You are on page 1of 28

BANGHAY ARALIN FILIPINO

GRADO 9

IKAAPAT NA MARKAHAN

ARALIN 4.2

Panitikan :Noli Me Tangere

Paksa :Pagkilala sa Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

Wika :Pang-uri

Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IVc-57)

1. Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng


bawat isa.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IVc-57)

2. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang


kahalagahan ng bawat isa sa nobela.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IVc-57)

3. Nabibigyang - kahulugan ang matatalinghagang pahayag.

PANONOOD (PD) (F9PD-IVc-56)

T4.U KNahuhulaan
L A S IN
ang maaaring maging wakas ng buhay ng bawat tauhan
batay sa napanood na parade of characters.
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IVc-59)


PAG-UNAWA
5. SA NAPAKINGGAN
Madamdaming nabibigkas ang(PN) (F9PN-IVc-57)
nabuong monologo tungkol sa isang
1. Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng bawat isa.

Ikaapat na Markahan | 19
II. PAKSA

Panitikan :Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

Kagamitan :Larawan

Sanggunian :Noli Me Tangere

Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

1. Pagtatala ng Liban

2. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

3. Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: FAMOUS ON THE GO!

Mula sa mga larawan ng mga sikat na personalidad ay ibibigay ng mga


mag-aaral ang mga mahahalagang kontribusyon sa lipunan at maaaring
sinasagisag o kinakatawan ng mga ito.

KONTRIBUSYON SA SAGISAG O
LIPUNAN KATAWAGAN

1. Bilang isang kabataan,


mayroon ka rin bang
maaaring

kontribusyon sa lipunan? Ipaliwanag.

2. Pokus na Tanong

a. Paano naging makatotohanan ang nilikhang mga tauhan ni Rizal sa


kanyang akdang Noli Me Tangere?
Ikaapat na Markahan | 20
b. Paano nakatutulong ang mga pang-uri sa pagbibigay-katangian ng
mga tauhan sa Noli Me Tangere?
3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: GUESS WHO?

Kilalanin kung sino ang tauhan o artistang nagsabi ng mga sumusunod na


pahayag.

1. “Huwag kang pakasisiguro major, dahil isang bala ka lang…” (Fernando


Poe Jr.)

2. “Akala mo lang wala pero meron, meron!“(Carlo Aquino)

3. “Ang pera ay di basta nauubos pero ang pasensya ko konting konti na


lang.” (Angelica Panganiban)

4. “Bukas, luluhod ang mga tala.” (Sharon Cuneta)

5. “Mahalin mo ako dahil mahal mo ako, hindi dahil mahal kita because that’s
what I deserved.”(Kathryn Bernardo)

2. Pagpapakita ng guro ng mga larawan ng Mahahalagang Tauhan sa Noli


Me Tangere. Ipalarawan ang kanilang kaanyuan/pisikal batay sa nakikita.
Pagkatapos, ay kilalanin kung sino ang nasa mga larawan.

Halimbawa:

Ibarra MariaClara

3. Pagtalakay sa mga Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere.

Ikaapat na Markahan | 21
Mungkahing Estratehiya: PINGKIAN NG ISIP

Gamit ang mga letrang nasa kahon, mag-uunahan ang mga mag-aaral sa

pagkilala ng tauhan/mga tauhan sa Noli Me Tangere batay sa mga

pahayag na babasahin ng guro (audio clip kung may makikita ang guro).

Bawat tamang sagot ay katumbas ng isang (1) puntos. Ang may

pinakamaraming puntos ang siyang nagwagi.

1. “Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang

paang aking kaligayahan.”

a b r a r i

2. “Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling


bayanngunit nakahanda akong magtiis at mamatay rit. Hangad ko
na anglahat ng Inang Bayan ay magiging kasawian ko rin.”
i l a s e

3. “Ang karunungan ay para sa lahat, ngunit huwag mong lilimuting


iya’ynatatamo ng mga puso lamang.”

u g r o

4. “May mga lalong dakilang bagay na dapat mong isipin- ang


hinaharapay nabubuksan pa lamang para sa iyo, sa akin ay
ipinipinid na.”
e l r a f a i a A b R r

5. “Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa


hindikung patay na.”
o p i l s o p o s Y o t a

ANALISIS

1. Sino-sino ang mga tauhang tumatak sa inyong isip sa nobela? Ipakilala

ito.

