You are on page 1of 33

Mga Dula sa Panahon

ng Kastila
Ito ay isang uri ng ating panitikan
kabilang siya sa dulang panlibangan
na ginagawa ng mga Pilipino noong
panahon ng mga kastila,ito ay batay
sa alamat ng isang dalaga na
nahulog ang singsing sa dagat batay
sa hangaring makapili ng
mapapangasawa

1.Karagatan
Ito ay itinuturing na matandang anyo ng
panitikan. Tinatawag itong tulang padula
sapagkat ang mga ito ay nasusulat ng
padula at ginagampanan ito ng mga
tauhan.
-Ito din ay tinatawag na dulang
pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos
sa loob ng bahay o bakuran ng namatay.
Nagiging parangal din ito sa namatay.
* Ito ay isang larong may paligsahan sa
tula o Ang kuwentong ito ay batay sa
alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa gitna ng dagat
*Pakakasalan ng dalaga ang binatang
makakakuha ng singsing ,kinakailangang
sumisid sa dagat ang binatang nais
magkapalad sa dalagang nawalan ng
singsing
Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang
bahay oMay dalawang papag sa
magkabilang mesang na may sarisaring
pagkaing-nayon. O Magkaharap ang
pangkat ng binata at dalaga
*Karaniwang isang lalaki ang magsisimula
ng larong ito .Maaaring magpalabunutan
para mapili ang binatang unang bibigyan
ng dalaga ng talinhaga
Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay
batay sa matatapatan ng tabong may
tandang puti o Bibigkas muna ng
panimulang bahagi ang binata bago
tuluyang sagutin ang talinhaga
Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o
isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan
ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga
namatay. Ito ay binubuo ng mga biro at
palaisipan sa bernakular.Isa rin ito sa mga larong
paligsahan sa pagtula kaya maari rin itong
tawaging tulang patnigan.Ito ay itinatampok sa
lamayan .Paligsahan sa pagtula,ito ay pagtatalo
sa pagmamatuwid.Ang palitan ng matuwid o
sagutan ay likas na agaran (imprumto).Sa ibang
salita ,ang pagtatalo ay walang paghahanda.

2.Duplo
-isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan
ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga
namatay. binubuo ng mga puns, biro at palaisipan
sa bernakular. Kinalaunan, naging isang
madulaing debate sa pamamagitan ng berso.
- Ang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga
kathang krimen Ang mga akusado naman ay
ipagtatanggol ang kanilang sarili Kapag ang isang
nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa
palaisipan na binigay sa kanya, magsasabi siya ng
isang dalit para sa namatay.
- Ang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang
krimen Ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang
kanilang sarili Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay
ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya,
magsasabi siya ng isang dalit para sa namatay.
- Dalawang hilera ng mga upuan ang nakaayos sa
batalan. Dito nakaupo, ang villacas at villacos. Sa gitna
ng grupo nakaupo ang hari o ang duplero Pagkatapos,
dagli na sisimulan na ng hari ang laro sa pamamagitan ng
pagbato ng bola o panyo sa isa sa mga villacos. Yuyuko
ang villaco sa hari at dadalhin ang bola o panyo sa
isangvillaca na sumagot sa talumpati.
-  Bago mag-umpisa ang hari ay nagsisimula sa
pagsasabi ng isang Ama Namin, Aba Ginoong
Maria, at isang Requiem para sa namatay
Pagkatapos ng dalangin, isisigaw ng hari ang
“Numeracion”. Ang mga kasali naman ay sasagot
nang “Tribulacion”  Pagkatapos, dagli na sisimulan
na ng hari ang laro sa pamamagitan ng pagbato
ng bola o panyo sa isa sa mga Billacos Yuyuko
ang Billaco sa hari at dadalhin ang bola o panyo
sa isangvillaca na sumagot sa talumpati na
ginawa ng Billaco.
Walang iisang paksa .
Kategorya ng paksa sa duplo.
 Alo-divino -may kaugnayan sa Diyos at sa mga banal
na bagay
Historia-vino -kasaysayan ng Diyos at ng mga santo o
anghel Alo
-humano/alo-mano -may kaugnayan sa mga propeta,
mitolohiya, bayani o ng relasyon ng tao sa Diyos
 Historia-mano -kasaysayan ng mga tao o ng bansa
Ley/Lai -tumatalakay sa mga batas tulad ng Kodigo
Penal at Kodigo Sibil
JUEGO DE PRENDA “Laro ng Parusa” Habang lamayan Linalaro
ito upang di makatulog ang mga tao habang nagbabantay sa
patay Ang mga manlalaro ay uupo at bubuo ng isang bilog
tapos ang isang pinuno ay magbibigay ng mga puno o bulaklak
sa mga manlalaro Ang pinuno ay magkukwento tungkol sa
isang ibon na nawala na pagmamay-ari ng ng hari. Magsisimula
siyang magtanong “nawala ang ibon kahapon nahanap mo ba?
” tapos magsasabi ng puno o bulalak tulad na lang ng ilang-
ilang. Sasagot kaagad ang taong kumuha sa ilang Tuloy-tuloy
ang pinuno sa pagtanong sa iba pang mga puno. Pag sa
pangatlong bilang ay di sila nakasagot ay magbibigay siya ng
isang bagay sa pinuno Makukuha mo lang ulit ang mga bagay
na ibinigay mo pagkatapos magsabi ng isang dasal o tula..

