You are on page 1of 77

ORTOGRAPIYANG

FILIPINO
2014
ORTOGRAPIYANG
PAMBANSA
F1KP-IIb-1 Nabibigkas nang
wasto ang tunog ng bawat
letra ng alpabetong Filipino
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN
BLG. 34, s. 2013

ORTOGRAPIYANG PAMBANSA
BAYBAYIN
vs.
ALIBATA
• 1959 – Pilipino, may 20 titik
• 1971 – 1977 – Filipino ang Pambansang Wika, naging 31
titik (c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, z)
• 1987 – 28 titik, tinanggal ang mga digrapong ch, ll, at rr
• 1991 – itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino
• 2001 – 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino
• 2009 – binagong edisyon
• 2012 – naglathala ang KWF ng ikaapat na edisyon
• 2005 – 2013 – nagdaos ng Forum
KATANGIAN NG 2014 ORTOGRAPIYANG FILIPINO
1. Ang pagbuo ng panuto ay kailangang patnubayan ng
matiyagang paglingon sa kasaysayan upang
masipat ang anumang tradisyon ng nagdaang paraan
ng pagsulat sa wika, mula sa panahon ng baybayin,
sa panahon ng pagpapalaganap sa alpabetong
Romano, sa panahon ng abakada, at hanggang sa
paggamit ng modernisadong alpabetong Filipino.
2. Kailangang ibatay ito sa mataas na modelo ng
paggamit ng wika.
3. Kailangang episyente ang ortograpiya o kailangang
nakatutugon ito sa mga pangangailangan ng pagsulat.
4. Kailangang pleksible ang ortograpiya upang
magampanan ang lumalawak (pambansa) na gamit ng
wikang Filipino.
5. Kailangang madali itong gamitin.
GRAFEMA
 set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng
pagsulat
 binubuo ng titik o letra at di-titik
 titik o letra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita.
 binubuo ng mga patinig o bokablo at ng mga katinig
o konsonante
 ALPABETO – serye ng mga titik o letra na binubuo ng
28 titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog
 Di-titik ay binubuo ng mga tuldik at mga bantas
 TULDIK – pahilis, paiwa, pakupya, at patuldok na
kahawig ng umlaut o dieresis upang kumatawan ng
tunog na schwa sa lingguwistika.
 BANTAS ay kumakatawan sa mga patlang at himig sa
pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan
ng mga salita at parirala, at sa pagitan ng mga
pangungusap – kuwit, tuldok, pananong, padamdam,
tuldok-kuwit, tutuldok, kudlit, at gitling
 Pantig o silaba ay isang yunit ng tunog na binubuo ng
isang patinig o kambal-patinig at isa o mahigit pang
katinig.
PAGPAPANTIG NG SALITA
• Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit
pang patinig sa posisyong pang-una, panggitna, at
pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig.
Halimbawa: /a•ak•yat/ (aakyat)
/a•la•a•la/ (alaala)
/to•to•o/ (totoo)
PAGPAPANTIG NG SALITA
• Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang
salita, ang una ay isinasáma sa sinundang patinig at ang
ikalawa ay isinasáma sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /ak•lat/ (aklat)
/es•pes•yal/ (espesyal)
/pan•sit/ (pansit)
/os•pi•tal/ (ospital)

Nasasaklaw nitó pati ang mga digrapo, gaya sa /kut•son/


(kutson), /sit•sa•ron/ (sitsaron), /tit•ser/ (titser).
• Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig
sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay
sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang
ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig.
Halimbawa: /eks•per•to/ (eksperto)
/trans•fer/ (transfer)
/ins•pi•ras•yon/ (inspirasyon)
• Ikaapat, kapag ang una sa tatlong magkakasunod na
katinig ay M o N at ang kasunod ay alinman sa BL,
BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay
isinasáma sa unang patinig at ang sumunod na
dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na
pantig.
Halimbawa: /a•sam•ble•a/ (asamblea)
/tim•bre/ (timbre)
/si•lin•dro/ (silindro)
/tem•plo/ (templo)
/sen•tro/ (sentro)
• Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na
katinig sa loob ng isang salita, isinasáma ang
unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at
isinasáma ang hulíng dalawang katinig sa kasunod
na pantig.
Halimbawa: /eks•plo•si•bo/ (eksplosibo)
/trans•plant/ (transplant)
Baybay ng salita na may kambal-katinig
kapag inuulit:
prito – pi-pri-tu-hin (Ang unang katinig at
patinig lamang ang inuulit.)
Gayunpaman, maaaring ituring na varyant
ang pag-uulit ng dalawang katinig at patinig
gaya ng priprituhin.
Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang
payak na tuntuning “Kung ano ang
bigkas, siyang sulat” sa pagbabaybay
na pasulat maliban sa salitang “mga” na
isang pagpapaikli ng lumang anyo
nitong “manga.”
GAMIT NG WALONG BAGONG TITIK
(C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z)

Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa


pagsulat ng mga salita mula sa mga
katutubong wika ng Pilipinas.
Hal.alifugfug (Itawes) – ipuipo
safot (Ibaloy) – sapot ng gagamba
• falendag (Tiruray) plawtang pambibig na may
nakaipit na dahon sa ihipan
• feyu (Kalinga) pipa na yari sa bukawe o sa tambo
• jambangán (Tausug) halaman
• masjid (Tausug, Mëranaw mula sa Arabe) tawag sa
gusaling sambahan ng mga Muslim
• julúp (Tausug) masamang ugali
• avid (Ivatan) ganda
• vakul (Ivatan) pantakip sa ulo na yari sa damo
na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng
araw
• kuvat (Ibaloy) digma
• vuyu (Ibanag) bulalakaw
• vulan (Itawes) buwan
• kazzing (Itawes) kambing
• zigattu (Ibanag) silangan
 Sa mga bagong hiram na salita mula sa
Espanyol, Ingles at ibang wikang banyaga.

 Sa mga lumang salitang Espanyol.


Hal. kabayo (caballo)
letson (lechon)
sibuyas (cebolla+s)
komang (manco)
kumusta (como esta)
Di binabagong bagong hiram
Hal. futbol, fertil, fosil, visa, vertebra,
zigzag, fern, folder, jam, jar,
level (lebel), envoy, develop,
ziggurat, zip
PROBLEMA SA C, Ñ, Q, X
 Isang simulaing pangwika mula sa baybayin
hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog
ang kinakatawan ng bawat titik.
 Sa kaso ng C, maaring K (coche) o S (ciudad)
 Sa kaso ng Ñ, limitado kahit sa Espanyol ang mga
salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang
salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan ng
NY, gaya ng donya (doña) at pinya (piña).
Sa kaso naman ng Q at X, ang Q ay
nagiging K mula sa Espanyol na keso
(queso) at KW mula sa Ingles na kwit (quit)
o KY sa barbikyu (barbeque).
• Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS
gaya sa ekstra (extra)
PANGHIHIRAM GAMIT ANG 8 TITIK
pangngalang pantangi
katawagang siyentipiko at teknikal
mahirap dagliang ireispel
EKSPERIMENTO SA INGLES
HALIMBAWA: istambay, iskul,
iskedyul, boksing, rises, bilding,
groseri, anderpas, haywey,
gradweyt, korni, pisbol, masinggan,
armalayt, bisnes
Kailan hindi pa maaari ang reispeling?
Nagiging kakatwa o katawa-tawa ang
anyo sa Filipino.
Nagiging higit pang mahirap basahin sa
bagong anyo kaysa sa orihinal.
Nasisira ang kabuluhang pangkultura,
panrelihiyon, o pampolitika ang
pinagmulan.
Higit nang popular ang anyo sa orihinal.
Lumilikha ng kaguluhan ang bagong
anyo dahil may kahawig na salita sa
Filipino.
•kok (coke)
•karbon day-oksayd (carbon dioxide)
•bukey (bouquet)
•dyuti-fri (duty free)
•habyas korpus (habeas corpus)
•fungsoy (feng shui)
•pitsa (pizza)
ESPANYOL MUNA BAGO INGLES!
• Unang piliin ang singkahulugang salita
mula Espanyol, lalo’t may nahahawig na
anyo, dahil higit na umaalinsunod ang
wikang Espanyol sa bigkas at baybay na
Filipino kaysa Ingles.
Halimbawa:
estandardisasyon (estandardizacion) kaysa
istandardiseysiyon (standardization)
bagahe (bagaje) kaysa bageyds (baggage)
birtud (virtud) kaysa virtyu (virtue)
isla (isla) kaysa ayland (island)
imahen (imagen) kaysa imeyds (image)
MAG-INGAT SA SIYOKOY!...
 konsernado (concerned) na ang tama ay
konsernido (concernido)
 aspeto (aspect) na ang tama ay aspekto
 imahe (imagen) na ang tama ay imahen
 endorso (endorse sa Ingles) na ang tama ay
endoso
 lebel (level) na binibigkas nang mabilis
GAMIT NG ESPANYOL NA Y
Isulat nang buo ang pangalan ng lalaki
kasama ang apelyido ng ina.
Juan dela Cruz y Dela Cerna
Pagbilang sa Espanyol, maliban kung
nagtatapos sa E ang pangalan ng
unang bilang.
Alas-singko y media
Alas-dose kuwatro
KASO NG BINIBIGKAS NA H SA HIRAM NA ESPANYOL
• Halimbawa: oras (hora), eredero (heredero), abilidad
(habilidad)

