You are on page 1of 12

GURO: Annabella B.

Requilme BAITANG: 9
DAILY PETSA: Abril 23, 2022 ASIGNATURA: FILIPINO
LESSON MARKAHAN: Ikaapat na
LOG PANGKAT: Hybrid/Flexible Markahan (una at ikalawang
linggo)

TEMA Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano


PAMANTAYANG Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang
PANGNILALAMAN pampanitikan ng Pilipinas
PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o
PAGGANAP storyboard tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga
katangian (dekonstruksiyon)
POKUS NA MGA Bakit kailangang pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?
TANONG
Paano nakaimpluwensiya ang Noli Me Tangere sa pagkamakabayan ng mga
Pilipino?

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag (F9PT-IVc-57)


 Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
- pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
- pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino
(F9PN-IVa-b-56)
 Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan
(F9PT-IVg-h-60)
 Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang mga epekto nito
matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan (F9PB-IVa-b-56)
 Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa (F9PN-IVc-57)
SYNCHRONOUS CLASS
Linangin
I. Layunin
A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita mula sa
mga tatalakaying kabanata.
B. Nasusuri ang mga kaganapan sa mga tatalakaying kabanata.
C. Natutukoy ang mga isyung panlipunang nakapaloob sa bawat
tatalakaying kabanata.
D. Nailalahad ang magagandang pahayag ng mga tauhan.
E. Nailalarawan ang mga kaisipang ipinararating ng bawat
kabanata sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo.
F. Naibibigay ang mga bisang pampanitikang nakapaloob sa bawat
kabanata.
G. Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salita ng bawat
pangungusap.

II. Nilalaman

Panitikan:
Noli Me Tangere
 Kabanata 46- Ang Sabungan
 Kabanata 47- Ang Dalawang Senyora
 Kabanata 48- Ang Talinghaga
 Kabanata 49- Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Gramatika/Retorika:
Tamang paggamit ng angkop na pandiwa sa mga pangyayari sa bawat
kabanata

Uri ng Teksto:
Naglalarawan

III. Kagamitang Panturo


A. Sangguninan
1. Pahina sa Gabay
ng guro
2. Pahina sa Kanlungan 10, Batayan at Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at
Kagamitan ng mga Panitikang Filipino Batay sa Bagong K-12 Kurikulum, Estrella Pena et
mag-aaral al., 2015 ELP campus Journal Painting
3. Pahina sa Obra Maestra III (Bagong Edisyon) Noli Me Tangere, Lourdes L.
Batayang Aklat Miranda et al., 2006, Rex Bookstore Inc.

Noli Me Tangere, Cresenciano C. Marquez Jr. at Teresita P. Capili-


Sayo, Phoenix Publishing

B. Iba pang Kagamitang Laptop, Projector, PPT, Mga Larawan mula sa Internet, Cartolina,
Panturo Masking tape, Permanent Marker
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Rutinang a. Panalangin
Pansilid-aralan b. Pagbati
c. Pagtala ng liban sa klase
d. Mga paalala
e. Pagsasaayos ng silid-aralan
Dugtungan Portion
B. Pagganyak Panuto: Gamit ang mga larawan magbigay ng mga salita o parirala na
maaaring ikonekta para makabuo ng isang kwento.

1.

Sagot:
2.

Sagot:

3.

Sagot:

4.

Sagot:
B. Paghahawan ng Paglinang ng Talasalitaan
Sagabal Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salita sa
ibaba. Pagkatapos, gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

C. Pagpapabasa ng
akda at Pagtalakay
sa akda Pagtalakay sa Aralin

1.Pagpapanood sa buod ng kabanata 46, 47, 48, at 49


 Narito ang link na panonoorin para sa bawat ng buod ng
kabanata

https://youtu.be/tzWi7b9-91U

D. Pagbibigay input ng
guro ALAM MO BA?

INPUT NG GURO SA KABANATA 46


 Si Rizal bilang mangangatha (fictionist) ay sunod sa tradisyon ng
Realismo, isang kalakarang pampanitikan noong ika-19 na siglo.
Inspirado ang pagkasulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ng dalawang dakilang manunulat na Pranses at
kilalang haligi ng Realismo sa Europa sina Emil Zola at Victor
Hugo (binasa rin niya si Charles Dickens ng Estados Unidos).
 Matagal na panahong tumigil sa Pransya, “naging lohikal para
kay Rizal na humango ng mga leksyon sa bayan at
paglalarawan ng mga suliraning sosyal at pulitikal sa makabago’t
progresibong mga manunulat na nag-aadhika ng demokrasya at
higit na kalayaan para sa sangkatauhan” (Aklat ng mga
Teoryang Pampanitikan: Tradisyunal at Makabago, 1989).

