskor ay:

4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Hindi Mahusay
1 – Kinakailangan pang Linangin

 Presentasyon ng Bawat Pangkat


 Pagmamarka ng bawat Pangkat sa Presentasyong itinanghal
 Pangkat 1-4 – Pangkat 2-3 (Pagmamarka vice-versa)
 Pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa pangyayari.

E. Paglalapat ng aralin sa pang-  Pag-uugnay ng kaisipan sa pangyayaring naganap sa nobela at sa kasalukuyang


araw-araw na buhay panahon.

 Pangkat 1: Kabanata X (Elias at Salome)


KAISIPAN: “Ang tunay na pag-ibig ay yaong handing isakripisyo ang lahat
maging ang kanyang sarili”
 Pangkat 2: Kabanata 45(Ang mga Pinag-uusig)
KAISIPAN: Ang mga hinaing ng mga naaapi ay kailangang dinggin ng
pamahalaan”
 Pangkat 3: Kabanata 50(Ang Kaanak ni Elias)
KAISIPAN: May mga taong nasasawi,dahil sa kagagawan o inggit sa kapwa”
 Pangkat 4: Kabanata 52(Ang mga Baraha ng mga Patay at
Ang mga Anino)
KAISIPAN: Ang paggawa ng bagay na di tiyak ay di nagbubunga nang mabuti”
F. Paglalahat ng aralin:
 Sa kabila ng kasawiang naranasan ng mga ninuno ni Elias dulot ng angkan ni
Crisostomo Ibarra. Magagawa mo bang kalimutan na lang ang lahat at ipagpatuloy
ang pagtulong sa kaibigang nagdulot ng kasawian sa iyong ninuno? Oo o Hindi?
Ipaliwanag.

G. Pagtataya:  Pagbibigay ng maikling Quiz 5 aytem ng mga mag-aaral.


 Pagwawasto sa kanilang sagot.

H. Karagdagang Gawain para sa • Basahin at alamin ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang may
Takdang aralin o remediation kaugnayan kay Elias.

Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang


Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata 55: Ang Kapahamakan
Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa
Kabanata 63: Ang Noche Buena

You might also like