You are on page 1of 3

Banghay -Aralin sa Filipino 9

TALA PETSA:
St. Ignatius I. PAKSA:

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE


Pluma 9,mga pahina 423-436
Powerpoint Presentation
St. Dominic II. MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
C 1. natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay
kahulugan;
C 2. natutukoy ang layunin o dahilan ng may-akda sa pagsulat ng
Noli Me Tangere;
St. Clare
A 3. naihahambing ang sarili sa mga tauhan sa nobela; at
P 5. nakabubuo ng sariling pananaw, kongklusyon at bisa ng akda sa
sarili at sa nakararami.

III. MGA ESTRATEHIYA


Malayang talakayan Pagbibigay Kahulugan
St. John Pagbuo ng Pananaw Akronim
Bosco
IV. PAMAMARAAN:
A. PANIMULA/ PAGGANYAK
Madalas nating marinig ang mga katagang: “Ang pluma ay higit
na makapangyarihan kaysa tabak.” Bilang panimulang gawain,
isa-isahin o ipaliwanag ang mabubuting bagay na naidudulot
ng wastong paggamit nito sa iyong buhay gamit ang akronim
St. Francis
na PLUMA.
P
L
U
M
A
B. TALASALITAAN (LC3)
Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap
na kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon gamit ang
mga kontekstwal na pahiwatig. (Ang kabuoang gawain ay
makikita sa pahina 436-437 ng Batayang Aklat) (Formative)

C. PAGTALAKAY
Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang nobela? Naaangkop
kaya ang pamagat na ito sa nilalaman ng nobela? Ipaliwanag.
Ano-ano ang mga pagtitiis at paghihirap ang naranasan ni
Rizal habang isinusulat niya ang Noli Me Tangere?
Ano-ano ang ginawa ng pamahalaang Espanyol upang
mahadlangan ang pagpapalimbag at pagpapakalat ng sipi ng
Noli Me Tangere?

D. PAGPAPALALIM: (LC1)
Tukuyin ang layunin o dahilan ng may-akda kung bakit niya
isinulat ang Noli Me Tangere batay sa pahayag na kanyang
winika. (Ang kabuoang gawain ay makikita sa pahina 437 ng
Batayang Aklat) (Formative)

V. PAGPAPAHALAGA:
Mula sa mga paglalarawan sa mga katangian ng mga tauhan,
kanino mo maaaring ihambing ang iyong sarili? Bakit?

VI. PAGLALAHAT:
Bakit itinuturing na walang kamatayan ang nobelang Noli Me
Tangere? Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit?
Sa iyong palagay, bakit kaya isinama sa kurikulum ng hayskul
ang pag-aaral ng nobelang ito? Ano-ano ang inaasahan mong
matutunan sa akdang ito?

VII. PAGTATAYA: (LC5)


Sa isang buong papel, bumuo ng inyong sariling pananaw,
konklusyon at maaaring maging bisa ng akdang Noli Me
Tangere sa iyong sarili at maging sa buhay ng iba pang
kabataang tulad niyo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na makikita sa ibaba. (Ang mga tanong ay makikita sa
pahina 441 ng Batayang Aklat.) (Summative)

VIII. TAKDANG-ARALIN:
Basahin at pag-aralan ang “Isang Handaan, Kabanata 1”
pahina 443-453 ng Batayang Aklat.
Sagutan ang “Pag-usapan Natin” pahina 456.

SEKSIYON IBA PANG TALA

St. Ignatius

St. Dominic

St. Clare

St. John Bosco

St. Francis

You might also like