You are on page 1of 2

Ang Tatlong Kailanganin o Rekisito sa Pagpapaunlad ng Kahusayan sa Pakikinig

1. Maglaan ng nababagay o kundyosibong kapagaligiran, iyong malayo sa ingay at


iba pang mga nakakadistrak o nakakasira ng atensyon, sa gayon, malakas na
nakapagsasalita para sa lahat ang interlokyutor.
2. Pumili ng mga paksang kaiinteresan ng mga nakikinig.
3. Magbigay ng mga katangi-tanging pagsasanay para mapaunlad ang kakayahang
makinig. Halimbawa,ang paglalarawan ng isang proseso na binubuo ng mga
hakbangin na matapos isa-isahin ang mga deskripsyon, ipaulit ito sa mga taga
pakinig. Ang ilang makakalimutan at iba pang pagtatama ay maipapagawa sa iba
Ang Tainga ni Placido Penitente
Ni Orlando A. Oliveros

Sumisikip na naman ang kanyang dibdib. Naglapat nang mariin ang kaniyang
mga labi sa matinding poot. Pakiramdam niya’y tila padalang ng padalang ang kanyang
paghinga. Nais niyang lisanin ang bahagi na iyon ng kanilang bahay, ngunit hindi niya
magawa.
Sa harap niya’y pabalik-balik na naglalakad ang isang babae. May sinabi iyon…
malakas, malakas na malakas. Hindi niya maintindihan.
At sa gayong kalagayan ng nagdidilim niyang isip, tila ingay na laang iyon na
umalingangaw sa kanyang tainga.
Naaalala pa niya noong siya ay bata pa. Nagsugat ang kanyang tainga dahil
piningot siyang mabuti ng kanyang ina, at ang pangyayaring iyon ay tila umuulit na lang
sa ngayon…
Tiim-bagang pa rin siyang nakatungo at nakayupyop sa sulok. May nais na mag-
umalpas sa kanyang dibdib, ngunit hindi niya magawang ilabas, sapagkat natatakot
siya sa kanyang ina. Natatakot siya na baka ang munting ingay na maaaring likhain ng
kanyang paghinga ay lalong magpagalit dito.
Magagalit si ina, aniya sa sarili. Naninigurong lalo lamang lalakas at hahaba ang
ingay sa kanyang paligid. Lalo na lamang niyang itinungo ang kanyang ulo. Tama na.
Ayaw na niya. Ayaw na…
Bumaluktot ang kanyang mga labi. Naningkit ang kanyang mga mata. Isang
malalim na paghinga ang hindi niya nagawang pigilin. Marahan, bagamat pigil na pigil,
siya’y humikbi – dalawang patak na luha ang bumasa sa kanyang binti.
Panandaliang tumigil ang ingay. Tumigil na rin ang panghihilakbot ng kanyang
isip. Dumalas nang dumalas ang singhot, itanaas niya ang kanyang mukha. Nakita niya
ang kanyang ina na may sukbit na bag. Nag-aayos ito ng buhok sa harap ng salamin.
“Wala kang baon ngayon sa eskwela!” sabi nito sa kanya, at ang hintuturo’y
pinagdiinan sa kanyang noo. Tinalikuran siya niyon at lumakad nang papalayo. Ang
tanging huling umalingawngaw sa kanyang tainga ay ang malakas na pagbagsak ng
pinto; ang lahat ay tahimik ng muli, ngunit siya ay nauwang nakatitig sa kawalan…
Naglalakad siya sa kampus. Lulugo- lugo. Alas dos pasado na, ngunit hindi parin
siya nanananghali. Ang kanyang balat ay tila sinusunog ng matinding sikat ng araw.
Nakita niya ang kanyang mga kaklase. Kumakain sila, ngunit hindi niya
magawang lumapit sa mga iyon. Nahihiya siya. At sigurado lamang na tatanungin siya
kung bakit namumugto ang kanyang mga mata. Ayaw na niya kasing alalahanin ang
mga nangyari.
Ilang sandali na lamang at tutunog na ang “bell,” aniya sa sarili. At sa sandali
ngang iyon, humudyat ang kampana. Nagpahuli siya sa sikat ng araw.
Inaantok siya sa klase. Nanghihina. Ang propesor sa harap ay ingles ng ingles.
Hindi niya maintindihan, bukod pa sa mahina ang tinig niyon. Lalong bumigat ang
talukap ng kanyang mga mata. Isinandig niya ang kanyang ulo sa kaharap na silya.
Pumikit siya. At ang lahat ay nagdilim…
Ngunit panandalian lamang iyon. Ginulantang siya ng isang malakas na
paghiyaw sa kanyang tainga. Nakita niya ang mukha ng nanggagalaiting professor sa
kanyang harapan.tinanong nito kung bakit ito natutulog. Bakit nga ba? Hindi niya alam!
Ayaw na niya kasing alalahanin ang ma nangyari. Ewan. Hindi nga niya alam!
Ngunit hindi pa siya nakasasagot ay nagsimula na ang professor sa mahaba nitong
sermon. Ingles iyon. Hindi niya maintindihan.
Tila ingay na lamang iyon sa kanyang tainga. Walang kawawaang ingay at
naalala niyang muli ang kanyang ina…
Ngunit ayaw na niyang alalahanin ang mga nangyayari… bakit ang tinig ng
kanyang professor ay katulad ng sa kanyang ina – tils titigpasin ang kanyang tainga sa
sakit?
A, ayaw na niyang marinig! Bumuka ang kanyang mga labi at ang lahat ng nasa
loob ng kuwarto ay napahumindig. Ang professor ay napaurong sa kabiglaan. Hinila
niya ang kuwelyo niyon at ambang susuntukin…
Subalit makapangyarihan ang kanyang ina.
Tiyak na kagagalitan ako, aniya sa sarili. Tiyak na kagagalitan siya, ppipingutin at
tatalakan at titigpasin ang kanyang taingang alam niyang unti unti nang natitigpas sa
nakalipas na labinlimang taon!
Tila nawawala sa sariling binitiwan niya ang kanyang professor. Sumigaw siya ng
malakas at dumalas ang kanyang paghinga… nugnit naroon pa rin ang tinig, pinipingot
ang kanyang tainga…
Ibinalibag niya ang kanyang sarili sa dingding. Untog dito, untog doon at nakita
niya ang kanyang mga kaklase, naglalapitan sa kanya.
Hindi, aniya. Hindi nila ako mahahawakan. Tiyak na tatanungin lamang nila kung
bakit namumugto ang aking mga mata. Ayaw na niya kasing alalahanin ang mga
nangyari. Ngunit sumasakit pa rin ang kanyang mga tainga…
Nagsabog ang kanyag dugo sa noon Naulinigan niya ang kanyang professor.
Tinatawag siya , malakas na malakas. Sa huling sandal ay umalingawngaw na muli sa
kanyang tainga ang malakas na tunog ng pagbagsak ng pinto na kanyang narinig
kangi-kangina lamang ng umalis ang kanyang ina…
Ngunit ang lahat ay nagdilim…

You might also like