3.Juego de prenda
Ang huwego de prenda, batay sa
kahulugan ng pinagmulan nitongEspanyol
na juego de prenda, ay “laro ng multa.”
Nilalaro itotuwing burol o lamayan.
Walang takdang bilang ang maaaring
sumalisa laro ngunit malimit na kabataan
ang mga kalahok
Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari
na nawawala angkaniyang ibon at sisimulan niyang
pagbintangan ang isang kalahok na babae.Itatatwa ito ng
napagbintangan at ipapasa ang sakdal sa isang kalahok na
lalaki.Kailangang mabilis sa pagsagot at pagpapasa ang
kalahok. Kailangangmemoryado din niya ang mga ibinigay
sa kanilang pangalan. Kapag namali sapagsasabi ng
pangalan, o bumagal sa pagsagot, ang kalahok ay
“napeprendahan”o napaparusahan.•Ang parusa ay
dalawang klase: tumupad ng isang utos o
tumula/umawit.•Bago magsimula, sa pagitan ng mga
parusa, at sa pagtatapos ay umaawit ang mgakalahok ng
dalít at ganito ang koro
 Pagpapagalaw ng anino ng mga pira-
pirasong kartong hugis –tao sa likod na
kumot na may ilaw,habang pinapagalaw
ang hugis-taong karton ay sinasabayan ng
salaysay gaya ng kurido ,awit,dulang
panrelihiyon o alamat.

Karilyo
Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang
ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton,
na pinapanood na gumagalaw sa likod ng isang puting
tabing at pinagagalaw naman ng mga taong di nakikita na
siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
-Ancient Art Form o Isa sa Pinakamatandang Porma ng
Sining na Ginagamit sa Pagtatanghal • Nagsimula ito sa
China noong Han Dynastyyo-maynila,Rizal,Batangas.
- Kagamitan • Puppets • Screen • Light form
Titires-Ilocos,Pangasinan,bataan,capiz,Negros
Kikimut-Pampamga at Tarlac
Aliala-Launion
 Nagsasalaysay ng buhay ng kamatayan ni
Hesukristo.Ito ay Pasyong itinatanghal sa entablado.
Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga
pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo
bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang
nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong
apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o
kaya'y sa bakuran ng simbahan. Ang
magkakaibigan, magkakamag-anak, at
magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin
at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula.

Senakulo
TIbag: Pagtatanghal tuwing buwan ng
Mayo sa paghahanap ni Reyna Elena sa
krus na pinagpakuan kay Kristo

Tibag
Flores de Mayo :Pagpaparada sa Krus na
pinagpakuan ni Hesus sa lansangan at
paghahatid nito sa simbahan.Marangyang
parade ng mga sagala at konsorte na
kumakatawan sa iba’t ibang tauhan sa
Bibliya.

Flores de Mayo
Ang Santacruzan :ay isang prusisyon na
isinasagawa sa huling bahagi ng
pagdiriwang ng Flores de Mayo.
Isinasalarawan nito ang paghahanap sa
Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni
Constantino. May ilang personalidad sa
industriya ng pelikula at telebisyon ang
lumalahok sa ganitong pagdiriwang at
kadalasan ay nagiging tampok sa sagala
bilang reyna at konsorte

Santacruzan
. Panunuluyan: Isinasagawa bago mag-alas-dose ng
gabi ng kapaskuhan.Natutungkol ito sa paghahanap
ng matutuluyan ni Maria at jose upang iluwal ang
sanggol na si Hesus. Ang Panunuluyan ay isang
kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na nagtatanghal
ng masalimuot na paglalakbay nina Santo Jose at
Birheng Maria mula sa Nazareth patungong
Bethlehem upang maghanap ng matutuluyan na
mapagsisilangan kay Hesukristo. Ito ay hango sa
salitang-ugat na “tuloy” na isang magiliw na pag-
anyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng
tahanan.

Panunuluyan
Ang senakulo ay nangangahulugang pook para sa hapunan
o kaya ito rin ang pagsasadula ng kwento ng buhay,
kahirapan, at pagkabuhay muli ni Hesukristo.
- Ito ay itinatanghal tuwing Mahal na Araw upang maipakita
ang mga pinagdaanan ni Hesus noong siya pa ay
nabubuhay.Ito rin ay tinatawag na pasyon ng tanghalan.
Nagsisimula ito sa Lunes Santo at nagtatapos sa Biyernes
Santo. Minsan naman ay umaabot din ito ng Linggo ng
Pagkabuhay.
- Ito ay tradisyon na ng mga katoliko sa Pilipinas upang
mapaalala ang mga pinagdaanan ni Hesus para sa mga tao
at kung ano pa ang iba niyang sinakripisyo para lamang
maligtas ang mundo.
Panubong o Putong Pamutong: Mahabang
tula na nagpaparangal sa may kaarawan o
kapistahan.Masasaksihan ito sa Quezon at
sa Marindugue.

