You are on page 1of 18

PANGALAN:SAMONTE,KIM T.

TAKDANG ARALIN

SALIKSIKAN ANG MGA URI NG DULANG PILIPINO AT LAGYAN NG KAHULUGAN.

1.Bikal at Balak
Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. ang mga mang-aawit ay
magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mga manonood.
Sa mga berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o kapangitan
ng bawat isa. Sa ganitong pagkakataon, lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mga manonood
ay may kanya-kanyang kakampi.

Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit
na umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi. Sa
pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa ang kani-kanilang niloloob at
damdamin.

2.Karilyo

Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula
sa karton,na pinapanood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng
mga taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa kartong gumagalaw.

3.Bayok at Embayoka
Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na
binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas. Ang mga kasali rito ay dapat na
mahusay sa berso sapagkat ang kunting pagkakamali sa pagkakamit o pagpili ng salita ay
maaaring humantong sa mainitang sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring maging
dahilan ng pag-aaway ng mga pami-pamilya.
4.Kasayatan
Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na tinatawag na kasayatan. Ito ay
sinasalihan ng mga dalaga’t binata at nahahati sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga
babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng
talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng
pagdiriwang. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa magkabilang dulo ng tanghalan.
Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o dili kaya’y ng may-ari ng
bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.
Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng patula. Pagkatapos sumagot ng mga panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-
usap sa mga binata habang sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng
isang binata ang isang panyo. Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae at
ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng mga instrumentong
kudyapi, kulintang, agong at kubing. Ang kanilang mga kilos ay waring naglalarawan ng
kanilang mga ninuno.
5.Dallot
Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y
sasagutin ng babae nang patula. Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara
ng mga Ilokano. Ito’y itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan
Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang oasi, isang uri ng alak. Kapag ang
babae ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay ihahayag at itatakda ng mga magulang ang
kasal.
Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal. Ito ay ginagawa sa
saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga tao’y nagsasayawan.

Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan.

6.Pamanhikan
-Ito ay ang mahusay na paghingi ng pahintulot ng magulang ng lalaki sa magulang ng babae sa
isang pag-iisang dibdib. Ang kasal ay sagradong bagay at ang mga paghahanda pa lamang para
sa dakilang okasyong ito ay humahabi na ng magaganda at makukulay na mga pagtitipon at
pagdiriwang.
Ang pamanhikan ay galing sa salitang panhik at kaugnay rin ng salitang mamamanhik na may
kahulugang makikiusap. Hindi basta't papanhik sa bahay, kundi makikiusap pa sa mga
magulang ng dalaga upang tulutan nang maipakasal ang kanilang anak na dalaga.
7.Dung-aw
-Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na binibigkas sa piling ng
bangkay ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay nagsasalaysay ng paghihinagpis ng naulila at
paghingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng Dung-aw na sipi sa aklat nina Natividad,


Simbulan at Academia.

Ako’y kaawaan o aking kapatid


ako’y kaawaan o aking asawa
ikaw namatay o aking kapatid
ikaw namatay o aking asawa
ano ang natira’t sa akin naiwan
sa abang buhay kong walang kapalaran?
Ang lahat sa akin ay nakalilimot
pagkat parang sanggol sa iyo umiirog
ang mga mata ko pugto sa luha
ang abang puso ko babad sa luha.
8.Hugas -Kalawang
Isang tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng palay,
ang mga magsasaka ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng premyo
ang may-ari ng lupa para sa pinakamabilis magtanim. Pagkatapos ng pagtatanim, sila ay
naghuhugas ng kamay at susundan ito ng kainan at magkakasayahan habang nagkakantahan,
nagsasayawan, nagkukuwentuhan at nagtutuk-suhan.

Ang hugas-kalawang ay nagtataglay rin ng mimesis sapagkat ang mga gumaganap dito ay mga
magsasaka at may-ari ng lupa.

9. Dalling-Daling
Ang dalling-daling ay isang tradisyonal na anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu.
Nangangahulugang “Mahal Ko”, ang dalling-dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mga
manonood na umawit habang ang magsing-irog ay sumasayaw.

Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga niloloob.


Kadalasan, ang mga manonood ay kumakanta rin nang may himig na panunudyo.

Mga Dula sa Panahon ng Kastila

1.Moro-Moro
Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya" sa Pilipinas na isang adaptasyon mula sa dula sa
Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang
bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang
Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang
itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay
pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim.
Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong
Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Kastila laban sa
mga Pilipinong Muslim na nasa Timog ng Pilipinas.

2.Senakulo
Ang Senakulo ay isang dula patungkol sa Buhay, Pagpapasakit, Kamatayan at Muling
Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang
grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.

3.Karagatan
Ito ay itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang
mga ito ay nasusulat ng padula at ginagampanan ito ng tauhan.
4.Duplo
Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin
ang mga naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang
halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang madulang
debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili

5.Salubong
Ang Salubong ay isang dula na matagal nang naging tradisyon nating mga Pilipino. Ito ay ang
pag kikitang muli ni Hesus at ng kanyang Inang si Maria matapos Siyang muling mabuhay.
6.Paglakad ng Estrella at ng Birhen
ito ay mimetikong ritwal ng mga taga-Angono at ibang lugar sa Rizal. Ginagawa tuwing huling
araw ng simbang gabi, ang pagpapalakad ng parol na may korteng butuin at sa loob nito ay may
bombilyang nakasindi.

