You are on page 1of 3

Ang KARAGATAN ay isa sa uri ng ating panitikan kabilang siya sa

dulang panlibangan na ginagawa ng mga Pilipino noong panahon ng


mga Kastila, ang karagatan ay batay sa alamat ng isang dalaga na
nahulog ang singsing sa dagat batay sa hangaring makapili ng
mapapangasawa.

Para mas lubos na maunawaan ang katangian ng karagatan ay


narito ang sumusunod

 Ang karagatan ay laro na mayroong paligsahan sa tula.


 Ang kwento ay umiikot sa alamat ng singsing ng isang dalaga na
nalaglag o nahulog sa gitna ng dagat .
 Kung sino man ang makakakuha ng singsing ng dalaga ay
kanya itong pakakasalan.
 Ngunit sa larong ito ay hindi naman nangangailangan na
lumangoy o sumisid sa dagat ang binata na nais na makai sang
dibdib ang dalaga.
 Ang larong ito ay ginaganap o dinadaos sa bakuran ng isang
tahanan.
 Dito ay mayroong papag na dalawa at sa tigkabila ng mesa ay
mayroon namang ibat-ibang pagkain.
 Ang pangkat ng binata at dalaga ay magkaharap.
 At ang magpapasimula ng palaro ay isang matanda.
 Sa larong ito ay maaring magkaroon ng palabunutan at matukoy
ang unang binatang mabibigayan.
Ang DUPLO ay isa rin sa ating panitikan sinasabing ito naman ang
pumalit o humalili sa karagatan, paligsahan sa husay sa pagbigkas ng
pangangatuwiran na patula,tinatawag din itong dulang pangtahanan
sapagkat ito ay karaniwang idinaraos sa loob ng isang tahanan o sa
isang bakuran. Ito ay ginaganap bilang paggunita sa namatay.
Para mas lubos na maunawaan ang katangian ng duplo ay narito
ang sumusunod

 Ito ay isang tulang patnigan sapagkat ito ay larong paligsahan sa


pagtula.
 Ang mga lalake sa larong ito ay tinatawag na duplero
samantalang ang mga babae naman ay duplera.
 At kapag naglalaro na ay tinatawag silang bilyako at bilyaka.
 Ang tsinelas o palmatorya naman ang ginagamit ng hari na
pamalo sa palad ng natalo bilang parusa.
 Maari ring parusa sa natalo ang pagpapabigkas ng mahabang
dasal para sa kaluluwa ng isang namatay.
 Ang paksa sa larong ito ay patungkol sa nawawalang loro ng
isang hari o di naman kaya ay magsusumbong ang isang bilyako
sapagkat siya ay hinamak ng isang bilyaka.
 Ito rin ay ginaganap sa bakuran ng isang tahanan.
 Ito rin ay katulad ng karagatan na ginaganap tuwing mayroong
patay.
 Ito rin ay nagpapatalas ng kaispan dahil ang pagmamatuwid ay
daglian.

Uri ng Duplo:

 Binayabas
 Historia – Vino
 Alo-Humano
 Historia-mano
 Talinghaga
 Ley/lai

You might also like