You are on page 1of 6

MASVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL

KAGAWARAN ng FILIPINO
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Guro GNG. JONAH S. BAUTISTA


Baitang/Antas G-9
Petsa PEBRERO 28, 2020 ( Guijo- 12:40-1:40)
Markahan at Linggo: IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAPITONG LINGGO

I.Layunin

A.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas
B.Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere
na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon)
(UNANG ARAW)
C.Mga Kasanayang Pagkatuto: F9PN-IVc-57
Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa piling kabanata ng nobela at naiuugnay sa
kasalukuyang panahon.

D.Mga Kasanayang Pagkatuto sa F9PB-IVc-57


bawat Domain: Nakikilala ang tauhan at Nahihinuha ang katangian at kahalagahan ng bawat isa sa nobela.

II.Nilalaman ELIAS
 Kabanata X: Elias at Salome
 Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig
 Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias
 Kabanata 52: Ang mga Baraha ng mga Patay at ang mga anino
KAGAMITANG PANTURO: Sipi ng akda, laptop, Video Presentation, at Powerpoint Presentation
A.Sanggunian  Aklat ng Noli Me Tangere, Jose Rizal Apps sa cellphone

B. Iba pang kagamitan sa pagtuturo (mula sa  Gabay sa pagtuturo ng Filipino 9 (Modyul sa Guro)
portalng Learning Resource)
 Curriculum Guide

III.PAMAMARAAN:

A.Balik-aral sa nakaraang  Pagpapakita ng larawan ukol kay Elias


aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin.

 Pagkilala at Pagbigay ng ilang katangian nito.


B.Pag-uugnay ng mga  Talasalitaan
halimbawa sa bagong aralin Panuto: Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa pangungusap
1. Isang langkay ng mga binibini,magulang at utusang babae ang naglakbay
patungo sa gawaing lawa. GRUPO
2. Ang relihiyon at ang pamahalaan ay di nagpapabaya sa pagkandili sa kanila .
PAG-AARUGA
3. Napatda ang lahat nang biglang sirain ni Padre Salvi ang aklat ng Gulong ng
Kapalaran. NAGULAT
4. Paanas na nagdasal ng ilang orasyon at nag-antanda si Lucas. PABULONG
5. Ang taong iyan ang imbing nagbintang at umupasala sa aking nunong lalaki.
HUMAMAK
C. Pagtalakay ng bagong  Tahimik na pagbasa ukol sa buod ng mga sumusunod na kabanata
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan. ELIAS
 Kabanata X: Elias at Salome (Pangkat 1)
 Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig (Pangkat 2)
 Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias (Pangkat 3)
Kabanata 52: Ang mga Baraha ng mga Patay at ang mga anino(Pangkat
4)

D. Paglinang ng Kabihasaan Pangkatang Gawain


(Tungo sa Formative Assessment)  Pagbibigay ng Gawain ng guro ukol sa mga mahahalagang pangyayari sa
kabanatang binasa ng bawat pangkat.

PANGKAT 1: Maikling dulaan ukol sa pagtatagpo nina Elias at Salome


sa (Kab.X)
PANGKAT 2: Pagsasagawa ng debate ukol sa paghihiganti ni Kapitan Pablo
(Kab.45)
PANGKAT 3: Pagsasagawa ng Talk Show na may kaugnayan sa
kabanatang iniatas ng guro (Kab. 50)
PANGKAT 4: Pagpapakita ng larawan hinggil nilalaman ng kabanata
(Kab.52)

Pamantayan ng Pagmamarka
 Naiiugnay sa kasalukuyan ang mga naganap sa nilalaman ng kabanata.
 Naitanghal nang malikhain ang Gawaing iniatas.
 Maayos at malinaw na naitanghal ang presentasyon.
 Nakitaan ng Pagkakaisa ang bawat kasapi ng pangkat.

Ang katumbas na iskor ay:

4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Hindi Mahusay
1 – Kinakailangan pang Linangin

 Presentasyon ng Bawat Pangkat


 Pagmamarka ng bawat Pangkat sa Presentasyong itinanghal
 Pangkat 1-4 – Pangkat 2-3 (Pagmamarka vice-versa)
 Pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa pangyayari.

E. Paglalapat ng aralin sa pang-  Pag-uugnay ng kaisipan sa pangyayaring naganap sa nobela at sa kasalukuyang


araw-araw na buhay panahon.

