You are on page 1of 33

FILIPINO 9

NOLI ME TANGERE SA
PUSO NG MGA
AsYANO
Inihanda ni:
Annabella B. Requilme
CED-03-601P
Maligayang Pagdating
Klase!
PANALANGI
N
MGA MUNTING PAALALA
Pumasok sa tamang
oras. Makinig ng mabuti sa guro.

Buksan ang camera Lumahok nang maigi sa


kapag kinakailangan. talakayan.

Isara ang mikropono Magtanong nang maayos


kapag hindi oras ng at magalang kapag may
pagsasalita sa klase. hindi naunawaan sa
talakayan.
KUMUSTA KA NAMAN?
NAGULAT DAHIL
MAY SURPRISED
OKAY LANG QUIZ!

MALUNGKOT
HAPPY LANG

NAIINIP NA SA
SUPER HAPPY DAMI NG GAWAIN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
F9PT-IVc-57 F9PT-IVg-h-60
01 Nabibigyang-kahulugan ang
matatalinghagang pahayag.
03 Nabibigyang-kahulugan ang
mahihirap na salita batay sa
kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan.
F9PN-IVa-b-56
F9PB-IVa-b-56
02
Batay sa napakinggan, natitiyak ang

04
kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng: Nailalarawan ang mga
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa kondisyong panlipunan sa
pagsulat nito panahong isinulat ang akda at
-pag-isa-isa sa kondisyon ng lipunan sa ang mga epekto nito matapos
panahaong isinulat ito isinulat hanggang sa
-pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kasalukuyan
kondisyong ito sa kasalukuyang panahon
sa lipunang Pilipino.
Dugtungan
Portion!
1.
2.
3.
4.
PAGLINANG NG TALASALITAAN
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba.
Pagkatapos, gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.
Manood at Matuto!

https://youtu.be/tzWi7b9-91U
KABANATA 46

● Si Rizal bilang isang mangangatha (fictionist) ay sunod sa


tradisyon ng Realismo, isang kalakarang pampanitikan noong ika-
19 na siglo. Inspirado ang pagkasulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ng dalawang dakilang manunulat na Pranses at
kilalang haligi Realismo sa Europa sina Emil Zola at Victor Hugo.

● Matagal na panahon na tumigil sa Pransya, “naging lohikal para


kay Rizal ang humango ng mga leksyon sa bayan at paglalarawan
ng mga suliraning sosyla ta politikal sa makabago’t prpgresibong
mga manunulat na nag-aadhika ng demokrasya at higit na
kalayaan para sa sangkatauhan” (Aklat ng mga Teoryang
Pampanitikan: Tradisyunal at Makabago, 1989)
MENSAHE AT IMPLIKaSYON NG KABANATA 46
● Ang Sabungan? Dito’y makatotohanan at obhektibo ang paglalarawan at
pagsasalaysay ng kapaligiran (setting), ng mga tao (ang mga dukkha,
mangmang, dayukdok, at ang may katangian ng pangkaraniwang tao), ng
mga sentido at sensibilidad, impluwensiya ng kalikasan at kapaligiran sap
ag-unlad ng mga pagbabago sa tao, kasama na ang angkin nitong
karunungan.
● Ipinakita rito ang pangunahing libangan ng mga tao noong panahon ng
Espanyol. Ang pagsasabong kung saan ang lahat ay maaaring makasali
mayaman man o mahirap.
● Hanggang sa kasalukuyan ay marami pang mga Pilipinong nahuhumaling sa
pagsasabong, ang mabisang halimbawa nito sa kasalukuyan ang tinatawag
na E-Sabong. Kung saan dahil sa pagkakalulong sa bisyong ito ay
napapabayaan na ang kanilang pamilya, nagkakaroon ng maraming utang at
pinakanakakalungkot sa lahat ay napapariwara ang buhay.
● Makikita rin dito ang sabwatan kung saan idinawit ang pangalan ni Ibarra sa
isang kaguluhang magaganap.
● Mahirap madawit sa ganitong sitwasyon, wala kang kalam-alam na
ginagamit na pala ang iyong pangalan sa isang masamang tunguhin.
KABANATA 47
● Ipinakikita sa panahon ng Espanyol na inaasahan ng mga babaeng
ipagtatanggol sila ng kalalakihan. Saan ba matutunton ang tradisyong
ito? Noong panahon ng mga barbaro naglunsad ng pagsalakay at
mga pandarambong sa mga estadong pamayanan (city states) sa
Europa, nakaranas ng mga pagdukot, pang-aalipin, at panggagahasa
ang kababaihan.
● Lubhang humiwa ng malalim sa budhi ng tao ang ganitong
pagtalampasan ng tao sa kanyang kapwa kaya nagkaroon ng baliktad
na reaksiyon ang panitikan sa Europa. Isinilang ang mga akda sa
Inglatera ang mga tauhang mabubuting babae at lalaki.
MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA 47

