Professional Documents
Culture Documents
ANG PANGINGISDA
Ang mga bituin ay nagkikislapan pa sa bubungan ng asul ng langit at ang mga ibon ay
natutulog pa sa mga sanga, nang ang isang pangkat ng masasayang magkakasama ay
lumalakad sa mga lansangan ng bayan, patungo sa lawa, sa tulong ng tanglaw ng mga sulong
may sahing na tinatawag na huwepe.
Ang mga ito ay limang dalaginding na matutulin ang lakad, hawak-hawak ang mga
kamay o nakahawak sa kani-kanilang baywang na sinusundan ng ilang matandang babae at
mga alilang may sunong na bakol na puno ng kakanin, pinggan, atbp. Sa pagkakita sa mga
mukhang naglalarawan ng kabataan at kinasisinigan ng mga pag-asa, pagkatanaw sa ayos ng
kanilang maiitim at malagong buhok na nililipad ng hangin, at ang malalapad na tiklop ng
kanilang mga damit ay mapagkakamalan silang mga diwata sa gabi na tumatakas papalayo sa
araw, kung hindi natin alam na sila ay sina Maria Clara na kasama ang apat niyang kaibigan:
ang masayang si Sinang na kanyang pinsan, ang seryosong si Victoria, ang magandang si Iday
at ang mapag-isip na si Neneng, ang may kagandahang mahinhin at matatakutin.
Masaya ang kanilang pag-uusap, sagutan, nagtatawanan, nagkukurutan,
nagbubulungan at pagkatapos ay naghahalakhakan.1
“Nakakabulahaw kayo ang mga natutulog pa!” ang sabi sa kanila ni Tia Isabel,
“noong kami ay mga bata ay hindi kami nag-iingay nang ganyan.”
“Kasi hindi rin naman kayo gumigising nang maaga na gaya namin, pati na ang lalaking
matatanda ay antukin!” ang sagot ng maliit na si Sinang.2
Titigil sila sandali sa kanilang malakas na pag-uusap, tinitimpi ang mga boses, ngunit
madaling nakakalimot, muling magtatawanan at pinupuno ang mga lansangan
ng kanilang sariwa at batang tinig.
“Magkunwari kang galit ka, huwag mong kausapin!” ang sabi
ni Sinang kay Maria Clara, “kagalitan mo upang huwag mamihasa sa
masama!”3
3 “kagalitan mo upang huwag mamihasa sa masama!” - Bakit ganito ang payo ni Sinang kay Maria
Clara - ANO BA ANG GINAWANG MASAMA NI IBARRA KAY MARIA CLARA? Balikan natin ang
nakalipas na Kabanata. “Ang kanilang mga labi ay bumubulong ng mga pangungusap, na masarap
pa kaysa lagaslas ng mga dahon at mahalimuyak pa kaysa hanging may dalang bangong buhat sa
halamanan – ano kaya ang ginagawa ng kanilang mga labi?”
“Iyon ang mga sandaling sinasamantala ng mga sirena sa lawa”
Maria Clara, wala lang ang ama mo ay nagkakaganyan ka na – behave, huwag mong sirain ang
iyong magandang imahe sa kasaysayan at kaisipan ng mga kabataang Pilipino.
Teka! Bakit sirena ang nasa isip ni Rizal habang inilalarawan ang romantikong bahaging ito sa
kabanata? Sirena – isang nilalang na bunga ng imahinasyon na hitsura ay isang babae na katawang
tao, subalit ang ibabang bahagi ay sa isda.
SERYOSONG TANONG ITO HA! ANO ANG SUOT NA DAMIT PANG-ITAAS NG ISANG SIRENA?
Ano kayang panghalina mayroon na nagtutulak sa mga sirena na idinudungaw ang kanilang mga ulo
upang batiin ng kanilang mga awit ang paglubog ng araw? –
Ikaw na ang bahalang umintindi at kung magkapareho tayo ng pagkakaunawa sa mabulalak na
pananalita ni Rizal … ISA KANG EREHE-HE-HE-HE-HE!!!
263
“Huwag ka namang masyadong mahigpit,” sabi ni Iday.4
“Higpitan mo, huwag kang tanga! Ang mangingibig ay dapat sumunod, habang
nangingibig, pagkatapos, kapag asawa na ay walang ginagawa kundi ang magustuhan!”
payo ng maliit na si Sinang.5
“Ano ba ang alam mo sa mga bagay na iyan, bata ka pa?” ang bulas sa nagsalita ng
kanyang pinsang si Victoria.6
“Pssst, tahimik kayo at narito na sila!”7
Siya namang pagdating ng pulutong ng mga binata na may dalang na malalaking sulong
kawayan. Naglalakaran silang walang tawanan, na sabay sa tugtog ng isang gitara.
“Parang gitara ng pulubi!” ang sabing tumatawa ni Sinang.8
Nang magtagpo ang dalawang pulutong ay ang mga babae ang siyang mga walang kibo,
na waring mga hindi pa natututong tumawa, datapwat ang mga lalaki ay siyang naging
masalita, nangagsisibati, nangakatawang palagi at makaanim na tanong upang magkamit ng
kalahating kasagutan.9
“Tahimik ba ang lawa? Magkakaroon kaya tayo ng mabuting panahon?” tanong ng mga
ina.
“Huwag po kayong matakot; magaling po akong lumangoy!” sagot ng binatang payat at
mataas.