2. Sino ang sinisimbolo ng mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang akda?


Ikaapat na Markahan | 22
3. Anong mga katauhan ng pangunahing tauhan ang kanilang

ginampanan

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Mahahalagang Tauhansa Noli Me Tangere

Crisostomo Ibarra- Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na


makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias-Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang


kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago- Mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni


Maria Clara.

Padre Damaso- Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang


parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego.

Padre Salvi- Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim


na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara- Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na


inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre
Damaso.

Donya Victorina De Espadaῆa - Asawa ni Don Tiburcio. Isang


mapagpanggap na Indio.

Pilosopo Tasyo-Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na


mamamayan ng San Diego.

Sisa- Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon


ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin- Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng


kampana sa simbahan ng San Diego.

Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

Ikaapat na Markahan | 23
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGAN MO!

Matapos kong mabatid at makilala ang mga tauhan sa Noli Me Tangere,


maihahambing ko ang aking sarili kay (tauhan sa Noli)dahil (katangiang
taglay ng tauhan). Ipaliwanag.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya:INIIDOLO KITA!

Ikaapat na Markahan | 24
Pipili ang mga mag-aaral ng isang tauhang hinahangaan sa akda.
Gagawan nila ito ng isang kasabihan o pahayag na maglalarawan sa
katangian nito.

IV. KASUNDUAN

1. Mula sa salitang TAUHAN gumawa ng isang akrostik na maglalarawan sa


mga katangiang tinataglay ng isa sa mga tauhan sa akda na siyang
tinataglay mo rin.

2. Magsaliksik ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga tauhan ng Noli


Me Tangere.

Ikaapat na Markahan | 25
LINANGIN

I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F9PB-IVc-57

1. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan


ng bawat isa sa nobela.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F9PT-IVc-57

2. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag.

PANONOOD (PD) F9PD-IVc-56

3. Nahuhulaan ang maaaring maging wakas ng buhay ng bawat tauhan


batay sa napanood na parade of characters.

II. PAKSA

Panitikan :Mahahalagang Tauhan ng Noli Me Tangere

Kagamitan :Video clip

Sanggunian :Noli Me Tangere

Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

4. Pagtatala ng Liban

5. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

6. Balik- Aral
Ikaapat na Markahan | 26
AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya:GUESS MO!

Magpapanood ang guro ng ilangvideo clips tungkol sa mga tauhan sa

Noli Me Tangere at ipahula ang magiging wakas ng buhay/kuwento nila.

Video Clip ng Tauhan sa Noli Me Tangere


http://www.joserizal.ph/no02.html

4. Mula sa napanood na video clip, sino-sinong tauhan ang tumatak sa


inyong isipan? Ipaliwanag.

2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng katangiang ipinahihiwatig sa mga pahayag at


gamitin sa makabuluhang pangungusap.

1. “Napalayo ako nang pitong taon sa ating bayan at sa pagbabalik kong

ito, hindi ko mapigil ang sarili ko na batiin ang kababaihan, ang

pinakamahalagang kayamanan n gating lupain.”

Maginoo - _________

Pangungusap - _________

2. “Naiwasan sana ang lahat ng ito kung naikonsulta mo muna sa akin,

Kung hindi ka nagsinungaling sa akin nang tanungin kita. Iwasan mo

Lamang na mauilt pa ang kalokohang gaya nito at magtiwala ka nang

Ikaapat na Markahan | 27
Husto sa kanyang ninong.”

Sunod-sunoran - ________

Pangungusap - ________

3. “Mabuti…huwag mong kalilimutang ipagbukod ako ng piso,” at nagtuloy

nang umalis. Naluha na lamang si Sisa dahil dito at nang maalaala ang

mga anak ay agad na siyang nagsaing muli at inihaw ang tatlo pang

tawilis na nalabi.

Matiisin - ________

Pangungusap - ________

4. “Ang Don Pedrong Eibarramendiang iyan ang imbing nagbintang at

umupasala sa aking nunong lalaki at nagging puno’t dahilan ng lahat

naming kasawiang-palad. Isinumpa kong hahanapin at paghihigantihan

ang kanyang mga angkan at kayo…kayo ang itinuro sa akin ng Diyos

upang managot sa kanyang mga kasamaan.”