● Kung sa naunang kabanata ay nagpakita ng isang sabong, ang


kabanatang ito naman ay tila isang sabong din ng dalawang Donya na
nagpapataasan ng kanilang sarili. Kilala ang dalawang donyang ito sa
pagiging mapagpanggap at pagtakwil sa kanilang poagiging pagka-
Pilipino.
● Nakakalungkot lamang dahil hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa
ring tulad nil ana piniling itakwil ang kanilang sariling pagkakakilanlan
magkaroon lamang ng posisyon at titulo sa lipunang kanilang
kinalalagyan.
● Sa kasalukuyan, ang katangian ng dalawang Donya ay tinatawag na
“Donya Victorina Syndrome” o “Colonial Mentality”
KABANATA 48
● Ano ang ekskomunyon? Kapag nagkasala sa Simbahang Katolika
ang isang kasapi nito (Katoliko), inilalapat ang parusang
ekskomunyon. Tinatwag namang ekskomulgado ang napatawan ng
parusang ito. Ang ibig sabihin lamang nito, inihihiwalay ang
“kaluluwa” ng isang nagkasalang Katoliko sa Simbahan o pangkat
ng mga taong hindi sumusunod sa mga aral o doktrina ng
simbahang Katolika.
● Kahit ekskomulgado ang isang tao, itinuturing pa rin ito na Katoliko
(di maaalis ang banal na tatak ng Espanyol). Gayunpaman,
nagkasala sa paningin ng ibang katoliko kaya karaniwan silang
nilalayuan (at ipinagbabawal kausapin noong panahon ng
Espanyol).
MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA 48