MGA KATANUNGAN
 Paano mo mailalarawan ang iba’t ibang uri ng taong pumupunta
sa sabungan?
 Isa-isahin ang masamang epekto ng pagkakalulong sa sabong o
anumang masamang bisyo?
 Ano ang hinihinging kapalit ni Lucas sa perang ibinibigay niya?
 Bakit nabanggit ang pangalan ni Ibarra? Siya ba ay katulad ng
mga sabungero? Ipaliwanag.

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA 46


 Ang Sabungan? Dito’y makatotohanan at obhektibo ang
paglalarawan at pagsasalaysay ng kapaligiran (setting), ng mga
tao (ang mga dukkha, mangmang, dayukdok, at ang may
katangian ng pangkaraniwang tao), ng mga sentido at
sensibilidad, impluwensiya ng kalikasan at kapaligiran sap ag-
unlad ng mga pagbabago sa tao, kasama na ang angkin nitong
karunungan.
 Ipinakita rito ang pangunahing libangan ng mga tao noong
panahon ng Espanyol. Ang pagsasabong kung saan ang lahat
ay maaaring makasali mayaman man o mahirap.
 Hanggang sa kasalukuyan ay marami pang mga Pilipinong
nahuhumaling sa pagsasabong, ang mabisang halimbawa nito
sa kasalukuyan ang tinatawag na E-Sabong. Kung saan dahil sa
pagkakalulong sa bisyong ito ay napapabayaan na ang kanilang
pamilya, nagkakaroon ng maraming utang at
pinakanakakalungkot sa lahat ay napapariwara ang buhay.
 Makikita rin dito ang sabwatan kung saan idinawit ang pangalan
ni Ibarra sa isang kaguluhang magaganap.
 Mahirap madawit sa ganitong sitwasyon, wala kang kalam-alam
na ginagamit na pala ang iyong pangalan sa isang masamang
tunguhin.

INPUT NG GURO SA KABANATA 47


 Ipinakikita sa panahon ng Espanyol na inaasahan ng mga
babaeng ipagtatanggol sila ng kalalakihan. Saan ba matutunton
ang tradisyong ito? Noong panahon ng mga barbaro naglunsad
ng pagsalakay at mga pandarambong sa mga estadong
pamayanan (city states) sa Europa, nakaranas ng mga
pagdukot, pang-aalipin, at panggagahasa ang kababaihan.
 Lubhang humiwa ng malalim sa budhi ng tao ang ganitong
pagtalampasan ng tao sa kanyang kapwa kaya nagkaroon ng
baliktad na reaksiyon ang panitikan sa Europa. Isinilang ang
mga akda sa Inglatera ang mga tauhang mabubuting babae at
lalaki.
MGA KATANUNGAN
 Ano ang dahilan ng pamamasyal ng mag-asawang De
Espadaña nang araw na iyon?
 Ano ang pinagsimulan ng away sa pagitan ng dalawang Donya/
 Ano-ano ang mga naging bunga ng kanilang paghaharap?
 Sino ang napag-initan ni Donya Victorina sa pagbalik nila sa
tahanan ni Kapitan Tiyago?

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA 47


 Kung sa naunang kabanata ay nagpakita ng isang sabong, ang
kabanatang ito naman ay tila isang sabong din ng dalawang
Donya na nagpapataasan ng kanilang sarili. Kilala ang dalawang
donyang ito sa pagiging mapagpanggap at pagtakwil sa kanilang
poagiging pagka-Pilipino.
 Nakakalungkot lamang dahil hanggang sa kasalukuyan ay
mayroon pa ring tulad nil ana piniling itakwil ang kanilang sariling
pagkakakilanlan magkaroon lamang ng posisyon at titulo sa
lipunang kanilang kinalalagyan.
 Sa kasalukuyan, ang katangian ng dalawang Donya ay
tinatawag na “Donya Victorina Syndrome” o “Colonial Mentality”

INPUT NG GURO SA KABANATA 48


 Ano ang ekskomunyon? Kapag nagkasala sa Simbahang
Katolika ang isang kasapi nito (Katoliko), inilalapat ang parusang
ekskomunyon. Tinatwag namang ekskomulgado ang napatawan
ng parusang ito. Ang ibig sabihin lamang nito, inihihiwalay ang
“kaluluwa” ng isang nagkasalang Katoliko sa Simbahan o
pangkat ng mga taong hindi sumusunod sa mga aral o doktrina
ng simbahang Katolika.
 Kahit ekskomulgado ang isang tao, itinuturing pa rin ito na
Katoliko (di maaalis ang banal na tatak ng Espanyol).
Gayunpaman, nagkasala sa paningin ng ibang katoliko kaya
karaniwan silang nilalayuan (at ipinagbabawal kausapin noong
panahon ng Espanyol).

