Professional Documents
Culture Documents
PAGTATANIM SA KABIKULAN
PAG- IINUMAN
Ang mga karaniwang gawain sa araw-araw noon ng mga ninuno ay sadyang madudula.
Ang pag-iinuman sa baku- bakuran o mga gilid ng tindahan sa liwasan, ang mga tudyuan,
bidahan, awitan, at sayawan ay isang dula. Ito ay makikita sa mga saliksik ni Dr. E.
Arsenio Manuel sa mga awit ng Tayabas, Quezon.
PAMAMANHIKAN
Ang pamamanhikan noon ay napakakulay panoorin. Ang binata sampu ng kanyang mga
kamag-anakan, kakilala't mga kaibigan, kasama na rin ang isang matalinong
tagapagsalita, ay tutungo sa bahay ng dalagang napupusuan dala ang lahat ng mga
kinakailangan pagkain, inumin, regalo, atbp. Samantala, ang pamilya naman ng dalaga,
sampu ng kanyang kamag-anakan, kakilala't kaibigan, ay matamang maghihintay. Kung
hindi ang ama ang tatayong tagapagsalita, may ibang nakatatanda o isang matalinong
lalaki ang magsasagawa. Magtatagisan ng talino ang dalawang tagapagsalita. Ito ay
maaaring magbunga ng pagkakasundo o pagkakahidwa.
Sa kanila nakasalalay ang palad ng magkasintahan. Ang mga pag-uusap ay
dinaraan sa patalinhaga. Kapag nagkaigi ang usapan, tuloy ang ligaya, ang kainan,
ang kasunduan. Kapag naman nagkaaberya, uuwi ang binata, sampu ng kanyang
mga kasamahang bigo. Ang kasunduan ay maaaring paghiling ng pamilya ng babae
ng isang bahay na titirhan ng dalawa kapag nakasal na, kung ilang kalabaw na dapat
ibigay, kung ilang buwan o taon dapat manilbihan mag-araro sa bukid, magsibak ng
kahoy na panggatong, mag-igib ng tubig, magtrabaho sa kusina, atbp. sa bahay ng
dalaga para maobserbahan ang kanyang ugali at kung hanggang saan tatagal ang
kanyang pag-ibig. Maaari rin namang hilingan siya ng malaking halagang pera.
Ngunit ang lahat ng ito ay hindi nangangakong tuluy-tuloy na ang pag-iisang dibdib.
Maaari pa rin siyang ayawan ng pamilya ng babae kapag may napunang di kanais-
nais sa kanyang kilos at pag-uugali. Ang pagiging seloso halimbawa o pagiging
mapagsamantala na kapag wala ang kasambahay ay hihipuin o hahawakan ang
kamay ng dalaga, o kaya'y nanakawan ng halik. Kapag nagkaganito, mawawalang
saysay lahat ang kaabalahan at kapaguran niya. Ang kapalaran ng binatang
inaayawan pagkapamanhikan ay depende na sa tibay ng kanyang loob. Kapag
mahina, maaari siyang magpatiwakal, mabaliw, o magpakalayo-layo dala ng
kahihiyang sasapitin niya at ng kanyang pamilya. Kapag naman nagtagumpay siya,
siyempre, tataglayin niya ang paggalang ng pamilya ng babae, ang paghanga ng
lahat, at ang pagkauliran ng mapapangasawa.
Ang mga ritwal at seremonyang ito ay mga payak lamang sa ganang kabuuan. Ang
pagtatanim at ang tagayan o pag iinuman ay wala pang banghay, samantalang sa
pamanhikan ay mayroon na. Sa pagtatanim ay wala pang diyalogo, sa tagayan o pag-
iinuman ay wala pang banghay, samantalang sa pamanhikan ay mayroon na. Sa
pagtatanim ay wala pang diyalogo, sa tagayan o pag-iinuman ay mayroon nang kaunti
bukod sa awitan at kung minsan ay may sayawan pa. Sa pamanhikan naman ay pawang
matatalinghaga ang usapang patula. Magkaganoon man, ang mga aksyon ng mga ito ay
masasagisag at mapagpahiwatig.
Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. ang mga
mang-aawit ay magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa
gitna ang mgamanonood. Sa mga berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at
hinahalungkat ang mga kasiraan okapangitan ng bawat isa. Sa ganitong pagkakataon,
lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mgamanonood ay may kanya-kanyang kakampi.
Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan
ng awit na umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang
dalawa ng kudyapi. Sa pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat
isa ang kani-kanilang niloloob atdamdamin.
2. Bayok o Embayoka
3. Kasayatan
4. Dallot
6. Hugas-Kalawang
7. Dalling-Dalling
8. Pamamanhikan
Ito ay kung saan maghaharap sa isang piging o munting salu-salo ang pamilya
ng lalaki at babaeng nagnanais na makasal. Sa pagkakataong iyon pinag-uusapan at
pinagkakasunduan ang mga detalye ng magaganap na kasalan. Mahusay na
pinagpaplanuhan ng magkabilang panig kung kalian at saan gaganapin ang kasalan at
ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya. Sa panahon din ng
pamamanhikan ang pagbibigay ng lalaki ng dote o bigay kaya para sa pamilya ng
babae. Matapos ang pamamanhikan, maiiwan ang lalaki sa bahay ng babae upang
magsilbi. Gagawin ng lalaki ang mga gawaing maaring makatulong sa pamilya ng
ginigiliw. Ang bispiras ng kasalan ay ang huling araw at gabi bago ang kaganapan. Ito
ang pinaka-aabalang araw sapagakat sa araw na iyon inihahanda ang mga pagkain at
kagamitan para sa kasal. Nagtutulungan ang dalawang panig sa lahat ng mga gawain.
Masaya rin ang araw na ito sapagkat habang ginagawa ang mga paghahanda ay nag-
iinuman, nagsasayawan, at nagkakaroon ng mga katuwaan ang pamilya ng lalaki at
babae kasama ng mga nagsisitulong sa pagahahanda.
9. Balitaw
EBALWASYON
2.
3.
4.
5.
Sa panahong ito ay ‘di tulad ng Duplo at Karagatan na dati nang ginagawa dito sa ating
bansa bago pa man dumating ang mga Kastila. Nagkaroon ito ng mga modipikasyon kung
kaya't nauso ang mga dulang pantahanan na tulad ng bulaklakan at huego de prenda. Sa
bandang huli ay pumasok ang mga sarsuwela na pawang nakasulat sa wikang Kastila. Ganoon
din, may ilang Pilipino ang nagtangkang sumulat ng sarsuwela ngunit ang mga ito ay sa wikang
Kastila rin.
1. Moro-moro/Komedya
2. Senakulo
Ang senakulo ay palasak sa Luzon at Kabisayaan tuwing Kiuwaresma o
Mahal na Araw. Dinaraos ito sa mga bakanteng lote at hiligang aliwan ng mga
Pilipino kapag gabi na. Kung minsan, gumagawa sila ng tanghalan na gawa sa
kahoy o kawayan. Ang mga tao'y nagdadala ng sarili nilang upuan. Itoy
pagsasadula ng buhay at pagpapakasakit ni Hesus. Ang mga piyesa sa senakulo
3. Karagatan
ay batay sa mga pasyon. Ang pangunahing tauhan ay sina Hesukristo, Birheng
Maria, Ang Karagatan
San ay maaaring
Jose at Maria simulan
Magdalena. Angngpagsasadula
isang imbukasyon – ang pagtawag
ay kadalasang inaabot
sangpanginoon
ilang araw upang magingsunud-sunod.
at gabing patnubay ngNoong
laro. Itoy
unamay
ang anyong dula sapagkat
mga pasyon na itoy
nagtataglay ito ng banghay, suliranin at tunggalian, at may
binibigkas o inaawit kapag may pabasa sa bahay o sa kapilya. kalutasan at kakalasan.