Mapaghiganti - ________

Pangungusap - ________

5. Napadaan si Pilosopo Tasyo sa hapag na kinalalagyan ng isang

bumbong na tingga na siyang ipapaloob sa uka ng dalawang mabibigat

na batong pagpapatungin ay nagwika sa sarili ng ganito. “Darating ang

araw na ang gusaling ito ay magiging mabuway at tuluyang

babagsak…”

Mapanuri - ________

Pangungusap - _________

Ikaapat na Markahan | 28
3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1

RANKING CHARACTER

Pumili ng apat na tauhan sa Noli Me Tangere na itinuturing


mong pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa pamamagitan
ng pyramid, iranggo sila ayon sa kanilang kahalagahan gayundin
ibigay ang katangiang taglay ng bawat isa at pagkatapos ay
ipaliwanag.

1
2
3
4

PALIWANAG

Pangkat 2

GAME SHOW

Pagkilala sa kahalagahan ng mga tauhang kinasangkapan ni Rizal


sa nobela kung saan may kaugnayan sa kanyang buhay.

Halimbawa:

Ikaapat na Markahan | 29
Pangkat 3

GUESSING GAME

Nabibigyang-hinuha ang mga katangian ng tauhan batay sa

kahinaan at kalakasan nito. Patunayan ang iyong sagot.

Tauhang May Malakas na Katangian Patunay


1. 1.
2. 2.

Pangkat 4

FLOW CHART

Pag-ugnay-ugnayin ang mga tauhan upang mahinuha ang

maaaring maging wakas ng bawat isa sa nobela..

Ipaliwanag ang dayagram sa pagsunod sa mga linya.

DON RAFAEL KAPITAN TIYAGO

CRISOSTOM PIA ALBA

Ikaapat na Markahan | 30
MARIA CLARA

PADRE TIYA ISABEL

PADRE
SALVI

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng


Mahusay Pagpapabuti

Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang


naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o kaisipan
at Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o na nais iparating sa
ng mga Kaisipan kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais manonood (1)
o Mensahe iparating sa manonood (3) iparating sa
manonood (4) manonood (2)
(4)

Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng


kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkamalikhain kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang ginamit
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ng pangkat sa
(3)
ginamit ng pangkat sa ginamit ng presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon (2) pangkat sa
presentasyon (3) presentasyon
(1)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang bawat
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang miyembro sa kanilang
bawat miyembro sa kanilang bawat miyembro gawain (0)
(3) sa kanilang gawain (2) sa kanilang
gawain (3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


Ikaapat na Markahan | 31
nagpakitang kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks

na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano nilikha ni Dr. Jose Rizal ang mga tauhan sa kanyang nobelang

Noli Me Tangere?Ipaliwanag.

2. Bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang may pagkakatulad kayo ng

isa sa pangunahing tauhan sa nobela? Pangatuwiranan.

3. Sino sa mga tauhan sa nobela ang mahihinuha mong may magandang

kinahinatnan ng mga pangyayari ng kanyang buhay?

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…
Makikita sa mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal ang mga katangian ng
mga Pilipino at Espanyol noong kanyang kapanahunan kung saan may
malaking kaugnayan sa kanyang buhay.
Sina Crisostomo Ibarra at Elias ay sumisimbolo sa katauhan ni Rizal.
Makikita sa akda na ang mga katangiang taglay ni Rizal ay taglay ng mga
nasabing tauhan.
Si Maria Clara ay sumisimbolo sa nabigong pag-ibig ni Dr. Jose Rizal na
si Leonor Rivera. Hindi rin nagkaroon ng katuparan ang pag-iibigang Ibarra at
Maria Clara sa Noli.
Si Sisa naman ay sumisimbolo sa isang mapagmahal at ulirang ina ng
mga panahong iyon na makikita pa rin sa kasalukuyan
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Filipino III, Batay Sa Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya

Ikaapat na Markahan | 32
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya:CHARACTER PROFILE

Ilalahad ng mga mag-aaral ang mahihinuhang mga katangian at


kahalagahan ng bawat tauhansa nobela gayundin ang maaaring maging
wakas ng buhay nila.

