You are on page 1of 2

Pangalan: Louie Jay D.

Lleno Petsa: Abril, 2021


Taon at Seksyon: BSED-Filipino/3D

KASAYSAYAN NG DULA SA BANSANG PILIPINAS

(Reaksyong Papel)

Ilan sa atin ang alam kung ano ang kahulugan ng Dula at kung paano ito
itinatanghal. Ngunit alam ba natin kung ano ba ang kasaysayan nito? Ano nga ba ang
Dula at ano ba ang kasysayan nito? Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa
diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa
pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o
drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong


Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang
mga katutubo'y Ikas na maniligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng
mga unang any0 ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga
katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y isinasalaysay sa
pamammagitan ng pag-awit.

Sa panahon naman ng Kastila sa 330 na taon na pananakop ng mga kastila sa


ating bansa maraming dula ang namayani. Ang halimbawa nito ang Karagatan sinasabi
bago paman dumating ang mga kastila ito ay nakilala lamang sa panahon ng kastila
ang karagatan ayon kina Sauco at Salazar ito ay isinasagawa tuwing may namamatay
ito ay sa panahon ng pagdarasal mula sa una hanggang ika siyam na araw , sa
ikatatlongpong kamatayan at unang taon ng pagkamatay sa dulang ito ay gumagamit
ng patula ito ay nilalahokan ng mga kababaihan at kalalakihan sa komunidad.ang Duplo
sa larong duplo katulad din ng karagatan ito ay kailangan matibang ang iyong mga
kaalaman sa maraming bagay sapagkat ito ay paigtingan ng humor ng sese of humor
na nilalaman ng utak, ang mga kalahok ay tinatawag na belyaka sa mga babae at
belyako naman sa mga kalalakihan. Ang sayatan ng mga Muslim na kung saan katulad
din sa duplo subalit sa larong ito gumagamit ng panyo nahahati sa panig ng dalaga at
binata, ang tagapamuno ay magsasayaw sa paligid ng mga kalalakihan pipili siya kung
sino ang bibigyan niya ng panyo sa balikat nito at pagkatapos pupunta naman siya sa
panig ng mga kababaihan at sasayaw sa paligid nito pipili rin siya ng isang babae na
bibigyan niya ng panyo sa balikat , ang nabigyan ng panyo sa dalawang panig ang
siyang kinakasal . Flores De Mayo ito isinasagawa tuwing Mayo na kung saan

namumukadkad ang mga bulaklak, ang mga bulaklak ay iniaalay sa mahal na


birhen Maria , ang mga kalahok ditto ay mga kabataaang babae at lalaki na nakaputing
damit at umaawit sila ng dios Te salve. Ang Pangangaluluwa ito ay pananapatan ng
mga kabataan sa bisperas ng araw ng mga patay tuwing ika 31 ng Oktubre

Sa panahon ng Amerikano nagsimula paghihimagsik sa bayan ito sa mapanupil


lalo na sa tawag ng panulat. Ang mga ilang dula sa panahong ito ka ang babakasan ng
pangungutya , pagpapsaring. Ang halimbawa nito ang Sarswuela sinasabing ang
pumatay sa moro-moro ito’y pinahiwatig ng RIP (sumalangit nawa o Rest in Peace) ito
ay hinago sa mga kastila sa opera ng italya sapagkat magkahalo ang diyalogong
ginagamit patula o pasalita.

Mapapansin natin na mahalaga talagang pag-araalan ang kasaysayan ng Dula


dahil ditto mismo natin malalaman kung paano ito naging tampok sa ating ating bansa.
Makikita rin natin na hanggang ngayon ang tinatangkilik parin ang Dulang Pilipino at
marami paring kabataan ang mahilig makilahok sa mga Dulaan.

You might also like