“Dapat na nagsimba muna tayo!” buntunghininga ni Tia Isabel na daop-
kamay.10
5 kapag asawa na ay walang ginagawa kundi ang magustuhan - Mahahalatang talagang may
ibang tinutumbok dito si Rizal.
6 Mapapansin talaga na napakabata pa ni Sinang – subalit bakit parang may alam na si Sinang,
dahilan upang siya pa ang magbukas ng usapan? Mula sa mga salita sa itaas ay maari nating
mahinuha na nagkuwento si Maria Clara kay Sinang ukol sa ginawa sa kanya ni Ibarra.
7 Ang mga babae ay nakakaramdam ng pagkapahiya na marinig ng mga lalaki ang kanilang mga
personal na usapan.
8 Bakit napatawa si Sinang sa pagkakasabi niya na parang gitara ng pulubi ang tinutugtog ng mga
binata? Magkatulad ang pulubi at mga binata na nagpapatugtog ng gitara at ito ay upang
mamalimos – ang una ay pera ang sa ikalawa naman ay pag-ibig.
Maari ring pansinin ang hubog ng gitara na kinakalabit ng daliri sa bahaging tapat ng butas.
9 Mapapansin ang mga babae ay masayang nag-uusap, ngunit tumatahimik kapag may mga
kalalakihan. Ang mga lalaki naman ay tahimik kung mag-usap-usap, ngunit nagiging maingay kapag
napapalapit sa mga babaeng minamahal.
siya kay Alvino – dahilan sa magaling itong lumangoy. Mayroong nakatagong pahiwatig ng
kapilyuhan.
12 Makikita ang makalumang paraan ng pamamasyal ng mga binata at dalaga sa panahong iyon,
pinaghihiwalay ang mga babae at lalaki sa isang lugar.
13 Pansinin ang kapilyahan ni Sinang – naghahanap na may makasamang mga lalaki sa bangka,
kaya nakurot ng ina.
14 Limang butas sa bangkang kinalalagyan ng limang dalaga!!! - Makikita ang kakayahan ni Rizal
na magpahayag ng luntiang pagbibiro sa hindi halatang paraan.
265
“Wala kundi limang butas lamang, at ganito lamang kalaki!” patunay ng
dating seminarista na ipinakikita ang munting bilog ng kanyang mga daliring
hinlalaki at hintuturo.15
“Tuntungan ninyong mabuti ang mga pasak upang huwag lumusot.”
“Diyos ko! Maria Santisima! Pumapasok na ang tubig!” ang sigaw ng isang matandang
babae na sa pakiramdam sa sarili nakakaramdam ng pagkabasa.16
Nagkagulo nang kaunti; ang ilan ay tumitili, ang ilan ay nagtatangka nang tumalon sa
tubig.
“Tuntungan ninyong mabuti ang pasak diyan!” patuloy ni Albino na itinuturo ang
kinaroroonan ng mga dalaga.
“Saan? Saan? Diyos! Hindi namin nalalaman! Maanong kahit awa lamang ay parito
kayo dahil sa hindi namin nalalaman!” ang pakiusap ng mga natatakot na babae.
Kinailangang ang limang binata ay lumapit sa kabilang bangka upang mapakalma ang
mga sindak na mga ina. Anong pagkakataon! Parang sa piling ng bawat isang dalaga ay
may isang panganib: ang mga matatandang babae ay hindi nagtataglay ng kahit na isa
man lamang mapanganib na butas.17 At lalo pa pagkakataon! Si Ibarra ay nakaupo sa tabi ni
Maria Clara, si Albino ay sa tabi ni Victoria, at gayon din ang iba. Ang pananahimik ay muling
naghari sa umpukan ng mga ina, ngunit hindi gayon ang nangyari sa dako ng mga binibini. 18
Sa dahilang ang tubig ay lubhang tahimik, ang mga baklad ay hindi lubhang nalalayo, at
lubha pang maaga, ay pinagkasunduang iwan muna ang pagsagwan at ang lahat ay mag-
agahan. Pinatay ang ilaw ng mga parol sapagkat ang bukang-liwayway ay nagpapaliwanag na
sa kapaligiran.
“Walang katulad ang salabat kung iinumin sa umaga bago magsimba!” ang sabi ni
Kapitana Tika na ina ng masayang si Sinang; uminom ka ng salabat na
kasama ng puto, Albino, at makikita mo, maiisipan mong muling magdasal.”19
“Iyon nga ang ginawa ko,” ang sagot ni Albino, “naiisip ko na ngang
mangumpisal.”20
15 “Wala kundi limang butas lamang, at ganito lamang kalaki!” patunay ng dating seminarista na
ipinakikita ang munting bilog ng kanyang mga daliring hinlalaki at hintuturo.
Anong Butas Iyon? Ang sagot ay dapat na sa Latin upang maunawaang mabuti – Nauunawaan mo
na ba kung bakit nag-kurus is Tia Isabel noong sabihin ni Alvino na magaling siyang lumangoy.
18 Makikita na si Albino ay gumawa lamang ng isang eksena para matakot ang mga ina o kasama ng
mga kababaihan upang sila ay pasakayin sa bangka na kinaroroonan ng mga dalaga.
20 Mapapansin sana ang istilo ni Albino – malayo ang sagot sa tanong o nais na maging kasagutan
ng nagtatanong sa kaniya.
Ang totoo, ang sagot ni Albino ay isang pang-insulto.