• May mga pagkakataon na kailangang panatilihin ang H


dahil may kahawig ito na salitang iba ang kahulugan,
humano (tao), umano, historya (kasaysayan), istorya
(salaysay)
GAMIT NG J
Pangkalahatan, ginagamit sa tunog na /dyey/
 katutubong salita
 hiram na salita

• Ngunit hindi sakop nito ang ibang salitang ingles na


nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit hindi gumagamit ng J, at
hindi na rin kailangang ibalik ang J sa salitang Ingles na
matagal nang isinusulat nang may DY, gaya ng dyipni,
dyanitor, dyaket.
KASO NG KAMBAL-PATINIG
Sa pangkalahatan, nawawala ang unang
patinig ng kambal-patiig na I + (A,E,O) at
U+ (A,E,I) kapag siningitan ng Y at W sa
pagsulat. Ibig sabihin, napapalitan ng Y ang
orihinal na I at W ang orihinal na U sa
diptonggo: tenyente (teniente), agwador
(aguador), benepisyo (benepicio), perwisyo
(prejuicio)
Itinuturing na patinig na mahina ang I
at U kung ikokompara sa mga patinig
na A,E,O na itinuturing namang patinig
na malakas.
KATALIWASAN !...
• TALIWAS 1: Kapag ang kambal-patinig ay
sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita
Hal.tiya (tia)
piyano (piano)
piyesa (pieza)
kiyosko (kiosco)
puwersa (fuerza)

 
• TALIWAS 2: Kapag ang kambal-patinig ay
sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-
katinig sa loob ng salita
Hal. ostiya (hostia)
leksiyon (leccion)
eleksiyon (eleccion)
• TALIWAS 3: Kapag ang kambal-
patinig ay sumusunod sa tunog na H
Hal. estratehiya (estrategia)
kolehiyo (colegio)
rehiyon (region)
• TALIWAS 4: Kapag ang kambal-patinig ay nasa dulo
ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ng
orihinal
 
Hal. ekonomiya (economia)
pilosopiya (filosofia)
heograpiya (heogrefia)

VARYANT: ekonomya (pagtitipid)


pilosopya (mapagmalabis na paggamit ng
pangangatwiran)
KAMBAL-KATINIG AT DIGRAPONG SK, ST, SH, KT
Kambal-katinig o digrapo ang dalawang
magkadikit na katinig na pinatutunog sa loob
ng isang pantig gaya ng SK o SC (desk,
disc), ng ST sa Ingles na test, contest, pest,
post, ng KT (CT) sa Ingles na aspect,
subject, correct
SK at ST
• Pinatutunog na ang SK at ST kaya maaari nang
baybayin ang desk at disk, at tinatanggap na rin sa
Filipino ang anyong test, contest, pest, post,
artist