Halimbawa: Padre Damaso

5. Gawing gabay ang sumusunod na talata.

Ang mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli
Me Tangere ay makatotohanan kung saan sila’y kumakatawan sa mga
taong naging bahagi ng buhay niya. Isang halimbawa nito ay si (tauhan sa
Noli)kung saan (katangian at papel na ginampanan niya sa buhay ni
Rizal). Ilahad ang maaaring maging wakas ng buhay ng tauhang napili.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: CHARACTER ANALYZER

Mag-isip ng mga personalidad sa kasalukuyan nating panahon na


maaaring ihalintulad o kinakatawan ng mga tauhang nilikha ni Dr. Jose
Rizal at ilahad ang mahihinuhang mga katangian nito at ipaliwanag kung
bakit siya ang napili mo.

Ikaapat na Markahan | 33
EBALWASYON

Panuto: Kilalanin ang mga tauhang nilikha ni Rizal batay sa katangian at


kahalagahan ng mga ito sa nobela . Piliin at isulat ang angkop na
tamang kasagutan.

___ 1.Naging inspirasyon ni Rizal si Leonor Rivera upang malikha niya ang
katauhan ni (Maria Clara, Sisa, Donya Victorina) sa kanyang
nobelangNoli Me Tangere.
___ 2.Inihalintulad ni Dr. Jose Rizal sina (Basilio at Albino, Basilio at
Lucas, Basilio at Crispin)sa magkapatid na Crisostomo na taga
Hagonoy nanamuhayna puno ng pagdurusa.

___3.Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga pinakamayaman sa Binundok. Isa


siyangtanyag na asendero sa iba’t ibang lugar. Malaki rin ang kinikita
niya sa paglalagom ng apyan na kung saan kasosyo niya ang isang
Tsino.Saganitong kalagayan, mahihinuhang si Kapitan Tiyago ay
isang taong (maligaya, malungkot, maraming kagalit sa
pamahalaan).

___4.Si (Sisa, Donya Victorina, Donya Consolacion) ay sumisimbolo


namansa isang mapagmahal at masintahing ina noong panahon ni
Rizal at makikita pa rin sa kasalukuyang panahon.

___5.Mahihinuhang si Kapitan Tiyago na isang Pilipino ay (nagmahal,


nagpasakop, nagtanggol) sa mga Espanyol at walang sariling
desisiyon.

Susi sa Pagwawasto

1. Maria Clara 2. Basilio at Crispin 3. Maligaya 4.Sisa 5. Nagpasakop

Pagkuha ng Index of Mastery

Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng


kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

Ikaapat na Markahan | 34
IV. KASUNDUAN

1. Humanap ng iyong isang larawan at larawan ng isang tauhan sa nobela at


pagkatapos ay ilahad ang mga katangian at pagkakatulad ninyo sa
panlabas na anyo .

2. Paano nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IVc-59)

1. Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay – katangian.

Ikaapat na Markahan | 35
II. PAKSA

WIKA :Pang-uri

Kagamitan :strips of paper, larawan, sipi ng teksto

Sanggunian :Ang Batikan ni Jose B. Bilasano, 2015

Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

7. Pagtatala ng Liban

8. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

9. Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya:CHARACTER MAPPING

Gamit ang strips of paper, isusulat ng mga mag-aaral ang mga katangian

ng halimbawang tauhan sa Noli Me Tangere. Ipapaskil nila ito sa palibot

nglarawan. (Maaaring halimbawa ay sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara,

Elias, Sisa at marami pang iba).

Halimbawa:

Katangian Katangian

Elias

Ikaapat na Markahan | 36
Gabay na Tanong:

1. Ibigay ang mga salitang ginamit sa paglalarawan.

2. Paano ang mga salitang ito nakatulong upang makilala ang


mga halimbawang tauhan?