Bakit sinabi niyang ginawa na niyang magdasal at nais nais na niyang mangumpisal? Katabi niya
ang dalagang si Victoria, at nais niya na magdasal at mangumpisal ng pag-ibig sa dalaga.
HINDI KAYA ANG MGA MALALAYONG SAGOT NA KATULAD NITO ANG ITINUGON NI RIZAL KINA
PADRE VICENTE BALAGUER NOONG HINIHIKAYAT NILA SI RIZALsa huling pagkakataon NA
MAGBALIK-LOOB SA SIMBAHAN?
266
“Huwag!” sabi ni Sinang, “uminom kayo ng kape sapagkat nagbibigay ng masasayang
kaisipan.”
“Ngayon din, sapagkat nalulungkot ako ng kaunti.”21
“Huwag iyan!” paalaala sa kanya ni Tia Isabel, “uminom kayo ng tsa at kumain ng
galyetas; sinasabing ang tsa ay nagpapatiwasay sa pag-iisip.”
“Iinom po ako ng tsa na may galyetas!” sagot ng masunuring magpapari;
“salamat na lamang at alinman sa mga iinuming ito ay hindi ang
Katolisismo.”22
“Pero magagawa mo ba …? ang tanong ni Victoria.
“Alin ang uminom pa ng sikulate? Aba, opo! Huwag sanang magtatagal ang
tanghalian.”23
Ang umaga ay tunay na napakaganda; ang tubig ay kumikinang, at sa liwanag na
nanggagaling sa langit at liwanag na naaninag sa tubig ay halos nawawalan ng anino ang mga
bagay-bagay, isang maningning na liwanag na walang init, makulay, na namamalas sa ilang
baybay-dagat. Halos masaya ang lahat at kanilang nilalanghap ang simoy na unti-unti nang
nagigising: pati na ang mga ina, na lubhang maiingat at walang tigil sa kabibilin ng nararapat
gawin, ay nagtatawanan at nagbibiruan sila-sila.
“Naaalaala mo ba?” ang sabi ng isa kay Kapitana Tika, “naaalaala mo ba kung tayo ay
naliligo sa ilog, noong tayo ay dalaga? Walang
anu-ano ay may tangay ang agos na mga bangka-
bangkaang palapa ng saging na may lamang
mga sari-saring prutas na kasama ng
mababangong bulaklak. Ang bawat isang
bangka ay may mumunting watawat na nakasulat
ang ating mga pangalan …”24
“At kung tayo ay pauwi ng bahay?” ang
dugtong ng isang hindi na inantay na matapos
ang una, “natatagpuan nating sira ang mga
tulay na kawayan, kayat kinakailangan nating
lumusong sa ilog… napakatalino!”
“Siya nga” ani Kapitana Tika, “nguni’t
binayaan ko nang mabasa ang laylayan ng aking saya kaysa makita ang aking paa: alam kong
sa mga sukal ng tabing-ilog ay may mga matang naninilip.”25
23 Ang tanong ni Victoria ay kung magagawa kaya ni Albino na lunukin ang Katolisismo – ito ay
bilang pagsubok ng dalaga kung gagawin lahat ng binata, ang ipakikiusap nito. Kabilang na rito ang
pagbabalik sa paniniwala sa simbahan. Sagot ni Alvino ay kaya niyang uminom pa ng sikulate
(hindi ang Katolisismo). Alaskador talaga si Rizal.
25 Ipinapakita ang kapilyuhan ng mga lalaking manliligaw noon. Sinisira ang tulay para mapilitang
lumusong sa tubig ang mga babaeng kanilang nililigawan. Sa ganito ay itataas nila ang laylayan ng
kanilang saya – mas mataas ang tubig, higit na itataas ang saya – isipin na lang ninyo kung
267
Ang mga dalagang nakakarinig ng mga bagay na ito ay nagkikindatan at nagngingitian;
ang iba naman ay may sari-sariling usapan at hindi pinapansin ang gayon.
Iisang lalaki lamang, ang namimiloto, ang walang imik at hindi kahalo sa kasayahang
iyon. Siya ay isang binatang mainam ang pangangatawan at ang mukha ay lalaking-lalaki dahil
sa kanyang malalaking mata at matigas na ayos ng kanyang mga labi. Ang buhok na maiitim,
mahaba at di-ayos, ay umaabot sa kanyang matibay na leeg; isang barong magaspang at
mangitim-ngitim na kulay ay nagbibigay-daan upang maaninag sa kanyang mga tupi ang
kanyang malakas na pangangatawan na nakikitulong sa kanyang malitid at hubad na bisig sa
pagpapagalaw na parang isang bagwis lamang sa isang malapad at malaking sagwan, na
ginagamit na timon upang ituwid ang lakad ng dalawang bangka.26
27 Ipinapakita ni Rizal na ang mga matatalinong dalaga ay may matalas na pakiramdam sa mga
lalaking humahanga sa kanilang kagandahan. Ano ate hindi mo rin alam iyon? – naiintindihan kita
ang sabi ko ay mga dalagang may katalinuhan at kagandahan.
32 Mayroong interes si Maria Clara na malaman kung saan makakakita ng pugad ng tagak.
268
“Wala bang pugad ang mga ibong iyan?”
“Inaakala kong dapat magkaroon dahil kung hindi ay lubha silang kaawa-awa.”33 Hindi
napuna ni Maria Clara ang malungkot na pagkakabigkas ng piloto sa mga salitang ito. “Kung
gayon ay bakit?”