KT
• Hindi pinatutunog ang T sa tabi ng K sa loob ng
isang pantig – aspek, korek, sabjek, abstrak,
adik, konek, kontrak
CH at SH
• Tinatapatan ng TS ang CH – tsismis (chismis),
swits (switch), tsuper (chofer)
• SH – may nagnanais na panatilihin ito – shampoo,
at may nagnanais na tapatan ito ng SY sa syuting.
Paano kapag “ambush”?
• Pansamantalang nakabukas hanggang ang
kasalukuyang gabay para sa mananaig na
eksperimento hinggil dito.
PALITANG E/I at O/U
• Bahagi ng pagdidisiplina sa ating dila ang tuntunin
upang maibukod ang E sa I at O sa U.
• Pahihintuin ang balbal na ugaling gawing I ang E sa
umpisa ng mga salita
Halimbawa: penoy at Pinoy
meron at miron
balot at balut
ebun at ibon
otot at utot
• estasyon • Koreano
• estilo • donasyon
• menudo • kompanya
• leon • sombrero
• negatibo • politika
• koryente • estruktura
SENYAS SA ESPANYOL O SA
INGLES
ESPANYOL INGLES
• eskandalo (escandalo) • iskandal (scandal)
• estasyon (estacion) • isteysiyon (station)
• espesyal (especial) • ispesyal (special)
• esmarte (esmarte) • ismart (smart)
• eskuwela (escuela) • iskul (school)
• eskolar (escolar) • iskolar (scholar)
PALITANG O/U
• Kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng
pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M
kapag nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V
at P/E.
Hal. kumbensiyon (convencion)
kumbento (convento)
kumportable (confortable)
EPEKTO NG HULAPI
• Nagiging I ang E at U ang O kapag nasa dulo ng salita
at hinuhulapian.
Hal. balae – balaihin kalbo—kalbuhín
babae – kababaihan pasò—pasùin
tae – nataihan takbo—takbuhán
• Tandaan, hindi awtomatiko ang pagpapalit kaya hindi
nagaganap sa ibang pagkakataon.
Hal. babaeng masipag
birong masakit
 Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag
inuulit ang salitang-ugat:
Hal. ano-ano
alon-alon
piso-piso
Kapag bago ang kahulugan………….
Hal. haluhalo (pampalamig)
halo-halo(pinagsama-samang iba’t ibang bagay)
salo-salo (magkakasabay at magkakasama na
kumain)
salusalo (handaan)
bato-bato(paraan ng paglalarawan sa daanan na
maraming bato)
batubato (ibon, isang uri ng ihalas na kalapati)
Huwag baguhin ang dobleng O !....
Hal. noo – noohin
nood – panoorin
poot – kapootan
buod – buorin
buo – kabuoan
salimuot – kasalimuotan
KASONG DIN/RIN, DAW/RAW
• Sinasabi na kapag ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa -ri,-ra, -raw, -ray, ang
din at daw ay hindi nagiging rin and raw.
Maaari din.
Kapara daw.
Araw daw.
PATULDOK
• wën (Ilokano) - oo
• kën (Ilokano) - din/rin
• këtkët (Pangasinan) - kagat
• silëw (Pangasinan) - ilaw
• utëk (Pangasinan) - utak
• panagbënga (Kankanay) - panahon ng
pamumulaklak
• tëlo (Mëranaw) - tatlo
• matëy (Mëranaw) - matagal
• tëngel (Mëranaw) - sampal
• sëlëd (Kiniray-a) - loob
• yuhëm (Kiniray-a) - ngiti
• gërët (Kuyonon) - hiwa
GAMIT NG NG
AT NANG
NG
1. pananda ng layon ng pandiwa
Hal: Nagpalabas ng patalastas ang ABS-CBN na
ikinagalit ng mga netizen.
2. pananda ng pandiwang balintiyak
Hal: Inilabas ng korte ang TRO na nagpapatigil sa
pagpapalabas ng patalastas.
3. katumbas ng “sa”
Hal: Tutungo ng Crocodile Park ang lahat na
suporters ni Mayor Duterte.
4. nagsasaad ng pag-aari
Hal: Nawawala ang susi ng sasakyan ng guro.
5. gumaganap ng tungkulin ng panghalip pamanggit
Hal: Binawi ng nagbigay ang ibinigay sa binigyan.
NANG
1. kasingkahulugan ng “noong”
Hal: Umaga nang barilin si Rizal.
2. kasingkahulugan ng “upang”
Hal: Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si
Rizal nang matakot ang mga Pilipino.
3. katumbas ng pinagsámang na at “ng”.
Hal: Pero sa isip ng mga Pilipino, sobra nang lupit ang
mga Kastila.
4. pagsasabi ng paraan o sukat (pangabay na
pamaraan at pang-abay na panggaano)
Hal: Binaril nang nakatalikod si Rizal.