2. Presentasyon ng Aralin

2. Pagbasa ng Teksto

Si Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago ay sadyang kilala at tanyag hindi lamang sa
Kamaynilaan kundi maging sa maraming bayan at lalawigan.
Maliit na tao lamang si Kapitan Tiyago-kayumangging kaligatan at may
katabaan. Ayon sa mga tagahanga niya, ang katabaang ito ay dulot ng langit,
ngunit sa mga kalaban niya’y buhat daw ito sa dugo ng mga mahihirap. Bata
pa siya sa tingin, kaya’t akala ng karamihan ay nasa pagitan lamang ng
tatlumpu at tatlumpu’t lima ang kanyang gulang. Ang kanyang bilugang
mukha ay parating banal ang anyo. Ipinalalagay ng karamihan na ang
kanyang maliit na ulo ay kinalalagyan ng maraming bagay. Walang kadamda-
damdamin ang kanyang maliit na matang hindi naman singkit kapag
tumitingin. Wala rin naming masasabi sa kanyang ilong na hindi sarat,
bagkus ay may magandang hubog pa nga. Tunay na masasabing isa siyang
magandang lalaki kung hindi lamang pinapangit ng paghithit ng tabako at
pagnganganga ang kanyang bibig.
Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga pinakamayaman sa Binundok. Isa siyang
tanyag na asendero sa mga lugar sa Kapampangan, Laguna de Bay at lalo
na sa San Diego na mahal sa kanya dahil sa mga alaalang dala nito, huwag
nang kalimutang ang mga sabungan at paliguan dito. Marami pa rin siyang
bahay at lupa sa Sto. Cristo at sa mga daang Anloage at Rosario. Malaki ang
kinikita niya sa paglalagom ng apyan na kung saan kasosyo niya ang isang
Tsino.
Sa ganoong kalagayan, si Kapitan Tiyago ay isang taong maligaya at
walang sinumang kagalit sa pamahalaan man o sa simbahan.
Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

Ikaapat na Markahan | 37
1. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika

A. Isulat ang mga pang-uring ginamit sa paglalarawan kay Kapitan

Tiyago ayon sa kayarian nito.

Mga Pang-uri Kayarian

B. Paghambingin ang mga sumusunod na tauhan sa pamamagitan

ng pagbibigay-katangian. Guhitan ang mga pang-uri na ginamit

sa paghahambing at pagbibigay-katangian. Isulat ito sa inyong

kuwaderno.

1-5 Donya Victorina at Donya Consolacion

6-10 Crisostomo Ibarra at Elias

11-15 Padre Damaso at Padre Salvi

ANALISIS

1. Paano nakatulong ang mga salitang nagbibigay-katangian sa

pagkilala ng tauhan?

2. Ibigay ang mga paraan kung paano nabuo ang mga salitang ginamit

sa paglalarawan ng tauhan.

3. Sa pangungusap na “ Si Kapitan Tiyago ay sadyang kilala at tanyag

hindi lamang sa Kamaynilaan kundi maging sa maraming bayan at

lalawigan”, piliin ang mga salitang nagbibigay – katangian sa tauhan at

uriin ito ayon sa kayarian.


Ikaapat na Markahan | 38
3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang pang-uri ay ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing


sa pangngalan o panghalip.

Kayarian ng Pang-uri
1. Payak-ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
Hal.luma, taas

2. Maylapi-binubuo ng salitang-ugat na may panlapi


Mga panlaping mapanuring na madalas na ginagamit:
/Ka-/ ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-
uugnayan ng higit sa isang taong binabanggit sa pangungusap.
Hal.katrabaho, kadugo
/Kay-/ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na
inilalarawan
Hal. Kaytalim, Kaylinis
/ma-/ nagpapakita ng katangian ng pangngalan o
panghalip
Hal. Malabo, magaling
/maka-/ nagpapakilala ng pakikiayon o pakikisama.
Gumagamit ng gitling kapag ito ay ikinakabit sa pangngalang
pantangi.
Hal.makabayan, maka-Diyos
/mala-/ nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig
ng anumang katangiang isinasaad ng salitang-ugat.
Hal.malapalasyo, malaporselana

3. Inuulit-binubuo ng salitang inuulit.


a. Ganap-buong salita ang inuulit.
Hal.sira-sira
b. Di-ganap-bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Hal.matatamis

Ikaapat na Markahan | 39
4. Tambalan-binubuo ng dalawang salitang-ugat.
a. Karaniwang Kahulugan
Hal.balikbayan
b. Matalinghagang Kahulugan
Hal.bukas-palad
Sanggunian: Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: STATUS MO, LIKE KO!

Lagyan ng “Like” ang bawat “status” nanagpapakita ng kahalagahan ng


tamang gamit ng pang-uri sa araling tinalakay.

Mabisang nailalarawan Tiyak na naibibigay ang


ang mga tauhan sa Noli. katangian at ugali ng
mga tauhan.