Ang Karagatan ay batay sa alamat ng isang prinsesang hangad na maka-isang
5. Salubong
Tuwing Pasko sa pagkabuhay ay ginaganap ang seremornya ng salubong sa
pamamagitan ng pagsalubong ng dalawang prusisyon: Ang isa ay ang prusisyon ng
Resurrection na nagbubuhat sa bahay ng may-ari ng Poon at ikalawa ay ang prusisyon ng
Mahal na Birhen na nanggaling sa simbahan. Pagkatapos magsalubong ay nagsasama ang
dalawang imahen sa isang prusisyon at ibinababa sa pamamagitan ng kalo. Nasa loob ng
Padre Mariano Sevilla na taga-Tondo, Maynila na hinalaw niya mula sa mga awiting
Italuano ni Muzarelli at tinawag niya itong Flores de Mayo.
Ang mga kabataang nag-aalay ng mga bulaklak ay dinadalit ang mga papuri, may isang
namumuno na siyang dadalit na sasagutin naman ng kabataan. Pagkaraan nito ay isa-isa
silang mag-aalay ng mga bulaklak sa altar.
14. Panunuluyan
18. Papuri/Putong
Kadalasan, ginaganap ang papuri kapag piyesta sa isang baryo o munisipalidad.
Ginagawa ito sa paraang patula bilang parangal sa napiling reyna o prinsesa ng kapistahan
kaugnay ng pagpuputong ng korona ng karangalan. Noong unang panahon, ang korona ay
nilikha lamang buhat sa mga tinuhog na mga bulaklak tulad ng sampaguita ngunit nang
malaunan ay naging tingga o pilak ang mga ito. Sa ibang lugar sa Luson, ang papuri/putong ay
binubuo ng mga bersong nahahati sa tatlong bahagi:
a.) bago tumapak sa hagdan ng tanghalan
b.) habang umaakyat sa hagdanan
c.) habang pinuputungan ng korona ang pinararangalang reyna.
EBALWASYON
komprehensibong pagtalakay.
3. Ano marahil ang naging kalagayan ng dula kung hindi tayo nasakop ng mga Kastila?
ngayon?
Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdalang mga pagbabago sa
panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gayang
malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay
(critical essay). Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili ka
alinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa
bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay
sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.
Ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taonng
pangungupkop ng mga Amerikano. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula ang mga
pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala,at tradisyon.
Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubongPilipino.
Dito rin mamamalas ang iba't ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uring lipunan.
Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-
unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga
Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang
Pilipino.
Samantala ang industriya ng pelikula sa panahong iyon ay baldado mula sa paggawa ng mga
bagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga pelikula ang nagbigay-daan sa pagyabong ng
Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay nagbunsod sa masiglang panahon ng
Tanghalang Pilipino.
2. Illegitimate plays - Kabilang dito ang mga stageshows. Ang stageshow ay kombinasyon ng
mga pagpapatawa, musika, mga sayaw at dula shows.
Ang mga artista sa pelikula ay nagbuo rin ng kanilang mga sariling grupo ng Revue
Company at nagsimulang magpalabas sa kalagitnaan ng taong 1942. Noong una ang mga
stageshows ay mga musical variety shows lamang na binubuo ng mga kantahan, sayawan at
mga dula na itinatanghal sa pagitan ng dalawang pelikulang ipinalalabas. Sa kadahilanang,
paulit-ulit na lamang ang mga pelikula ang tanging inaantabayanan na lamang ng mga
manonood ay ang mga stageshows. Sa kalaunan ay hiniwalay ang bahaging musikal ng
kanilang palabas mula sa mga dula.
Bakit ng aba namayagpag ang stage
shows sa panahon ng mga Hapones?
Historikal na dula - pinahihintulutan din ng sensura ang ganitong mga dula na nagpapakita ng
pagiging makabayan. May mga dulang nagtatanghal ng buhay ni Rizal at iba pang mga
rebolusyunaryo.