“May mga nagsasabi,” ang sagot ng binata, “na ang mga pugad ng mga ibong iyan ay
hindi nakikita at may taglay na bisang hindi makikita ang may dala sa kanila; 34 kagaya ng
kaluluwa na namamalas lamang sa inilarawan ng mata, ang mga pugad namang iyan ay hindi
namamalas kundi aninagin sa tubig.”
Si Maria Clara ay natira sa pagdidili-dili.
Narating nila ang baklad: itinali ng matandang bangkero ang mga bangka sa isang
kawayan.
“Hintay!” ang sabi ni Tia Isabel sa anak ng matanda na humahanda nang umakyat na
dala ang panalok o supot na lambat, “kailangang nakahanda na ang sinigang upang ang mga
isda ay diretso na mailagay agad sa sabaw, pagkagaling na pagkagaling sa tubig.”
“Napakabait ni Tia Isabel!” bulalas ni Albino, “ayaw na malayo kahit sandali man lamang
ang isda sa tubig.”35
Si Andeng, ang kapatid sa suso ni Maria Clara, kahit na may mukhang malinis at
masaya ay balita sa kahusayang magluto.36 Naghahanda ng sabaw-sinaing, kamatis, kamyas,
na tinutulungan o inaabala ng ilang binata na marahil ay nagnanais na kanyang
kalugdan.37 Ang mga dalaga ay naglilinis ng talbos ng kalabasa, mga gulay, at pinagpuputul-
putol nang singhaba ng sigarilyo ang mga paayap.38
Upang malibang ang pagkainip ng mga may nasang makakita kung paano ang paglabas
ng mga isdang buhay at pumapalag sa kanilang bilangguan ay kinuha ng magandang si Iday
ang alpa: hindi lamang mabuting tumugtog si Iday ng alpa kundi mayroon pang magagandang
daliri. Nangagpalakpakan ang kabataan, hinagkan siya ni Maria Clara: ang alpa ay siyang
karaniwang tugtugin sa lalawigang iyon at siya namang bagay sa mga sandaling yaon.
“Awitin mo Victoria ang awit ng pag-aasawa!” ang hiling ng mga ina-ina.39
33 Sa kasagutan ni Elias ay mapupuna ang damdamin ng pagkahabag sa ibon na walang pugad, ito
ay dahilan sa katulad siya ng mga ito.
36 Si Andeng, ang kapatid sa suso ni Maria Clara, KAHIT NA MAY MUKHANG MALINIS AT
MASAYA ay balita sa kahusayang magluto – Kung babasahin ng marahan at paulit-ulit ang mga
salitang ito ay nakatago ang isang garapal na pagbubunyag sa kaniyang moralidad. Basahin mo
lang ang iba pang mga nakasulat ukol kay Andeng at magugulat ka. Patitikimin tayo ni Rizal ng
luto ni Andeng sa Kabanata ?? – di ko muna ilalagay baka hanapin ninyo agad.
37 Bakit nais ng mga binata na kalugdan sila ni Andeng? Para makatikim ng iniluluto ni Andeng.
Aha! Mukhang naiintriga kay Andeng, huwag kang mag-alala hindi ka bibitinin ni Rizal sa Kabanata
??.
39 Ito ang awitin na hinihiling ng mga ina na awitin ni Victoria para maiparinig kay Maria Clara
dahilan sa ito ay nalalapit ng magpakasal kay Ibarra. Tingnan ang paliwanag sa talababa 40 sa
kabanatang ito.
269
Ang mga lalaki ay tumutol, at si Victoria na may mainam na tinig ay nagdahilang
namamalat.40 “Ang awit ng mag-aasawa” ay isang magandang tulang tagalog na
nagsasalaysay ng lahat ng kahirapan at kalungkutan ng kalagayang ito, na hindi
binabanggit ang alinman sa kanyang mga kasayahan.41
Sa gayo’y hiniling na umawit si Maria Clara.
“Ang lahat ng awit ko ay malulungkot.”
“Walang kailangan, walang kailangan!” ang sagot ng lahat ng babae.
Hindi naman siya nangailangang pakapilitin pa, kinuha ang alpa, tumugtog ng isang
pasacalle at umawit na mataginting ang boses, mahimig at malambing.
Lumipas ang tinig, huminto ang awit, napipi ang alpa at patuloy pa rin ang iba sa
pakikinig: walang pumalakpak. Nararamdaman ng mga binibini ang pangingilid ng luha sa
kanilang mga mata, si Ibarra’y waring masama ang loob at ang binatang piloto ay walang
kakilus-kilos, nasa malayo ang tingin.
Walang anu-ano’y biglang nadinig ang isang nakatutulig na ingay: ang mga babae ay
napasigaw at nagtakipan ng tainga. Iyon pala ay sapagka’t hinihipan nang buong lakas ng
naging seminaristang si Albino ang tambuling sungay ng kalabaw. Ang tawanan at
kasayahan ay nanumbalik; ang mga matang puno ng luha ay nagkatuwaan.
“Bibingihin mo ba kami, erehe?” ang sigaw ni Tia Isabel.45
40 Isang karaniwang kaugalian ng mga Tagalog na kahit na maganda ang boses ay hindi basta
nagbibigay na kumanta at malimit na nagdadahilan para makaiwas. Sa aklat nga ni Agoncillo na
History of the Filipino People ay kaniyang isinulat na ang mga musika ay porte ng mga Pilipino sa
Bisaya at ang pagiging makata ang porte ng mga Tagalog.
