You are on page 1of 1

Pagtalakay na Panlinggwistiks sa Semantiks

Layunin ng pag-aaral ng wika ang pagkakaroon ng kompitens sa linggwistika ng


katutubong tagapagsalita ng wika, iyon ang probisyon ng alituntunin at istruktura na
tumitiyak ng kailanganin ng tao upang malaman niya ang nabanggit na wika. Isang
ebidensya ng kaalaman sa semantics ng wika ng isang tao ang pagkilala niya sa mga
pahayag kung semantic o hindi kahit na hindi naman sa gramatikal na tuntunin.

Walang nakakatalo sa wika kaya kailangan pag-aralan ang relasyon sa loob ng


pagganap tulad ng tinatawag na parapreysing o sinonim (pareho ng kahulugan)

Salita at Aytem Leksikal

Para sa atin, alam natin kung ano ang salita. Hindi na tayo nag-iisip pa kapag
sinasabi ang terminong salita. Ngunit sa ating pag-aaral mahalagang malaman kung
ano ang salita. Ano nga ba ito? Halimbawa: ang salitang grado. Maari itong grado ng
mata o grado sa pag-aaral o grado sa test. Kaya tatlong magkaibang salita ito. Sa
ganitong paraan matatawag itong aytem leksikal o lexem na makikita sa paradaym na
lumakad, lumalakad at lalakad. Isang aytem leksikal lang ito na may iba’t ibang anyo.

You might also like