Musical Fantasy- itoy mga dulang nagtatapok ng mga tema ng romansa, makukulay na mga
kasuotan at mga kapanapanabik na mg pakikipagsapalaran kung kaya’t mas naging popular
ang uring ito. Mas epektibo ito sapagkat may pagkaeskapista, na siyang kailangan sa panahon
ng digmaan.
Dulang Relihiyoso - isinasaagawa parin sa panahong iyon ang mga dula tuwing semana santa
sa lahat ng mga teatro sa kaMaynilaan gaya ng senakulo o mga dulang may temang relihiyoso.
Dulang Tagalog at Dulang Salin - karamihan sa mgga dulaang naipalabas ay mga salin sa
Tagalog mula sa orihinal nito sa Ingles at mga dulang nasusulat sa orihinal sa Tagalog
sapagkat hinihikayat ng mga awtoridad na mga Hapon ang paggamit ng Tagalog bilang
pangunahing wika.
Dula sa Ingles - sa simula pa lamang ng okupasyon ng Hapon ay ipinagbawal na ang
pagpapalabas ng mga ito ngunit sa kahuli-hulihang taon ng pananakop ay muling naitanghal
ang mga dulang nasa wikang Ingles.
Dula sa Espanyol - may mga mangilan-ngilan parin mga Spanish Drama groups ang
nagtanghal parin sa mga college auditorium.
Opera at operettas - itinatanghal ito sa Metropolitan Theater. Ito ay pinaunlad upang
magkaroon ng sopistikadong panlasa ang mga Pilipino pagdating sa musika.
Iba pang mga musikal na pagtatanghal - Bukod sa mga opera at operettas ay may iba pang
mga espesyal pang mga konsyerto gaya ng May Time Music Festival na itinanghal noong Mayo
30, 1942 sa Saint Theresa’s College Auditorium.
Ngunit ayon din kay Dacanay bagaman may mga kahinaang tinataglay ang dulaan sa
panahong iyon ay may mga grupo pa rin na nagsisikap para makapagtanghal ng mga
lehitimong dula o produksyon gaya ng Dramatic Philippines. Sa kabila ng pagbabawal ng mga
Hapon sa paggamit ng Ingles ay binigyang pokus pa rin ng grupo ang pagsasalin ng mga sa
Ingles sa Tagalog.
Para sa mga Hapon na nakapanood ng mga musical shows sa panahong iyon ang
nagsabing walang sariling tradisyon ng dulaan sa Pilipinas. Sapagkat ang mga musical shows
diumano ay mga imitasyon lamang ng kulturang Amerikano. Ganito rin ang palagay ng
Chairman ng Department of Information (Dramatic Section) na si Kodama Hidemi na ang isang
magandang dula ay magagawa lamang kung may matatag na pambansang kamalayan ang
isang bansa at epektibo ito kapag nilalaman nito ang mithiin at paniniwala ng mga mamamayan.
Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na nagkaroon ng
pangunahing tagapagtaguyod sa katauhan ng noon ay Unang Ginang ng bansa na si
Imelda Marcos Batas Militar. Sa kanyang masugid na interes at pagtataguyod ay
pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan noong panahon ng Bagong
Lipunan. Pangunahing nakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito ng panitikan ang
pagpapaayos ng lumang tanghalan gaya ng Metropolitan Theatre. Ipinatayo niya ang
Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theatre.
DULA SA TELEBISYON
2. Panahon ng Aktibismo
Sa panahong ito naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan. Naging
madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at pagpapahayag. Nagkaroon ng
kamulatang panlipunan. Pinaksa ang mga kabulukan ng lipunan at politika. Ang dula sa
panahong ito ay may malalaswang tema dahil ito’y nagsisilbing “entertainment” sa mga
Pilipino particular na sa mga kalalakihan.
