You are on page 1of 32

3.

SINTAKSIS
3.1 Ayos ng Pangungusap
3.2 Uri ng Pangungusap ayon sa
Kayarian
3.4 Uri ng Pangungusap ayon sa
Gamit
3.5 Pangungusap na Walang Paksa
Sintaksis
Ito ay pagsasama-
sama o pag-uugnay ng
mga salita upang
makabuo ng
pangungusap.
Pangungusap
– salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng
diwa
Parirala
– lipon ng salita na walang diwa
Sugnay
– lipon ng mga salita na may paksa at
panaguri subalit hindi buo ang diwa.
- ito’y bahagi lamang ng pangungusap.
Dalawang uri ng sugnay:
1. sugnay na makapag-iisa
2. sugnay na di-makapag-iisa
1. Sugnay na Makapag-iisa
- kung sa loob ng pangungusap ay
nabuo itong may paksa at panag-uri na
may buong diwa.
- maari itong gawing buong pangungusap
kung aalisin sa isang pangungusap at
lalagyan ng bantas
Hal:
Binubuhay nilang muli ang kagubatan dahil
kailangan nila ito.
Kung iisipin ng tao ang kapwa nila ay
maiiwasan ang pagiging sakim.
2. Sugnay na Di- makapag-iisa
- di-nakapag-iisa kung ito ay
pinangungunahan ng pangatnig
- may paksa at panag-uri ngunit hindi
buo ang kaisipang ipinapahayag
Hal:
kung iispin lang ng tao ang kapwa nila
dahil kailnagan nila ang tao
kaya hindi ako nakapasok
Bahagi ng
Pangungusap
1. Paksa
- ang pinag-uusapan sa isang
pangungusap.
2. Panag-uri
- naglalarawan o ideya tungkol sa
paksa
Hal:
Ang mga bata ay naglalakad.
Si Joan ay kumakain.
Nagsasayaw ang mga bata.
The house is beautiful.
Ang bahay ay maganda.

Maganda ang bahay.


Beautiful is the house.

* Wasto ang instruktura ng Filipino


subalit nagkakaproblema sa Ingles.
Ayos ng
Pangungusap
1. Karaniwang ayos
- nauuna ang panag-uri kaysa sa paksa.
2. Di-Karaniwang ayos
- nauuna ang paksa kaysa sa panag-uri
- may pangawing na “ay”
Hal:
Ako ay isa sa marami.
Masayahin ang mga Pilipino.
Si Napoles at Arroyo ay may kuto.
Si Anne ay tumatakbo.
Sila ay naglalakad sa parke.
Umiiyak ang bata dahil iniwan ng nanay sa
kanyang ate.
Uri ng
Pangungusap
ayon sa
Kayarian
1.Payak
1P+1P
- nagpapahayag ng isang
kaisipan lamang.
Hal: Si Ana ay kumakain.
Masipag si Janine
2. Tambalan
1SM+1SM/2SM+2SM
- Nagpapahayag ng dalawang
magkaugnay na kaisipan.
Hal:
• Ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng
edukasyon at ipinakilala niya sa kanila
ang kahalagahan ng edukasyon.
• Hindi nakatiis ang mga Pilipino at
sila’y nagtipon ng lakas.
3. Hugnayan
1SM+1SDM/1SM+2or3SDM
- 1 sugnay na makapag-iisa at 1 sugnay na
di-makapag-iisa.
Hal:
• Kung hindi kikilos nang maaga ang
pamahalaan, maraming walang muwang na
mamamayan ang mamamatay.
• Magiting na ipinagtanggol ng mga gerilya
ang kanilang baryo nang lumusob ang mga
dayuhan.
4.  Langkapan
2SM+1SDM/3SM+2or3SDM
- 2 o higit pang sugnay na makapag-
iisa at 1 o higit pang pantulong na
sugnay.
Hal:
• Kung ang Agila ay kinikilalang hari ng mga ibon
sa Pilipinas at ito’y sumasagisag sa
pagmamahal ng Pilipinas sa kalayaan, ang
pinakamataas naman sa lahat ng ibon ay Moa.
• Magiging malaya ang bayan at makakamit
natin ang kapayapaan kung isasabuhay lamang
natin ang tunay na pagkamakabayan.
1.Payak
1P+1P
2. Tambalan
1SM+1SM/2SM+2SM
3. Hugnayan
1SM+1SDM/1SM+2or3SDM
4.  Langkapan
2SM+1SDM/3SM+2or3SDM
Uri ng
Pangungusap
ayon sa
Gamit
1. Paturol/
Pasalaysay
- pangungusap na naglalahad
ng katotohanan
- nagtatapos sa isang tuldok
(.)
Hal:
Tumatakbo ang bata
Nagsasayaw ang lolo at lola.
2. Patanong
-nagtatanong
- nagtatapos sa tandang
pananong (?)
Hal:
Sino ang kasama mo?
Nasaan ang pinabili ko sa iyo?
Kaya mo bang buhatin iyan?
3. Pautos
- naghahayag ng obligasyong
dapat gawin o isagawa.
- nagtatapos sa tuldok (.)
Hal:
Magdilig ka ng halaman.
Pakainin mo ang iyong alaga
Umalis ka muna sa kwarto ko.
Pakikuha mo nga ako ng isang baso
ng tubig.
4. Padamdam
- nagsasaad ng matinding damdamin
tulad ng tuwa, takot, o pagkagulat.
- nagtatapos sa tandang padamdam
(!) o tandang pananong (?)
Hal:
Aray! Ang sakit ng paa ko naipit sa
upuan.
Hala! Paano na ako makakapasok nito
sa bahay?
Mga
Pangungusap
na Walang
Paksa
EKSISTENSYAL