MGA KATANUNGAN
 Ano ang dalang balita ni Ibarra sa pagbabalik niya sa San
Diego?
 Ano sa iyong palagay ang naramdaman ni Ibarra nang makita
niya si Maria kasama si Linares?
 Saan nagtungo si Ibarra pagkagaling ni kay Maria?
 Sino ang taong hindi inaasahang makita ni Ibarra sa paaralan?
Ano ang sinabi nito sa kanya?

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA 48


 Isa sa pinakamasakit na mangyari sa isang taong nagmamahal
ang may makitang ibang kasama ang kanyang nobyo o nobya.
Sa kabanatang ito tila naging talinghaga ang mga ikinilos ni
Ibarra sa harap ni Maria at ganoon rin naman si Maria kay
Ibarra.
 Ang pag-ibig ay hindi madaling unawain. Sabi nga, mabilis
mahulig ang isang tao ngunit upang magtagal ito kailangan
nilang piliin ang isa’t isa sa araw-araw ng kanilang pagsasama.
 Maging totoo at tapat sa taong minamahal ano man ang nais
iparating ng puso at isipan dahil sa bukas na ugnayan ay may
pagkakaunawaan.

INPUT NG GURO SA KABANATA 49


 Nang ipasya ng Espanya na sakupin ang Pilipinas, nagtayo ang
mga Espanyol ng mga pueblo o mga sentro ng pamamahala ng
gobyernong lokal, simbahan gayundin ang palengke at iba pang
kailangan ng populasyon sa palibot nito. Kung ang mga Pilipino
noon (tinatawag na indio) ay magbubukid sa malalayong lugar,
umaalis sila sa pueblo kung umaga at bumabalik doon kung gabi
na.
 Ang mga hindi nakatira sa pueblo ay itinuturing ng awtoridad at
ng Simbahan noon na “taong-labas” o ayaw pasakop sa
awtoridad ng Espanyol. Sila ang mga inuusig at ipinalalagay na
tulisan. Ganyan din ang turing sa mga rebeldeng Pilipino ng mga
Amerikanong pumalit sa mga Espanyol sa pananakop sa
Pilipinas.

MGA KATANUNGAN
 Sino ang nakipagtipan kay Ibarra? Maluwag bas a kalooban ni
Ibarra ang pakikipagtipan sa taong ito? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
 Sa iyong palagay kanino kakampi si Ibarra sa mga api o sa mga
pari? Ipaliwanag.

MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA 49


 Sa kabanatang ito, ay ipinahayag n ani Elias ang kanyang
dahilan kung bakit kailangan niya ang tulong ni Ibarra. Si Elias
ang nagsilbing tagapagsalita ng mga taong katulad niya. Mga
taong tila kinalimutan na ng pamahalaan, mga taong nakaranas
ng kasawian at kaapihan sa sariling bayan.
 May mga mamamayang Pilipino sa ngayon na masasabi nating
mga “taong-labas.” Kung nakatira man sila sa mga sentro ng
populasyon, sumasanib lamang sila sa karamihan upang hindi
makilala at makaiwas madakip bunga ng kanilang mga
nagawang krimen. Kapag nakilala’t tinutugis na sila ng
pamahalaan, nagtatago na sila sa mga kasukalan, sa mga lugar
na hindi agad-agad nararating ng mga awtoridad. Maraming
ganitong grupong matutukoy na dapat partikular bigyan ng
pansin, at pag-aralan upang maunawaan ang kanilang panig.
 Ang ibang mga grupo’y may karaingan sa pamahalaan na hindi
agad nabibigyan ng pansin, tulad ng mga hindi nakakamit ang
katarungan, nawawalan ng pag-asang malunasan ang kanilang
karalitaan, at naghihimagsik dahil sa nakikitang pagsasamantala
ng ilang mga pinuno sa kaban ng bayan.
 May mga hindi naniniwala sa sistemang ginagamit ng
pamahalaan sa paglutas sa mga pambansang problema at hindi
nabibigyan ng pagkakataong makilahok sa mga pagkilos tungo
sa pagpapagaan sa bumibigat na kalagayan ng sambayanan.
D. Pangkatang Gawain PANGKAT 1
Gamit ang isang grapikong pantulong gumawa ng isang
paghahambing tungkol sa pangyayari sa isang sabungan noong
panahon ni Rizal at ngayong kasalukuyan.
PANGKAT 2
Bigyang-mukha at paliwanag ang dalawang mukha ng
kababaihan sa pamamagitan ni Donya Consolacion at Donya
Victorina.

