You are on page 1of 2

Louie Jay D.

Lleno

BSED-Filipino

SINING NG PAGGANAP

1.) Ano-ano ang mahalagang impormasyon ang inyong natutunan sa Dula?

Ang mga mahahalagang imposmasyon na natutunan ko sa napanood na Dula ay


kung paano inilalapat ng may kahusayan at kagalingan ang mga hampas, hagupit o
hataw, diin, tapik at dulas. Makikira rin sa Dula ang iba’t ibang katangian ng kilos,
Bilis(mabilis o mabagal), Bigat(magaan o mabigat), Direksyon(tuwid o baluktot). Ang
iba’t ibang katangian ng pagganp, ang pagiging panatag ng aktor sa dula, katapatan at
paniniwala, ang marubdob na pagsasaloob, buhos na atensyon, pakikiramdam at
pagkakaisa, ang kalinawan at katiyakan. Maoobserbahan din sa Dula ang sangkap ng
sining, ang espasyo, linya, tunog, hipo o salat, kulay, galaw o kilos, ritmo, indayog at
alaliw-iw. Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga
taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

2.) Ibuod ang monologo ni Delfin

Si Maya ay nag-iisang anak nila mamang at papang. Siya ay isang heredera sa


kanilang Nayon. Siya lang naman ang nag mamay-ari ng malaking plantasyon sa
asukal sa kanilang lugar. At lupain na kinatitirikan ng mga obrebo na doon
kinabibilangan ang pinakakamahal niyang si Delfin. Inilarawan niya na si Delfin ay
gwapo, maganda ang katawan at mahabang ang pasensiya na saksi ang langit at ang
lupa. Ngunit isang tinik ng lalamunan ni Maya ang kanyang Papang dahil hindi siya
suportado nito att naisip nila na magtanan sila ni Delfin. Nalaman ni papang ang
tangkang pagtatanan ni Maya at Delfin kung kaya bugbog at pasakit ang ginawa ni
Papang kay Maya . Biglang gumuho ang mundo ng malaman ni Maya na lumayas ang
kanyang Mamang sa mansiyon pati lumayas naman si delfin at sumama sa isang
bayarang babae.

Hindi nakatiis si Maya at lumuwas ng Maynila para hanapin si Delfin ngunit sa


kasamaang palad ay nabigo siya na mahanap ito hanggang nagdesisyon siya na
bumalik sa kanilang Nayon. Pagdating niya sa kanilang Nayon ay may nangungumusta
at may nagsasabing bakit bumalik pa si Maya. Sa madaling sabi ay umuwi si Maya sa
kanilang mansiyon , dumaan siya sa napakalaking pader at dumaan sa bintana ng
kanyang Pangpang. Napahinto siya ng may marinig siyang ungol at biglang nandilim
ang paningin ni Maya at nasabi niya na kaya pala iniwan ng kanyang Mamang ang
kanyang papang dahil sa kahupan na pinagagawa niya. Aalis na lamang si Maya ng
bigla niyang nahigip ang plorera at ito ay nabasag. Sa kanyang pagluhod at pagdilat ng
mata Nakita niya ang kanyang Papang at ang kanyang pinakamamahal na si Delfin.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Maya sa kanyang nakita niya na ang kabit ng
kanyang pinakammahal ay walang iba kundi ang kanyang Papang .

Hindi nakatiis si Maya at kinuha ang basag na plorera at biglang sinaksak kay Delfin at
Papang.

Sa madaling sabi si Maya ay nagsisi sa kanyang nagawa. Siya ay nasa isang


masikip ay maiinit na kwarto tanging rehas na bagal na laman ang kanyang
nahahawakan na binigyan niya ng katuturan na ang sa hanggang sa kanyang huling
hantungan rehas na bakal na lamang ang kanyang kaibigan.

3.) Gumawa ng sariling Monologo

Ehem ehem. Bakit, Bakit, bakit nawawalan ako ng panlasa? Bakit, bakit ang ubo ko’y
walang plema. Bakit, bakit ako (hatching, hatching,hatching) Ahhhhh! Ang sakit ng ulo
ko. Parang mabibiyak. Hindi na rin ako makahinga! Aaaaahhhhhhhhh! Ikaw, oo Ikaw ,
ikaw na virus na sumira sa aking buhay, ang nagpahirap sakin ng ganito, ang patuloy
na kumikitil sa buhay ng maraming tao, oo ikaw, napaka walang kwenta mo! Oo tama
kayo isa akong covid positive at ito ang naging kapalaran kIkaw.

Ikaw ang dahilan kung bakit kelangan kong makulong sa kwartong ito ng mag isa, oo
mag-isa , malayo sa pamilya, nakabukod, pinangigilagan ng mga tao, walang
makausap walang makasama, ikaw ang dahilan nito. Masama loob ko sayo, ng dahil
sayo natigil ako sa pag-aaral, nawalan ako ng kalayaang makalabas, makagala,
makapag beach, oh magkape man lamang sa starbucks. Nakakainis ka! Isa kang
demonyo na nabubuhay sa lupa, mapanakit ka, nasasaktan ako kasi hindi ko makita
ang tunay na ganda ng bawat pagsikat at paglubog ng araw, hindi ko mahawakan ang
mga patak ng ulan, hindi ako makakita ng magagandang tanawin at mayayabong na
puniat dahil yon sayo! Hindi ako maka amoy ng halimuyak ng mga bulaklak, ang aroma
ng kape at pti ang sarili kong katawan hindi ko na rin ma amoy! Hindi ko malasahan
ang linamnam ng mga paborito kont pagkain, ang katas ng mga prutas at ang pait ng
mga gamot dahil yon sayo! Hindi ko mayakap ang mga mahal ko sa buhay, dahil sayo.
Nawalan ako ng akas ng loob ng dahil sayo, pabigat ka! Pabigat ka! Dahil sayo
nakakaranas akonng mga gabing hindi ako makatulog sa sobrang gulo ng utak ko ,
Ahhhh! Mga gabing magdmaag akong umiiyak kasi wala kong masabihan ng mga
nararamdaman ko, kasi ramdam ko na ayaw na kong kausapin ng mga kaibigan ko,
mga gabing gusto ko na lang gawing umaga kasi nasasaktan ako, nabibigatan ako!!
Dahil sayo, naiiisp ko na wala ng pakealam sakin ang pamilya ko, nararamdaman kong
maging malungkot, nararamdaman kong parang wala ng pag-asa. Gustong gusto kong
sumigaw pero wala ng boses ang kumakawala sa aking bibig, hidnu dahil sa naubos
na, dahil sa natutunan ko nnalang papano ang maging tahimik. Kapag naaninag ko ang
pagkaiirta at pagkailang sa akin ng ibang tao, hindi ko magawang lumaban pa, naging
mahina ako ng dahil sayo, dahil sayo. Inalisan mo ko ng karapatan na magpakasaya sa
buhay ko, pasko bagong taon, hindi ko naranasan nt dahil sayo! Ikaw ang malas sa
mundo! Isa kang malas!

Pero, kahit na ganito, kakayanin kont bumangon para sa pangarap ko, parabsa
pamilya at para sa sarili ko, papatahimikin kita sa paraang kaya ko, mapa aalis kita sa
katawan ko dahil kaya ko, sa muli hindi na ko magpapa alaipin sayo, isa ka lamang
virus tao ako.

Laban para sa pangarap.

You might also like