● Isa sa pinakamasakit na mangyari sa isang taong nagmamahal ang


may makitang ibang kasama ang kanyang nobyo o nobya. Sa
kabanatang ito tila naging talinghaga ang mga ikinilos ni Ibarra sa
harap ni Maria at ganoon rin naman si Maria kay Ibarra.
● Ang pag-ibig ay hindi madaling unawain. Sabi nga, mabilis mahulig
ang isang tao ngunit upang magtagal ito kailangan nilang piliin ang
isa’t isa sa araw-araw ng kanilang pagsasama.
● Maging totoo at tapat sa taong minamahal ano man ang nais iparating
ng puso at isipan dahil sa bukas na ugnayan ay may
pagkakaunawaan.
KABANATA 49
● Nang ipasya ng Espanya na sakupin ang Pilipinas, nagtayo ang
mga Espanyol ng mga pueblo o mga sentro ng pamamahala ng
gobyernong lokal, simbahan gayundin ang palengke at iba pang
kailangan ng populasyon sa palibot nito. Kung ang mga Pilipino
noon (tinatawag na indio) ay magbubukid sa malalayong lugar,
umaalis sila sa pueblo kung umaga at bumabalik doon kung gabi
na.
● Ang mga hindi nakatira sa pueblo ay itinuturing ng awtoridad at ng
Simbahan noon na “taong-labas” o ayaw pasakop sa awtoridad ng
Espanyol. Sila ang mga inuusig at ipinalalagay na tulisan. Ganyan
din ang turing sa mga rebeldeng Pilipino ng mga Amerikanong
pumalit sa mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas.
MENSAHE AT IMPLIKASYON NG KABANATA
49
● Sa kabanatang ito, ay ipinahayag n ani Elias ang kanyang dahilan kung bakit
kailangan niya ang tulong ni Ibarra. Si Elias ang nagsilbing tagapagsalita ng mga
taong katulad niya. Mga taong tila kinalimutan na ng pamahalaan, mga taong
nakaranas ng kasawian at kaapihan sa sariling bayan.
● May mga mamamayang Pilipino sa ngayon na masasabi nating mga “taong-
labas.” Kung nakatira man sila sa mga sentro ng populasyon, sumasanib lamang
sila sa karamihan upang hindi makilala at makaiwas madakip bunga ng kanilang
mga nagawang krimen. Kapag nakilala’t tinutugis na sila ng pamahalaan,
nagtatago na sila sa mga kasukalan, sa mga lugar na hindi agad-agad nararating
ng mga awtoridad. Maraming ganitong grupong matutukoy na dapat partikular
bigyan ng pansin, at pag-aralan upang maunawaan ang kanilang panig.
● Ang ibang mga grupo’y may karaingan sa pamahalaan na hindi agad nabibigyan
ng pansin, tulad ng mga hindi nakakamit ang katarungan, nawawalan ng pag-
asang malunasan ang kanilang karalitaan, at naghihimagsik dahil sa nakikitang
pagsasamantala ng ilang mga pinuno sa kaban ng bayan.
● May mga hindi naniniwala sa sistemang ginagamit ng pamahalaan sa paglutas sa
mga pambansang problema at hindi nabibigyan ng pagkakataong makilahok sa
mga pagkilos tungo sa pagpapagaan sa bumibigat na kalagayan ng sambayanan.
PANGKATANG
GAWAIN
PANGKAT 1
Gamit ang isang grapikong pantulong gumawa ng isang paghahambing tungkol sa
pangyayari sa isang sabungan noong panahon ni Rizal at ngayong kasalukuyan
PANGKAT 2
Bigyang-mukha at paliwanag ang dalawang mukha ng kababaihan sa pamamagitan ni
Donya Consolacion at Donya Victorina. (Ihambing sa kasalukuyang pangyayari ang ugali
nina Donya Victorina at Donya Consolacion. Magbigay ng halimbawa kung mayroon pa
bang ganitong uri ng pag-uugali.)
PANGKAT 3
Ang mga salita kapag pinagsama-sama ay maaring makabuo ng isang pangungusap.
Isaayos ang mga sumusunod na salita na nasa loob ng bilog upang makabuo ng isang
kaisipan. Isulat sa malaking kahon ang nabuong kaisipan.
PANGKAT 4
Suriing mabuti ang mga salitang nasa loob ng bangka. Maari pang madagdagan
ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaugnay na salita, konsepto
o kaisipan tungkol sa kabanata. Pagkatapos ay ipaliwanag ang mga ibinigay na
salita, konsepto at kaisipan
PANGKAT 5
Gumawa ng isang debate, palitan ng tig-isang ideya lamang bawat miyembro ng
pangkat tungkol sa pahayag na ibibigay ng guro. Kinakailangan hatiin ang pangkat sa
dalawang panig ang SANG-AYON at ang mga DI SANG-AYON.
SINTESIS
Matapos talakayin at palawakin ang mga nasabing kabanata. Susubukin ng guro ang
kanilang pang-unawa sa pamamagitan ng tatlong bisa.
Panuto: Sumulat ng isang kaisipan na na kumintal sa inyong
isipan tungkol sa pahayag na ito. Hanggang 3-5
pangungusap lamang.
PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M naman kung
mali.

______1. Si Pedro ang nagbigay ng salapi sa


sabungan upang makapangalap.
______2. Ang nagmamay-ari ng bulik ay si Kapitan Basilio.
______3. Pinagbantaan ni Donya Victorina si Linares na ibubunyag niya ang
kasinungalingan ng binata kapag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante.
______4. Si Tiya Isabel ay nagalak sa pagdalaw ni Ibarra kay Maria Clarasapagkat ayaw
niya kay Lucas.
______5. Nagulat si Ibarra nang makita niya sa bisita ni Maria Clara si Linares.
TAKDANG-ARALIN
Takdang-aralin
1. Basahin ang Kabanata 51-55
2. Gumupit ng isang larawan mula sa dyaryo, magazine o magprint mula sa internet na
nagpapakita ng mga sitwasyon o pangyayari sa Kabanata 51-55.
3. Lagyan ng 3-5 pangungusap na paliwanag kung bakit naibigan mo ang larawan na iyon
para ilarawan ang kabanata.
4. Ididikit ito sa short bond paper at lapatan ng disenyo.
MARAMING SALAMAT SA
PAGDALO SA KLASE NGAYONG
ARAW NA ITO!
PADAYON SA PAGLAOM!

You might also like