 Pangkat 1: Kabanata X (Elias at Salome)


KAISIPAN: “Ang tunay na pag-ibig ay yaong handing isakripisyo ang lahat
maging ang kanyang sarili”
 Pangkat 2: Kabanata 45(Ang mga Pinag-uusig)
KAISIPAN: Ang mga hinaing ng mga naaapi ay kailangang dinggin ng
pamahalaan”
 Pangkat 3: Kabanata 50(Ang Kaanak ni Elias)
KAISIPAN: May mga taong nasasawi,dahil sa kagagawan o inggit sa kapwa”

 Pangkat 4: Kabanata 52(Ang mga Baraha ng mga Patay at


Ang mga Anino)
KAISIPAN: Ang paggawa ng bagay na di tiyak ay di nagbubunga nang mabuti”
F. Paglalahat ng aralin:
 Sa kabila ng kasawiang naranasan ng mga ninuno ni Elias dulot ng angkan ni
Crisostomo Ibarra. Magagawa mo bang kalimutan na lang ang lahat at ipagpatuloy
ang pagtulong sa kaibigang nagdulot ng kasawian sa iyong ninuno? Oo o Hindi?
Ipaliwanag.

G. Pagtataya:  Pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.


1. Ang babaeng iniibig ni Elias.
a. Maria Clara c. Sisa
b. Salome d. Victoria
2. Ang taong hinahanap ni Elias na nagdulot ng kasawian sa kanyang mga
ninuno.
a. Don Saturnino c. Don Pedro Eibarramendia
b. Don Rafael Ibarra d. Don Tiburcio de Espadaña
3. Ang ituturong utak ng paglusob sa bayan ay si _____________.
a. Crisostomo Ibarra c. Elias
b. Kapitan Tiyago d. Kapitan Heneral
4. Ang pinuno ng mga tulisan na kausap ni Elias.
a. Kapitan Basilio c. Kapitan Tiyago
b. Kapitan Heneral d. Kapitan Pablo
5. Ang unang dumating sa sementeryo at nanalo sa baraha ng mga patay.
a. Pedro c. Lucas
b. Elias d. Bruno

H. Karagdagang Gawain para sa • Basahin at alamin ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang may
Takdang aralin o remediation kaugnayan kay Elias.

Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang


Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata 55: Ang Kapahamakan
Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa
Kabanata 63: Ang Noche Buena

Inihanda ni: Gng. Jonah S. Bautista

Guro sa Filipino 9

MASVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL


KAGAWARAN ng FILIPINO
PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Guro GNG. JONAH S. BAUTISTA


Baitang/Antas G-9
Petsa PEBRERO 28, 2019 (Narra -11:40-12:40)
Markahan at Linggo: IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAPITONG LINGGO

I.Layunin

A.Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas
B.Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere
na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon)
(IKALAWANG ARAW)
C.Mga Kasanayang Pagkatuto: F9PN-IVc-57
Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa piling kabanata ng nobela at naiuugnay sa
kasalukuyang panahon.
D.Mga Kasanayang Pagkatuto sa F9PN-IVi-j-61
bawat Domain: Naibabahagi ang sariling damdamin sa naging kapalaran ng tauhan sa akda at ang pag-
unawa sa damdamin ng tauhan batay sa napakinggang talakayan.
II.Nilalaman ELIAS
Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang
Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata 55: Ang Kapahamakan
Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa
Kabanata 63: Ang Noche
KAGAMITANG PANTURO: Sipi ng akda, laptop, Video Presentation, at Powerpoint Presentation
A.Sanggunian  Aklat ng Noli Me Tangere, Jose Rizal Apps sa cellphone

B. Iba pang kagamitan sa pagtuturo (mula sa  Gabay sa pagtuturo ng Filipino 9 (Modyul sa Guro)
portalng Learning Resource)
 Curriculum Guide

III.PAMAMARAAN:

A.Balik-aral sa nakaraang  Balik-aral ukol sa katangian ni Elias at sa mga mahahalagang pangyayari na


aralin at/o pagsisimula ng naganap sa buhay ni Elias
bagong aralin. ELIAS
 Kabanata X: Elias at Salome (Pangkat 1)
 Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig (Pangkat 2)
 Kabanata 50: Ang Kaanak ni Elias (Pangkat 3
 Kabanata 52: Ang mga Baraha ng mga Patay at ang mga anino(Pangkat 4)
 Magpapakita ang guro ng mga larawan sa bawat kabanata at isasalaysay ito ng mga
mag-aaral sa bawat pangkat.
 Pagbabahagi ng bawat pangkat ng mga mahahalagang pangyayari sa piling
kabanata