41 Ang awit ay ukol sa hirap ng pag-aasawa, subalit hindi tinitingnan ang magandang panig ng
kalagayang iyon sa buhay. Isang matalas na pagpuna ni Rizal sa mga literatura/awitin na umiiral sa
kaniyang kapanahunan.
42 Pansinin na ang awit ni Maria Clara ay sinulat ng isang taong wala sa kaniyang sariling bayan at
labis na nanabik na makabalik. Subalit naandoon din ang patalismo ng sarap ng mamatay para sa
bayan.
44 Isang tahimik na pagpapanukala ng kabayanihan na dinaan sa awit ni Maria Clara – babae ang
pinaawit ni Rizal sa nobela upang maskarahan ang subersibong elemento ng pahayag na ito.
270
“Napakinggan ko po,” ang sagot na walang katawa-tawa ng naging seminarista, “na may
isang dukhang trumpetero, sa mga pampang ng Rhine, na sa kaiihip ng trumpeta ay napakasal
sa isang dalagang mayaman at dugong mahal.
“Tunay nga, ang trumpetero sa Sackingen!”46 dugtong ni Ibarra, na hindi naiwasan ang
makilahok sa bagong pagkakatuwang iyon.
“Narinig na ninyo?” ang patuloy ni Albino, “ibig kong makita kung ako ay magkakaroon
ng gayong kapalaran.” At muling hinipan nang lalong malakas ang matunog na sungay, na
inilalapit pa naman ang pakakak sa tainga ng mga dalagang lalong malungkot. Gaya ng
maaantay ay nagkaroon ng munting kaguluhan; pinatigil siya ng mga ina-ina sa pamamagitan
ng kurot at palo ng sinelas.
“Aray! Aray!” sabi na hinipu-hipo ang mga bisig. “Anong layo ng Pilipinas sa pampangin
ng Rhine! Oh, tempora! Oh, mores!47 Ang iba ay dinudulutan ng gantimpala at ang iba ay
kaparusahan!”
Ang lahat ay nagtatawanan na, pati na si Victoria, subalit, si Sinang, ang may masayang
mata ay marahang bumulong kay Maria Clara ng “Mapalad ka! Ay, ako man ay aawit din
kung ako ay makakaawit!”
Ipinabatid ni Andeng na ang sabaw ay nakahanda na para lagyan ng mga isdang
mahuhuli.48
Ang batang anak ng mangingisda ay umakyat na sa ibabaw ng pinakasupot ng baklad, na
nalalagay sa dakong pinakamakipot nito, na mangyayaring lagyan ng sulat na Lasciate ogni
speranza voi che’entrate,49 kung ang mga kaawa-awang isda ay marunong lamang ng wikang
Italyano at ito ay kanilang nauunawa: ang isdang mapasok doon ay hindi na nakalalabas kundi
sa kamatayan. Iyon ay isang loob na halos pabilog, na ang luwang ay isang metro, humigit-
kumulang, at ang pagkakayari ay handa upang ang isang tao ay maaring makatayo sa ibabaw at
mula roo ay makuha ang mga isda sa tulong ng panalok.50
“Diyan ay hindi ako maiinip na mamingwit!” ang sabi ni Sinang na kinilig sa katuwaan.51
Lahat ay nakaabang na nakikini-kinita ng ilan ang pagpasag at pag-galaw ng mga isda sa loob
ng lambat, kuminang ang kanilang makintab na kaliskis, atbp. Gayunman, nang ipasok ng
bata ang panalok ay walang pumusag na isa mang isda.
“Marahil ay puno,” ang sabing marahan ni Albino, “mahigit nang limang araw na hindi ito
nadadalaw.”
Inahon ng mangingisda ang panalok… ay! ni isa mang munting isda ay walang laman
ang lambat; ang tubig, nang mahulog na patak-patak na tinatamaan ng araw ay nangingisi ng
45 Isang lihim na pagpapakilala ni Rizal kay Albino sa pamamagitan ni Tiya Isabel – si Albino ay
isang erehe. Subalit hanggang ngayon ay misteryoso pa rin ang tauhan na ito ni Rizal na hindi pa
niya ipinakikilala sa bahaging ito.
49 Isang wikang Italyano na ang kahulugan ay “Iwanan ang lahat ng pag-asa, kayo na papasok dito”
Salitang nakasulat sa pintuan ng impyerno mula sa Akda ni Dante na Impyerno (Derbyshire)
50 Inilalarawan ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa ang baklad bilang panghuli ng isda.
51 Natural naman, puro isda ang laman ng baklad tiyak na may kakagat agad ng pain sa bingwit –
maihahalintulad ang mga isda sa baklad sa isang captived market na walang mapagpipilian ang mga
mamimili – katulad ng kalagayan ng mga Kristiyanong Pilipino sa panahon ng monopolyo ng
Katolisismong Espanyol.
271
mataginting na tawa. Isang ah! na paghanga, sama ng loob, at pagkapawi ng pag-asa ang
namulas sa labi ng lahat.
Inulit ng bata ang pagsalok, at gaya rin ng una ang nangyari.