MODAL

PADAMDAM

MAIKLING
SAMBITLA

PANAWAG

PAMANAHON
(Penomenal)
PAMANAHON
(Temporal)
PORMULARYONG
PANLIPUNAN
Mga Pangungusap na Walang Paksa
• Eksistensyal -gumagamit ng may at mayroon
• Modal- nangangahulugan ng gusto, nais o ibig.
Halimbawa: Gusto ko matulog.
• Pandamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Aray ko! Sus! Aru! Ow, talaga!
• Maikling Sambitla -nagsasaad ng saglit na damdamin
• Panawag- panawag na pangkamag-anak.
Hoy! Pssst! Tena! Manang!
• Penominal -tumutukoy sa kalagayang pangkalikasan
Halimbawa: Umuulan!, Lilindol daw.
• Temporal - nagsasaad ng kalagayan o panahong panandalian.
Halimbawa: Mainit! Kay init ngayon.
• Pambating Panlipunan- magagalang na pananalita ng pakikipag-
kapwa.
Halimbawa: Kamusta ka? Salamat. Walang anuman.
QUIZ 12
SEMANTIKA
may kinalaman sa
interpretasyon ng mga
kahulugan ng mga salita at
pangungusap.
Tulad ng denotasyon at
konotasyon, sinonim, antonim,
polisemi, homofon, parapreys
Denotasyon- kahulugan mula sa
diksyonaryo
Konotasyon – pansariling kahulugan

Halimbawa:
PASKO
- ika-25 para sa mga Kristiyano, araw ng
kapanganakan ni Kristo.
- panahon ng pagbibigay ng mga regalo,
papunta ng mga inaanak sa ninong at
ninang, karoling ng mga bata, pagkain ng
bibingka at puto-bungbong
Sinonim/ Kasing-kahulugan
- mga salitang magkapareho ang kahulugan
Antonim/ di-magkasing-kahulugan
- mga salitang magkasalungat ang kahulugan.
Halimbawa:
•magkatulad- pareho
•mabilis- matulin
•mataas- mababa
•maliwanag- matingkad
•masaya- malungkot
•tahimik- madaldal
•maganda- marikit
Polisemi
-mga salitang may dalawa o
higit pang kahulugan na
magka-ugnay
Halimbawa:
• Mataas ang marka ng anak ko sa
Ingles.
• Nag-iwan ng marka ang kanyang kagat
sa braso ng bata.
Homofon
- salita magkapareho ng tunog o
anyo subalit magkaiba ang kahulugan.
- nagdudulot ng pagkalito o di
kalinawan ang homofon sa
pangungusap.

Halimbawa:
bangka – langka
bayaw - sayaw
Parapreys
- mga magkakaparehong
kahulugan ng mga
pangungusap.
Halimbawa:
• Naglalaro ang mga bata ng basketbol.
• Nagbabasketbol ang mga bata.
• Kumakanta ang koro ng mga lumang
kanta.
• Mga lumang kanta ang kinanta ng koro.
QUIZ 13

You might also like