5. bílang pang-angkop ng inuulit na salita


Hal: Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi
siyá mamamatay sa puso ng mga kababayan.
WASTONG GAMIT
NG GITLING
1. Ginagamit ang gitling sa mga salitang inuulit:
Hal: anó-anó aráw-áraw gabí-gabí
sirâ-sirâ ibá-ibá
2. Gayunman, ginagamit ang gitling sa
onomatopeikong pagsulat sa mga iisahing pantig
na tunog
Hal: tik-tak ding-dong plip-plap
tsk-tsk rat-ta-tat
3. Ginagamit ang gitling upang paghiwalayin ang
pantig na nagtatapos sa katinig at ang sumusunod
na pantig na nagsisimula sa patinig.
Hal: pag-ása ágam-ágam mag-isá
pang-uménto
pang-úlo (kasuotan para sa ulo, at iba sa
“pangúlo” o presidente)
tsap-istík (kahit isang salita ang orihinal na
chopstick)
brawn-awt (kahit isang salita ang orihinal
na brownout)
Ngunit ginagamitan ng gitling ang salita kahit
nagtatapos sa patinig ang unang pantig kapag
pangngalang pantangi ang kasunod:
Hal: pa-Mandaluyong, ngunit pahilaga
taga-Itogon, ngunit tagalungsod
maka-Filipino, ngunit makalupa
At kapag salitang banyaga at nása orihinal na baybay
ang kasunod:
Hal: pa-cute, ngunit pakyut
ipa-cremate, ngunit ipakrimeyt
maki-computer, ngunit makikompiyuter
4. Ginagamit ang gitling sa mga bagong tambalang
salita, gaya sa sumusunod:
Hal: lipat-bahay bigyang-búhay
bagong-salta pusong-martir
amoy-pawis
5. Iwasan ang “Bigyan-”.Magtipid sa paggawa ng
tambalang salita, lalò’t hindi kailangan. Isang bisyo na
ang pagdurugtong ng anumang nais sabihin sa bigyan-
gaya sa
 “bigyang-pugay” samantalang puwede naman at
mas maikli pa ang magpugay
 “bigyang-parangal” samantalang puwede itong
parangalan
 “bigyang-tulong” samantalang higit na idyomatiko ang
tulungan
 “bigyang-pansin” ay puwede nang pinansin
6. Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras
at petsang may ika-gayundin sa pagbílang ng oras, numero
man o binabaybay, na ikinakabit sa alas- gaya sa
sumusunod:
Hal: ika-8 ng umaga, ngunit ikawalo ng umaga
ika-9 ng Marso, ngunit ikasiyam ng Marso
ika-100 anibersaryo, ngunit ikasandaang
anibersaryo
alas-12 ng tanghali, alas-dose ng tanghali
alas-3 ng hápon, alas-tres ng hápon

Tandaan: Laging binabaybay ang oras na ala-una.


7. Ginagamitan ng gitling ang salitang may unlaping
de- mula sa Espanyol na nangangahulugang “sa
pamamagitan ng” o “ginawa o ginagamit sa
paraang.”
Hal: de-kolór de-máno
de-kahón de-bóla
de-láta de-bóte
8. Ginagamitan ng gitling ang salitang pinangunguhan
ng di (pinaikling hindî) at nagkakaroon ng kahulugang
idyomatiko, tila kasabihan, malimit na
kasalungat ng orihinal nitó, at malimit na may
mapagbiro o mapang-uyam na himig.
Hal: di-mahapáyang-gátangdi-mahipò
di-maitúlak-kabígin di-mahúgot-húgot
di-kágandáhan di-maliparáng-uwák
9. Ginagamitan ng gitling ang mga apelyido ng babaeng
nag-asawa upang ipakita ang orihinal na apelyido noong
dalaga pa.
Hal: Carmen Guerrero-Nakpil
Gilda Cordero-Fernando
Genoveva Edroza-Matute

Kapag ginamit ang anyong ito sa lalaki, gaya sa kaso ni


Graciano Lopez-Jaena, ang apelyido pagkatapos ng gitling
ang apelyido sa ina. Kung iwawasto alinsunod sa praktikang
Espanyol, ang dapat sanang anyo ng pangalan ng dakilang
Propagandista ay Graciano Lopez y Jaena.
10.Ginagamitan ng gatlang en (en dash) ang panahong
sakop o saklaw ng dalawang petsa.
Hal: 1882–1903 (Panahon ng Patinding Nasyonalismo)
23 Hulyo 1864–13 Mayo 1903(Apolinario Mabini)

Gatlang en din ang ginagamit kapag nawawala ang


pangwakas na petsa ng isang
panahunan, gaya sa:
Hal: 1870– (hindi tiyak ang petsa ng kamatayan)
11. Ang mas mahabà, ang gatlang em(em dash), sa halip
na gitling, ang dapat gamitin kapag ibinitin ang daloy ng
pangungusap at may idinadagdag na impormasyon sa
loob ng isang pangungusap.
Hal: Napalingon ako—at nanlaki ang matá—nang
makita siyá.
Kailangan ng taumbayan ang anumang tulong—
pagkain, damit, higaan, malinis na palikuran, tubig,
atbp.
Inaalis ng mga tuntunin
ang hindi kailangang lumang
tuntunin at hindi kailangang
baryasyon para sa higit
na madaling gamitin
ang ortograpiya.
ABANGAN ang susunod
na kabanata sa pagsulong
ng wikang Filipino bilang isang
wikang pambansa
at pandaigdig.
MGA BATAYAN
• KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 34, s. 2013
(Ortograpiyang Pambansa)
• KALATAS MULA SA TAGAPANGULO NG
COMISSION ON HIGHER EDUCATION (July 30,
2013)
• 2014 EDISYON NG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA
Maraming salamat .

You might also like