“Hindi mo alam ang kung papaano ang paghahanap!” ang sabi ni Albino na nangunyapit
sa bakod at kinuha ang panalok sa kamay ng bata. “Ngayon ninyo makikita! Andeng,
buksan mo ang palayok!”52 Maging si Albino man ay hindi nakaka-alam, wala ring laman ang
lambat. Siya ay pinagtawanan ng lahat. “Huwag kayong maingay sapagkat naririnig kayo ng
mga isdang ayaw pahuli!” anya, “ang lambat na ito marahil ay sira.”
52 “Ngayon ninyo makikita! Andeng, buksan mo ang palayok!” – Tandaan na laging may takip at
sa pagkakataong iyon ay mainit ang loob ng palayok. Sana wala ring ibang kahulugan ang mga
hanay ng salitang ito ni Rizal.
54 Pansinin na si Leon ay mayroong likas na katalinuhan – kahit hindi pa niya nakikita ay alam
niya sa pamamagitan ng pagsalat na ang kaniyang nalapatan ng kawayan ay isang buwaya ang
dahilan ng pagkawala ng mga isda/pagkain ng bayan.
55 Ipinapapansin na ang kinatatakutan sa buwaya ay ang laki ng katawan nito.- Anong katawan
iyon? nakakatakot na sagutin, kasi napakalaki ng katawan ng buwayang ito.
56 Ang pagtatanong ng mga tao kung ano ang gagawin sa buwaya ay isang palihim na paraan ni
Rizal ng pagdidikta ng matalinong katanungan sa kaniyang mga mambabasa ukol sa nararapat
nilang gawin sa buwaya.
Sa katotohanan ang layer na ito ay halos kasunod ng lihim na layer na nakatago Kabanata 20
– ukol sa panukalang pagtatanghal na pambayan na mayroong pailalim na kahulugang
272
“Hulihin!” ang sabi ng isang boses.57
“Jesus, at sino ang huhuli?”58
Walang mangahas magsabing siya ang lulusong. Ang tubig ay malalim.59
“Dapat natin siyang itali sa ating bangka at matagumpay na kaladkarin!” ang sabi ni
Sinang,60 “sukat bang lamunin ang mga isdang dapat sana nating kainin!”61 “Hindi pa ako
nakakakita hanggang sa ngayon ng isang buwayang buhay!” ang marahang sabi ni Maria
Clara.62
Ang piloto ay tumayo, kumuha ng isang mahabang lubid at matuling umakyat sa
pinakabahay.63 Pinaraan siya ni Leon.64 Liban kay Maria Clara, hanggang sa mga sandaling
yaon, ay walang nakapuna sa kanya: ngayon ay hinahangaan nila ang kanyang magandang
tindig.65
Sa gitna ng pagkakamangha at kahit na nagsigawan ang lahat ay tumalon ang piloto sa
loob ng baklad. “Dalhin ninyo ang sundang na ito!” ang sigaw sa kanya ni Crisostomo na
kumuha ng isang sundang na yaring Toledo.66
Ngunit ang tubig ay tumilansik na paitaas at ang lawa ay muling naghilom.
“Jesus, Maria y Jose!” bulalas ng mga babae. “Magkakaroon tayo ng isang
kasakunaan! Jesus, Maria y Jose!”67
panghimagsikan.
57 Marami ang mga naandoon sa pagkakataong iyon, subalit mapansin na isang boses lamang ang
naglakas loob na magbigay ng mapangahas na kasagutan.
59 Natatakot ang marami na manguna sa paghuli sa buwaya, dahil malalim ang tubig, Simbolo ng
kawalang katiyakan ng tagumpay.
60 Mula sa panukala ni Sinang ay ipinapakita ni Rizal ang dapat na gawin sa buwaya. Itali sa
bangka – huwag ng pakilusin o payagan na makialam pa sa bayan. Ang katulad nito ay ang
ginagawa ng mga mapagtagumpay na manghihimagsik laban sa mga naghaharing uri na kanilang
nagapi sa labanan.
64 Pinaraan siya ni Leon (sa pangalan lamang matapang) – makikita naman dito ang kahusayan ni
Rizal sa panunudyo sa kaniyang mga kababayan na nagtatapang-tapangan at nagmamarunong
lamang.
65 Mapapansin ang isang tao ay maaring nagsisimula na isang walang kabuluhang indibidwal,
subalit nagkakaroon ng kahalagahan sa panahon na isinasagawa niya ang kaniyang kabayanihan.
66 Sundang na yaring Toledo – ang pinakamahusay na punyal noon ay gawa sa Toledo, Espanya –
kung saan naging tradisyon ng mga Espanyol magmula pa noong unang panahon ng kanilang
pagiging bansa na ipagawa ang mga pinakamahuhusay na espada para sa kanilang hukbo.
67 Inilalarawan dito ang ang takot ng maraming mga tao sa maaring maging kaganapan sa
273
“Huwag po kayong mangamba, mga aling kuwan,” ang sabi sa kanila ng matandang
mananagwan, “kung dito sa lalawigan ay may isang makahuhuli ay walang iba kundi siya.”68
“Ano ang pangalan ng binatang iyan?” ang tanungan.
“Ang tawag namin sa kanya ay Ang Piloto,69 siya ang pinakamahusay sa lahat ng nakita
ko; hindi lamang iniintindi ang paghahanap.”70
Ang tubig ay gumagalaw, ang tubig ay nahahalo na parang sa ilalim ay may naglalaban;
umuuga ang bakod. Walang umiimik na sinuman, pinipigil ang kanilang paghinga. Hawak na
mahigpit ni Ibarra ang puluhan ng matalas na sundang. Ang paglalaban ay parang natapos.