Nababatid ang mga Maligoy at hindi kaagad


katangian ng mga taong makilala ang mga tauhan.
kinasangkapan ni Rizal

Ikaapat na Markahan | 40
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TIME TRAVEL INTERVIEW

Sa pamamagitan ng Time Travel Interview, sino sa mga tauhan sa Noli

Me Tangere ang nais mong makausap? Ano ang sasabihin mo sa kanya?

Gumamit ng mga pang-uri sa pakikipag-usap sa tauhan.

EBALWASYON

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang


naglalarawan upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

___1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga (matatayog, matatangkad)


nagusali sa lugar na may malambot na lupa tulad ng sa Baguio.
___ 2.Napakasakit sa balat ang (matimyas, matingkad) na sikat ng
araw.

___3.Hindi naging (malamyos, mabagal) ang pagkilos ni Ibarra sa


pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan.

___4.Hindi masamang magkaroon ng (matayog, matangkad)na


pangarap ang bawat isa.

___5.Ang kultura natin ay hindi naman (huminto, humupa) sa pag-inog.

Susi sa Pagwawasto

1. matatayog 2. matingkad 3. mabagal 4. matayog 5. huminto

Ikaapat na Markahan | 41
Pagkuha ng Index of Mastery

Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng


kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

1. Sumulat ng isang talataan tungkol sa iyong gampanin bilang isang anak,


mag-aaral at kaibigan. Gamitan ito ng mga pang-uri.

2. Nakapagsasaliksik ng mga impormasyon tungkol sa monologo.

ILIPAT

I.LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IVc-59)

1. Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa isang


tauhan.

PAGSULAT (PU) (F9PU-IVc-59)

Ikaapat na Markahan | 42
2. Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo tungkol sa
isang piling tauhan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.2 :Monologo

Kagamitan :Halimbawa ng Monologo, mga Larawan

Sanggunian :Ang Batikan ni Jose B. Bilasano

Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari

10. Pagtatala ng Liban

11. Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

12. Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: VIDEO CLIP

May ipapanood ang guro sa mga mag-aaral na halimbawa ng monologo.

Halimbawa ng Monologo ng Tauhan

ANALISIS

1. Batay sa monologo, paano ipinakita ang pagpapahalaga sa tauhang

Ikaapat na Markahan | 43
nilikha ni Dr. Jose Rizal?

2. Bilang isang kabataang pag-asa ng bayan, paano mo

mapahahalagahan ang mga tauhang ito? Patunayan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PICTURE ORGANIZER

Pag-ugnayin ang mga larawan upang makabuo ng isang mahalagang

konsepto ng aralin.

Kinatawan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.

Pagpapasulat ng isang monologo tungkol sa isang piling tauhan.

GRASPS

GOAL Nakasusulat ng isang makahulugan at masining na


monologo tungkol sa isang piling tauhan.
ROLE Isa ka sa mga kasali sa patimpalak ng pagbigkas ng
monologo sa inyong paaralan tungkol sa piling tauhan
sa Noli Me Tangere. Ikaw mismo ang susulat ng
monologo. Sa iyong monologo bubuhayin mo ang

Ikaapat na Markahan | 44
katauhan ng napiling tauhan sa nobela.
AUDIENCE Mga mag-aaral, guro, punongguro at mga magulang
SITUATION Gugunitain ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
PERFORMANCE Makasulat ng isang monologo at madamdaming
mabigkas rin ito sa harap ng mga manonood.
STANDARDS Tatayain ang monologo ayon sa mga sumusunod na
pamantayan:

Masining 30%

Kaangkupan 30%

Madamdamin 20%

Makatotohanan 20%

Kabuuan 100%

3. Pagkuha ng mga awtputna ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng piling awtputna kinakitaan ng kahusayan sa

pagkakasulat.

5. Pagpili ng mahusay sa pagkakabuo ng sariling monologo.

1. Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa isang


tauhan.

IV. KASUNDUAN

1. Basahin ang mga kabanata sa Noli Me Tangere na may kaugnayan sa


buhay ni Crisostomo Ibarra.

2. Ilarawan si Crisostomo Ibarra bilang:

a. Isang mangingibig

b. Isang anak

c. Isang mamamayan

Ikaapat na Markahan | 45
Ikaapat na Markahan | 46

You might also like