Panubong
Sugat o Salubong”: Ito ay ginaganap
tuwing araw ng pagkabuhay ni
Hesukristo.Ang salubong ay tumutukoy sa
muling pagkikita ni Birhen Maria at
Hesukristo.May awitan ng mga anghel at
pagpupuring tula at awitin na
sinasambit .Hanggang sa kasalukuyan ang
tradisyung ito ay buhay at ginagawa sa
Pilipinas.

Sugat o Salubong
Pangangaluluwa: Dulang panrelihiyon na
isinasagawa tuwing araw ng mga
patay(Todos Los Santos).Bisperas pa lang
ay gumagala na ang mga kaluluwa at
bumibisita sa mga bahay-bahay at
humihingi ng limos habang kumakanta.

Pangangaluluwa
Moriones( Mindoro at Marindugue)
Ginaganap tuwing mahal na
araw.Miyerkules hanggang Biyernes
Santo.Nagsusuot ng maskarang may iba
ibang kulay.Kumakatawan ito sa
Senturyong Romano.Pinakabayani si
Longinus,taong bulag ang isang mata na
gumaling nang matuluan ng dugo ni Hesus
nang itusok ng sibat si Hesus sa Krus

Moriones
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na
pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion
ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng
armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha
noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang
mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak,
na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng
pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang
isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula
sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko
ng Pagkabuhay.
Moro-moro:Itinatanghal sa entablado tuwing araw
ng Pista upang magdulot ng aliw,itinatanghal ang
pag-aaway ng Muslim at Kristyano. Ang moro-
moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa
dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ito
ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na
nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas
na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang
ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang
obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa
buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.
Sarswela: Komedya o melodramang may
kasamang awit at tugtog.May tatlong
yugto at nahihinggil sa mga punong
damdamin ng tao,pag-
ibig,kapopootan,paghihiganti,kasakiman,k
alupitan o pampulitika.

Sarswela
Opera-Ito ay nagmula sa wikang Italyano at
tumutukoy sa teatro na gawa na ang teksto
ay inaawit kasama ang saliw ng isang
orchestra.Ang termino ay inilapat upang
pangalanan ang akda,ang dramatikong tula
na inilaan para sa ganitong uri ng
representasyon,ang genre na pinagsama
ang gawa na ito,ang tipikal na musika ng
genre at teatro na binuo upang kumakatan
sa mga operas.

Opera
Isang matandang kaugaliang Pilipino ang
"Pamanhikan". Ito ay ang mahusay na
paghingi ng pahintulot ng magulang ng
lalaki sa magulang ng babae sa isang pag-
iisang dibdib. Ang kasal ay sagradong
bagay at ang mga paghahanda pa lamang
para sa dakilang okasyong ito ay humahabi
na ng magaganda at makukulay na mga
pagtitipon at pagdiriwang.

Pamanhikan
Ang pamanhikan ay galing sa salitang
panhik at kaugnay rin ng salitang
mamamanhik na may kahulugang
makikiusap. Hindi basta't papanhik sa
bahay, kundi makikiusap pa sa mga
magulang ng dalaga upang tulutan nang
maipakasal ang kanilang anak na dalaga.
Dahil sa ayon din naman sa pag-uusap ng magkabilang panig ang
magiging bunga ng usapan, kaya't hindi naman lahat ng pamanhikan ay
nauuwi sa kasalan. Kapag hindi magkasundo ang dalawang panig, gaya
ng kung hindi makakayanan o sadyang ayaw kayanin ng partidos ng lalaki
ang mga kahilingan ng partidos ng babae tulad ng "panhik", at "bigay-
kaya" hindi natutuloy ang pamanhikan sa nilalayong kasalan. Ang
"panhik" o "bigay-kaya" ay maaaring pera o bagay , lupain o ari-arian, na
handog ng lalaki sa magulang ng babae. Kung minsan ito ay kusang-loob
na handog ng magulang ng lalaki, kung minsan ito ay hinihiling ng
magulang ng babae. At kung magkataon ngang hindi magkatugon ang
pagka-palahiling sa panig ng lalaki, walang nararating ang usapan sa
pamanhikan at hindi natutuloy sa kasalan. Ang siste nito kung minsan,
hindi man nagkasundo ang mga magulang, subalit nagkakaunawaan
naman ang binata at dalaga, ang mga ito ay gumagawa ng paraan at
sila'y nagtatanan at nakakasal na rin kahit wala nang "panhik", bigay-
kaya at mga handaan.

You might also like