Sumipot sa ibabaw ang ulo ng binata, na pinasalubungan ng masayang sigawan: ang mata ng
mga babae ay puno ng luha. Ang piloto ay umakyat na dala sa kamay ang dulo ng lubid, at nang
nasa papag-papagan na ay binatak.
Ang hayop ay lumabas; ang lubid ay nakatali sa kanyang leeg at dalawang paang unahan
na waring dalawang sakbat. Malaki, gaya ng sinabi ni Leon; may bahid, at ang likod niya ay
nilulumot na, bagay na sa mga buwaya ay siyang pinakauban, kung baga sa tao.71
Umuungal na parang baka, pinapalo ng buntot ang dingding na kawayan, nangungunyapit,
at inginanganga ang kanyang maitim at malaking bunganga at ipinatatanaw ang kanyang
mahahabang pangil.72
Iniakyat siyang mag-isa ng piloto: walang nakaalaalang tumulong.
Nang nasa labas na ng tubig at nasa ibabaw ng papag ay tinuntungan sa likod, at sa
tulong ng malakas na kamay ay itinikom ng piloto ang malaking panga ng hayop at tinangkang
taliang mahigpit ang nguso nito. Ang hayop ay nagbanta ng huling magagawa, ibinaluktot ang
katawan, ipinalo sa sahig ang kanyang malakas na buntot, at, nakapiglas, tumalon sa dagatan,
sa labas ng bakod, na tangay ang humuli.73 Ang piloto ay maibibilang na sa patay: isang sigaw
na pagkasindak ang pumulas sa dibdib ng lahat.
Matuling parang kidlat na lumagpak sa tubig ang isa pang katawan; bahagya nang
nakitang si Ibarra pala. Si Maria Clara ay hindi nawalan ng diwa, sapagka’ hindi pa marunong
na mawalan ng malay tao ang mga Pilipina.
Nakita nilang namula ang tubig, napuno ng dugo. Ang batang mangingisda ay tumalong
hawak ang kanyang itak, sinundan siya ng kanyang ama:74 ngunit bahagya pa lamang silang
68 Bantayan ang pakahulugan ng pananalitang ito. Ang pilotong si Elias ang pinakamahusay sa
lalawigan ng Laguna na manghuli ng buwaya. Pag nakilala ninyo ang buwaya ay makikilala ninyo
ang pinakamahusay na manghuli ng buwaya sa lalawigan ng Laguna.
70 Hindi lamang iniintindi o sineseryoso ang paghahanap – kasi naman ang taga Lagunang
pinakamahusay na manghuli ng buwaya ay ginagawa niyang katatawanan o maaring hindi niya
lamang pinagtutuunan ng pansin ang aktibong paraan ng paghuli ng buwaya.
75 Ipinaparamdam ni Rizal ang maaring maging malaking katuwaan ng bayan sa kanilang magiging
tagumpay sa pagkasawi ng buwaya.
78 Ibang buwaya na laging nasa simbahan – sino kaya ang mga iyon? Ngunit ipinapaala-ala ang
paglalarawan sa buwaya, naubos ang lamang isda sa baklad dahilan sa inubos ng mga buwaya. –
Dito ay gumawa na ng clue si Rizal kung ano ang uri ng buwaya.
79 Tinutukoy dito ay si Pedro Paterno na naging kasamahan ni Rizal sa Madrid. Si Paterno rin ang
siyang nagboluntaryo upang mamagitan sa Kasunduan ng Biyak na Bato noong 1897.
275
Ang kabilang baklad ay dinalaw nilang may taglay na alinlangan, hinihintay ng marami
na matagpuan doon ang asawa ng buwaya, nguni’t ang katalagahan ay mapagbiro, at ang
panalok ay puno nang puno kung lumabas.
Si Tia Isabel ang nag-uutos. “Ang ayungin ay mabuting isigang; bayaan ninyo ang biya sa
eskabetse, ang dalag at ang buwan-buwan ay sa pesa; ang dalag ay mahaba ang buhay. Ilagay
ninyo sa lambat upang huwag maalis sa tubig. Ang mga hipon ay sa kawali! Ang banak ay sa
inihaw, balutin ng dahon at palamnan ng kamatis.81 “Itira ninyo ang iba upang maging
pampain: masamang ubusing lahat ang laman ng baklad,”82 ang dugtong pa.
Sa ganito ay tinungo nila ang tabi, doon sa gubat na may malalaking punong pag-aari ni
Ibarra. Doon, sa lilim, at sa tabi ng malinaw na batis sila manananghali sa gitna ng mga
bulaklak o sa ilalim ng mga palapa. Ang tugtugan ay umaalingawngaw sa malayo, ang usok ng
mga kalan ay masayang pumapaitaas na wari ay uli-uli; ang tubig ay umaawit sa loob ng
inaapuyang na kaldero, marahil ay mga salitang pang-aliw-loob sa mga isdang patay ang
sinasabi, o kaya’y pag-uyam o pagkutya; ang bangkay ng buwaya ay paikit-ikit, biglang
mapaharap ang maputi at walat na tiyan o ang may bahid at kulay-luntiang likod, at ang tao na
pinuspos-biyaya ng Katalagahan, ay hindi nagagambala sa gayon karaming pag-utang ng buhay
na sinasabi ng mga bramin o ng mga taong walang kinakain kundi gulay.83
Ikalawang Pagbasa – pang-ilalim na layer - makikita rito ang istilo ng pagsulat ni Rizal -
“nguni’t sa lahat ay mabuti ang pagtugtog ni Albino, na totohanang kinakayod ang gitara, hindi
tamaan kung minsan ang tono, madalas na mawala sa kumpas, o kaya ay nakalilimot at
nagbabago ng tugtugin na lubhang ibang-iba kaysa dating tinutugtog.”
