Professional Documents
Culture Documents
sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Masinop, matapat, magiliw, matiyaga at relihiyoso ang mga
tao sa Visayas.
WIKA
Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos
kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa Silangang
Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang
Capiznon. Ang wikang Filipino, ang pambansang wika na ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan
subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal
na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook urban sa
Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga pampublikong palatandaan at kalakalan.
KULTURANG BISAYA
Maraming kaugalian ang mga Bisaya na pinupuri ng ibang katutubo sa Pilipinas. Ilan sa ito ang pagiging
relihiyoso at pagiging deboto, may malasakit sa kapwa kahit ano pa man ang itsura o pinagmulan o
paniniwala, pagiging matulungin sa lahat ng bagay (kahit sa problema ng kapit-bahay o malayong
kadugo), pagbibigay respeto at hindi pangingi-alam sa pribadong buhay ng ibang tao at ibang aspeto
nito, pagiging maasikaso sa panauhin, makakalikasan, at pagiging masayahin.
KATUTUBONG PANINIWALA:
Ang personipikasyon ng mga pwersa ng kalikasan at ang pagtatakda ng sagradong espasyo ang
bumubuo sa katutubong pagsamba. Kinikilala ang mga diwata bilang mga diyos at ang mga
umalagad bilang mga ispirito ng mga yumaong kamag-anak.
Ang gampanin ng babaylan.
− namumuno sa pagsamba
− tulay ng mga taong humihiling at humihingi ng tawad sa mga ispirito
− ang manggagamot para sa mga sakit na buhat ng mga ispirito
− Sa Panay, nagtitipon ang mga babaylan kada pitong taon upang magsagawa ng ritwal
para patibayin ang sansinukob. Ang mga sakripisyo at alay ay ginagawa sa tabi ng batis.
Karaniwang nagtatagal ang ritwal ng pitong araw at isinasagawa sa mga bundok ng
Tubungan sa liblib ng Iloilo.
handugan (Cebu)/pagdiwata (Panay): pag-aalay bago ang pagtatanim
lihi (Negros); paminhi-hungod (Panay): may mga ritwal na nagpapakita ng pagbibigay simbolo sa
mga pangkaraniwang kagamitan
KATUTUBONG PANGGAGAMOT
hilot: pagdiin sa mga susing ugat ng kalamnan upang ibsan ang sakit nito.
− pagpapalaglag sa manoghilot kasabay ng mga malalakas na gamot. Ginagawa ito kung
nais limitahan ang mga tagapagmana, di tumindi ang kahirapan, o may kapansanan ang
bata.
mananambal (Ceb, Sam, Ley)/ sirhuano (Iloilo)/ maaram (Antique): mga eksperto sa pagtatakda
ng mga ugat, bulaklak, dahon, at bahagi ng katawan ng hayop (hal. bahay ng pagong, itim na
koral, kalatsutsi, yerba buena, at nganga) na nakagagamot.
Tradisyon
pagdidiwang ng kapistahan
paghahanda ng pagkain sa mga namayapang kamag-anak tuwing Araw ng Patay sa
paniniwalang bumibisita sila
pagsasa-ulog ng Santacruzan o Flores de Mayo
Visita Iglesia tuwing Mahal na Araw
pagpapakasal bago magkapamilya
mahigpit na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak
Pagkain
Kinilaw na isda
Dried Mango
lechon
la paz batchoy
tamalos