You are on page 1of 2

IBALON

(Epikong Bikolano)
TAGAPAGSALAYSAY: Noong unang panahon ay may tatlong magigiting na lalaki sa lugar ng Ibalon.
Ito ay sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ang Ibalon ay ang matandang pangalan ng Bikol.
(Maiiwan si Baltog, lalabas yung dalawa sa tanghalan. May taong magsisigawan. Makikipaglaban si
Bantong sa baboy-ramo. Pagkatapos, pupurihin ng taumbayan si Bantong sa kanyang nagawa.)
BALTOG: Ayos lang ba ang lahat? Wala bang nasaktan? Ako nga pala si Baltog nagmula ako sa
Batawara.
TAUMBAYAN: Mabuhay si Baltog! Ang ating bayani at hari! Mabuhay!!!!
TAO 1: Wala namang nasaktan sa amin
TAO 2: Maraming salamat sa iyo!!!
TAO 3: Ikaw na ang kikilalanin naming hari mula ngayon
TAUMBAYAN: Mabuhay si Baltog! Ang ating bayani at hari! Mabuhay!!!!
TAGAPAGSALAYSAY: (Papasok ang mga magtatanim) Naging maayos na hari si Baltog at lalo pang
umunlad ang Ibalon sa ilalim ng pamumuno nito (Magpapahinga sila) Ngunit may dumating muli na
isang malaking problema sa tagal ng pamumuno ni Baltog. Kaya’t matanda na siya upang makipaglaban
pa. (Sisirain ng baboy-ramo ang mga pananim nila)
TAO 4: Pinunong baltog!! May hayop pong naninira ng aming mga pananim!!
TAO 5: Tulungan po ninyo kami!
BALTOG: Sige, gagawan natin iyan ng paraan!
TAO 6: Salamat po!! (Lalabas na sa tanghalan)
TAGAPAGSALAYSAY: May katandaan na rin kasi si Baltog kaya’t namomroblema siya kung paano
ito masusolusyonan... (Nakaupo si Baltog sa kanyang silid)
HANDIONG: Magandang umaga aking kaibigan!
BALTOG: Magandang umaga rin! Handiong?... Pwede bang humingi ako sa’yo ng tulong?
HANDIONG: Anong tulong ba ito?...
BALTOG: May katandaan na rin kasi ako... Kaya’t mahihirapan na akong makilaban, tulungan mo
akong lipulin ang mga kalalakihan bukas...
HANDIONG: Walang problema aking kaibigan..
BALTOG: Maraming salamat!!
TAGAPAGSALAYSAY: Kinabukasan ay tinipon ni Handion ang kalalakihan ng Ibalon at sinabi sa
mga itong lilipulin nila ang mababangis na hayop at halimaw na gumugulo sa kanilang lugar pagsapit ng
dilim.
HANDIONG: Magsipaghanda ang lahat mamayang gabi! Naiintindihan nyo ba?
KALALAKIHAN: Opo pinuno!
HANDIONG: Mabuti kung ganon... Magpaalam na kayo sa pamilya ninyo...
BALTOG: Lalaban tayo para sa kapayapaan ng Ibalon!
HANDIONG: Tama!
BALTOG: Salamat muli Handiong, sa iyong tulong
HANDIONG: Walang anuman
TAGAPAGSALAYSAY: At sumapit na ang gabi, nakahanda ng makipagdigma ang lahat upang
maibalik ang kapayapaan sa Ibalon. (Nakikipagdigmaan na ang mga kalalakihan)At sa gitna ng kanilang
pakikipagdigma (Darating si Oriol) tinulungan sila ng engkantadang nakakapag-anyong magandang
dalaga na may matamis na tinig siya’y si Oriol. *Nang matapos na ang digmaan*
HANDIONG: Anong pangalan mo?... Maraming salamat sa tulong mo
ORIOL: Oriol ang aking ngalan isa akong engkantadang nakakapag-anyong dalaga na may matamis na
tinig. Walang anuman, marapat lang na kayo’y tulungan.
HANDIONG: Ako naman si Handiong, sa gabing malamig na’to, maari ko bang marinig ang tinig mo?
ORIOL: (Ngingiti, Kakanta~~Buwan)
HANDIONG: Ang ganda ng boses mo, kasing ganda mo...
ORIOL: Salamat, pero kailangan ko nang umalis...
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkatapos noon, Si Handiong na ang namuno sa Ibalon at lalo nya pa itong
napaunlad. May mga nagsaka, gumawa ng palayok, naghabi ng mga tela at marami pang iba...
(Aaktong may mga sari-sariling ginagawa ang bawat isa)
TAGAPAGSALAYSAY: Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Siya ay si Rabut ang halimaw
na kalahating tao at kalahating hayop. Lahat ng maengkanto niya ay nagiging bato, tao man ito o hayop.
(Magkakagulo at hindi gagalaw ang ibang tao na kunwari’y mga nagging bato na)
TAGAPAGSALAYSAY: Nabalitaan ni Bantong ang panggugulo ni Rabut kaya’t nagpunta siya kay
Handiong. (Nakaupo si Handiong sa silid nito)
BANTONG: Magandang araw pinunong Handiong... Nabalita ko po ang gulong dala ni Rabut dito...
HANDIONG: Magandang araw rin sa’yo, matutulungan mo ba kami?
BANTONG: Opo, inihahandog ko po ang aking sarili, ako po ang papatay sa mapaminsalang si Rabut.
HANDIONG: Aasahan ko ‘yan Bantong, Salamat!
BANTONG: Makakaasa po kayo pinuno
TAGAPAGSALAYSAY: Nang araw na’yon ay tulog na tulog Bantong si Rabut kaya’t sinamantala
iyon ni Bantong pinatay niya ito. (Lalapitan si Rabut at sasaksakin)
BANTONG: Katapusaaaan moooo naaaa!!! (Sabay tarak ng espada)
TAGAPAGSALAYSAY: Nagalit ang Diyos kay Bantong sapagkat hindi iyon patas. Sapagkat hindi
niya binigyan ng karapatan si Rabut na ipagtanggol ang sarili nito. Binigyan ng Diyos ng parusa ang
Ibalon. Kaya’t nagkaroon ng napakalaking baha. Maraming napinsalang pananim at maraming namatay
(Magkakagulo ang mga tao dahil sa baha)
TAUMBAYAN: Tuloooong! Tulungan ninyoooo kamiii!!
TAO 1: Napakalaki ng bahhhaaa!!!
TAO 2: Tara na at lumikas na tayo!
TAO 3: Paano ang mga gamit?!
TAO 4: Hayaan mo na ang mga ‘yan, tara na!
TAO 5: Iligtas na natin ang mga sarili natin!
TAGAPAGSALAYSAY: Iilan lamang ang nakaligtas at ito ang mga taong nakaakyat sa tuktok ng
bundok. (Titigil na ang kaguluhan) Nang bumaba na ang tubig, Nagbago na ang Ibalon. Nagbago ang
kanilang pamumuhay at ngayon sa pamumuno naman ni Bantong.
(May kanya-kanyang ginagawa ang mga tao, palakad-lakad si Bantong)
TAGAPAGSALAYSAY: Mula noon ay naging maayos na ang kanilang pamumuhay at wala ng
nangahas na manggulo pa sa Ibalon.... At dito na nagtatapos ang kwento ng Ibalon...

WAKAS!!!

PANGKAT 2 G10-FERRER BB. SHEENA S.


ALBERTO

You might also like