Matapos ang EDSA People Power Revolution ay itinalaga bilang pangulo ng Pilipinas
na si Cory Aquino at nagtuloy-tuloy na ang kalayaan ng pilipinas. Ang lahat ng midya ay
naging malaya ang mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa sa mga pangyayari sa
bayan.Nagsimula sa isang mapayapang rebolusyon na humantong sa pagsigla ng
panitikan sa iba't ibang larangan.
Dulang Pantelebisyon
1990- “ Patay-Bata” ni Manuel R. Buising
“ Ang Pagbabalik ni Kiwada” ni Emmanuel Quindo Palo
1992- “ Walang Lunas” ni Ronaldo Tumbokon
Ang mga teleserye na mas kilala bilang soap opera ilang dekada na ang
nakakaraan ay nagsimula sa radyo.Isang opera na tanging mga boses lamang ang
tampok at bumubuo ng isang istoryang sinusubaybayan,na kung tawaging nga'y radio
drama.Karamihan sa mga sumusubaybay nito noon ay mga walang trabaho at nasa
bahay lang kaya naman nakagawian nila na habang naglalaba o gumagawa sa
gawaing bahay ay nakikinig sila ng radyo.Di naglaon ang mga operang ito sa radyo ay
inihambing sa sabong pambahay.Sa kadahilanang madalas itong pakinggan sa mga
tahanan.Kaya naman ang isang Opera sa radyo ay tinawag nang Soap Opera.
Noong dekada ’70, sumikat ang mga soap opera ng mga iba’t ibang istasyon
Kabilang dito ang Analiza ni Julie Vega nakinumpitensya ang kasabayang Flor de Luna
ni Janice de Belen ipinalabas ito tuwing araw o daytime. Dekada 90 nang
nagpasimulang sumikat at nakilala sa highest rated at longest soap opera sa bansa,
ang Mara Clara na nagpasikat kayJudy Ann Santos. Ang Mara Clara ay tinutukan
tuwing hapon at sinimulan ng ABS-CBN na ipinalabas na sa primetime at dito
nagsimula ang nakagawiang daily prime time.
Nang pumasok nga ang milenyo, dito na nagsimula ang bagong henerasyon ng
soap opera na inumpisahan nang tawaging "Teleserye" bagaman naging opisyal
lamang ito noong taong 2000 nang unang inere ng ABS-CBN ang isang Filipino
Network.Sinimulan ng napaka-tatagumpay ng mga teleseryeng Pangako Sa'Yo, Sa
Dulo Ng Walang Hanggan at Sa Puso Ko, Iingatan Ka.
1. Sa mga tauhan
Noon: Mga lalaki lamang ang maaring magtanghal sa mga dula, ang mga batang lalake
naman na hindi pa nagbibinata ang syang nag dadamit at gumaganap bilang babae
dahil ito ay hindi itinuturing na respetadong propesyon. Kinakailangan din nilang mag
lakbay sa iba’t ibang lugar upang humanap ng mga manunuod na magbabayad sa
kanilang pag tatanghal.
Ngayon: Ang babae ay pinapayagan nadin magtanghal sa mga dula. Isa narin itong
propesyon na nirerespeto at pinapahalagahan. Meron na ring permanenting lugar ng
pagtatanghal na sadyang pinupuntahan ng mga tao na kanilang binabayaran para
makapanuod.
2. Sa kilos
Noon: nakaharap sa mga manunuod ang mga actor at hindi gaanong natural ang
kanilang pag arte.
Ngayon: Ang mga aktor ay inaasahang umakto na parang sila sila lamang ang nasa
lugar at walang mga manunuod. Dito pumapasok ang konsepto ng ikaapat na
paralindingan na naghihiwalay sa mga manunuod at mga aktor.
3. Sa Pananalita
Noon: Halatang kinabisado at praktisado ng mga aktor ang kanilang mga linyang
binibitawan.
Ngayon: Mas natural ang kanilang pag sasalita na parang nasa bahay lamang sila at
nakikipagkwentuhan. Hindi mahahalatang ang kanilang mga linya ay bahagi lamang ng
kanilang script.