(Ihambing sa kasalukuyang pangyayari ang ugali nina Donya


Victorina at Donya Consolacion. Magbigay ng halimbawa kung
mayroon pa bang ganitong uri ng pag-uugali.)

PANGKAT3
Ang mga salita kapag pinagsama-sama ay maaring makabuo ng
isang pangungusap. Isaayos ang mga sumusunod na salita na
nasa loob ng bilog upang makabuo ng isang kaisipan. Isulat sa
malaking kahon ang nabuong kaisipan.
Pangkat4
Suriing mabuti ang mga salitang nasa loob ng bangka. Maari
pang madagdagan ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga kaugnay na salita, konsepto o kaisipan tungkol sa
kabanata. Pagkatapos ay ipaliwanag ang mga ibinigay na salita,
konsepto at kaisipan

PANGKAT 5
Gumawa ng isang debate, palitan ng tig-isang ideya lamang
bawat miyembro ng pangkat tungkol sa pahayag na ibibigay ng
guro. Kinakailangan hatiin ang pangkat sa dalawang panig ang
SANG-AYON at ang mga DI SANG-AYON.
Pagpapalawak sa Aralin

Pangkat 1 (Kabanata 46)


Panuto: Magbigay ng isang isyung panlipunan na sumasalamin
sa kabanatang ito.

Pangkat 2 (Kabanata 47)


Panuto: Bumuo ng isang hashtag na kaugnay ng kabanatang ito
at ipaliwanag.

Pangkat 3 (Kabanata 48)


Panuto: Mag-isip ng isang awit na may kaugnayan sa mga
pangyayari sa kabanatang ito at ipaliwanag kung bakit ang awit
na iyon ang napili.

Pangkat 4 (Kabanata 49)


Panuto: Gumihit ng isang simbolo na repleksyon ng kabanatang
ito at ipaliwanag ang simbolo gamit ang 2-3 pangungusap.

Pangkat 5 (Kabanata 50)


Panuto: Pumuli ng isang pahayag mula sa kabatana na iyong
naibigan at ipaliwanag ito

E. Sintesis Matapos talakayin at palawakin ang mga nasabing kabanata.


Susubukin ng guro ang kanilang pang-unawa sa pamamagitan ng
tatlong bisa.
IV. Kasunduan PAGLALAPAT
Panuto: Sumulat ng isang kaisipan na na kumintal sa inyong
isipan tungkol sa pahayag na ito. Hanggang 3-5 pangungusap
lamang.

V. Tala

Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng


pangungusap at M naman kung mali.

______1. Si Pedro ang nagbigay ng salapi sa


sabungan upang makapangalap.
______2. Ang nagmamay-ari ng bulik ay si Kapitan Basilio.
______3. Pinagbantaan ni Donya Victorina si Linares na
ibubunyag niya ang kasinungalingan ng binata kapag hindi niyon
hinamon ng duwelo ang komandante.
______4. Si Tiya Isabel ay nagalak sa pagdalaw ni Ibarra kay
Maria Clarasapagkat ayaw niya kay Lucas.
______5. Nagulat si Ibarra nang makita niya sa bisita ni Maria
Clara si Linares.

VI. Pagninilay
Takdang-aralin
1. Basahin ang Kabanata 51-55
2. Gumupit ng isang larawan mula sa dyaryo, magazine o
magprint mula sa internet na nagpapakita ng mga sitwasyon o
pangyayari sa Kabanata 51-55.
3. Lagyan ng 3-5 pangungusap na paliwanag kung bakit naibigan
mo ang larawan na iyon para ilarawan ang kabanata.
4. Ididikit ito sa short bond paper at lapatan ng disenyo.

You might also like