ANG PAGKAKAROON NG IBA’T IBANG TONO O TEMA NG TINATALAKAY NA LUBHANG
IBANG-IBA KAYSA SA PINAPAKSA - Ipinapakita rito ni Rizal na ang kaniyang mga isinulat sa
nobela ay mayroong pailalim na mensahe na malayo sa ibabaw na layer ng kaniyang
tinatalakay. Nakakagutom na, tikman naman natin ang luto ni Andeng na nakakaabot ng tatlong
kulo.
Sino ba ang Albinong ito? Ituloy ang pagbasa at inyo siyang makikilala
81 Mapapansin dito na alam ni Rizal ang masarap na kaukulan ng mga luto para sa mga isda. Ayon
sa kuwento ni Ambeth Ocampo, sa panahon na sinusulat ni Rizal ang nobela ay kapos ito sa salapi
at malimit na nalilipasan ng gutom. Hindi kaya siya natatakam habang sinusulat niya ang bahaging
ito ng nobela.
82 Paala-ala sa pamahalaan na laging ubos ang kinikita at nabubuhay ang bayan sa pangungutang
sa mga dayuhan.
83 Ipinakikilala rito ni Rizal ang diyeta ng vegetarian? Ang pagkain ng Kaparian ng isang pangkatin
ng pananampalataya ng sangkatuhan. Paghikayat na paghambingin ang kahiligan sa pagkain ng
mga prayle.
276
Noli Kabanata 23-24 Repleksyon
August 5, 2013 – 4:14 pm
Posted in Uncategorized
Tagged babae, Noli Me Tangere, reflection, ugali
Ang iba’t ibang mga tauhan sa kabanata 23-24 ng Noli Me Tangere ay may iba’t iba ring sariling kaugalian
na may nais ipakita ni Jose Rizal tunkgol sa mga kaugalian ng mga tao sa totoong buhay. Isa sa agad-agad
na makikitang kaugalian ng mga kalalakihan sa kabanata 23 ay ang kanilang pagiging romantiko, na kahit
ang mga babae sa panahong iyon ay mahinhin at mahiyain, talagang susubukin nila ang mga paraan upang
makausap at makasama and babae. Nakikita ito sa pagtakot ng mga lalaki sa mga babae na may butas daw
ang bangka at kailangan nilang itakip ang mga ito, para magsasang-ayon ang mga babae na lumipat ng
bangka ang mga lalaki. Kahit hindi masyado galante ang kanilang pagO-OA sa mga butas ng bangka.
Nakikita rin ito sa pagplano ni Ibarra ng isang picnic at pangigisda na kasama ang kanilang mga kaibigan
para kay Maria Clara at pati na ang pag-aalay ni Ibarra kay Maria Clara ng kanyang kalatas at ang pangarap
na magpapatayo ng paaralan. Isa pa sa makikitang mabuting asal ng mga Pilipino ay ang kanilang magiliw
na pagtanggap ng mga bisita o panauhin, na makikita sa pag-imbita ni Ibarra si Sisang kumain at sumali sa
pista, at pati na ang pagsabi niya na kahit sinumang dadalaw sa kanyang pista ay maaring sumali at wala
namang itatanggi sa kanilang pagdidiriwang.
Sa palagay ko, makatuwiran ang paghihigpit na pagaalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak na babae
dahil ang ating mundo ay punong-puno ng masasamang tao na maaring tumungo sa hindi mabubuting
sitwasyon. Kung hindi ipinoprotektahan ng maigi ang isang babae ng kanyang magulang baka may mga
taong na ang tinitingnan siya at nag-iisip na ng masamang balak dahil wala namang makakatigil sa kanya.
Sa Kabanata 23-24, nakikita ang pagbibigay halaga ng mabuting pagaalaga ng magulang sa kanilang anak sa
pagsasama nila ng mga bantay at katiwala tulad ni Tiya Isabel kay Maria Clara.
Sa kasalukuyang panahon, marami sa kababaihan ay hindi pinapaalagaan ng mabuti ang kanilang sarili.
Sila’y pumunta lang sa mga lugar na delikado ng walang pagiingat at walang kasama. Sumasali sila sa party,
at minsan pa ay umiinom at naglalasing. Ang kanilang sinusuot rin ay hindi sapat na tinatakpan ang mga
bahagi ng kanilang katawan, katulad ng “short shorts” o “tank tops”. Dahil dito, lumalaki ang panganib ng
mga babae sa kanilang paglalabas ng bahay. Kung mabubuting iproprotektahan ng mga babae ang kanilang
sarili sa paraan ng laging pagsasama sa taong makaaalaga at pagsuot ng mas angkop na damit upang hindi
mag-uudyok sa ibang mga taong gumawa ng masamang bagay. Hindi ko naman ring sinabing dapat laging
may kasamang yaya’t gwardya ang bawat babae, sana lang ay mag-iingat sila, mas lalo na sa pook na hindi
masyado kilala.
277