7.Pinetencia
- Mula sa salitang Lumang French at Latin poenitentia, na ibig sabihin ay pagsisisi o
kagustuhang patawarin. Partikular sa isang bayan ng pampanga Tuwing Biyernes Santos
Paglalakad ng deboto sa mga lansangan habang pinapalo ang kanilang mga sarili ng mga taling
may patalim Pagpruprusisyun ng may dalang krus at saka pinapako sa krus ng mga deboto.
-Tuwing Biyernes Santos naglalakad ng deboto sa mga lansangan habang pinapalo ang kanilang
mga sarili ng mga taling may patalim
-Pagpruprusisyun ng may dalang krus at saka pinapako sa krus ng mga deboto.

8.Puteje
Dulang itinanghal ng mga manggagawang Intsik dito sa Pilipinas. Ang mga tauhan nito ay pigurang
kahawig ng manyika. Maihahambing sa mga puppet.
9.Juego de Prenda
Ang huwégo de prénda, batay sa kahulugan ng pinagmulan nitóng Espanyol na juego de prenda, ay “laro ng
multa.” Nilalaro ito tuwing búrol o lamayan. Walang takdang bilang ang maaaring sumali sa laro ngunit
malimit na kabataan ang mga kalahok. Umuupô sa isang pabilog ang mga manlalaro, magkahiwalay ang mga
babae at ang mga lalaki, at may lider o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng
punongkahoy o bulaklak ang sa babae. Pangalan ng ibon o numero ang sa lalaki.

Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari na nawawala ang kaniyang ibon at sisimulan niyang
pagbintangan ang isang kalahok na babae. Itatatwa ito ng napagbintangan at ipapása ang sakdal sa isang
kalahok na lalaki. Kailangang mabilis sa pagsagot at pagpapása ang kalahok. Kailangang memoryado din niya
ang mga ibinigay sa kanilang pangalan. Kapag namali sa pagsasabi ng pangalan, o bumagal sa pagsagot, ang
kalahok ay “napeprendahan” o napaparusahan. Ang parusa ay dalawang klase: tumupad ng isang utos o
tumula/umawit.

Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga atr binata, dahil ginagamit na pagkakataón para sa
pagliligawan. Malimit na mapagbiro ang utos kapag dalaga ang naparusahan. Malimit namang may
nakahandang tula ng pagsuyo ang binata kapag naparusahang tumula. Bago magsimula, sa pagitan ng mga
parusa, at sa pagtatapos ay umaawit ang mga kalahok ng dalít at ganito ang koro:
Sa Diyos natin ialay

Kaluluwa ng namatay
Patawarin kaawaan
Sa nagawang kasalanan.

Ang pagsasaulo ng mga solo sa pagdalít ay isang katangiang kailangan upang maging higit na maging
aktibong kalahok sa huwego de prenda. Nagagamit niya itong awit sa parusa. Naipagmamalaki din niya itong
solo bago magkoro. (KLL)
p.s.wala po akong mahanap na larawan ma’am ng juego de prenda at di rin po ako sigurado dito hehes.

10. Bulaklakan
Isang magandang sayaw na itinatanghal kasabay ng celebrasyon ng Santa Cruz De Mayo
Itinatanghal sa harap ng isang pang- prosisyun na altar
11.Pananapatan
Pananapatan o kung tawagin sa Ingles ay Caroling /ka·ro·ling/ ay ang pagkanta ng mga awiting
Pamasko na karaniwan ay sa tapat ng mga bahay-bahay na may layuning manghingi ng regalo na
malimit ay pera
12.Moriones
Marinduque Morion - “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha
noong panahong Medyibal. Ang Moriones o “Moryonan” ay ang mga taong nakasuot ng
maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa
paghahanap kay Longhino. simula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng
Pagkabuhay.
13.Dalit Alay (Flores de Mayo)
"Flores de Maria" o "Álay" pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong
buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa
buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria. pinaniniwalaang
nagsimula noong 1854 Vatican - nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada
Conception. Una sa Bulakan (1865) at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng
Laguna, Batangas, at Pampanga.

14.Pangangaluluwa
-Ang Gabi ng Pangangaluluwa gabi ng bisperas ng Undas o bisperas ng Araw ng mga
Patay. taunang kapistahan araw ng pagdiriwang na idinaraos tuwing Oktubre 31.
-Ang unang araw ng Nobyembre ay kilala bilang Todos Los Santos. Araw itong
ipinangingilin ng mga Katoliko. Kaugalian na ng mga Pilipino bilang pagtupad sa
tungkulin nila sa yumao nilang mga magulang, asawa, o anak na dalawin ang mga
libingan ng mga ito.
15.Panunuluyan
Ang Panunuluyan ay isang kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na nagtatanghal ng
masalimuot na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng Maria mula sa Nazareth patungong
Bethlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesukristo. Ito ay hango sa
salitang-ugat na “tuloy” na isang magiliw na pag-anyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng
tahanan

16.Tibag
Ito ay tumutukoy sa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang pandaigdigang digmaan (WORLD
WAR Il). Ito ay itinaguyod ng mga Kastila noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng mga katutubo
sa ilang bahagi ng Luzon. Lumaganap din ito sa iba't ibang rehiyon ng Visayas at Mindanao, sa
pamamagitan ng pagpapakalap ng Kristyanismo. Ito ay patuloy na lumaganap atginagamit bilang
tradisyon sa kasalukuyan.

17.Santa Crusan
Santacruzan- dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang marangyang parada ng
mga sagala at konsorte ang nagaganap. Sila ay lumilibot sa mga kalye hanggang sa makarating
sa simbahan upang maihatid ang krus.

You might also like