B.Pag-uugnay ng mga Talasalitaan


halimbawa sa bagong aralin Gamitin sa pangungusap ang mga salitang binigyan ng kahulugan
1. Yayat ang mukha – payat na mukha
2. Tigmak ng dugo – basing-basa ng dugo
3. Hindi alintana ang sugat – di pinansin
4. Sinusuhayan ng katawan – tinutukuran ng katawan
5. Silaban ang bangkay – sunugin ang bangkay
C. Pagtalakay ng bagong  Tahimik na pagbasa ukol sa buod ng mga sumusunod na kabanata.
konsepto at paglalahad ng bagong ELIAS
kasanayan. Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang
Di Nagkakamit ng Parusa (Pangkat 1)
Kabanata 55: Ang Kapahamakan (Pangkat 2)
Kabanata 61: Ang Pamamaril sa Lawa (Pangkat 3)
Kabanata 63: Ang Noche (Pangkat 4)

D. Paglinang ng Kabihasaan Pangkatang Gawain


(Tungo sa Formative Assessment)  Pagbibigay ng Gawain ng guro ukol sa mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang bin

PANGKAT 1: Make a picture sa nilalaman ng mga pangyayari sa


Kabanata 54
PANGKAT 2: Pagsasagawa ng isang talk show ukol mangyayaring
kapahamakan ng mga taugan sa kabanata 55
PANGKAT 3: Pagbabalita ukol sa naganap na pamamaril sa Lawa
sa kabanata 61
PANGKAT 4: Pagsasadula ng mahahalagang pangyayari sa
Noche Buena Kabanata 63

Pamantayan ng Pagmamarka

 Nasagot nang wasto ang mga katanungan


 Naitanghal nang malikhain ang Gawaing iniatas.
 Maayos at malinaw na naitanghal ang presentasyon.
 Nakitaan ng Pagkakaisa ang bawat kasapi ng pangkat.

Ang katumbas na iskor ay:

4 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 – Hindi Mahusay
1 – Kinakailangan pang Linangin

 Presentasyon ng Bawat Pangkat


 Pagmamarka ng bawat Pangkat sa Presentasyong itinanghal
 Pangkat 1-4 – Pangkat 2-3 (Pagmamarka vice-versa)
 Pagbibigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa pangyayari.

E. Paglalapat ng aralin sa pang-  Pag-uugnay ng kaisipan sa pangyayaring naganap sa nobela at sa kasalukuyang


araw-araw na buhay panahon.

 Pangkat 1: Kabanata 54 (Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di


Nagkakamit ng Parusa)
KAISIPAN: “Walang lihim na di nabubunyag, ang mga nagkakasala
ay dapat maparusahan”
 Pangkat 2: Kabanata 55(Ang Kapahamakan)
KAISIPAN: “Masakit mapagbintangan sa salang hindi ikaw ang may
gawa”
 Pangkat 3: Kabanata 61(Ang Pamamaril sa Lawa)
KAISIPAN: “Tunay na dakila ang isang taong nag-alay ng kanyang
buhay para sa bayan o sa kaibigan”
 Pangkat 4: Kabanata 63(Ang Noche Buena)
KAISIPAN: “Hindi hadlang ang kahirapan upang makatulong sa
iyong kapwa”

F. Paglalahat ng aralin:
 Bigyang Katwiran ang mga sumusunod.
1. Makatwiran ba ang kinahinatnan ng tauhang si Elias sa pag-alay ng kanyang
buhay para sa pagtatanggol sa bayan at kay Ibarra?
2. Ang pagkamatay ni Sisa dulot ng sobrang kapighatian at tuluyang pagkaulila
ni Basilio?

G. Pagtataya:  Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Dahil sa natuklasang pag-aalsa dali-daling pumunta si Padre Salvi sa bahay ng
_______________.
a. Komandante c. alperes
b. Kapitan Heneral d. Kapitan Tiyago
2. Ang napabalitang namatay sa pamamaril sa Lawa.
a. Elias c. Crisostomo Ibarra
b. Basilio d. Pilosopo Tasyo
3. Ang bisita ni Crisostomo Ibarra sa kanyang laboratory na nagbalita ukol sa
magaganap na paglusob ng mga tulisan sa kumbento.
a. Kapitan Heneral c. Lucas
b. Elias d. Nol Juan
4. Nagkita ang mag-inang Sisa at Basilio sa _______________.
a. Bisperas ng Pasko c. Araw ng Pasko
b. Araw ng mga Patay d. Bagong Taon
5. May usapan sina Elias at Ibarra na magkikita sa _______________.
a. Tribunal c. Sa Gubat ng Ibarra
b. Sa bahay ni Maria Clara d. Sa puno ng Balete

H. Karagdagang Gawain para sa • Basahin at alamin ang mga mahahalagang pangyayari sa kabanatang may
Takdang aralin o remediation kaugnayan kay Sisa

Kabanata 15: Ang mga Sakristan


Kabanata 16: Si Sisa
Kabanata 17: Si Basilio
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

Inihanda ni: Gng. Jonah S. Bautista

Guro sa Filipino 9

You might also like